CHAPTER 27

6 0 0
                                    

( KHIM/YHATZ pov )

Ginising ako ng gutom ko.Iminulat ko mata ko.Napaka dilim ng paligid.Kinapa ko phone ko mula sa side table.Hallah, 5:30 na ng umaga.Haba ng tulog ko, di na rin ako nakakain ng hapunan.Bumangon ako at binuksan yung lampshade.May naka styrophone na pagkain pero malamig na, di na masarap.Hinalungkat ko yung mga prutas na binili ni kid kahapon.Yun na lang kakainin ko.Bahala na pag magalit tong kapatid ko.Mahimbing pa kasi tulog nya.Umupo na lang ako sa harap ng maliit na mesa para kumain.Gutom na gutom na kasi ako.Di man lang ako ginising ng kapatid ko para mag hapunan.

Makalipas ang  thirty minutes. . .

"ate bat yan kinakain mo?"   sabi ni kid.

"nagutom ako eh.pasensya na.balik na lang uli tayo dun bago tayo uuwi."     paliwanag ko.

"okay lang yan ate.kahit ubusin mo pang l-la. . ."   naputol sasabihin ni Prince.

"oh bakit?"

"ate malapit mo nang maubos oh.halatang gutom na gutom ka."    gulat na sabi ni kid habang tinitingnan mga pinamiling prutas.

"ai oo nga noh.sorry hah.gutom na gutom kasi ako ehh."   

"kain na lang tayo sa resto.bihis lang ako saglit."

"okay.hintayin kita,sa labas baka maubos ko nang tuluyan mga prutas mo." paalam ko sabay labas ng kwarto.

Makalipas ang ilang minuto lumabas na rin kid.

"tagal mo."

"sus gutom lang yan."

*paakkkk*   binatukan ko sya.

"ano ba naman yan ate.hanggang dito binabatukan mo ako."   sabi ni kid habang hinihimas ulo nya.

"di ka pa sanay.gutom na nga ako antagal mo pa. tsk"

"sanay na sanay na.hanep ate kahit gutom ka malakas ka pa ring mambatok.hahaha."

"gago tong batang to ah.tara na nga.world war III na."

"hah?"    maang na tanong ni kid.

"mga alaga ko"

Di na sumagot si kid.Sapo sapo na nya tyan na sa kakatawa.

"babaw ng kaligayahan mo.tara na nga."  yaya ko sa kanya.

"hahahaha.tara na nga baka  mangayayat ka ng husto.baka kinain na ng mga alaga mo bituka mo ate.hahaha"    tatawang tawang sabi ni kid sabay lakad.

"tarantado ka talaga kid."

Naglakad na kami papunta sa resto malapit sa hotel, wala kasing kainan sa loob ng hotel.Pagkarating namin nauna nang umupo si kid sa may bakanteng mesa.Umorder na ako ng pagkain.Ilang saglit pa, may dumating.

"hi bhest."    bati ng isang pamilyar na boses mula sa aking likod.

Tiningnan ko kung sino nagsalita, si Krizel.

"oh kaw pala bhest.dito ka din? buti pinayagan ka ng kuya mo gumala?"    tanong ko kay Krizel.

"sus, dami tanong.may kasama ako syempre.at gusto nyang magpakilala sayo."    deretsong sabi ni Krizel.

"ah eh.sino naman?"    nagtatakang tanong ko.

"goodmorning beautiful"    isang baritonong boses ang sumulpot mula sa aking likod.

Tningnan ko yung nagsalita.Parang pamilyar sya sa akin.Iniabot nya sa akin yung tatlong rose na hawak nya.Wala pa rin akong masabi.Ayaw bumuka ng bibig ko.Tiningnan ko sina kid at Zel, kilig na kilig naman tong dalawa.Pero infairness, may kakaiba din akong naramdaman.Ngayon lang ulit ako nakaramdam ng ganito, biglang bumilis ang pintig ng puso ko.Putik naman, hindi lang ngayon ako nakatanggap ng rose pero bat iba ang impact ng moment na to sa akin (enebeyen.hahaha).

PAIT NG NAKARAANWhere stories live. Discover now