~*~
(Andrei's POV)
Kasalukuyan kaming tumatakbo palabas sa kagubatang ito. Marami nang sugat ang natamo ng aking katawan ngunit iniinda ko na lamang, tutal ganun rin naman ang kalagayan ng dalawa ko pang kasama na nauuna sa akin ngayon sa pagtakbo.
Bakit ba kasi umalis si Frank? Hindi namin alam ang daan palabas!
Shet na malagket! Dapat kasi lumambitin na ako sa kanya paalis eh. Nakakaletse!
Inis kong nilingon ang malaking gorilla'ng kamukha ng pagong na dumudura ng asido. Hindi ko alam kung saan ang kanyang kahinaan dahil pati ako nanghihina na sa pagod na nadarama.
Alam ko sa sarili ko na dapat pinapagaan ko ang atmosphere ngayon katulad ng aking nakasanayan pero parang may nag-uudyok sa akin na h'wag noon pa man. Hindi ko mapagaan ang kanilang mga kalooban.
"Andrei dalian mo! Dito!" Napalingon ako kay Rugby sunod kay Dennis na hindi na magamit pa ang kanyang abilidad dahil sa pagkaubos ng stamina.
Nabigla ako ng makitang nag-iipon na naman ng asido pang dura ang halimaw. Nilingon ko kung saan sya nakatingin at ganun na lamang ang aking kaba ng makitang kay Dennis iyon na unti-unti nang bumabagal ang takbo.
"Dennis!" Tawag namin pareho ni Rosby.
Hindi na ako nag-isip pa at inipon ang natitira kong kapangyarihan sa aking hintuturo. Ginamit ko iyon at ipinatama sa noo ng gorilla bago pa man nya maidura ang asido. Eww bad breath.
Nabalot sya ng puting liwanag na nagmistulang apoy na lumulon sa kanya.
Fvck! Yun na yon?
"Good job Drei." Pagtapik sa aking balikat ni Rugby.
"Salamat." Pagpapasalamat sa akin ni Dennis bago maupo sa lupa. "Kahit na natagalan, vovo kasi."
Napairap na lamang ako. Mabuti nga niligtas ko pa ang gunggong na to eh! Tss. Na dapat hindi.
Ako pa daw ang vovo? Dapat na lang talaga di na ako tumulong! Kung bakit kasi ako kinabahan. Sigh.
"Ano na ngayon?" Tanong ko sa kanila na naghahabol rin ng hininga katulad ko dahil sa pagod.
"Magpahinga muna tayo kahit saglit bago bumalik sa akademya, mahirap nang makasagupa ulit ng halimaw ng wala na tayong sapat na lakas." Sagot ni Rosby bago inilibot ang paningin at napabuntong hininga.
Si boy yelo kasi nang-iiwan.
Aaminin ko kahit na malakas ang kapangyarihang hawak ko, hindi sapat ang kontrol at stamina ko para magamay ito.
Napakuyom ako ng kamao. Kung sana pumunta kami ng maaga sa entablado edi sana hindi nagkaganoon si Cashmere. Naguguluhan pa rin ako sa ngayon, bakit lalabas ang halimaw nya kung ganun lamang ang dahilan? At ano ang pinag-uusapan nila na bato?
"Andrei." Napalingon ako kay Dennis nang tawagin nya ako.
Nasa tabi ko na sya at malayo ang tingin.
Binigyan ko lamang sya ng 'bakit' sa mukha.
Nakita kong napahinga muna sya ng malalim bago nag-aalangang buksan ang bibig na animo'y may sasabihin na ngunit itinikom rin ito kaagad.
Aba eh fotek!
"Magsasalita ko o papalamunin kita ng lupa?" Masama ko syang tinignan.
I'm not in the mood. Haler!
"In any case ba ano eh kasi ano."
Dumampot na agad ako ng lupa sa aking gilid bago ibato sa kanya na ikinailag nya naman kaagad.
"Para saan yun!" Singhal nya sa akin habang nanlalaki ang mga mata.
"Wala. Sige tuloy." Walang emosyon kong sabi.
Umirap lang sya sa akin na parang bakla bago muling nagsalita.
"G-Gusto mo ba si R-Rosby?"
Hindi na ako nabigla sa kanyang katanungan. Namumula ang kanyang mukha lalo na ang tenga. Tss. Ganito ba talaga ang nagiging reaksyon pagnalaman mo na ang isang tao ay syang iyong katadhana? Bakit napakababaw nila pagnapag-uusapan ang mga kadestiny? Yuck.
Saka si Rosby seriously magugustuhan ko yung panget na yun? Watda. Tse magsama sila mga panget.
Holeh eww.
Teka! Hahahahahaha. Maasar nga.
"Oo. Bakit? Actually may balak na nga akong ligawan sya ngayon eh." Umacting pa ako na tatayo na at pupunta na sa gawi ni Rosby nang may maramdaman akong mga braso na yumakap sa aking mga binti.
