CHAPTER 35

7 0 0
                                    

( JHAY-AR's pov )

Kanina pa kami naglilibot dito sa loob ng mall pero wala pa ring kibo si khim.

"galit ka pa ba?"   lakas loob kong tanong sa kanya.

"kanino ako magagalit? sayo? kay kid?"    pabalang na sagot ni khim.

"pasensya na.libang lang yun."

"libang ba yun may pusta."

"hayaan muna ngayon lang naman yun eh."

"ah basta."

"gusto mo kumain?"

"halo halo tayo." dagdag ko.

"treat mo?"   nakasimangot pa rin nyang tanong.

"sarap talaga kumain pag libre noh."   nakangiti kong sagot sa kanya.Di na bago yan sa akin, tuwing magkasama kami ako lagi ang taya.

"so ayaw mo?"

"tara na."

Naglakad na ako papasok sa chowking.Kanina pa kasi ako takam na takam sa halo halo nila.Nakita ko kasi tarpaulin nila sa labas ng pwesto nila.Umorder na ako, umupo na sila sa bakanteng table.

"halo halo pampatanggal ng init ng ulo."    pang aasar ni brad kay khim.

"isa pa kid lalayasan ko na kayo dito."    babala ni khim sa kapatid nung maka upo na ako sa tabi nya.Sinenyasan ko na lang si brad para wag nang asarin.

"sorry na ate.di na mauulit.pwamis."   paghingi ni brad kay khim.

"shut up"

"pretty pretty please."  

"ayan na naman ehh."

"sige na pretty pretty please"

"oo nah.kaw talaga alam na alam mo kahinaan ko."  nakangiting sabi ni khim sa kapatid nya.Di ko alam kung saan sya napatawad ni khim basta ang sa akin lang bati na ang magkapatid.

"kain na."   yaya ko sa kanila nang nailapag na ang order namin.

Di pa kami nakakakalahati sa kinakain namin nang may mapansin si krizel sa katabi naming table.

"pst bhest di ba si mark yun."   sabay turo sa katabing mesa.

"mga hayop na to sila pa rin hanggang ngayon.mga asal hayop talaga para sa ka uri nyang asal hayop" patuloy ni zel.Tiningnan ko si khim.Nakatitig lang sya sa kanilang dalawa.Nakita kong namumula na mukha nya.

"wag nyo na lang pansinin."   saway ni brad kay zel.

"panung di papansinin eh kapansin pansin naman sila.matapos sa ginawa nila kay khim ganyan lang sasabihin mo prince.kaw prince, anong nararamdaman mo pag nakita mo ang taong nang iwan sayo kasama ang taong pinagtaksilan nya.ang masaklap pa dun kinaibigan ka noon ng babae na hauop na yan."    patuloy ni zel.Kinalabit ko sya para patigilin.Kinukuyom na kasi ni khim mga palad nya dahil siguro sa galit.Nasasaktan ako ngayon sa nakikita ko, tama nga sila zel at brad di pa sya naka move on mahal nya pa hanggang ngayon ang lalaking nanakit sa kanya.

"masakit syempre.lol."   sagot ni brad.

"eh yun naman pala eh.intindihin mo naman kasi nararamdaman ng ate mo."

"tama na"    saway ni khim sa kanilAng dalawa.Nakatitig pa rin sya sa katabi namin.Naramdaman kong nag vibrate phone ko sa bulsa ko.

*brad labas muna si ate dito.dali.wag nyo na kaming alalahanin ni zel basta libangin mo si ate*  yan ang saktong text ni brad.Tiningnan ko sya, tumango sya bilang hudyat na ilabas ko na ate nya.

PAIT NG NAKARAANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon