PAIT NG NAKARAAN

By phinkypop

338 1 0

May umibig na bang hindi nasasaktan?? Mga pait ng nakaraang hindi maibaon baon sa limot. Gasgas na din ang sa... More

PAIT NG NAKARAAN
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39

CHAPTER 27

6 0 0
By phinkypop

( KHIM/YHATZ pov )

Ginising ako ng gutom ko.Iminulat ko mata ko.Napaka dilim ng paligid.Kinapa ko phone ko mula sa side table.Hallah, 5:30 na ng umaga.Haba ng tulog ko, di na rin ako nakakain ng hapunan.Bumangon ako at binuksan yung lampshade.May naka styrophone na pagkain pero malamig na, di na masarap.Hinalungkat ko yung mga prutas na binili ni kid kahapon.Yun na lang kakainin ko.Bahala na pag magalit tong kapatid ko.Mahimbing pa kasi tulog nya.Umupo na lang ako sa harap ng maliit na mesa para kumain.Gutom na gutom na kasi ako.Di man lang ako ginising ng kapatid ko para mag hapunan.

Makalipas ang  thirty minutes. . .

"ate bat yan kinakain mo?"   sabi ni kid.

"nagutom ako eh.pasensya na.balik na lang uli tayo dun bago tayo uuwi."     paliwanag ko.

"okay lang yan ate.kahit ubusin mo pang l-la. . ."   naputol sasabihin ni Prince.

"oh bakit?"

"ate malapit mo nang maubos oh.halatang gutom na gutom ka."    gulat na sabi ni kid habang tinitingnan mga pinamiling prutas.

"ai oo nga noh.sorry hah.gutom na gutom kasi ako ehh."   

"kain na lang tayo sa resto.bihis lang ako saglit."

"okay.hintayin kita,sa labas baka maubos ko nang tuluyan mga prutas mo." paalam ko sabay labas ng kwarto.

Makalipas ang ilang minuto lumabas na rin kid.

"tagal mo."

"sus gutom lang yan."

*paakkkk*   binatukan ko sya.

"ano ba naman yan ate.hanggang dito binabatukan mo ako."   sabi ni kid habang hinihimas ulo nya.

"di ka pa sanay.gutom na nga ako antagal mo pa. tsk"

"sanay na sanay na.hanep ate kahit gutom ka malakas ka pa ring mambatok.hahaha."

"gago tong batang to ah.tara na nga.world war III na."

"hah?"    maang na tanong ni kid.

"mga alaga ko"

Di na sumagot si kid.Sapo sapo na nya tyan na sa kakatawa.

"babaw ng kaligayahan mo.tara na nga."  yaya ko sa kanya.

"hahahaha.tara na nga baka  mangayayat ka ng husto.baka kinain na ng mga alaga mo bituka mo ate.hahaha"    tatawang tawang sabi ni kid sabay lakad.

"tarantado ka talaga kid."

Naglakad na kami papunta sa resto malapit sa hotel, wala kasing kainan sa loob ng hotel.Pagkarating namin nauna nang umupo si kid sa may bakanteng mesa.Umorder na ako ng pagkain.Ilang saglit pa, may dumating.

"hi bhest."    bati ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod.

Tiningnan ko kung sino nagsalita, si Krizel.

"oh kaw pala bhest.dito ka din? buti pinayagan ka ng kuya mo gumala?"    tanong ko kay Krizel.

"sus, dami tanong.may kasama ako syempre.at gusto nyang magpakilala sayo."    deretsong sabi ni Krizel.

"ah eh.sino naman?"    nagtatakang tanong ko.

"goodmorning beautiful"    isang baritonong boses ang sumulpot mula sa aking likod.

Tningnan ko yung nagsalita.Parang pamilyar sya sa akin.Iniabot nya sa akin yung tatlong rose na hawak nya.Wala pa rin akong masabi.Ayaw bumuka ng bibig ko.Tiningnan ko sina kid at Zel, kilig na kilig naman tong dalawa.Pero infairness, may kakaiba din akong naramdaman.Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito, biglang bumilis ang pintig ng puso ko.Putik naman, hindi lang ngayon ako nakatanggap ng rose pero bat iba ang impact ng moment na to sa akin (enebeyen.hahaha).

"hoyyy."

"ate"

Pukaw sa akin nina Krizel at kid.Sabay pa silang nagsalita.Ngayon ko lang napansin, nakatitig pa rin ako sa lalaking nasa likod ko.Umayos ako ng upo, umupo naman sya sa tabi ko.

"uhm, nag order na ba kayo ng pagkain nyo?"    basag na tanong ni Krizel sa katahimikan.Panu wala kasing umimik mula kanina.

"a-ah e-h, o-oo a-ata"    nauutal kong sagot.Putik naman, bat ba ako nauutal.

"aftershock"   tipid na puna sa akin ni kid.Tiningnan ko si kid sabay irap sa kanya.Loko to, nasisiyahan pa ata sa nangyayari sa akin.

Maya maya pa lumapit yung waiter sa table namin, may dalang pagkain.Naka order na pala ako kanina, haayyy nakalimutan ko agad.Ano ba nangyayari sa akin, ambilis ng pintig ng puso ko di ako makapag concentrate, pati gutom ko umurong (futekkkk).Pagkarating waiter umorder si Jhay-ar.

Habang hinihintay namin yung pagkaing order nila. . .

"uhm by the way ako pala si Jhay.ako yung tumatawag at nagtetext sayo.Pasensya na ha, naging duwag ako para magpakilala sayo ng pormal.Pasensya din at kinuha ko kay Krizel yung number mo."  pagpapakilala nya sa malamyong boses.

"ah, okay lang yun.Khim"   pagpapakilala ko rin sa kanya.

Iniabot nya kamay nya para maki shake hands.Anlambot ng kamay nya, parang mas malambot pa kesa sa akin.

"uhm pwede mo nang ilapag sa kabilang upuan yang rose mo para makakain ka na miss beautiful."    nakangiting sabi nya.

"ah okay." tipid kong sagot.Grabe, mas lalo syang gumwapo nung ngumiti sya.

Nauna na kaming kumain ni kid.Wala pa ring imik si kid at bhest mula kanina.Nakikinig lang sila sa usapan namin ni Jhay.Kilig na kilig ang mga mokong.Maya maya dumating na din order nila.

"san lakad nyo ngayon bhest?"    tanong ni zel matapos kaming kumain.

"ewan.kayo?"    balik tanong ko.

"wala nga eh.sabay sabay na lang tayong gagala."

"okay"

Lumabas na kami sa resto.Naglakad lakad lang kami sa compound ng hotel.Matapos kaming naglibot, pinasya na naming tumambay na lang sa deck ng hotel.

Kwentuhan lang kaming apat sa may deck.Asaran, pikonan at kulitan.Ansaya naming apat.Parang matagal na kaming magkakakilala sa lagay namin ngayon.Wala man kaming pinuntahan ngayong araw na to, sulit naman.Pilyo palang kagaya namin tong si Jhay.Laging may pick up lines.Kinikilig ako pag may pick up lines sya para sa akin.Kasi naman, ang sweet sweet nya sa akin tax anlamyo lamyo ng boses nya.Napakagaan ng loob ko sa kanya kahit kakakilala ko pa lang sa kanya.Napaka gentleman nya sa akin, lagi syang nakaalalay sa mga kilos ko.Haaayyy, Ngayon ko lang ulit nakaramdam ng kakaibang saya.After how many years, ngayon lang ulit tumibok ng ganito ang puso ko.Ika nga nila,  you may fall unexpectedly in the person who makes you laugh even in just a little funny things.

Wait, teka, ano ba tong pinagsasabi ko.Am i starting to fall inlove again after how many years? Am i inlove with this mysterious guy?? Putik naman ohh,  di man lang tumututol si kid sa mga nangyayari sa akin.Mas kinikilig pa ata sya kesa sa akin.Ano ba naman yan kid pati ba ikaw magaan loob mo sa kanya??  Hmmmmn, i smell something's fishy.

( PRINCE pov )

Nakilig ako kina ate at brad.May nalalaman pang pabulabulaklak si brad, pero effective naman unang diskarte nya kay ate.Nakita ko ang kakaibang ningning ng mata ni ate.Tahimik lang kami ni Krizel habang nag uusap silang dalawa.Si ate kanina pa nakatitig kay brad habang hawak hawak ang tatlong rosas na bigay ni brad.Ang cute nilang tingnan na dalawa, bagay na bagay silang dalawa.Sana tuloy tuloy na to.Mukhang masaya naman si ate kahit papano.Walang kaalam alam si ate na nandito sina Krizel, at wala din syang kaalam alam na nakausap ko sila kahapon.Nakipagkuntsaba din ako sa panliligaw ni brad.Mukhang mabait naman kasi si Jhay-ar kaya kampante ako sa kanya at pinsan sya nina ate Sabrina at Krizel.Di naman sila siguro papayag na ligawan nya si ate kung di maganda ugali ni Jhay-ar, alam nila kasi ang pinagdaanan ni ate.Bago kami lumabas sa resto palihim akong nag thumbs up ako kay brad para ipahiwatig na effective kay ate yung simpleng ginawa nya.Ngumiti lang sya sa akin bilang ganti.Sabay daw kaming gagalang apat.Wala naman kaming maisip na magandang pupuntahan ngayon.Nung una akala ko kaming dalawa lang ni ate ang magbobonding at susulitin namin ang break naming to, pero dumating sila.Kahit na ganun okay na din sa akin dahil maganda naman nangyayari kay ate.Masaya na ako as long as masaya si ate.Sana lang magtuloy tuloy na panliligaw ni brad para mabuhay ulit ang love life ni ate.

(KRIZEL's pov )

Waahhhh, kinikilig ako kina bhest at Jhay.Let the love ang peg nilang dalawa.Nagpakilala na ng pormal si Jhay kay bhest.Di na sya patagong dumidiskarte kay bhest.Di ko agad naisip na kaya pala di nagprotesta si Jhay nung sabihin kong dito kami magbabakasyon, andito pala si bhest na ultimate crush nya.Kung di ko pa sinabi kay Prince na may gusto sya sa ate nya baka di pa magpapakilala ng pormal si Jhay.Kilig na kilig kami ni Prince habang nag uusap silang dalawa.Loko tong kapatid nyang to.Nakipag kuntsaba ba naman kay jhay sa panliligaw ng kapatid nya.Mag checheer na lang ako para sa kanilang dalawa hahaha.

Go KHIM'JHAY.Go go go KHIM'JHAY.

Oh divey, may love team name na sila sa akin kahit di pa sila, hahaha (katol pa zel. :))  )

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 318K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
1.8M 70.2K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
87.5K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
7.5M 211K 46
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...