Gusto ko syang sipain nang maramdaman ko pang idinantay nya ang kanyang ulo sa aking mga hita. Holeh fvck!
Waaaaaaahh! Ang dami nang hindi virgin sa akin! Huhuhuhuhu.
"Pare gusto mo na bang mamatay?"
Napatigil ako't napalunok nang marinig ang kanyang katanungan. Seryoso ito at malalim. Naramdaman ko rin ang pahigpit na pahigpit nyang kapit sa akin.
"A....h ano D-Den. Wag dito baka------"
Hindi ko na natapos ang pagsasalita ko nang makita si Rosby sa aming harapan na nanlalaki ang mga mata at nakaawang pa ang bibig.
"Oh my god!" Bulong nya sa sarili na sya namang aming narinig.
Uh oh. Mali! Mali sya ng iniisip!
Huhuhuhu. Mader pader! Pakers.
~*~
(Someone's POV)
Napangisi ako ng sa wakas ay naramdaman ko muli ang kanyang presensya, ka'y tagal nang panahon simula ng madama ko itong muli.
Hindi ko na inasahan pa na sya ay kakatok dahil panigurado'y hindi nya naman magagawa iyon.
"Lunar." Tawag nya sa akin.
Oh~~kay sarap pakinggan ng aking ngalan sa t'wing sya ang magbabanggit.
"Clive." Sambit ko rin bago unti-unting humarap sa kanya habang hawak hawak ko ang isang basong dugo ng batang tao na syang nagpapalakas rin sa akin.
Ngumiti pa ako sa kanya ng ubod tamis bago ilapag ang aking inumin sa pinakamalapit na mesa.
"Lunar." Tawag nyang muli.
Ang boses nya'y nagmamakaawa at nawawalan na ng pag-asa.
Nilapitan ko sya at ipinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg. Tinitigan nya lamang ako, ang mga mata'y walang emosyon ngunit isinantabi ko muna iyon kahit na ako'y nasasaktan.
Masama man ako ngunit nagmamahal rin ako katulad ng aking mga kapatid, ang kabaliktaran nga lang ay hindi ako minamahal ng aking mahal.
Wala naman syang magawa dahil hawak ko sya sa leeg, ang kanyang mga kasama't kaibigan at pati na rin ang aming mga anak.
Wag nyo kong kaawaan kung ayaw nyong hawakan ko rin kayo sa leeg.
"Bakit mahal ko?" Mapang-akit kong tanong sa kanya bago ko marahang hinahagkan ang kanyang leeg.
"Bakit ayaw mo itong itigil at mamuhay na lamang tayo malayo sa gulo?"
Napatig ako bago sagutin ang kanyang katanungan. "Hindi pwede mahal ko, naumpisahan ko na, namatay na ang aking kapatid kaya wala na akong pwedeng atrasan pa kung hindi ay harapin sila at makapaghiganti." Madiin kong wika bago sya titigan sa mga mata.
Naramdaman ko ang kanyang mga braso na humawak sa aking bewang bago ako hagkan. Isang malalim at mainit na halik ang kanyang ibinigay na ginantihan ko rin ng higit pa.
Bakit kailangan pa maging komplikado ang lahat? Sinisi na nila sa akin ang lahat na hindi ko naman ginawa at hinding hindi ko magagawa.
Pero bakit nga ba Lunar? Bakit mo pa gustong iligtas sila at kumilos at mamatay ng mag-isa?
Ang galing ng kwento ng author diba? Naguguluhan ka na.
Maingat akong binuhat ni Clive, at maingat nya rin akong binaba sa isang malambot na higaan habang hindi pinuputol ang aming nag-lalagablab na halikan.
Magtakip ka ng mata kung ayaw kong maging abo yan dahil ako mismo dudukot dyan! Grr.
Si Cashmere na anak ng aking kapatid ang tanging susi sa lahat ng kanilang plano at ang aking plano.
Ang demonyo na magpapalakas sa bawat isa sa amin. At ang dyosa na syang magbabalik sa tamang kaayusan.
Demonyo lamang ang kailangan naming dalawang kampo, pero ang pagkakaalam ko ay papatayin nila ang dyosang parte upang magtagumpay.
Hindi ko iniisip ang pamangkin ko na si Cashmere, marami syang tagaprotekta lalo na ang dalawa kong anak na mangunguna pa sa pagprotekta.
Kailangan ko lang ang demonyo nya, ang demonyo lamang. But I doubt kung makakasurvive pa sya matapos ko iyong kunin. Hahahahaha.
Naguguluhan ka na ba? Malamang nandito ka sa POV ng isang reyna ng kadiliman, walang liwanag dito.
Am I good or bad?
"Hmm....a-ah C-Clive------ughmmm."
Ooooppssss. CUT! Bwahahahaha.
Close curtain.