Mi Amore Series#1 My Mute Maid

By jaysanj

2M 65K 17.1K

Putek naman si Mama! kukuha na nga lang ng maid yung pipe pa! - Left Yumi Kyo GirlxGirl story More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue

Chapter 47

28.8K 974 81
By jaysanj


Yani's POV

"Nissan" tawag pansin ko kay Nissan na tulalang nakatingin sa labas ng bintana. Napabuntong hininga ako. Ilang araw na bang nakakalipas simula nung mangyari na muntik na sya ma-rape at mapatay? Apat na araw na pero hindi pa din makausap ng maayos si Nissan.

Yes, nakakapagsalita na sya pero malimit dahil natatakot pa din sya magsalita. At kahit na natatakot syang magsalita, ayaw nya din magsulat. Iling o tango lang ang isinasagot nya minsan, madalas ay hindi sya kumikibo.

"Hindi mo pa din ba kakausapin si Left?" tanong ko sa kanya. Hindi sya kumibo. "Nissan, apat na araw na naghihintay sa labas ng pinto si Left. Hindi na nga naliligo at kumakain yung tao dahil hinihintay ka nya." 

Nasa labas palagi si Left ng kwarto ni Nissan. Nakaupo sa sahig at taimtim na hinihintay na kausapin sya ni Nissan. Pilit namin syang pinapauwi saglit sa kanila para makapagpahinga man lang o maligo pero ayaw nya. Naaawa na sa kanya ang pamilya dahil pati si Left ay hindi na din makausap ng matino. Nandon lang sya sa labas. Sabi nga ng mga bodyguards sa labas ay nahihiya na sila dahil yung binabantayan nila nasa ganong sitwasyon. At sabi din nila na hindi kumakain si Left kada hinahatarin sya ng pagkain. Kakain man pero isang subuan lang. Nag-aalala na kami sa kanya na baka magkasakit sya sa ginagawa nyang yan eh.

Narinig kong bumuntong hininga si Nissan. Lumapit ako sa kanya.

"Walang kasalanan dito si Left, Nissan. Wag mo sana syang idamay sa galit mo sa lolo nila. Mahal ka nya." sabi ko sa kanya.  Wala pa din syang kibo. Hinalikan ko sya sa ulo nya. "Wag mo patagalin pa ito baka kung mapano pa si Left. Alam natin ikaw lang ang susundin nya."

Tumayo na ako at naglakad patungo sa pintuan.

"Kung hindi dahil sa lolo nya, hindi mawawala sila Daddy." tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"Nissan.." seryosong tumingin sya sakin.

"Alam mo kung gaano kahirap ang dinanas ko simula nung nawala sila Daddy. Naging palaboy ako sa kalsada, walang makain at walang matirhan, at muntik na rin ma-rape kung hindi ka dumating non. Nagtrabaho ako sa agency mo bilang maid, at sa lahat ng naging amo ko hindi maganda ang pakikitungo nila na umabot sa physical-an. At nung magkita ulit kami ng mamamatay taong yon, muntik na ako ma-rape at mamatay. Ku-kung hindi nawala sila Mommy, hindi ko dadanasin ang ganon pangyayari." naiiyak nanaman sya.

Nilapitan ko sya at niyakap.

"Nissan, hindi kasalanan yon ni Left. Wala syang kaalam alam na nagawa yon ng lolo nya. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo pero nung dumatin si Left sa buhay mo, naging maayos 'di ba? prinotektahan ka nya, inalagaan at minahal. Wag mo sanang idamay pa si Left dito. Ako na nagmamakaawa sayo dahil ayokong mapano pa si Left sa labas." sabi ko sa kanya. Lalo syang umiyak.  Niyakap ko sya ng mahigpit. Sooner or later alam kong magiging okay na sila ni Left at sana lang ay hindi na patagalin pa ni Nissan dahil baka kung magtagal pa pati si Left nakahiga na din sa hospital bed.

"I..." hinintay kong ituloy ang sasabihin nya pero hindi na sya nagsalita. Kumalas sya ng yakap sakin at humiga. Nagtaklob sya ng kumot. Napabuntong hininga ako.

"Pupuntahan ko lang si Johan." paalam ko tsaka ako naglakad patungo sa pintuan.

Tumigil muna ako saglit at tumingin sa kanya tsaka ako lumabas ng kwarto nya. At sa paglabas ko naman ay nakita ko si Left na nakaupo sa sahig habang yakap yakap ang mga tuhod nya.

"Ma'am, nakatulog po sya." sabi ng bodyguard. Ngumiti ako sa kanya.

 Lumapit ako kay Left. Hinaplos ko ang buhok nya ng dahan dahan. Naaawa ako sa kalagay nyang ito. Matyaga syang naghihintay kay Nissan. Mahal na mahal nya talaga si Nissan. Mabuti na lang dumating sya sa buhay ni Nissan, kahit na hindi maganda ang background ng pamilya nya alam kong inalagaan nya si Nissan.

