Cali's Queen (Completed) EDIT...

بواسطة Veldet_Ayesha

1.7M 41.8K 3.5K

WARNING R:18 In a famous Belief, every person in this world has their own lifetime partners or the so-called... المزيد

Cali, The Human Peste
CQ-2
CQ 3
CQ-4
CQ-5
CQ-6
CQ-7
CQ-8
CQ-9
CQ-10
CQ-11
CQ-12
CQ-13
CQ-14
CQ-15
CQ-16
CQ-17
CQ-18
CQ-19
CQ-20
CQ-21
CQ-22
CQ-23
CQ-24
CQ- 25
CQ-26
CQ-27
CQ- 28
CQ-29
CQ-30
CQ-31
CQ-32
CQ-33
CQ-34
CQ-35
CQ-36
CQ-37
CQ-38
CQ-39
CQ-40
CQ-41
CQ-42
CQ-43
CQ-45
CQ-46
CQ-47
CQ-48
CQ-49
CQ-50
CQ-51
CQ-52
CQ-53
CQ-54
CQ-55
CQ-56
CQ-57
CQ-58
CQ-59
CQ-60
CQ-61
Final Chapter
EPILOGUE

CQ-44

27.4K 739 101
بواسطة Veldet_Ayesha

His Queen 44

-----------------------------------

"Cali..."

"Shit...Azula?"

She smiled at me and fvck! Pakiramdam ko bumukas ang langit sa pag ngiti niya. Nananaginip yata ako at nandito siya ngayon. Nakangiti pa.

"Are you for real?" Iniangat ko ang kamay ko at hinaplos ang mukha. Ngumiti lang siya sa ulit. I was about to pull her for a hug, ng unti unti niyang binitawan ang kamay ko. "Te--Teka! Azula! Sandali lang!" Ngunit patuloy lamang ang paggalaw ng kinatatayuan niya palayo sa akin.

"Fvck! Wait! Azula!"

"Bye Cali..." nag echo ang boses niya sa buong paligid.

Cali...

Cali...

Cali...

"Fvck! Azula!"


"Cali!"

"Cali!"

Something hit my face. Napatitig ako sa kawalan. Hanggang rumehistro sa akin ang puting pader. Ang puting kisame. Ang hindi pamliyar na silid.

"Cali? Are you okay?"

Lumipat ang tingin ko sa nagsalita. "Morgianna?" She gave me a relief sigh. Lumapit siya sa bandang ulunan ko at nagsalita doon. An intercom. Ilang segundo lang ay bumukas ang pinto, revealing Sven, Storm and Trek.

"Oi! Yung Puta, gising na! Masamang damo talaga!" Agad silang nagsilapitan at malakas na dinuro ang noo ko.

"Tang ina mo, kung magpapakamatay ka, puntahan mo ako! Ako mismo ang maglalagay ng lubid sa leeg mo!" Singhal sa akin ni Trek. "Tinakot mo ako Gago ka!"

"Ang ingay letse."

"Gago! Pasalamat ka masamang damo ka. Kung hindi baka nasirang Cali kana!" Pinandilatan ako ni Sven.

"Anong pumasok sa isip mo, Cal?" Seryosong tanong ni Storm habang nagbabalat ng mansanas. "You are not like that. You won't go that far. Kaya, bakit?"

Sabi ko na eh. Kung wala lang cast ang braso ko, susuntukin ko isa-isa 'tong mga gagong 'to eh! Inis akong napabuga ng hangin.

"You're thinking that I'm being suicidal here?!"

"Bakit hindi ba?!" Koro nilang tatlo.

"Ayy! Ewan ko sa inyo!" Buiset! Pinikit ko nalang ang mga mata ko. Baka sakaling makita ko ulit siya. I really thought I saw her, i really thought she's here.

But that's just part of my hallucination. Hindi siya ang tumawag sa akin nung gabing iyon, I'm sure of it.

It was Morgianna.

"Drama mo, gago." Then my pumitik sa tenga. Wala na akong nagawa kundi ang matawa din. Inilagay ni Storm ang platito ng binalatang mansanas sa kandungan ko.

"Nakita ko siya..." Hindi ko napigilang sabi,habang nakatitig sa pagkain.

"Nakita mo si Taning?" Lumipat pa ng upo sa paanan ko ang dalawang ungas. "Anong hitsura Bro? May karit? Naka hood? Mukhang bungo ba?"

"Gago! I saw Azula, that night bago ako nawalan ng malay. And then kanina, I dreamt of her. Akala ko talaga nandito na siya." Napailing na lang ako. Tang ina, ano hanggang dito nalang talaga ba kami?

Hanggang alaala?

"May info si Dad, about Korin. But he doesn't want to tell me, unless mag migrate na ako sa U.S at makipagkilala sa inaanak niyang doon na nakabase."

"Wow, ang pogi mo ah?" Umabot ng mansanas si Trek.

"Ilang araw akong walang malay?" Naalala ko lang bigla. Isinenyas ni Sven ang dalawang daliri. At tumango naman ako. "Si Eiji nga pala, I haven't heard anything about him."

"Nag overseas call siya kanina, nasa California yun ngayon eh. Sinisigurado yata kung nasirang Hidalgo kana." Humagalpak sila ng tawa ni Sven.

"Tss...Ewan ko sa inyo. Magsilayas na nga kayo." Tumagilid na ako at tinalikuran sila.

Bago ako mapaklang napangisi. Buti pa hindi na ako nagising, atleast doon kasama ko siya. Nakangiti siya.

------------------------------

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may nagbukas ng pinto. Kahit marahan at maingat lamang ang pagbubukas ay naramdaman ko parin. Bahagya kong pumihit at sinilip ito.

And there I found my Mom, may bitbit siyang basket ng prutas at tipid akong nginitian. Tuluyan na akong bumangon kahit nananakit padin ang katawan ko.

"How's your feeling?"

"I'm fine, Ma." Bigla na lamang siyang bumuntong hininga at hinaplos ang pisngi ko. "Ma?" Nag salubong ang kilay ko ng mapansin kong namula ang mga mata niya at naiiyak akong pinakatitigan.

"Anak..." nabasag ang kanyang boses.

Napaungol ako sa inis. Why does my Mother stares at me, na para bang ako na ang pinaka nakakaawang tao sa tanang buhay niya. Wala namang nabali sa akin, maliban sa braso ko ah! Gasgas at bugbog lang ang tinamo ko sa hita, sa mukha at sa katawan ko.

"Ganoon mo ba talaga siya kamahal anak? Para umabot ka sa ganito?"

Hindi ko mapagilang mapatanga at magsalubong ng kilay. What the fvck?!

"Ma? Ano ba? Ano bang akala niyo sa akin? Tanga? Mahina?" Buisit naman talaga! "Do you really think I intentionally did it, because of my longing for her? Kung magpapakamatay ako, hindi sa drag race! Magmamaneho ako, diretso sa bangin!"

"Because I'm so worried for you! Hindi ka dating ganyan, Yes! You love cars, pero ni minsan hindi ka sumubok sa drag race na iyan! But then now, look at you?!" Minuwestra ni Mama ang mga kamay sa akin. "Just because of some girl? Cali?---"

"Stop righ there, Ma!" Napangiwi ako ng sumakit ang tagiliran ko at ang bugbog sa gilid ng aking bibig. "Kung pumunta lang kayo, para pangaralan ako at laitin si Azula sa harap ko, bukas ang pinto. Makakaalis na kayo." Huminga ako ng malalim, as much as possible. Ayokong magalit kay Mama.

"Ayusin mo ang buhay mo Cali Enrique. Don't give me an enough reason para sang-ayunan ang pagpapakasal mo kay Morgianna."

Naramdaman kong tumayo na si Mama. Kung may maipagpapasalamat man akong hindi nagbago kahit ilang taon na ang lumipas. Iyon ay ang pagiging supportive niya sa akin. Kahit na alam kong nabago ang pagtingin niya kay Azula. Hindi niya padin akong pinilit na ipakasal kay Morgianna.

"Mama..." Dumilat ako at tumingin sa kanya. "Help me to find her, maaayos lang ako. Kung magiging akin ulit siya." I clenched my fist, bumibigat ang dibdib ko. For three years, hindi ako umiyak sa kahit na sino. Kahit pa sa kanya.

