Nasaan Ang Ibon ni Yvonne? (K...

By ForcingLaughter01

4.7K 200 56

A self-made rising painter, Yvonne, decided to do one thing before her age says goodbye to the calendar. That... More

Nasaan Ang Ibon Ni Yvonne?
Wan
Tu
Tri
Por
Payb
Siks
Seben
Eyt
Nayn
Ten
Eleben
Tuwelb
Tertin
Piptin
Sikstin
Sebentin
Eytin
Nayntin
Tuwenti
Tuwenti-Wan
Tuwenti-Tu
Tuwenti-Tri
Tuwenti-Por
Tuwenti-Payb
Tuwenti-Siks
Tuwenti-Seben
Tuwenti-Eyt
Tuwenti-Nayn
Terti

Portin

131 7 0
By ForcingLaughter01



Kung alam ko lang na sobrang ganda nitong secretary ni Tyrone, edi sana nagpaganda ako ng malala. Pero dahil masama ang pakiramdam ko kagabi, nadatnan ako ni Tiana na nakasuot lang ng T-shirt at magulo ang buhok.


"Are you sure you don't need anything?"


"Yes." Medyo away rin ang bibig ko dahil di pa ako nagsisiplyo. Maski hilamos wala nga eh. Nagising na lang ako kanina sa katok niya. "I just..." shit paano ba ako mage-english nito? Wala pa akong kain kaya di gumagana English factory sa utak ko. "I just received some bad aura yesterday but I'm okay now. Please do tell your boss there's nothing to worry."


"Okay, Maam."


"Ahm, pakisabi rin na ano..." Ayan na nga ba ang sinasabi ko kapag nauubusan ako ng English. "na wag ka nang papuntahin dito." Mukha siyang natakot na nagulat. "No! Not because I hate you or I don't want to see you, but because this is not part of your job's decription. Hayaan mo, papagalitan ko si Tyrone kapag bumalik na siya. You're his secretary, not a personal alalay."


Ngumiti lang si Tiana, pero parang nahiya siya. "Copy, Maam. I have to go, Maam."


"Si-sige. Pakisabi thank you sa prutas."


Napahinga ako ng malalim pagkasara ng pinto. "Golay! That was so unexpected!" Dali-dali akong tumakbo sa tapat ng salamin para tignan yung hitsura ko. Aside from my ugly eyes (due to heavy crying last night), I still look beautiful. 


Parang si Aphrodite lang. At ang sexy ko pala pag lose shirt lang ang suot ko. Samahan mo pa ng buhok na magulo. Magandang magulo.


Pak. Ako na ang Reyna ng bed look.


"What do you mean, not good enough?" Tanong sa akin ni Mrs. Mendez. Napatayo siya sa inuupan nyang couch dito sa studio. "You are an artist, Yvonne. Don't say that you aren't good enough."


"I just don't know how to react when you told me I am going to paint your family! Pwede naman kasing family picture ang idi-display sa bahay diba? Bakit ho naisipan niyong painting?" Napapakagat ako ng labi sa mga sinasabi niya.


So much pressure is running through my veins right now.


"Yvonne. I know you can do this one. I know you are pressured. Ganito na lang ang gawin natin, okay? Someone will take a photo of us at yun ang kokopyahin mo. Okay?"


"Okay." Sabi ko. "I'll do it."


"Thank you, thank you so much. I know you won't say no." Niyakap ako ni Mrs. Mendez. "We have another problem, I guess." Sabi niya. Napakalas ako ng yakap sa kanya.


"Ano ho yun?"


"You see, our family photographer is away until next month. Now, kung mayroon kang maisa-suggest na photographer, the sooner the painting will be finished."


"Sige ho, maghahanap ako."


"Sige, call me when you find one. I've got to go, Yvonne. Thank you for doing this for me."


Napangiti ako. "Thank you, Mrs. Mendez."


May papel na naman sa sahig ko pagpasok ko ng apartment ko. Lawrence. Pinulot ko yung papel (na sobre pala) at nakita yung mga pictures ko na kinuha niya noon. Then his letter.


Goodmorning, Miss Deladia.
Life is beautiful, like your smile.
-- Lawrence


Hindi ko alam pero this is a first time na napangiti ako ng letter niya. Siguro ito lang kasi yata yung letter niya na hindi nagyayaya ng date? Ewan.


Lawrence. Naalala ko na photographer pala siya! Dali-dali kong kinuha yung phone ko at tinawagan siya. Dalawang ring lang sumagot na siya. "Hi. Good morning." Sabi ko.


"Goodmo—Miss Deladia?"


Alam ko na kung ano yung kinaiinisan ko sa kanya. First, yung pagkakulit niya. Pangalawa, itong pag-address niya sakin ng Miss. Para akong matandang dalaga sa sinasabi niya. Well, thirty years old na ako. Pero tama bang isampal sa akin yon?