"Left.." tawag ko sa kanya. Hindi kumibo si Left. Hinawakan ko sya sa braso nya para gisingin pero naramdaman kong mainit sya. "Left?" inangat ko ang ulo nya at hinawakan ang noo nya. "Left may sakit ka! tumawag kayo ng doctor!" sabi ko sa dalawa pero isa lang ang umalis dahil yung isa ay inalalayan akong buhatin si Left.

"Hon, anong nangyari?" napatingin ako kay History. Takang tumingin sya sa kapatid nya.

"Sobrang taas ng lagnat nya." sabi ko.

"Ano?!" gusto ko sana syang irapan sa lakas ng boses nya. Mas OA pa sya sakin.

Kinuha nya sakin si Left. "Shit. Ang taas nga ng lagnat nya." sabi nya.

"Ma'am nandito po ang nurse." sabi ng bodyguard na tumawag sa nurse. Agad na in-assist ng nurse si Left. Idinala sya sa isang room para icheck.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Hindi nakakapagpahinga ng maayos si Left tapos hindi pa kumakain, talagang magkakasakit sya. Sana lang kapag nagising sya wag sya magmatigas ng ulo at maghintay na naman sa labas ng kwarto ni Nissan lalo syang magkakasakit.

Pumasok ako sa kwarto ni Nissan para sabihin sa kanya ang balita. Agad syang napatingin sakin na may bahid ng pag-aalala. Mukhang narinig nya kami sa labas.

"Mataas ang lagnat ni Left." sabi ko sa kanya. Napayuko nya. Malungkot na lumapit ako sa kanya. "Wag kang mag-alala. Magiging okay din si Left." paglalakas loob ko sa kanya dahil alam kong nag-aalala sya kay Left.

Hinalikan ko sya sa noo bago muling lumabas ng kwarto nya. Kailangan nya magpag-isa para mag-isip. Alam kong mahal nya si Left, hindi nya ito matitiis lalo na may sakit ngayon si Left. Sana maging okay na sila.


Nissan's POV

Taimtim akong nakatingin sa isang anghel na mahimbing na natutulog. Napangiti ako ng konti dahil sa ka-cute-an nya. Nawala lang ang ngiti ko nung maalala ko kung bakit sya nakahiga sa hospital bed. Kasalanan ko kung bakit sya nandito. Pero masisisi ninyo ba ako kung nasaktan ako sa nalaman ko? na ang taong mahal ko ay lolo nyang pinatay ang mga magulang ko? sobrang sakit non, dahil sa ginawa nya nawalan ako ng pamilya, naging mag-isa ako sa buhay.

Pero mahal ko ang taong ito, hindi ko naman sya matiis kahit na yung lolo nya ang pumatay sa mga magulang ko. Kailangan ko lang makapag-isip isip para tanggapin ang lahat at kahit papaano ay nagsisisi ako dahil natagalan bago ko yon matanggap at nagkasakit tuloy si Left.

Patawad, mahal ko...

Hinalikan ko sya sa noo nya ng matagal. Damang dama ko ang init na nagmumula sa katawan nya dahil sa taas ng lagnat nya.

"Maid.." tumingin ako kay Left na gising na pala. 

Ibinuka ko ang bibig ko pero itinikom ko din agad. Hindi pa kasi ako komportableng magsalita sa iba. Kay Yani lang ako nakakapagsalita dahil sa seven years naming magkasama, alam kong safe ako sa kanya.

"Maid.." nag-aalalang ngumiti ako sa kanya. "Maid...I love you." napakagat ko ng labi ko na biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko din ang pamumula ng pisngi ko. "Bati na tayo...ayoko ng ganito ka sakin." may bahid na pagtatampong sabi nya.

Hinawakan ko ang pisngi nya at umiling. Ngumiti sya pero hindi sya ganon kasaya.

"I'm sorry kung dahil kay lolo nawalan ka ng pamilya." sabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko na nasa pisngi nya. "I'm sorry." pumikit sya at may tumulong luha sa mata nya.

"Hindi mo kasalanan kaya wag kang huminga ng tawad." napamulat sya nang magsalita ako. Ang taong mahal ko naman ito kaya nagsalita na ako at alam kong matagal nya ng gustong marinig pa ang boses ko kaya hindi ko yon ipagkakait sa kanya. Ngumiti ako sa kanya ng tipid. "At ako ang dapat humingi ng tawad nang dahil sakin ay nagkasakit ka." umiling iling sya.

"Alam kong nasaktan ka, naiintindihan ko yon. Kusa akong nanatili sa labas ng kwarto mo para bantayan ka kahit na may mga bodyguards naman para gawin yon pero mas gusto kong bantayan ka at ilayo kay lolo." sabi nya. Labis labis naman ang tuwa ko na marinig yon sa kanya.