"You willing to give her another chance?"

"Kahit ilang chance pa Ma." Tumingala ako upang pigilan ang luha. Buisit talaga sila, kahit hindi mo sabihing tumulo. Tutulo talaga. "It's nothing, kumpara sa lahat ng tsansang binigay niya sa akin noon, kahit ilang beses ko siyang nasaktan."

"Kakausapin ko si Carson. For the meantime, magpahinga ka muna at magpagaling."

"Thanks, Ma." Ngumiti ako sa kanya na sinuklian naman niya ng ngiti at tango. Carson is the Hidalgo's Private Detective. Ang alam ko matagal na siyang nagseserbisyo sa buong angkan. Kaya malaki ang tiwala ko na baka sa pagkakataong ito, mahanap ko na talaga siya.

And hopefully this time, talagang makita ko na siya. Dahil hindi ko na alam kung kakayanin ko pang tumagal ng ganito. I rested my head on the pillow. Kinapa ko ang kwintas ng bigla akong napadilat.

Shit! Nasaan iyon?!

Did I lost it on the accident. Tiningala ko ang intercom and tried to push the button, ngunit sumasakit ang tagiliran, hita at braso ko. Tangina! Hindi pwedeng mawala iyon! Iyon ang huling bagay na binigay niya sa akin!

"Cali?"

Lumipad ang tingin ko kay Morgianna na pumasok. May bitbit siyang plastic bag ng Goldilocks. "Morgianna, have you seen the dog tag that I'm wearing before I sent here?"

"Ah...Iyon ba?" Dumiretso siya sa mesa at nilabas ang laman ng plastic. Sliced cakes, at kung ano-ano.

"Yeah, where it is?"

"Kumain kana muna. You love cakes right?" Inalisan niya ng balot ang isang mocha cake.  Nilagay niya ito sa isang platito at iniabot sa akin. And believe me, I'm starting to get pissed! Nagtatanong ako ng maayos, isa pa!

"Morgianna, I'm asking you where is that fvcking dog tag." I asked her again in a slightly calm voice. I'm starting lose my patience seriously.

"Why is it so Important to you? Nasira na iyon, naputol ang necklace. Itinapon ko na." She shrugged at me.

"Itinapon mo?! Ng hindi mo sinasabi sa akin?" Putang ina naman talaga! Kung pwede lang manakit ng babae! Pisikal! Baka nasakal ko na siya! "Where it is? Kunin mo, I don't care kung putol pa o ano! Basta akin na."

"Pero hindi mo narin naman magagamit pa iy---?"

"Just fvcking give it to me!" Napipikang singhal ko. Ng hindi parin siya gumalaw ay nagpilit na akong bumaba. Kahit masakit at pakiramdam ko ay pinipiga ang mga bugbog na parte ng katawan ko.

"Dahil ba si Azula ang nagbigay non sa iyo?"

Natigil ako sa paggalaw at nagtatakang tiningnan siya. I don't remember telling anyone, about that necklace. "Bakit mo alam?"

Pagak siyang tumawa. Nahagip pa ng paningin ko ang mabilis na pagpahid niya sa kanyang mata. "Bakit hindi ba? Just like how you still keeping the stupid couple bracelet, pati iyong couple ring na isinoli niya."

"Where is it, Morgianna?" I swear kung talagang tinapon niya, ipapakalkal ko sa kanya ang basurahan kung saan niya itinapon iyon!

Bigla siyang humikbi at nilapag sa pagitan naming dalawa ang kwintas. "Ano bang meron siya na wala ako? Ano bang binigay niya, na hindi ko naibigay sa iyo? Ako naman iyong nauna diba?" Tumayo siya at paluhod na lumipat sa aking harap. "Sabihin mo? What do you want me to do, to get you back in my life and for you to marry me? Gagawin ko, just tell me..."

"Morgianna, stop." Goodness? Eto na naman ba kami?

"No! I don't understand! Alam mo iyon? Simula pagkabata natin! Ipinangako na nilang tayo ang magpapakasal! And you didn't go against that arrangement!" Humagulgol na siya ng iyak at yumakap sa akin.

