Ika-Labing Dalawang Kabanata

55 4 0
                                    

IKA-LABING DALAWANG KABANATA                    

“Good afternoon, Sir, Good afternoon, ma’am.” Ang bati sa kanila ng isang sales receptionist na lumapit sa kanilang dalawa nang pumasok sila sa Blue Eye Wears Collections.

“Good afternoon ‘din,” ganting-bati ni Apollo sa babae.

“What I Can do for you, Sir?” ang tanong ng babae kay Apollo.

“I-assist ninyo siya, Miss, hanapan ninyo ng bagay na contact lens sa kanya.” Utos ni Apollo sa  babaeng lumapit sa kanila.

“Yes, sir,” ang sabi ng babae sa kanya saka hinila si Liya. “Dito po, tayo Ma’am,” Iginiya si Liya ng babae doon sa malaking estante kung saan naroon ang iba’t ibang klase ng contact lens.

“Mukhang ang mamahal dito, Apollo,” ang wika ni Liya.

“Kaya kong bayaran ‘yan , okey,” ani Apollo. “Sige na, mamili ka na diyan.”

“Akina ‘yang eye glasses ninyo, miss,” sabi nung babae at inabot ni Liya ang kanyang eye glasses sa babae. “Makapal pong masyado ang lens na gamit ninyo, talagang lalabo ang mata ninyo kapag ganito, Miss,”

“Ah, eh, ‘yan lang ang nakayanan ko kasi eh, libre lang kasi iyan sa health center,” ani Liya.

“Well, maganda pala ang mata ninyo, Ma’am kahit hindi kayo maganda,” ang wika ng babae.

“Gusto mo ng sapak, Miss,” pinagkuyom ni Liya ang kanyang palad saka iniamba sa babae.

“Hindi na kayo mabiro, Ma’am,” nakangiting wika ng babae. “Coffee brown po ba ‘yang kulay ng mata ninyo?”

“Hindi! Chesnut brown,” sabi ni Liya. “Umayos ka ah,”

“Yes, Ma’am,” nangingiting sabi ng babae kay Liya. “Well, eto, Miss, babagay sa inyo ito,” inilabas ng babae sa estante ang isang napiling contact lens.

“Magkano ‘yan, Miss?” ang tanong ni Apollo.

“Two thousand po, Sir,” ang sabi ng babae kay Apollo.

Nanglaki ang mga mata ni Liya. Ang mahal naman ng contact lens na bibilhin ni Apollo. Dalawang libong piso para lang sa isang pares na contact lens.

“Oy, Apollo, wala akong pambayad sa’yo ng ganyang kalaking pera ‘no?”

“Regalo ko ‘di ba?” tanong ni Apollo sa kanya. “Kaya ‘wag ka nang umangal, sumunod ka na lang, okey,”

“O-Okey,” ang nasabi na lang ni Liya. Okey, pera naman niya ang ipambibili eh. Eh,  bahala siya! Anang bahagi ng isip ni Liya.

Iniabot ni Apollo ang isang credit card sa babae. Agad naman itong kinuha ng babae. Nag-punch na ito sa cashier.

“Di ko alam gamitin ito,” ang sabi ni Liya kay Apollo.

Sumingit ang babae. “Naku, Ma’am, madali lang po siyang gamitin. I-try na po natin na isukat sa inyo,”

“S-Sige ho,” ani Liya na nagpasunod na lang sa ginagawa ng babae. “Saka, huwag ho kayong mag-alala, Ma’am, me instructions naman na nakalagay sa lalagyan eh, madali lang po siyang intindihin,”

Tiningnan ni Liya ang intructions sa likod ng lalagyan. “Eh, English ‘yan, Ma’am eh, mahina po ako sa inglesan,” nahihiyang sabi pa niya sa babae.

He's Dating a Panget - (On Hold)Where stories live. Discover now