"Pero hindi mo sana pinabayaan ang sarili mo."

"Wala akong gana." umiwas sya ng tingin sakin. Napailing ako. "Maid.."

"Hmm?"

"Nag-I love you ako kanina bakit hindi mo ako sinagot?" hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. "Masaya ako na kaya mo ng magsalita." nakangiting sabi nya.

"Sayo at kay Ate Yani lang ako may lakas loob magsalita. Hindi ko pa kayang magsalita sa iba. Natatakot ako na baka saktan nila ako kapag nagsalita ako." sabi ko sa kanya.

"Mas okay." napataas ang kilay ko sa kanya. "Para walang ibang makakarinig ng boses mo kundi kami lang ni Ate Yani." napangiti ako sa turan nya. Madamot talaga. "Gutom na ako." natawa ako. Natural, hindi ba naman kumakain.

Tumayo ako at kumuha ng pagkain sa lamesa. Bumalik ako sa kanya at umupo sa tabi nya. 

"Subuan mo ako." naka-pout na sabi nya. Napataas ang kilay ko. "May sakit ako." natawa ako at nailing. Parang bata.

Dahil sa kagustuhan nya at sinubuan ko nga sya. Masigla syang kumain na para bang isang taon syang hindi kumain kahit na ilang araw lang naman syang hindi nakakakain ng maayos. Pagkatapos nyang kumain, magkatabi kaming nakaupo sa higaan. Hinawakan nya ang kamay ko na palagi nyang ginagawa at pinaglalaruan.

"Silverio pala yung apelyido mo. Hindi mo sinabi sakin." nakangusong sabi nya. Napakunot ang noo ko.

"Hindi mo alam?" umiling sya.

"Magtatanong ba ako kung oo?" napailing ako, minsan talaga hindi nawawala yung pagiging pilosopo nya. "Pamilyar sakin yung Silverio. Isa bang business man ang Papa mo?" tumango ako. "Ah baka narinig ko lang kay Papa." napangiti ako. Hindi nya tanda nung mga bata pa kami.

"Nerd ka nung bata ka pa 'di ba?" agad syang tumingin sakin at sinamaan ako ng tingin. "Bakit?" natatawang sabi ko.

"Dati lang yon." sabi nya at nagpout.

"May brace ka din at may salamin, lagi kang may dalang libro." sabi ko. Napakunot ang noo sya.

"Nagkwento sila Mama sayo 'no? arh! nakakaasar naman." sabi nya at asar na asar ang mukha nya. Natawa ako sa kacute-an nya.

"Walang nagsabi."

"Walang nagsabi tsk.." napangiti ako.

"Wala naman talaga. Kung hindi mo natatandaan, ako yung batang babae na hindi nakipagkamay sayo dahil natatakot akong kagatin mo ako."

"Huh? hindi ko matandaan pero bakit naman kita kakagatin?" takang tanong nya. Napakagat ako ng labi.

"Kasi kinagat mo si Right non kaya baka kagatin mo din ako." napaisip sya sa sinabi ko.

"Hindi ko talaga tanda." natawa ako. 

"Hindi bali, isang beses lang naman tayo nagkita non eh." pero tanda ko pa din sya non dahil sya at si Kris lang yung nakakilala kong ka-age non. Speaking of Kris, mabuti nakakarinig na sya, kailangan ko palang humingi ng tawad dahil pinagtawanan ko sya nung nadulas sya.

"Left si- Nissan!" nagulat kaming parehas nung pumasok si Yani na nagmamadali.

Lumapit sya sakin at niyakap ako ng mahigpit. Nagtataka ako kung bakit pero niyakap ko sya balik.

"Akala ko may nangyari sayong masama." sabi ni Yani na nag aalala.

"Hindi mo alam na nandito si maid?" tanong ni Left. "Teka, mag-isa ka lang ba pumunta dito?" umiling ako.

"Kasama ko yung dalawang bodyguard." sabi ko. Nang lumabas ako ng kwarto agad silang nagtanong kung saan ako pupunta at sinamahan naman nila ako dahil duty daw nila yon.

"Mabuti na lang nandito ka." nag-aalala pa din na sabi ni Yani. "Kung hindi baka napano ka or worse mawala ng tuluyan samin." naiiyak na sabi nya.

"Bakit naman mangyayari yon Ate Yani?" tanong ni Left.

"Pinuntahan ko ang kwarto ni Nissan kanina at laking kaba ko na makitang walang nagbabantay sa labas at nung tignan ko yung loob ng kwarto ay sobrang gulo."

Bigla akong nakaramdam ng takot. Napansin yon ni Left kaya hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko.

"Hindi ko hahayaan na saktan ka nila." sabi nya. Seryoso syang tumingin kay Yani.

Ngumiti ako ng matipid.



------------------------


Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 74.5K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
1.6M 71.2K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
25.9K 1.3K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...