Ika-Labing Tatlong Kabanata

76 4 0
                                    

Epal's Note:

Ayan! Last post ko muna ito ng "He's Dating a Panget," sana, sipagin ako mamaya para makapag-type uli ng manuscript. Hindi po biro kasi 'yung maghapon kang nag-ta-type tapos pinapagana mo yung utak mo para lang lumabas na maganda at hindi boring ang kuwento mo. (Well, sana po ay hindi kayo ma-bored)

Enjoy and keep reading guys!

IKA-LABING TATLONG KABANATA

INABALA NI APOLLO ANG SARILI SA PAGBABASA NG MGA MAGAZINE HABANG naghihintay na matapos ang pagpapaganda ng kanyang Tito Pido sa panget na si Liya. Naniniwala siyang mapapaganda nito nang bonggang-bongga si Liya.

"Apollo,  come here darling, " ang malanding wika ni Tito Pido na walang hanggang ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

"Yes,  Tito. " tumayo si Apollo at nilapitan ang bakla.

“The finish product!” ang tili ni Pido nang iharap niya si Liya kay Apollo. Akala mo lang ay pagkain lang si Liya na niluto.

Muntikan nang matumba sa kinatatayuan si Apollo nang makita si Liya. Hindi siya makapaniwala sa transformation na ginawa kay Liya. Halos hindi niya makilala ang babae sa taglay nitong hitsura ngayon.  Kung susuriing mabuti,  parang ibang tao ang kaharap niya ngayon.

“L-Liya?” gulat na wika ni Apollo. “Ikaw nga ba si Liya?”

"Oo! Ako nga si Liya 'no?  ang nakaismid na wika ni Liya na nameywang pa.  Akala mo ay isang prinsesa na nagpaikot-ikot pa.

"Sa talas ng dila mo,  di nga maikakailang si Liya ka, "  napapailing na sabi ni Apollo.  "I can't believe this. Pero nang makita ng dalawang mata ko... "

“See, napaganda ko siya. Napaganda ko siya, ” Ang natutuwang sabi ni Tito Pido na hindi mapigilan ang pagpalakpak. “Natakpan ng make-up ang kapangitan niya. Napaganda ko siya nang dahil sa kanyang make-up.” Malakas pa itong tumawa. Akala mo ay si Dr. Frankenstein na nakalikha ng bagong imbensyon sa katauhan ni Liya.

Lumapit nang mabuti si Apollo sa kinatatayuan ni Liya. Sinipat niya nang mabuti si Liya mula ulo hanggang paa. Hindi pa rin makapaniwala sa nangyari sa dalaga.

“Gumanda ka nga,” hindi makapaniwalang sabi ni Apollo.

“Oo nga! Maging ako sa sarili ko, hindi ako makapaniwala, Apollo.” Sabi ni Liya.

Well, malayong-malayo nga kasi ang hitsura ni Liya sa dati niyang anyo. Hindi na siya sobrang panget. Pangkaraniwan na ang kanyang hitsura. Masasabing hindi maganda, hindi naman panget. Kumbaga, average look na lang siya. Pero mapapansin ang simpleng kagandahan na taglay niya.

“Well, tinakpan ko muna ng make up ‘yung magaspang niyang mukha para kuminis. Gumamit din ako ng concealer.” Ani Tito Pido. "Pero kinakailangan niyang gumamit ng mga facial wash para kuminis at mawala yung mga blackheads niya. Tapos, gumamit din siya ng iba pang beauty products cream sa mukha para mawala ang pimples niya sa ilong. Saka, bilin ko pa sa kanya, kinakailangan niyang matulog nang maaga para, mawala yung kanyang mga tigidig. Well, yung malapad niyang noo, wala na tayong magagawa pa, kaya, inayos ko ‘yung bangs sa buhok niya. Natatakpan kasi nito ang malapad niyang noo. Well, natural na maganda naman ang eyes niya at ang lips niya kaya, binagayan ng pink lipstick ang labi niya. Kung mag-a-apply siya nito, huwag masyadong makapal sa labi para hindi naman pokpok ang dating."

“Okey, tatandaan ko po 'yung mga bilin ninyo,” ang sabi ni Liya.

“Isa pa, mas bagay ang kulot sa iyo,” ani Tito Pido. “Huwag mo na siyang ititirintas, magmumukha ka lang na anak ni Zuma,”

“Maganda ka na nga, Liya,” nangingiting sabi ni Apollo kay Liya. “Halos hindi nga kita makilalala eh,”

“S-Salamat,” ani Liya na namumula ang magkabilang pisngi dahil sa papuring tinanggap.  Maganda na raw siya,  sabi ni Apollo.  Ibig sabihin,  puwede na ring magandahan sa kanya si Mamoru niya.  Naku,  excited na rin kaya siyang makita ni Mamoru sa bagong anyo niya.  Baka ma-in love na rin sa kanya sa wakas ang sakang na iyon.

He's Dating a Panget - (On Hold)Where stories live. Discover now