He's Dating a Panget - (On Ho...

By abjcastle28

2.8K 87 60

Nagkatuwaan na naman ang BAD LUCKS, isang wannabe gangster group sa buong eskuwelahan ng Pinagpala National H... More

He's Dating a Panget
Prologue
Unang Kabanata
Ikalawang Kabanata
Ikatlong Kabanata
Ikaapat Na Kabanata
Ikalimang Kabanata
Ika-Anim Na Kabanata
Ika-Pitong Kabanata
Ika-Walong Kabanata
Ika-Siyam Na Kabanata
Ika-Sampung Kabanata
Ika-Labing Isang Kabanata
Ika-Labing Tatlong Kabanata
Ika-Labing Apat Na Kabanata
Ika-Labing Limang Kabanata
Ika-Labing Anim na Kabanata
Ika-Labing Pitong Kabanata

Ika-Labing Dalawang Kabanata

55 4 0
By abjcastle28

IKA-LABING DALAWANG KABANATA                    

“Good afternoon, Sir, Good afternoon, ma’am.” Ang bati sa kanila ng isang sales receptionist na lumapit sa kanilang dalawa nang pumasok sila sa Blue Eye Wears Collections.

“Good afternoon ‘din,” ganting-bati ni Apollo sa babae.

“What I Can do for you, Sir?” ang tanong ng babae kay Apollo.

“I-assist ninyo siya, Miss, hanapan ninyo ng bagay na contact lens sa kanya.” Utos ni Apollo sa  babaeng lumapit sa kanila.

“Yes, sir,” ang sabi ng babae sa kanya saka hinila si Liya. “Dito po, tayo Ma’am,” Iginiya si Liya ng babae doon sa malaking estante kung saan naroon ang iba’t ibang klase ng contact lens.

“Mukhang ang mamahal dito, Apollo,” ang wika ni Liya.

“Kaya kong bayaran ‘yan , okey,” ani Apollo. “Sige na, mamili ka na diyan.”

“Akina ‘yang eye glasses ninyo, miss,” sabi nung babae at inabot ni Liya ang kanyang eye glasses sa babae. “Makapal pong masyado ang lens na gamit ninyo, talagang lalabo ang mata ninyo kapag ganito, Miss,”

“Ah, eh, ‘yan lang ang nakayanan ko kasi eh, libre lang kasi iyan sa health center,” ani Liya.

“Well, maganda pala ang mata ninyo, Ma’am kahit hindi kayo maganda,” ang wika ng babae.

“Gusto mo ng sapak, Miss,” pinagkuyom ni Liya ang kanyang palad saka iniamba sa babae.

“Hindi na kayo mabiro, Ma’am,” nakangiting wika ng babae. “Coffee brown po ba ‘yang kulay ng mata ninyo?”

“Hindi! Chesnut brown,” sabi ni Liya. “Umayos ka ah,”

“Yes, Ma’am,” nangingiting sabi ng babae kay Liya. “Well, eto, Miss, babagay sa inyo ito,” inilabas ng babae sa estante ang isang napiling contact lens.

“Magkano ‘yan, Miss?” ang tanong ni Apollo.

“Two thousand po, Sir,” ang sabi ng babae kay Apollo.

Nanglaki ang mga mata ni Liya. Ang mahal naman ng contact lens na bibilhin ni Apollo. Dalawang libong piso para lang sa isang pares na contact lens.

“Oy, Apollo, wala akong pambayad sa’yo ng ganyang kalaking pera ‘no?”

“Regalo ko ‘di ba?” tanong ni Apollo sa kanya. “Kaya ‘wag ka nang umangal, sumunod ka na lang, okey,”

“O-Okey,” ang nasabi na lang ni Liya. Okey, pera naman niya ang ipambibili eh. Eh,  bahala siya! Anang bahagi ng isip ni Liya.

Iniabot ni Apollo ang isang credit card sa babae. Agad naman itong kinuha ng babae. Nag-punch na ito sa cashier.

“Di ko alam gamitin ito,” ang sabi ni Liya kay Apollo.

Sumingit ang babae. “Naku, Ma’am, madali lang po siyang gamitin. I-try na po natin na isukat sa inyo,”

“S-Sige ho,” ani Liya na nagpasunod na lang sa ginagawa ng babae. “Saka, huwag ho kayong mag-alala, Ma’am, me instructions naman na nakalagay sa lalagyan eh, madali lang po siyang intindihin,”

Tiningnan ni Liya ang intructions sa likod ng lalagyan. “Eh, English ‘yan, Ma’am eh, mahina po ako sa inglesan,” nahihiyang sabi pa niya sa babae.

“Ay ganito po ‘yan, Ma’am.” Saka isa-isang ipinaliwanag ng babae ang instruction ng pagsusuot ng contact lens. Matapos ang ilang minuto ay naisuot na ni Liya ang contact lens. “Ayan, Ma’am, tingnan ninyo po, ang ganda po. Bumagay sa  mata ninyo ‘yung napili nating contact lens,” Iniabot kay Liya ang isang salamin.

Pinagmasdan ni Liya ang sariling repklesyon sa salamin. Bumagay nga sa kanya ang contact lens na pinili sa kanya ng babae. Ang ganda-ganda na nga ng mata niya. Mata lang ngayon ang maganda sa kanya. Pero ganoon pa rin ang mukha niya. Magaspang ang balat ng pisngi niya. Marami kasi siyang black heads. Ang malapad niyang noo na natatakpan ng kanyang bangs. Ang maliit niyang ilong na pango na tadtad ng pimples. Ang isa pang maganda lang sa kanya ay ang manipis niyang labi na namana niya sa nanay niyang  maganda. Ang tenga niyang parang tenga ng daga. Sa medaling salita, panget pa rin siya. Pero at least, kahit paano’y may dalawang magandang parte ng kanyang mukha. Ang kanyang mga mata at ang labi niya.

“Nice job, Ma’am,” sabi ni Apollo sa babaeng nag-assisted kay Liya. “So, ngayon, tapos na ang first stage, next, second stage,”

“S-Saan naman tayo pupunta, aber?” tanong ni Liya.

“Halika,” sabay hila ni Apollo sa kanyang kamay. “Punta naman tayo sa isang beauty salon,”

“B-Beauty salon?” nanglalaki ang mga mata ni Liya. “Hindi ako bagay doon,”

“Don’t worry, okey, sabi ko nga sa iyo, ako ngayon ang Fairy Godfather mo,  Cinderella.”

“Wala kang originality,” sumimangot si Liya.

“Guwapo naman,” ngumiti si Apollo. “Halika, doon tayo sa ground floor, naroon ang pinakamahusay na Beauty Salon sa buong Pinagpala,”

Hila-hila pa rin ni Apollo ang kanyang kanang kamay. Pinagtitinginan na silang lahat ng ibang tao sa malls. Lalo na ang mga katulad din nilang mga estudyante. Merong mga estudyante, mula sa states colleges, technical school, lalo na sa kanilang eskuwelahan, sa Pinagpala National High School.

“Look, si Apollo Abrenica ba ‘yun ng Bad Lucks?”

“Sino ang kasama niya?”

“Bagong girlfriend ba niya ‘yan? Ang panget naman,”

“Is he dating that ugly girl? Ewwww! Kadiri naman ng taste ngayon ni Apollo. Malayo sa mga naging girlfriend niya.”

“Alam ba ‘yan ni Nada?”

“Napakasuwerte naman ng panget na iyan.”

“Oo nga, ka-holding hands pa niya si Apollo.”

“May sa mambabarang siguro ang babaitang iyan, kinulam si Apollo.”

“Nakakainggit naman ang panget na iyan,”

“Nakakainis! Mas hamak na panget pa ‘yan kaysa sa aken eh,”

“Uso ba ang panget ngayon?”

“Suwerte niya ah, nabingwit  ng mukhang janitor fish na iyan si Apollo.”

Tuloy-tuloy lang si Apollo sa paglalakad na hila-hila ang kanang kamay ni Liya. Binabagtas ngayon nila ang escalator pababa sa ground floor na kinaroroonan ng isa sa mga mahuhusay na beauty salon sa bayan ng Pinagpala.

“Huwag mo silang intindihin, okey,” ang bulong sa kanya ni Apollo. “Inggit lang sila sa iyo. Kasi ang isa sa pinakamapanget na babae sa buong eskuwelahan ng Pinagpala ay magiging maganda na simula bukas,”

“Alam kong panget ako, pero puwede bang huwag mong ipamukha sa akin,” mahinang angil ni Liya sa lalaki.

“Oo na, panget,” natatawang sabi ni Apollo na lumabi pa sa kanya.

“Putulin ko kaya ‘yang dila mo,” ani Liya.

“Halika na, malapit na tayo,” ani Apollo sa kanya.

Ilang minuto lang ay narating na nila ang kanilang destinasyon. Sa may dulo pa kasi ng ground floor ang kinaroroonan ng isa sa mahuhusay na beauty salon, ang APHRODITE BEAUTY SALON SINCE 1969. Dati ay nasa palengke ang salon na ito pero lumipat ito nang maitayo ang Mall of Pinagpala. Sabi pa nga, ayon sa kuwento ay sa Aphrodite Beauty Salon, unang nakilala at naging modelo nila ang dating beauty queen na Miss Universe 1969, si Ms. Gloria Diaz. Kaya nga siguro nanalo ito sa nasabing patimpalak dahil sa suwerteng dala ng beauty salon. Buhat noon, lahat ng nagpapaganda sa beauty salon na ito ay sinusuwerte.

“Ang mahal dito, Apollo, sana sa mumurahing beauty parlor na lang,” ani Liya sa lalaki.

“Ano ka ba,” singhal ni Apollo sa babae, “Nandito na tayo ‘no, don’t worry, kilala ko ang anak ng may-ari nitong si Pido, barkada siya ni Mommy, kaya matutulungan ka niya.”

“Si Pido? Kilala ni Pido ang Mommy mo?” ang tanong ni Liya. Narinig na ni Liya ang pangalan ni Pido, ang sabi ng iba’y pinakamagaling na beauty queen maker si Pido.

“Oo! Barkada sila ni Mommy noong high school sila.” Sabi ni Apollo. “Kaya, relax ka lang, magaling si Tito Pido, di ka niya pababayaan,”

Nang pumasok sa beauty salon si Apollo na kasunod si Liya ay magiliw na binati ito ng mga crew ng beauty salon. Meaning, kilala talaga si Apollo ng mga tauhan sa beauty salon.

“Magandang hapon sa’yo, Apollo, naligaw ka yata?” ang wika ng isang bading kay Apollo na abala sa pag-me-make up sa isang kostumer na matanda.

Sumaludo lang si Apollo sa bading. “Si Tito Pido?” ang tanong niya bading.

“Nasa loob ng opisina niya, Apollo,” ang sabi ng bading.

Nahihiya naman si Liya nang mga sandaling iyon. Na-a-out of place siya. Hindi niya alam ang sasabihin. Hindi niya alam ang gagawin. Para siyang human being na naligaw sa planetang Mars na pinaliligiran ng mga Martians.

“Uy, iba ito sa kasama mo, last month, Apollo,” ang sabi ng isang bading na may hawak na gunting at suklay. “Girlfriend mo ba ang panget na kasama mong’yan?”

Tumingin nang masama si Liya sa bading na nagsalita.

“Ay sorry, Miss, masyadong taklesa ang bibig ko,” saka tumawa ito. “Imposible nga palang maging gf ka ni Apollo.”

Natawa lang si Apollo sa sinabi ng bading. “Kaibigan ko lang po si Liya, hindi ko po siya gf. Kailangan po namin si Tito Pido,”

“Oy, mukhang narinig ko ang pangalan ko ah,” ang sabi ng isang malaking lalaki na lumabas mula sa isang pintuan. Nang makita nito si Apollo ay napatili ito. “Apolloooooooooooooooooooooo!”

Tinakpan ni Liya ang magkabilang tenga dahil sa lakas ng pagkakasigaw ng malaking lalaki. Sobrang laki kasi ng lalaking tumili na iyon. Sa tingin kasi ni Liya, mukhang nasa 6 foot ang taas nito. Ang laki pa ng katawan nito. Parang iyong mga lalaking kasali sa Body Building contest. Ang katawan nito ay para bang sa gorilya.

“Naku, ang inaanak ko, dinalaw ako ng paborito kong guwapong inaanak!” tuwang-tuwa ang malaking lalaki nang makita si Apollo. Pinamalita pa nito sa mga taong naroon sa  beauty salon.

“Tito, may kasama po ako,” ang sabi ni Apollo matapos makipag-beso-beso sa malaking lalaki. Ang katawan kasi ng lalaki ay parang sa mga sumasali sa body building. Ang laki-laki talaga.

“S-Sino ‘yan?” tanong ng malaking lalaki na mukhang gorilya sa tingin ni Liya. “Bagong katulong ninyo?”

“Tito naman,” natatawang sabi ni Apollo. “Di po namin siya, katulong,”

“Eh, kaano-ano mo naman ang panget na ito?” namilog ang mga mata ng malaking lalaki na mukhang gorilya. “Imposible namang girlfriend mo ito? Alam kong ‘di ka nag-gi-girlfriend na mukhang puwet ng kawali.”

Napasimangot si Liya. Nagsalubong ang dalawang makapal niyang kilay. Sobra na ito ah. Susungalngalin niya ang bunganga ng malaking lalaki na ito na mukhang gorilya once na ulitin pa ang salitang panget.

“Oy, panget, kaanu-ano mo ang pamangkin ko ah?” ang nakapameywang na tanong ng malaking lalaki na kamukha ng gorilya nang lumapit it okay Liya. Para pa siyang animal species na sinuri-suri nito. Hindi pa nakutento, inamoy-amoy pa siya.

“Amoy kulangot!” ang sabi ng malaking lalaki na mukhang gorilya na tinakpan ng palad nito ang ilong. “Naliligo ka ba, iha?”

“Oy, Apollo, uupakan ko na ang bakulaw na ito kapag hindi tumigil sa panglalait,” ani Liya kay Apollo na hinigit ang polo uniform nito.

“A-Anong sinabi mo?” ang namimilog ang matang tanong ng malaking lalaki na mukhang gorilya.

“Sabi ko, bakulaw,” ang sabi ni Liya na sumimangot sa lalaki na mukhang gorilya. (Pasensiya na, paulit-ulit kasi ‘yung sinasabing malaking lalaki na mukhang gorilya eh.)

“What?” gulat na sabi ng lalaki “Ako, bakulaw?” sabay turo nito sa sarili.

“Oy, Apollo, tinawag niya akong bakulaw,” sabi ng lalaki na naglabas ng panyo sabay punas sa mukha nito. As if merong nahuhulog na luha sa mga mata nito.

“Liya, hindi siya bakulaw,” sabay hila ni Apollo sa braso ni Liya. “Siya ang tito Pido ko.  Actually, he’s my ninong.”

“Correction! Ninang!” sabay irap nito kay Liya.

“Okey, siya ang Ninang Pido ko,” ang sabi ni Apollo kay Liya. Well, sino nga naman ang hindi nakakakilala kay PIDO na number one beauty queen maker.  Pero hindi akalain ni Liya na ang PIDO ay isang malaking bading. Ang alam niya ay maliit na lalaki ito na guwapo pero bakla. Pero nagulat siyang talaga na malaman  na malaking lalaki ito na mukhang gorilya. Well, kung nakita ninyo si King Kong, ganoon ang hitsura ni Pido, minus the balahibo.“Ang buo niyang pangalan ay Cupido Zuma.”

“Anak ni Zuma? Galema?” pa-corny-ing sabi ni Liya.

“Joker kang panget ka ah,” ang sabi ni Pido kay Liya na pinitik ng daliri nito ang noo ni Liya.

