The Gullible Hearthrob's Love

By JLNstories

733 63 0

Eversince Tobi met Fiona, ipinangako niya sa sarli niyang hindi na siya makikipaglapit pa sa ibang babae dahi... More

Simula
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Wakas
Tiger

Chapter 15

31 3 0
By JLNstories

Sam's POV

Malungkot kong tinatanaw ang langit mula sa veranda ng apartment ko. Ramdam ko ang sakit hindi lang ng katawan kundi pati ang sakit sa aking puso. Masakit lumayo.. Mas masakit kesa noong unang iniwan ko siya, hindi ko ito ginusto pero kailangan..

Five months ago..

Matapos  kong maalala ang nangyari ay nilamon muli ako ng antok at sa pangalawang pagkakataon na pinilit kong magmulat, bagaman masakit ay nagtagumpay ako. Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni Mama at Kuya Saac!

"Anak!"

"Sam-Sam.."

Pinilit kong ngumiti ng tipid kahit napakahirap. Ayokong mag alala si Mama. Kailangan kong ipakita na malakas ako..

"Anak.. May masakit ba sayo? Sabihin mo kay Mama anak.."

Agad nag-init ang sulok ng aking mata dahil sa sinabi ni Mama. Gusto kong sabihin na sobrang sakit ng katawan ko, na natatakot akong baka hindi ako makalakad.. Gusto kong sabihin sa kanya na natatakot akong baka.. Baka--baka may mangyaring hindi maganda kay Tobi!

"Sam-Sam tell me.. Or-- try to signal what are you feeling. I need to know.."

Sa kabila ng pamamanhid ng aking katawan ay naramdaman ko pa ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa aking mata. Tarantang lumapit si Mama habang walang tigil ang pagbuhos ng aking luha. Natatakot ako..hindi para sa akin, kundi para kay Tobi. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Pero kung malaya pa din si Fiona ay hindi imposibleng si Tobi naman ang isunod nito! Natatakot ako!

Gusto kong igalaw ang daliri ko pero ang hirap. Bahagya ko nalang ipinilig ang ulo ko bilang senyales na hindi ako okay..

"Anak makinig ka kay Mama ha, dadalhin ka namin sa Canada. Ilalayo kita dito.. Hindi ka pwedeng mapalapit sa taong may kagagawan nito!"

Tumango ako kay Mama sa pag aakalang si Fiona ang tinutukoy niya. Kailangan kong makalayo kay Fiona! Sigurado ako na sasama sa akin si Tobi sa Canada. Sa isiping iyon ay agad kumalma ang puso ko. Ngumiti sa akin si Mama bago tumalikod at naging busy sa cellphone. Natuon ang atensyon ko kay Kuya Saac, maingat siyang naupo sa gilid ng kama ko.

"Sam-Sam, i know this is not the right time for this but you need to atleast know.."

Hindi ako makapagsalita kaya nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Ang mga luha ay kusang tumigil sa pagbuhos..

"Nahuli na si Fiona.. It's Tobi and his sister who rescued you." 


Mas lalong napuno ng galak ang puso ko. Sa isiping kahit kailan ay hindi hahayaan ni Tobi na masaktan ako, narealize ko na..it was worth it. The pain Fiona gave me was all worth it  dahil naputanayan kong mahal talaga ako ni Tobi.

"But.. Tobi was a wrecked when he saw your condition Sam-Sam. He's gone mad. He wants to kill Fiona.."


What?! No! Gustong ibulalas dahil sa pagkabigla. Hindi pwede! Hindi pwedeng pumatay si Tobi!

"So..August and Eliazar talked to me." Hinintay ko ang sasabihin niya, pakiramdam ko ay hindi iyon maganda. "They--uh.. They ask if i could.. Well you see.. Damn! How can i say this without hurting your feelings?!"

Gulong-gulo si Kuya Saac, yon ang nakikita ko sa mukha niya. Pero gusto kong malaman kung anuman ang nais niyang sabihin kaya, kahit hirap ay pinilit kong abutin ang kamay niya. Pinapaunawang magpatuloy siya..

He sighed. "Sa tuwing makikita ni Tobi ang nangyari sayo nagdidilim talaga ang paningin niya. August even say na pumunta si Tobi sa kulungan at plano talagang patayon si Fiona. He became fearless and aggressive, natatakot ang mga kapatid niya na may magawa itong ikakapahamak niya mismo.."

He can't do that! Hindi siya pwedeng manakit dahil wala na din siyang pinagkaiba kay Fiona kapag ginawa niya iyon. Nangilid ang mga luha ko, gusto kong tanungin si Kuya Saac kung nasaan si Tobi. Gusto ko siyang makita..

"So..They asked me to tell you to leave."  Natigilan ako at ramdam ko ang panlalaki ng mata ko dahil sa sinabi niya! Naguguluhang pinisil ni Kuya Saac ang kamay ko, "Tobi needs to cool down Sam-Sam.. Hangga't nakikita niya ang mga pasa mo, mga galos at ang hindi mo paglalakad.. Mas lalo siyang magwawala! This is the only way they can think of.  Magpagaling ka muna at kapag naghilom na lahat saka kayo mag usap.."

Mabilis na pumatak ang mga luha ko. Aalis ako? Iiwan ko si Tobi? Hindi ko kaya.. Maisip ko pa lang na masasaktan siya, hindi ko na kaya.. Pero paano ko masasabi 'yon gayong heto ako at hindi magawang kumilos o magsalita man lang!  Nagwewelga ang puso ko.. Gusto kong makausap si Tobi! Where the hell is Tobi?!

"Ayaw mo naman sigurong mapatay ni Tobi si Fiona di ba? I'm sure he'll understand.. But for now this is the best decision Sam-Sam. Leave and when all the wounds heal, come back and start anew.."

  

Napahikbi ako, bakit ganoon lang ang option? Paano ako gagaling kung malayo naman ako sa taong nagbibigay lakas sa akin? I want Tobi beside me! Bakit hindi pwede? Bakit kailangan magkalayo pa kami? Bakit kailangan ko pa siyang iwan?! Bakit kailangan pa namin masaktan gayong ang gusto lang naman namin ay maging masaya?! Bakit...


"So..is it okay with you?" May halong pag aalala ang tono niya.

Mas lalong umagos ang mga luha ko kasabay ng marahang pagtango. Kung ito ang kailangan kong gawin upang hindi gumawa si Tobi ng ikapapahamak niya ay titiisin kong hindi kami magkita. Pero babalik ako.. At sa pagbabalik na iyon ay sisiguraduhin ko na wala ng makakasira pa sa kasiyahan namin.. Babalik ako Tobi, babalik ako sayo..

Napangiti ako ng mapait dahil sa alaalang iyon, napahirap. Wala akong magawa noon at sa loob ng ilang buwan ay wala akong nabalitaan tungkol sa kanya. Kaya naman pinagtuunan ko ng pansin ang pagpapagaling, tatlong buwan din akong hindi makalakad pero sa awa ng Diyos ay heto na ako at animo walang pinagdaanan na mabigat.

"Anak tara? Baka maiwan tayo ng flight.."

Nakangiti akong lumingon kay Mama bago sumunod. Ito na ang araw ng pagbabalik ko, ang araw kung saan babalikan ko ang taong mahal ko.. Hindi ko alam kung anong sinabi ni Kuya Saac para hindi ako hanapin ni Tobi, pero sana ay hindi siya nagalit sa desisiyon ko. Para rin naman sa kanya ang ginawa ko..


Makalipas ang halos labinlimang oras ay nakarating na kami sa aking bayang sinilangan. Alas singko pa lang ng madaling araw pero nakita ko na ang nakangiti nilang mukha habang kumakaway sa amin..

Napangiti ako ng malawak at nagmadaling lumapit kina Kuya Saac, Santi at Nj. Tinotoo talaga nila ang sinabing susunduin kami.

 

"Welcome back!"

Malakas na saad ni Nj at bigla akong niyakap ng mahigpit. Naalala ko pa kung paano niya palaging pinapalakas ang loob ko. Hindi kami nawalan ng koneksyon pero sadya yatang iniwasan nilang mabanggit si Tobi.

"Hey.. I miss you. Kamusta?" 

 

Natawa siyang kumalas ng yakap bago tinapik sa balikat si Kuyaa Saac na mukhang masaya din naman. Si Santi lang yata ang hindi dahil nakasimangot ito.. Inaantok pa siguro.

"We're okay, i'm glad ngayon mo napiling umuwi. We have a big event coming.." Kumindat si NJ na ikipinagtaka ko. Big event?