Siguro nga, may kasalanan din ako. Dahil hindi ko nilinaw sa kanya. Hinayaan ko siyang umasa. Ako ang nagbigay ng ideya sa sa kanya, na ayos lang sa akin ang kasunduan.

"Morgianna. Listen to me."

"No...Please, Cal...Pleas---"

"---Listen!" Pilit ko siyang inilayo at hinawakan ng mahigpit sa magkabilang braso. Luhaan siyang napatitig sa akin. "Listen. I can't marry you. I'm inlove with Azula, and I intend to love her as long as I'm living, and as long as I'm breathing."

"No!" Luhaan siyang umiling-iling. "Hindi ako papayag. I didn't went this far! Para lang mauwi parin sa wala ang lahat! You will marry me!Ako ang papakasalan mo!---"

"Stop it Gia! Why can't you understand na hindi kita mahal?! Hindi kita minahal! Kaya hindi pwede! Hindi mo ba maintindihan yon? Kung meron man akong gustong iharap sa altar at mapangasawa...Hindi ikaw iyon."

"No!" Tumama sa pisngi ko ang palad niya. Tang ina! Doon pa sa may pasa ah! Sakit buisit!

Humahagulgol siyang tumakbo papuntang pinto, muntik pa niyang mabangga iyong papasok na Nurse, dahil pabalya niyang binuksan ang pinto at lumabas.

"A--Azula..." I heard she muttered. I rolled my eyes at sinabihan ang nurse na isara ang pinto. Ayokong marinig na murahin o kung ano-ano pang sabihin niya kay Azula, at baka makalimutan kong baldado ang kamay ko at kumonekta sa pisngi niya.

"Pain reliever po, Sir." Binigay niya sa akin ang tableta.

"Ahm, Miss...Kailan ba ako pwedeng umuwi? Hindi naman ako malala."

"Wait lang po natin yung resulta ng X-ray at CT-Scan niyo, Sir. Just to make sure na wala pong internal damage sa inyo." She smiled at me. Inayos ang dextrose sa kamay ko.

"Okay, pero pwede bang lumipat ako ng kwarto?"

"Bakit po?"

Nagkamot ako ng ulo at napasimangot. "Have you seen the girl earlier? Iyong muntik ng bumangga sa iyo? Ayoko na siyang bumisita dito, but since alam na niya itong kwarto ko. Kaya I need a  new room, iyong hindi niya alam."

"Ahh, sige po Sir. Sasabihin ko po agad kay Director, para maprocess niya agad ang request niyo."

"Thank you." Bumalik ako sa pagkakaupo sa kama at sinandal ang likod sa mga unan. "And please lang, kapag nagtanong siya sa front desk ng bago kong room number, wag niyong ibigay. I don't want to see her again." Sigurado ako babalik iyon, dahil kahit paulit-ulit ko namang sabihin na hindi ko siya papakasalan, hindi iyon makikinig.

"Papa ban niyo Sir?" Natatawang tanong nung Nurse, tumango lang ako at kinuha iyong FHM na dala ni Trek. Manyak talaga. Ng biglang natawa iyong babae, nagsalubong ang kilay ko at tiningnan siya.

"Sorry po, naalala ko lang po iyong bisitang babae sa pasyenteng chineck ko kanina."

"Why?" Siguro para ding si Morgianna, nuknukan ng kulit! Ayaw paawat!

"Dinalaw niya po kasi kanina iyong pasyente ko kanina. Pagkadating palang po, binato na niya ng talong iyong pasyente." Lalong natawa iyong Nurse.

"Talong?" What the fvck talong?

"Allergic po kasi sa talong iyong si Sir Zayn, tapos kumain padin siya. Kaya naospital. Nagalit po sa kanya yung Girlfriend niya, binat---"

"Anong sinabi mo?" Napatuwid ako ng pagkakaupo. Alam kong madaming Zayn sa mundo...
"Anong pangalan?"

"Sino po?...Ahh! Si Sir Zayn. Bakit po?"

Dumoble ang kaba ko ng ulitin niya ang pangalang iyon. Wala akong ideya kung magkasama ba silang umalis ng bansa, o ihinatid lang siya nito sa Airport.

