Fall Into Place

By raspberrygrl0315

20.4K 679 263

Be patient and let time take care of it. May 2017 More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19

+1

1.4K 37 11
By raspberrygrl0315

Des'

"Sepanx ka?" pangungulit ni Aduke. Kanina pa po nang-aasar yung mga roommates ko, pakiramdam ko malapit ng lumuwa ang mga mata ko kakairap ko sa kanila but they won't stop.

"Ohhhh. Soooo nice no?" hirit pa ni Gyra, ginagaya niya yung naging expression ko nung nasa Hong Kong ako. Tag team talaga sila ni Aduke, binato ko sila parehas ng unan.

"Binabawi ko na yung chocolates na uwi ko, pakiluwa!!" sigaw ko, tinawanan lang ako nung dalawa. Harutan sila ng harutan nabaliktad na ata tong buong kwarto namin sa sobrang gulo nila. I checked the time sa laptop screen ko, ilang minuto na lang magstart na ang game nila Kib lalo mang-aasar tong dalawang to pero bahala na.

I opened the live stream link and plugged in my earphones.

"Uy manunuod na siya ng game oh, support." irit ulit ni Aduke, naghigh five pa sila ni Gyra.

"Ewan ko sa inyo nga!" sita ko sa kanila.

"Pagpanalo, libre mo kami crepeman Chi!" tumabi sakin si Gyra at nakinood, napilitan tuloy akong tanggalin ang earphones.

Warm up na sila, infair naman namimiss ko na talaga tong makulit na lalaking to. Wala kasing biglang tumatawag para lumabas ako tapos may dalang kung anu-ano. Biro nga ni Ate CJ sobrang spoiled ko daw kay Kib, nung minsan pa nagreklamo si Gyra kay Kib dahil bakit daw walang suhol sa mga roomies so the next day pati sila may pagkain. Kakapal di ba?

"Chi infair ang hot talaga ni Kuya Kib ano?" kinagat ko ang loob ng pisngi ko para pigilan ang kilig at hashtag feeling proud sa sinabi ni Gyra habang nanunuod kami ng livestream.

"Wag mo na anuhin, kinikilig lalo eh!" comment ni Aduke na nakahiga na ngayon sa kama ko at nagcecellphone, di talaga ako makakalusot sa mga to eh.

"Hindi kaya ako kinikilig!" pag-tanggi ko. Sabay na tumingin sakin si Gyra at Aduke, parehas sila ng itsura para bang sinasabing 'talaga lang ah?'

"Oo nga!" depensa ko kahit wala naman silang sinasabi.

"Sus. Wag ka magtweet ah!" dare ni Aduke.

"Oo naman! Tss." nagtinginan si Aduke at Gyra, parehas nakangisi. I know di sila naniniwala sakin, nung mga nakaraang games kasi ang lakas ko magcheer dito nasita pa nga ako kasi tili ako ng tili. Tapos nagtweet pa ko kay Kib after, nakakaproud kasi eh. Nakakalaro na siya ulit at ang galing niya.

"Maniwala kami, kapag nagtweet ka talaga Chi libre mo kami." says Gyra, nagfocus na ko ulit sa panunuod kanila Kib. Si Aduke sa phone niya at si Gyra naman sa tabi ko na busy din sa phone niya. Nagkunwari akong di tutok sa warm up ng Green Archers pero napapatingin talaga ako kapag nahahagip ng camera si Kib.

Shet, miss ko na nga talaga siya. Hashtag sepanx kay oppa! Parang 2 weeks ago lang yung huli kaming nagkita, the night before ako umalis to Hong Kong para sa bakasyon kasama si Achi Dj at Rica. Inaway pa ko ni Achi nun kasi sumama ako kanila Kib magdinner eh maaga yung flight namin the next day. In my defense, nangulit si Kib dahil daw matagal kaming di magkikita. At syempre being a dalagang chinese, half naawa ako half gusto din. Besides, saktong flight namin pabalik ng Manila sila paalis naman papuntang Taiwan. Inggit nga ako sa kanya, kasi andun din si Papa. Niloko ko pa si Kib nung nasa Frankie's kami kasama ang mga girlfriends nila Jollo, Aljun at Andrei na baka magkita sila ni Papa anong sasabihin niya?

Hindi ko napansin na nakangiti na pala ako, naalala ko kasi yung pagyayabang niya na maghehello daw siya tapos papakilala na siya yung future boyfriend ko. Nakurot ko siya dahil ang harot niya. Pero what if nga no? What if magkita sila ni Papa? Ano kayang gagawin ni Kib?