"Yvonne na lang, please." Sabi ko.


"Wow. You got the photos? Good morning!"


"Yes, thank you." Here goes his energy again. "Listen, I called you because—"


"Can you wait for a few minutes? Uhm, just two to three minutes. Malapit lang ako sa apartment mo, babalik na lang ako dyan."


"No, this is just quick—"


Then I heard a knock on my door. I hang up and rolled my eyes.


"Hi." Bati niya habang hingal na hingal siya.


"Pasok ka." Sabi ko. Lalong lumaki yung ngiti niya tapos mabilis siyang pumasok. Huminga muna ako ng malalim. "Want some coffee?" Tanong ko.


"No, I'm fine. Ano nga pala yung sasabihin mo?"


"Photographer ka diba?"


Tumango siya. "I'll be free. Kahit hindi mo na ako bayaran—"


"No. My client wanted me to paint her and her family. The plan is, someone has to take a photo of them, para yun na lang yung kokopyahin ko. Say yes and I will call my client now to have everything settled."


"Yes. Hell yes."


"Okay." I dialed Mrs. Mendez' number. Nakangiti pa rin si loko nung natapos na kong makipag-usap sa client. Binuksan ko na ulit yung pinto. A sign that he needs to go. "Saturday. 9 am sharp sa studio ko. Got it?"


"Yes." Nakangiti pa rin siya nung lumabas siya ng apartment ko.


"Thank you." Sabi ko.


Goodmorning! Ready?


Bumungad yung text ni Lawrence pagkagising ko. I glanced at my clock on the table beside my bed. 11:30 am. Para akong robot na biglang tumayo sa kama ko. "Shit late na ko sa photoshoot!" Sigaw ko. 


Mabilis kong kinuha yung tuwalya at beauty rituals ko at tumakbo sa banyo. Nagbo-bold na ako nung tumunog ang phone ko. Tumakbo ako palabas. "Hello? Lawrence? Kanina ka pa dyan? Bakit di ka man lang kumatok!"


"Uhm, what?" Sagot niya. Ay ang bingi naman.


"Late na ako nagising kasi tinapos ko pa yung That Thing Called eh! Sorry na! Maliligo na ako. Give me five minutes, okay? Ako na lang ang bahala magpaliwanag kay—"


"Yvonne, bukas pa yung photoshoot. If you're thinking that today's Saturday, check your calendar again." Sabi niya habang natatawa. Nagtapis ulit ako tapos tinignan ko yung pesteng napakaliit kong kalendaryo.


Friday.


"Ahm, sige, salamat." Then I ended the call. Kainis. Tumunog ulit ang phone ko. "Hello? Okay na. Na-realize ko na kung gaano ako katanga. Satisfied? Tawa ka lang."


At tumawa nga siya. "Sorry, can't help it. Uhm, good morning."


"Morning. I'm going to hang up—"


"No, wait. This is one's quick. I was wondering if you could join me for lunch—"


"May gagawin ako eh. Bukas na lang after ng photoshoot. Bye." Pinatay ko na muna ang aking phone at rumampa sa banyo. Papalamigin ko muna ang nag-iinit kong ulo bago ko harapin ang isang magandang umaga.


Pero parang ayaw ng tadhana na maging masaya ako ngayong araw noong binuksan ko ang aking pintuan. Saktong pababa ng hagdanan galing third floor si bruhang Eurisse kasama ang kapatid ng kanyang jowa. 


Akala ko makakapagpahinga ako sa mga tao o bagay na mangaasar sa akin. Pero hindi pala.


"Kamusta naman ang pa-bagets mong get-up, ha?" Dali-daling lumapit sakin si Eurisse at niyakap ako. "Saan ang rampa mo, lola?"


"Ah, wala lang. Tatambay lang sa kung saan."


"Hi." Lumapit rin sa amin si Sky. Parang nawala yung badtrip ko nung nakita ko yung ngiti niya. Ito na naman ang kalandian side ko. Activated na naman. "Going somewhere?"


Ngiti lang ang sagot ko. Mukhang nakalimutan kong bitbitin yung English ko. Pwede bang bumalik sa apartment? Saglit lang! Bigla akong napaaray nung kinurot ako ni baklur sa tagiliran ko tapos tinitigan niya ko na para bang guilty ako sa child abuse. Kairita.


"Wala si Jordan nasa work. Kakain kami ng lunch sa labas. Wanna join?" Harot ni Eurisse tapos sinesenyasan niya ako na maghuhukay na siya ng libingan ko kapag hindi ako pumayag sa invitation niya. "Diba mas masaya pag kasama natin si Yvonne?"


"Yes, yes." Sky smiled so wide at me. "If that's okay with you?"