"Tsk! Don't mind her Sam-Sam. Let's go para makapagpahinga na kayo ni Tita. Besides kanina pa nagrereklamo itong kapatid mo. Inaantok pa daw!"


Napailing nalang ako bago ginulo ang buhok ni Santi na lalong ikinaiinis nito. Sabay-sabay na kaming sumakay sa kotse ni Kuya Saac pero ng halos malapit na kami sa village namin ay may naalala ako.

"Kuya can you drop me there.." Tinuro ko ang isang cafe na madadaanan namin.


"Why? You want coffee?"  Kunot-noo niyang tanong nang mag abot ang tingin namin sa salamin.

"No. May gusto akong puntahan. Ibaba mo nalang ako diyan." Nakangiti kong saad na agad naman niyang nakuha pati ni Nj dahil agad itong nagthumbs up sa akin. "Ma.. Babalik din ako. I'll just visit someone."


"Okay, basta wag mo pagurin ang sarili mo.." Humalik lang ako sa pisngi ni Mama at ginulo ang buhok ni Santi bago bumaba.

Narinig ko ang pagkalabog ng pinto sa unahan at sinalubong ako ng ngisi ni Nj, "Talagang hindi ka na nakapaghintay ano?"

 

"Tsk! Go away!" Tinaboy ko nalang siya pero mas tinawanan pa ako nito. Ngayon ko lang narealize na sobra na pala kaming close ng taong halos katakutan ko noon.


"Whatever Samantha basta wag niyo akong uunahan na magpakasal!"

 

Napanganga ako sinabi niya, kasal? Ni hindi pa nga iyon pumapasok sa isip ko!

"What are you saying? I'm too young for a lifetime commitment, besides kailangan mauna muna si Kuya Saac!"

Pinandilatan niya ako, "Talaga!" Yun lang ang sinabi niya bago nakangusong pumasok ulit sa kotse. Kumaway nalang ako ng tuluyam silang makaalis. 


Naghintay lang ako ng ilang sandali bago may dumaaan na taxi. Nagpahatid ako sa mansion ng mga Monteclaro...


---

Six o'clock..

Napalunok ako ng nakatayo na ako sa mismong tapat ng gate, inayos ko ang suot kong cardigan. Nanlalamig ang buo kong sistema..

Pikit mata akong nagdoorbell at ilang segundo lang ay bumukas iyon at iniluwa ang taong isang beses ko pa lang nakita.

"Uh..Goodmorning Feby?"

Napangiwi ako ng pasadahan niya ako ng nagtatakang tingin mula ulo hanggang paa and vice versa, nagtagal iyon ng ilang minuto bago siya nagsalita..


"You look familiar.." Saad niya sa matigas na ingles.

Nanatili naman akong nakatingin lang sa kanya, ang makinis niyang mukha ay nasisinagan ng pang umagang araw, nakasuot siya ng loose white t-shirt at sweat pants. Hindi ko akalain na ang kagaya niya ay early bird. Bahagya niyang inayos ang kanyang gintong buhok. Napalunok ako.. Naiintimidate na naman ako..

"Uh--i.. Ako si--"

"Samantha?" Natigil sa pagpapakilala ng mula sa likod ni Feby ay dumating ang nakapamulsa at mukhang bagong gising lang na si August!


Mas napangiwi pa ako, bakit ganon? Ang gagandang nilalang nila kahit bagong gising? Si Feby na walang kahit anong kulorete sa mukha, si August na magulo ang buhok at tinubuan na ng balbas.. Gosh, masyadong maganda ang lahi nila nakakainggit!

"Ikaw si Samantha?"

 

Naputol ang pag iisip ko ng kung ano ng magsalita muli si Feby, bumaling ako sa kanya at nakangiting tumango. "Yeah... I'm Samantha."

"Oh! Hindi kita nakilala! Pasok ka bilis!"


Dali-dali niya akong hinila, huminto kami sa harap ni August na ngayon ay mukhang nagtataka sa presensya ko. Nahihiya akong napakamot sa ulo..

 

"I--well, kadarating lang namin kanina and i had the urge to drop by here. Ok lang ba?" May pag aalinlangan kong tanong, nakakahiya naman kasi! Sobrang aga pa!

"It's okay. Kamusta? Okay ka na ba talaga?"

"Come on August! Pwede bang papasukin muna natin ang bisita bago mo tanungin?"

 

Hindi na nagawa pang sumagot ni August sa pagsusungit ni Feby dahil agad na akong hinila nito papasok sa mansion. Dinala niya ako sa sala at doon pinaupo.

 

"I'm sorry hindi kita agad nakilala. Ikaw 'yung pinsan ni Isaac di ba?" Animo siya tuwang-tuwa sa pagtatanong kaya nagtaka ako. Napapahaplos pa kasi siya sa buhok ko habang nakangiti.. Weird..

"Yeah.. Ako 'yung pinakilala niya sa orphanage." Tumango-tango siya, animo inalala ang pangyaharing iyon.

"Oh.. Samantha the nurse? Wait! Nandito ka dahil?"

Kumalabog ang puso ko, ngayon ko lang naalala kung bakit ako pumunta dito. Napatingala ako sa hagdan nila. Kinakabahan ako.. Baka galit siya?

"Obviously she's here for Tobi. And Feby, stop staring at her.. Lagot ka kay Tobi kapag pinaglihian mo si Samantha!"

Gulat akong napabaling kay Feby, "Buntis ka?" Nakangiti siyang tumango habang walang pakundangan akong tinitigan. Nailang ako..

 

"So... How are you Samantha? Okay ka na ba talaga?"

August's serious tone caught Feby's attention. Kunot noo itong humaling sa kapatid. Napabuntung-hininga naman ako bago sumagot.

 

"I'm fine. Medyo may complications lang sa binti, but i already overcome it." Ngumiti ako ng tipid.

 

"That's good. I'm glad your back, masyado na kaming nahihirapan sa ugali ni Tobi."


"Huh? Why?" May problema ba siya?

 

Kibit-balikat lang ang isinagot sa akin ni August. "It's for you to find out." Matapos sabihin iyon ay tinalikuran na niya kami.

 

"Let me take you to his room." Bago pa ako makapalag ay kinaladkad na niya ako pataas. Gusto kong mag alala dahil buntis siya pero mukhang walang balak magpaawat si Feby..

Huminto kami sa tapat ng kulay itim na pinto. Matapos ay kinalampag ito ni Feby, ng hindi  nakontento ay sumigaw na ito.

 

"Wake up October! Wake up!"

Napangiwi ako, pakiramdam ko lahat ng tao dito ay magigising sa sigaw niya at tama nga ang hula ko! Dahil biglang bumukas ang isang pinto sa bandang dulo, iniluwa noon ang nagkakamot sa ulong si Eli.

 

"What the hell February Claire?! May sunog--" natigilan ito ng makita ako. Tumikhim ito bago tumayo ng tuwid. "Oh.. Mukhang hindi sunog, mukhang celebration na ang mangyayari." Ngumisi ito sa akin, at ayon na naman ang pagka inggit ko dahil gwapo pa din si Eli kahit magulo ang buhok!

"Goodmorning.." Napapanguso kong saad.

 

"Nah.. Welcome back." She waved at me bago bumaling kay Feby. "Let her in. That beast won't mind."  Matapos ay tumalikod na ito.

Ngumisi sa akin si Feby bago pinihit ang seradura. Sa pagbukas ng pinto ay agad akong nanlamig. "Go on.."

Atubili akong pumasok kaya itinulak pa ako ni Feby at ng hustong nakapasok ako bigla niyang isinara ang pinto! Natakot ako!

Habol ang hininga akong naglakad ng dahan-dahan sa gray na carpet, halos mapanganga ako ng mahagip ng aking mata ang isang malaking larawan na nakasabit sa pader.. Agad nangilid ang luha ko ng mapagmasdan iyon.

That was our first picture together! Sobrang saya ko ng panahon na iyon. Napatakip ako sa bibig upang hindi umalpas ang hikbi. Damn! Hindi ko akalain na gagawin niya iyon. Sobrang nahaplos ang puso ko..

 

Pinalis ko ang luha at iginala ang paningin sa buong silid, kagaya ng condo niya ay mayroon din ditong walk in closet pero halos lahat ng disenyo ay panay larawan.. Larawan ko at larawan naming dalawa.

God! Tobi bakit?

 

Napapalunok ako at ng makita ko siyang nakahiga habang balot na blot ng comforter at may unan sa mukha ay ngumiti ako ng pagkalawak-lawak. Finally.. I'm home.

Naglakad ako patungo sa isang silya na malapit sa CR, sakto lang ang pwesto upang pagmasdan siya. Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay masaya na ako. Just seeing him this near and breathing makes me feel comfort. Nanatili akong nakangiti habang nakatitig, hinihintay na magising siya at hindi naman ako nabigo..