Bago bumalik si Papa sa Taiwan nagtanong siya sakin kung ano daw yung kinukwento nila Mama ng manliligaw ko, pulang pula ang mukha ko nun. First time kasi na alam mo yun? May guy na napalapit sakin na alam kong gusto ko talaga. Lagi naman akong niloloko ni Papa tungkol sa mga manliligaw, Papa's girl ako and I'm proud. Youngest pa ko sa family kaya feeling ko, no alam ko na favorite ako ni Papa. Wag ko lang daw sabihin kanila Achi.

"Labas lang ako, Gy text mo ko kapag manlilibre si Des." tumayo si Aduke at lumabas ng kwarto, di ko sila pinansin ni Gyra. Iniisip ko pa din kasi yung sinabi ni Papa sakin. Kailangan daw makilala niya si Kib soon, tinanong niya pa kung masaya ba daw ako at simpleng tango lang ang ginawa ko. Tinago ko ang mukha ko sa dibdib ni Papa nung niyakap ko siya dahil sa nahihiya ako.

Wala namang ibang sinabi si Papa tungkol samin ni Kib kaya feeling ko approve siya. After ng usap namin na yun at naihatid siya niloko naman ako ni Mama. Kelan ko daw sasagutin si Kib?

"Kelan nga kaya?" tanong ko rin sa sarili ko yun eh.

Kib's

Kakatapos lang ng game namin pero parang mas kinakabahan pa ko ngayon kesa kanina. Hindi ko makita kung anong ginagawa nila Andrei at Aljun sa kabilang table dahil medyo malaking tao ang nasa harap ko, hindi ko na din sinusubukan pang silipin dahil ayaw ko namang isipin ng nasa harap ko ngayon na bastos ako. I need to make a good impression.

"Ah, Sir. Salamat po for coming here. Pasensya na po kayo kung di ko kayo nabisita, di po kasi kami pwedeng lumabas basta basta." paliwanag ko. Nagulat ako kanina after our game against Vanguard Univ, lumapit sakin si Ms. Joy to tell me na andun daw ang Dad ni Desiree. Yung pawis ko sa OT parang mas lumala pa eh.

Nung nasa Pinas kasi siya, hindi naman ako nakapagpakilala man lang. Wala ding chance, ilang days lang siya nagstay tapos nakakahiya naman kung umepal pa ako. Kaya hiyang hiya ako na siya pa ang pumunta dito.

"No problem, I was free tapos nakita kong may laro kayo dito. We are not formally introduced but my wife and eldest son told me something about you courting my youngest." hindi ko mabilang kung ilang lunok ang nagawa ko, napainom din ako ng tubig. Dire-diretso pala ang Daddy ni Des. Di ako nakapaghanda.

"Ah, Sir. Ah, opo. That's true po. Hope you don't mind po." Des' father reached for his cup to drink.

"What if I mind? She's my baby girl after all." I was gonna say something but no words came out. Tinignan lang ako ng Dad ni Des, waiting. Huminga ako ng malalim, I reminded myself na Des is someone who makes me happy. She's the one I want to be with and she'll be worth it. Kahit na gisahin pa ko ng Tatay niya, okay lang. Sabi naman ng Papa ko wala akong dapat ikatakot kung wala naman akong masamang ginagawa.

"I'm not gonna take her away from you naman po, Des will always be your baby girl. Just want to be part of your lives, sana like you, I can treat her like my baby girl din." that turned out kinda weird, I realized it when the man in front of me chuckled.

"So parang anak mo din siya ganun?" kabadong napangiti din ako, feeling ko I'm gaining his trust. Sana naman po.

"Ah, ano. Hindi po. I meant, as you know. Boyfriend po, hopefully." paliwanag ko ulit, nahihiyang manliligaw palang eh advance na ang iniisip ko. A guy can dream di ba?

"Hindi pa ba kayo?" mabilis na tanong niya, na agad kong inilingan.

"Eh, hindi pa po ako sinasagot." alanganing nagsmile ako, napahawak din ako sa batok ko.

"Sayang pala ang punta ko dito, mahina ka pala." nanlaki ang mata dahil sa sinabi niya. Nacoconfuse ako, does... this mean? Pinigilan kong ngumisi ng malaki, baka magka-wrong impression pa. Kailangan ko munang iconfirm kung tama ang hinala ko.

"Ah.. Sir, ibig sabihin po ba.. Ahm.." I looked away, sinubukan kong mag-isip ng sasabihin na hindi niya mamasamain. Or hindi ako lalabas na assumero.