I found myself in a dilemma. Kinontak ko yung mga boses sa isip ko para tulungan nila ako kung ano ang gagawin ko. Yvonne, gusto mo ng lovelife hindi ba? Go for it!


Lovelife agad? Baka ma-siopao asado ka na naman.


Lunch lang naman! Walang harot included dahil may baklang aswang kayong kasama!


Baka um-activate A.N.A Sydrome mo. Assume Ng Assume Syndrome.


Gusto mo ng peace of mind, Yvonne, panggulo lang sila!


Kung hindi ikaw ang umasa, baka umasa ang lalaking yan! Baka possessive pa siya!


"Huy, lola, ano na?" Sabunot ni Eurisse yung nagpabalik sa akin sa mundo. "Niyayaya ka lang ng lunch, yung hitsura mo para namang nagdedesisyon ka over life and death?"


"Sama na ko." Inirapan ko na lang siya ng malala.


"Gora with Dora!"


Busog ako. Busog ako. Pero bakit feeling ko parang ang empty ko pa rin? Pagkatapos nung lunch with baklur and Sky, nagyaya silang lumakwatsa pero hindi na ako sumama. 


Hindi na rin ako nagpahatid pauwi dahil hindi naman ako sobrang maralita na walang pan-taxi. Bumili ako ng beer tapos nagmoment muna ako ng sandali sa labas ng apartment ko.


Pero dahil pinapapak ng lamok ang butihing legs ko, pumasok ako sa loob ulit. Hindi naman ako malungkot (tapos na ako sa stage na yon nung nakaraan pa), hindi rin ako heart broken (kakatapos lang rin), pero bakit ganito yung feeling ko? 


Lagi akong iritado sa buhay ko at hindi ako nakakatawa ng wagas nitong mga nakaraang araw?


Napahawak ako sa tiyan ko. Am I pregnant?


Biglang lumakas yung kabog ng dibidib ko. Paano ako magiging buntis eh wala naman akong boyfriend! Heck, wala pa nga akong nagiging boyfriend at virgin pa ako— ni wala pa nga akong nakakatabing lalaki sa kama—


Maliban na lang nung mga panahong nandito si...


"Tyrone!" Hinagilap ko yung cellphone ko sa bag ko at tinawagan ko agad siya. Pawis na pawis ako at nakaramdam ako ng hilo bigla. Yvonne, isa lang to sa sign na buntis ang isang babae. Kapang nahihilo ka ng walang dahilan.


Naiiyak ako. Paano kung ni-rape ako ni Tyrone noong nalasing ako? Paano kung nagsinungaling siya sakin? Shit naman! Paano kung—


Dumeretso ako sa lababo at nagsuka ng napakarami. Lahat yata ng nakain ko kanina nung tanghali na-withdraw ko na. Lalo akong napaiyak.


Hindi pa ako handa. Hindi pwede. Hindi naman ako pananagutan ni Tyrone eh!


"Hello, Yvonne?" Boses ni Tyrone sa phone yung narinig ko. Napaupo ako sa sahig at napasandal sa ref. Ano kayang magagawa ko sa kanya kung totoong pinagsamantalahan niya ako nung gabing wala ako sa sarili ko?


"Tyrone, nasan ka?" Hindi ko mapigilan yung luha ko.


"London. Alam mo bang malaki ang charge kapag tumawag ka—"


"Gago ka." At ayun, ngumawa na ako. "Gago ka, Tyrone!"


"Wha—Why? What happened?"


"Buntis ako!" Sabi ko. "Buntis ako, Tyrone."


Akala ko binabaan niya ako kasi wala akong marinig na kung anuman sa cellphone ko. Pero baka wala lang talaga siyang masabi. "What?"


"Sinabi nang buntis ako eh!"


"How—what—who?"


"Ikaw, malamang! Sino pa ba yung tatay nito! Gago ka ba talaga?!"


'What the fuck are you saying, Yvonne?"


"Punyeta ka! Ni-rape mo ko! Ngayon buntis na ako at ikaw ang ama! Kung ayaw mong panagutan wala akong pakialam! Magkikita tayo sa korte pagbalik mo dito!" Tapos nun hinagis ko na yung phone ko.


--

#UnderTheInfluenceOf #DrugsNotBeer

Continue Reading

You'll Also Like

633K 14.4K 32
Rome is just a normal hard working girl but thing change when she became a mother to her orphan niece. When she thinks everything is perfect, the tru...
75.4K 1.2K 12
Linus Morgan is a billionaire business tycoon. Born with a golden spoon in his mouth, he grows up that most of the people in society respect him and...
1M 33.3K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.8K 311 13
❝My pain was enough reason to change and choose myself this time.❞ Triumph University College Series 01 [COMPLETED] *** Date Published: May 16, 2021 ...