 

Napaupo ako ng tuwid habang minamasdan ang bawat kilos ni Tobi. Marahas siyang bumango bago nag inat. Napangiti ako, damn! He's so cute. Inalis niya ang nakabalot na comforter bago kinuha ang isang kwadro sa bedside table.

"Goodmorning Sammy baby.." Lumundag ang puso ko ng sa wakas ay marinig ang boses niyang iyon. At halos magtatalon din ito ng halikan niya ang larawan! Mahina akong humalak dahil sa kilig at saya.

 

Kita kong natigilan siya pero hindi ito lumingon kaya't nagsalita na ako, "Damn! That was sweet.." Na sinundan ko ng buong-buong tawa. Pakiramdam ko ngayon lang ako nakatawa ng ganito!

Umalingawngaw sa buong  silid ang tunog ng nabasag na frame, marahan siyang lumingon sa akin at kitang-kita ko ang panlalaki ng mata niya..

 

"Sam..Sa--Sammy?!" He says horrified.

  

Natatawa akong nagflying kiss at kumindat. "Goodmorning too.. Tobi baby.."

Laglag ang panga at naging mabuway ang pagkakaupo niya. Simantala ko ang pagkakataon upang lumapit, kahit na kabado din ay nagawa kong hawakan ang mukha niya.

"I miss you.." I say as i stare at his eyes. How i missed those playful eyes and luscious lips.

Nangangatal ang kamay niyang hinawakan din ang mukha ko, kita ko ang pangingilid ng luha niya. "Is--is this real? Hindi ba ako nananaginip?"

 

There was fear in his voice. Ngumiti ako at tumango. "I'm back.. I'm sorry for leaving you again." Kusa din nangilid ang luha ko, nagulat nalang ako ng bigla siyang magmura at  sa isang iglap ay pinaglapat niya ang mga labi namin.

 

There was longing and fear the way he kisses me. Doon ko din ibinuhos ang pangungulila ko sa kanya. I can't help but moan when he gently bite my lower lip. He held me tighter as he lie me on his bed without breaking the kiss. Kinilabutan ako...

He kissed me deeper while caressing my face. Then he kissed my jaw, my earlobe. Napasinghap ako ng bumaba ang halik niya patungo sa lalamunan ko. Nadadala na ako sa kakaibang sensasyon na idinudulot sa akin ng halik. Napasabunot ako sa buhok niya ng bumaba pa ang halik hanggang sa puno ng aking dibdib..

"Tobi.." I say hoarsely at bigla siyang natigilan sa ginagawa. Habol-habol ang hiningang hinaplos ko ang pisngi niya.. "I love you.."

Nagmura siya at tinulungan akong umupo ng ayos. He hug me again while whispering sweet nothings that gave me goosebumps. "I love you.. Don't leave me again please. Masakit.."

Nakangiti ako tumango at mas niyakap siya ng mahigpit. "I won't.. I promise.."


"Do you still hate me?" Kinalas niya ang pagkakayakap sa akin at muling ikinulong ang mukha ko sa kanyang palad.


"I never hate you Tobi. Why would i?" Nagtataka kong tanong. Kita ko ang pagpikit niya ng mariin na animo nakahinga ng maluwag. "Why would i hate the man i love?"


"God! I love you so much.. Just don't leave me again. Mababaliw na ako." Seryosong saad niya, ngumiti ako at binigyan siya ng isang mabilis na halik sa labi.



"I will never leave you. Hinding hindi na.."


"Thank you baby.."


Niyakap niya muli ako ng sobrang higpit. Hindi ko na alam kung may isasaya pa ang pakiramdam ko. Iba talaga kapag kasama mo ang taong mahal mo..

Continue Reading

You'll Also Like

1.5K 201 61
Isa siyang mayaman yet nerd. Pero sa kabila ng pagiging nerd may isa pa siyang sekreto at yun ay isa siyang dating campus princess na biglang naglaho...
934K 30.2K 40
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
12.3M 99.3K 65
IKAW NA LANG BA ANG NBSB SA BARKADA?.. BAKIT DI MO I-TRY ANG GUMAWA NG IYONG FACEBOOK BOYFRIEND...? MAKAKAPAG PALIT KA PA NG STATUS MULA SINGLE INTO...
316K 17.1K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.