"Na gusto kita for my Desiree?" bumalik ang tingin ko sa Dad ni Des, diretsahan nga talaga ang gusto ni Tito. Tipid na ngumiti ako.

"Opo, sana?" halos pabulong kong sagot, habang sa utak ko paulit ulit yung "Sana wag siya magalit, sana wag siya magalit!"

"I'm gonna be honest. There will be no one worthy of my daughters pero I heard good things about you and your family. I trust that you are man enough not to hurt my youngest and that you'll treat her how you treat your mother at kung may babaeng kapatid ka." tumango tango ako kay Tito at mabilis na sumang-ayon. I wouldn't want my sister hurt, nor my Mom or anyone I love.

"Wala ako lagi sa tabi niya to protect her, so please do that for me." her Dad said, man to man. I smiled at him, hoping he'll feel my sincerity.

"Opo, promise. I'll do that and I won't ever hurt her, well not intentionally po." I earned 2 nods, and that was it. Hindi na siya nagsalita pa tungkol samin ni Des. I'm assuming na okay na ako sa kanya, hopefully okay na din sa anak niya para happy lahat di ba? Napansin kong nakataaas pala ang kanang kamay ko, dahan dahang bibaba ko yun.

Tinawag niya ang waiter, mag-iinsist sana akong magbayad ng bill namin pero sabi niya siya na. Nagpasalamat na lang ako pagtapos, sinabayan ko siya sa pagtayo at sa paglakad palabas ng cafe. Sa baba lang ito ng hotel namin, nakita ko na ang itsura ni Andrei at Aljun kunyari di nakatingin pero yung mga mata sumusunod samin.

"Sir-" "Di mo naman ako boss, lalong di mo ko teacher." I cleared my throat, di pa din nawawala yung kaba ko. Nanigas pa ko dahil di ko agad na absorb yung sinabi niya.

"I mean, Tito.." nangapa pa ako kung okay lang na tawagin ko siyang TIto, hindi siya nagreact kaya I took it as a go signal.

"Salamat po ulit. Pasensya na kung kayo pa ang dumayo sakin, bawi po ako."

"Okay lang, basta yung pinag-usapan natin. And no monkey business." namula at naginit ang batok ko sa sinabi ni Tito.

"Ay opo. I respect her po. Wala kayong dapat ipagalala." I assured him. Saktong dumating si Ms. Joy, nagpaalam at nagpasalamat din siya sa Dad ni Desiree mas nakahinga na ako ng maluwag hanggang sa naka-alis na ang huli.

"Woo!" mahinang hiyaw ko. Parang gumaan yung dibdib ko, kanina feeling ko nakadagan sakin si Ben eh.

"Kamusta? Approve ba?" tanong ni Ms. Joy, nakangiti.

"Ms, ako pa ba? Syempre naman." confident na sagot ko.

Des'

Miss Joy sent you a photo.

Kumunot ang noo ko sa viber notification, inopen ko yun. Nung una napaisip pa ko kung ano ba tong sinend ni Ms. Joy. Akala ko wrong send, parang random photo ata to. Coffee shop? Or parang restaurant? Nakilala ko agad sina Andrei at Aljun na may tinuturo sa kabilang table. Nung zinoom ko yung photo at tinuturo nila Andrei nanlaki ang mga mata ko.

To: Miss Joy

OH MY GOSH! MS JOY!!!!

From: Miss Joy

Hahahaha. Meet the Daddy!

To: Miss Joy

Pinuntahan siya ni Papa? Halaaa!!! OMG

From: Miss Joy

Yes, I saw him watching so pinuntahan ko siya after to say hello. Then, eto na sila ngayon.

To: Miss Joy

Aww, thanks Ms. Joy. Are they still talking po?

From: Miss Joy

Yup, meet the future boyfie na.

To: Miss Joy

Hala Miss!!!

From: Miss Joy

Susssss. Kayo na ba?

To: Miss Joy

Uyyyy issueeee. Di pa po.

From: Miss Joy

Hindi pa? Weak ni Kib.

To: Miss Joy

Hehe. Soon po.

From: Miss Joy

Aysus, tama yan kahit mabait na bata naman yang si Kib at sure akong di ka sasaktan dapat lang na may kaunting pabebe.

To: Miss Joy

Thank you Ms, love you!! 

Nagreply lang si Ms ng i love you too, tapos nagsend ako ng heart sticker. Excited na excited akong malaman kung anong pinagusapan ni Papa at ni Kib, kabado din ako. 

"OMG!" tili ko ulit habang nagiisip ng mga scenarios sa utak ko.


Continue Reading

You'll Also Like

117K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
1.4M 33.7K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]