“Ouch!” sabi ni Liya. Linsyak ka, Liya, english ‘yun ah. Imbes na aray lang ang sabihin mo eh, anang bahagi ng isip ni Liya. Nakakagulat naman kasi ang bakulaw na nasa harapan niya eh. Mas panget pa sa kanya.

“Kung makapanglaet naman kayo, parang hindi kayo pa --,” ang sabi ni Liya.

Tinakpan ni Apollo ang bibig ni Liya bago pa niya mabigkas ang huling salita. Sagrado kasi ang salitang panget na patungkol sa tito Pido niya.

“Ang ganda ninyo raw, Tito Pido, ‘yun ang gustong sabihin ni Liya,” natatawang sabi ni Apollo.

“Well, bakit ka pala napasugod dito, ha, inaanak ko?” tumaas ang isang kilay ni Pido.

“Hihingi po kami ng tulong sa inyo, tito.” Ang sabi ni Apollo.

“Ano naman ‘yon, aber?”

“Pagandahin ninyo si Liya,” ani Apollo.

“WHAT?” nanglalaki ang mga mata ni Pido sa narinig. “Apollo, iho, nagpapaganda ako, hindi ako salamangkero! Di ko kayang pagandahin ‘yan,”

“Tito naman eh,” sabi ni Apollo na sumimangot.

“Joker din pala itong tito mo eh,” ani Liya.

“Alam kong kaya mong pagandahin siya,” ani Apollo. “Marami ka nang panget na napaganda ‘di ba?” Talaga bang i-emphasized ang salitang PANGET?

Napahawak si Pido sa kanyang baba. “Hummmm, mukhang overhaul ang kailangan niya.”

“Ano ko kotse?” sumimangot si Liya sa narinig.

“So, meaning, mapapaganda mo siya, Tito?”

“Ako pa! Ako ang pinakamagaling na beauty queen maker sa buong bayan ng Pinagpala o sa buong Pilipinas pa. Kayang-kaya ‘yan!” pinagsalikop pa nito ang dalawang palad.

“See, sabi ko na eh, matutulungan tayo ni Tito Pido eh, “ nakangiting sabi ni Apollo sa kanya.

“He he he, sana nga.” Napipilitang ngumiti ni Liya sa lalaki. Wish niya lang, gumanda nga siya. Para naman bumagay na siyang tuluyan kay Mamoru Kitagawa. Well, ganoon naman talaga di ba? Ang isang guwapo, bagay sa isang maganda. Kaya kinakailangan niyang maging maganda para bumagay kay Mamoru.

“Sisimulan na natin…” ani Pido na may hawak na suklay at gunting.

ABANGAN….

Mapaganda kaya ni Pido  si Liya Escabeche?

Ano ang mangyayari kay Liya sa kamay ni Pido?

Babagay nga kaya si Liya kay Mamoru?

Magkano ang magagastos ni Apollo sa pagpapaganda kay Liya Escabeche?

Abangan ang lahat nang iyan sa gumagandang mga eksena sa nobelang ito na gawa ng makulet na tamad na author nitong “He’s Dating a Panget”

 Epal's Note:

Commercial break po muna!

Well, uulitin ko, ORIGINAL STORY KO PO. Huwag ninyo po siyang ikumpara sa ibang kuwentong nabasa ninyo na sa WATTPAD. Maybe, iisa po ang theme or idea namin. Pero magkakaiba po kaming magkuwento. Saka, ako, una pa lang, sinabi ko nang na-inspired ako sa mga gawa ni ( *Insert the name ng dalawang sikat na authors). Basta ako, natutuwa po ako na nasusulat ko siya sa paraang gusto ko. Salamat po sa mga nagbabasa, kahit hindi pa umaabot sa isang libo. Ha ha ha! O, siya, sige na, magmamakaawa ako, ipabasa ninyo sa mga friendship ninyo ang kuwentong ito. Humihingi rin ako ng comments and reaction. :D

Bye for now... sige na , click mo na yung next.....

Continue Reading

You'll Also Like

9.6M 291K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
56.9K 3K 25
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
1.9M 74K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.