CHAPTER 17

8 0 0
                                    

( KRIZEL's pov )

Malapit na ang birthday ko sa susunod na buwan na (May 17). Tatnda na naman ako ng isang taon.Gusto ko ako mismo mag aasikaso para sa preparatition ng birthday ko para maayos at planado lahat.And for now kailangan ko ang mga idea ni best, she has a bright idea in preparing an ocossions.Kailangan kong puntahan si Khim ngayon para masabi ko sa kanya ang mga plano ko at para hingin ang kanyang tulong.Agad akong nagbihis tsaka ako pumunta sa bahay nina Khim.

Pagkarating ko sa bahay nina Khim pumasok agad ako sa bahay nila.Kilala na ako ng mga maids nila kasi halos dito ako nag lalagi pag out of town sina mommy at daddy.

"goodmorning po manang.si Khim po?"

"magandang umaga din po ma'am Krizel.nasa kwarto po si ma'am Khim, saglit lang po at tatawagin ko.maupo po muna kayo"

"sige po manang salamat"

Pinaupo ako ni manang sa may lanai nila habang inaantay si Khim.Pagkaupo ko may naririnig akong parang nagsisigawan, parang boses yun ni Khim at ni Prince.Teka bat nagsisigawan tong magkapatid nag aaway ba sila?Di ko kasi masyadong marinig mga pinagsasabi nila.Ilang sandali pa bumaba na si Khim, teka si Khim ba talaga tong bumababa?.Mas lalo syang gumanda ngayon bagay na bagay yung half kulot nyang buhok.New look tong best ko, di na bagsak na bagsak ang kanyang long hair, kulot na sa babahan nya.Lalong maiinlove mga suitors nya ngayon para kasi syang model ngayon.Sana may taong tutulong sa kanyang limutin ang kanyang nakaraan at mamahalin sya ng lubosan para naman maging masaya na buhay pag ibig ni best.

Di pa nakakababa si Khim umalingaw ngaw na boses ko sa loob ng kanilang bahay, di parin kasi ako makapaniwalang si Khim ang bumababa habang papalapit sya mas lalong gumaganda sya paningin ko.Pagkababa nya agad nya akong linapitan.Tinanong agad ako kung bat ako napadpad sa bahay nila.Sinabi ko agad sa kanya ang pakay ko.At ayun umandar na naman pagka pilyo na.Umupo kami sa may lanai nila habang nag uusap kaming dalawa nang biglang umalingaw ang boses ni Prince.May pinapahanap ata kay Khim.At ayan sigawan na naman silang magkapatid.Nagpaalam si Khim sa akin na aasikasuhin muna niya yung pinapahanap ni Prince. Naiinggit din ako sa magkapatid no to para silang magbarkada pero di sila nakakalimot sa tunay nilang estado na magkapatid sila.Panu kasi yung kaisa isa kong kapatid eh hindi pala imik at seryoso sa buhay, ayan tuloy wala akong mapag sha share ran ng mga saloobin ko buti na lang andito mga barkada at syempre ang bestfriend kong tinuturing kong parang kapatid walang iba kundi si Khim.

Pagkatapos nyang mahalungkat ang mga pinamili nila nagpaalam na si Prince para lalakad na sa bahay ng girlfriend nya.Nagpaalam na din sa akin si Khim na aakyat para magbihis.Naglaro muna ako sa cellphone ko habang inaantay si Khim para di ako mabagot maghintay, matagal kasi syang magbihis.

Makalipas ang isang oras di ko namalayang nasa likod ko na pala si Khim.Himala mabilis ata sya ngayong nagbihis ahh.Aalis na sana kami nung sabihin nyang magpapaalam muna sya kanyang papa at mama, gulat ako nung sinabi nya yun.Akala ko kasi di pa nakakabalik papa nila.At sya din pala di nya alam na babalik na papa nya, sinorpresa lang sya nina tita at Prince.Matapos syang nagpaalam umalis na kami sa bahay nila.

* sa loob ng mall *

"best ano gagawin natin dito?"

"eh kasi best kailangan kong bumili ng damit na isusuot para sa kaarawan ko kaya dito muna tayo"

"tapos.ano susunod?"

"oh eto listahan ko para sa birthday party ko para di ka na tanong ng tanong hahaha"

Pagkaabot ko kay Khim yung ginawa kong listahan para sa party ko agad nyang binasa agad.Ginawa ko lang kanina yung listahan bago ako pumunta sa bahay nila.

PAIT NG NAKARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon