KATHRYN’s POV
“Ano ba? Bakit mo ba ako kinakaladkad?” Narinig kong pagmamaktol ng isang pamilyar na boses sa malayo.
“Anong ginagawa mo rito?” Isa na namang pamilyar na boses ng isang lalaki. Maya-maya’y narealize ko na kung kani-kaninong boses yun. Anong ginagawa nila? Bakit magkasama sina Sam at Bea? Is there any problem? Nakita ko sa mga mata ni Sam kanina ang kakaibang emosyon sa pagdating ni Bea. Anong ibig sabihin noon?
“Masama ba?” Sa sobrang pagtataka, pinili kong sundan ang dalawa. Alam kong mali ang makinig sa pribadong usapan nila kaya lang there is something that urges me to do so.
“You told me that you will come back home next week. Are you insane?” Galit si Sam. Hindi ko alam kung bakit ganun na lang ang reaksyon niya.
“Hindi ba pwedeng dalawin ang kuya ko dito?” Kuya. Siya ang kapatid ni Sam. Si Bea ang matagal ng binabanggit sa akin ni Sam na kapatid niyang nasa… teka. Sabi ‘di ba ni Sam, nasa France ang kapatid niya, pero ang sabi ni Bea, galing siyang America? How come…
“I never failed to visit you there anyway. What is the real reason kung bakit ka pumunta dito sa ‘Pinas?” Seryosong tinig. Alam kong seryoso si Sam sa pagkakataong ito.
“Bakit? Ano bang reason ang pwede kong ipunta ditto, Kuya? Meron ba?” Nakita kong napatikhim ang labi ni Sam.
“W-wala…”
“Oh baka naman, may itinatago ka sa aking lihim, Kuya?”
“Anong lihim?! Baka naman ikaw ang may hidden agenda, Bea.” Biglang nag-iba ang ihip ng hangin ng inemphasize ni Sam ang salitang “hidden agenda”.
Hindi ko alam kung saan patungkol ang mga pinag-u-usapan nila ngunit sigurado akong may kakaiba sa kinikilos nilang dalawa. Alam kong may lihim silang dalawa na itinatago. Pero sino ba naman ako para alamin ‘yun? Isa pa, kung si Bea ang kapatid ni Sam, malamang, siya’y isa sa kanilang mga immortal.
“Hidden agenda.” Narinig ko ang kaunting hagikhik mula kay Bea, isang tawa na tila may kakaibang sangkap na emosyon. “You should be aware of what you are saying, Kuya Sam. Baka nga meron.”
“May kinalaman ka ba sa nangyari kay Quen?” Dali-daling tanong ni Sam. Kahit ako nagulat. Bakit niya naitanong ‘yun bigla?
“What are you talking about? What happened to him? And what on Earth would you think that I have a connection with that?!” Gulat na sagot ni Bea.
“Bea, I sensed you that time. I know you were there. And only you have that ability. You know that I am the only one who knew about that.” Nagulat ako sa tinuran ni Sam. Hindi malinaw sa akin kung ano ba talagang nangyari kay Quen. Basta sinabi na lang nila sa akin na wala na si Quen. Iniwan na raw sila nito. Pero hindi ko maalis sa isipan ko na ganoon na lamang kabilis ang mga pangyayari. May alam kaya si Sam?
Isang ngiti ang isinukli ni Bea. “Wala akong kinalaman.” Tumalikod naman siya sa kanyang kapatid. “Look, I even don’t know what happened to him either.”
“Bea.” Tawag ni Sam na tila nag-a-alala. “Please, don’t make any move na maaaring sumira sa mga plano. Parang awa mo na. I can’t lose you. I can’t even lose them, too. Even Kath. Nakakapagod na ang paulit-ulit na misyon na ito.”
“Don’t worry. I won’t. Sisiguraduhin kong hindi ako makikialam at walang makakaalam. Pangako ‘yan kuya.”
“I’ll keep your promise, Bea.” Unti-unting lumapit si Sam kay Bea at niyakap ang kapatid. Nakita ko naman kung paano ibinalik ni Bea ang yakap kay Sam. “I missed you.”
“I missed you, too.” Replied Bea in a sincere tone. “Another thing. There is another one that I would tell you.”
“What?” Sagot naman ni Sam. Halatang nagulat siya.
“Nobody will know about these things not unless…” Napapitlag ako ng biglang naaninagan kong tumingin si Bea sa direksyon kung nasaan ako ngayon.
“What?” Pati si Sam napatingin na rin.
“Not unless, may nakikinig sa conversation natin ngayon.” Bigla na lamang akong hinila ng mga paa ko paalis ng lugar na ‘yon. I don’t know pero I feel very strange right now. Narinig ko ang mga yabag ng paa nina Sam at Bea. Mabuti na lang at nakatakbo ako kaagad.
What’s with them? Ano bang nangyayari? Mula nang nalaman ko ang tungkol sa kanila, tila hindi na naging kumportable ang mga bagay sa buhay ko. Anak ng sampung baka naman oh. Kung sana andito si …
“Daniel.” Napabuntong-hininga na lang ako. Malungkot pa rin ang paligid. Napansin kong hindi na ako talaga naabutan nila Sam. Nagulat na lamang ako ng pumitik sa isipan ko na dinala pala ako ng aking mga paa sa garden.