But fvck, girlfriend...

Hindi pa ako sigurado kung si Zayn nga ba iyon na kilala ko. O baka magkapangalan lang. Pero ang dugo ko kumukulo na. Ang selos ko, ang inggit ko, ang asar ko--

"Sir? Okay lang kayo?"

"I'm fine." Niluwangan ko ang pagkakahawak sa magazine. Hindi ko napansin kaninang nalulukot ko na iyon, kung di pa ako tinawag ng Nurse. "Anong pangalan ng girlfriend niya? Nabanggit ba ni Tat---Zayn?" Kumalabog ang dibdib ko. Shit!

"Bakit niyo po naitanong? Kilala niyo po si, Sir Zayn?" Kumurap-kurap siya ng ilang beses. Parang nagdududa.

"Baka nga kakilala ko, that's why I'm asking." Pinagtaasan ko siya ng kilay, ng makuha niyang naiirita na ako sa kakapaligoy niya.

"Eh, baka nga po kakilala niyo. Kakilala din kasi siya ng bisita niyo kanina."

Nahigit ko ang hininga sa sinabi niya. I heard what she muttered earlier...

I thought she's just cursing that name under her breath.

Hindi. Hindi!

Pabalikwas akong bumaba ng higaan, ignoring the pain in my body. Pati ang dextrose ay natanggal na sa aking kamay. Fvck! She's here! She's here now!

"Sir! Sandali po! Bumalik kayo!"

Halos lahat ng pinto ng bawat kwarto ay binuksan ko. I Didn't bother to knock first. Kailangan ko siyang makita! My heart is beating rapidly.

Dahil sa nerbiyos at antisipasyon.

"Fvck! Nasaan siya? Nasaan siya?" Luminga-linga ako sa buong pasilyo, hindi lingid sa akin na pinagtitinginan ako ng mga makasalubong ko. Nurse man, o Doktor, o mga bibisita. Until I saw something, I knew who can help me.

Tumakbo ako papunta dito.
"Anong Room Number ni Zayn? Zayn Anderson?!"

Namumutlang agad na nagtype ang nurse na nasa Info desk sa computer niya.

"I'm sorry Sir, kakadischarged lang po niya ngayo---"

Halos magkandasubsob akong tumakbo patungong door exit. Nagtriple ang kalabog ng dibdib ko sa kaba at sa antisipasyon. Ng makita ko ang pamilyar na bulto at nakatalikod na. Pasakay na isang kotse.

"Shit! Azula! Fvck it! Azula!"

Hindi niya ako narinig. Umandar ang kotse at tuluyang nakalayo. Tiniis ko ang napakasakit na katawan at pilit humabol sa sasakyan.

"Azulaaa! Azulaaa!" Nagpatuloy ako sa paghabol, kahit kapusin ako ng hininga, kahit pakiramdam ko mababali ulit ang braso ko. Kahit napakasakit na ng talampakan ko. Tumakbo parin ako. At hinabol siya.

"Azulaaa!"

Napaluhod na ako sa daan at sunod sunod na sumagap ng hangin. Putang ina! Tuluyan ng bumigay ang mga tuhod ko, kahit gustong gusto ko paring tumakbo.

Napasalampak na ako sa daan, at tinanaw nalang ang kotseng lumiko na sa high way. Hindi na talaga tumigil ang sasakyan niya.

--------------------------------

Gusto ko isali si Sven sa Wattys2017. Kaso nawawala pa ang mahiwagang kwaderno ko haha.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

571K 14.6K 47
Sabi nga nila... Matandang mayaman madaling mamatay... Noon,tinatawanan ko lang ang kasabihan na yan... Pero isang araw..nagulat nalang ako dahil kai...
15.2M 487K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you. *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na kulay berde...
14.1M 272K 38
Synopsis Matthew Del Prado is one of the most eligible bachelor in town. A man that every woman's dream and every man's nightmare. He can...
31.7M 537K 55
Have you ever had sex with a complete stranger? What if you did? What are you going to do if you had sex with a stranger? Yung tipong kahit itsura ni...