“Wala akong gagawin kundi ang protektahan ka, Kath. Hinding-hindi ko hahayaang may manakit sa’yo. Tanggapin mo man o hindi ang pagmamahal ko, wala akong pakialam. Basta alam ko sa sarili kong mahal na mahal kita.”
“Po-protektahan ako? Paano? Eh bigla ka ngang nawala eh. Paano kung sa mismong lugar na ito biglang may manakit sa akin? Nasaan ang promise mo? Ang unfair mo, Daniel! Ang unfair mo!” Ewan ko ba sa sarili ko. Pinag-iinitan ko ang mga damo sa paligid.
“It’s ok if you disagree. Gusto ko lang malaman para hindi ako magmukhang tanga sa paghihintay sa iyo. Sabi mo kanina, mahal mo ako, does it mean…”
“I really love you, Daniel. But can you still give me some time? Hindi sa akin madali ang mga ganitong bagay. Please?”
“Your wish… is my command. Maghihintay ako. Maghihintay ako sa sagot mo.”
Napahiga na lamang ako sa damuhan. “Sana kasama kita ngayon, Daniel. Eh di sana masaya na tayo ngayon. Sana tinanggap ko na kaagad ang alok mo. Sana sinabi ko kaagad na mas mahal kita. Masakit eh.” Pumapatak na naman ang mga luha sa aking mukha. Lintik na puso. Ilang beses ba akong pahihirapan nito?
Kitang-kita ko ang asul na kalangitan habang unti-unti kong pinipikit ang aking mga mata. Kaso, wala eh. Si Daniel at si Daniel pa rin. “Sabi mo di ba sa akin, maghihintay ka? Nangako ka di ba?” Bulong ko sa aking sarili. “Ngayon, ako naman ang mangangako sa parehong lugar. Hihintayin ko ang pagbabalik mo. Kahit anong creature ka pa. Kahit maging bampira ka ayos lang. Sana lang, sa mga oras na ito, nasa isang ligtas kang lugar. Alam mo, miss na miss na kita. Nagaalala pa rin sila Tito at Tita sa’yo. Bumalik ka na. Pero… pinapangako ko sa iyo, hihintayin kita.” Naramdaman ko ang huling luhang bumagsak mula sa aking kaliwang mata bago pa man ako panawan ng malay at tuluyan ng nakatulog.
“Kath.” Isang pamilyar na boses ang tila yumuyugyog sa akin.
“Kath.” Unti-unti kong naramdaman ang mga brasong kumukulong sa aking katawan. Ramdam ko ang init ng kayang paghinga sa aking noo. Ramdam ko ang kanyang katawan na nakadikit sa akin.
“D-Daniel…” Hindi ko pa iminumulat ang aking mga mata pero nabanggit ko na kaagad ang kanyang pangalan.
“Ako nga Kath. Kamusta?” Nakangiti siya sa akin. Maaliwalas ang kanyang mukha.
Hindi ko mapigilang mapaluha. Sana totoo. Sana totoo. “Totoo ba ito?”
“Sorry, Kath. Hindi ako maaaring tumigil sa tabi mo. Ayokong mapahamak ka. Alam kong mahirap ito pero kailangan nating maghintay pareho. Tandaan mo parating mahal na mahal kita, Kath.”
“Hindi ko maintindihan, Daniel. Bakit?”
“Mahabang kwento. Basta kahit wala ako sa tabi mo, lagi mong tatandaan na lagi akong nakamasid. Hinding-hindi kita iiwan.”
“Daniel.” Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya. “Sana totoo ito. Sana hindi ito panaginip.”
“Kath, always remember to take care of yourself. Wag na wag mong hahayaang tapusin ka ng lungkot. Wag mo akong alalahanin. Tandaan mong nag-aalala ako sayo. Kapag malungkot ka, malungkot ako. Kapag masaya ka, ganun din ako. Kaya please, get the old Kath back. Please…”
“Oo, Daniel. I will promise.”
Nanatili kaming magkayakap. Hindi ko pinalalagpas ang bawat pagkakataon. Masaya ako na kahit sa panaginip, nakita ko si Daniel. Mas lalo ko ngayong napatunayan na mahal na mahal ko siya.
“Kailangan ko ng umalis, Kath.”
“Pero…”
“Hawakan mo ito.” Isang kwintas ang ibinigay niya sa akin. A gem was placed at the middle of the snowflake-shaped pendant. “Kapag naaalala mo ako, pumikit ka lang at hawakan ito. Darating ako. Ipinapangako ko iyan.”
“Daniel.”
“Mag-i-ingat ka, Kath.” Hindi ako pwedeng mamalikmata.
Hindi ko na nagawang magsalita muli after I saw his ocean-blue eyes turned into red.
“Sana kapag bumalik na ako, tanggap mo kung ano ako. Paalam, Kath.”
At bigla na lamang akong nagising mula sa pagkakahimbing. May kung anong saya ang naramdaman ko. Sa paglingon ko sa paligid, napagtanto kong magdidilim na pala. Pauwi na rin ang mga estudyante ng grande. Nung akma akong tatayo, napansin kong may nahulog mula sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.
It was the necklace. The same necklace I dreamed a while ago. Now a question toggled in my mind… is that really a dream?
=============================
A/N: Totoo na ito. Go na go na. hahaha. Tapusin na natin ang lahat ng nasimulan. :D :D :D
TOTOO NGA KAYA? TINGIN NIYO?