When Gangsters Meet the Sadis...

Por arkiSTEPH

932K 22.4K 6.8K

[ONGOING] READ FIRST WGMTS SEASON 1 ! thank you. Más

PROLOGUE
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 12
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18.1
chapter 18.2
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24
chapter 25
chapter 26
chapter 27
Love Letter
chapter 29
chapter 30
chapter 31
chapter 32
chapter 33
chapter 34
chapter 35
chapter 36
chapter 37
chapter 38
chapter 39
chapter 40
chapter 41
chapter 42
chapter 43
chapter 44
chapter 45

Chapter 28

14K 426 280
Por arkiSTEPH


HELLO! I'M BACK. KAMUSTA KAYO? NAMISS KO KAYO! ALAM KO NA ANG IBA SA INYO AY ALAM NA ANG DAHILAN KUNG BAKIT AKO NAWALA FOR ALMOST 6 MONTHS. 'YON AY DAHIL NAGREVIEW AKO FOR ARCHITECT LICENSURE EXAM, AND THANK GOD YES PUMASA AKO. ARCHITECT NA KO! :) WOW. IMAGINE DATI NAGLALABAS LANG AKO NG HINAING SA INYO TUNGKOL SA PLATES KO SA SCHOOL NGAYON INAANOUNCE KO NA SA INYO NA ARCHITECT NA KO :) THANK YOU! NAGING MALAKING PART KAYO NG JOURNEY KO SERYOSO. SALAMAT SA INYONG LAHAT, SA MGA NAG-ANTAY AT SUMUSUPORTA SAKIN. SANA MAG ENJOY KAYO SA UPDATE NA 'TO! UNTING BACKREAD MUNA OKAY :)MAKAKAPAG UD NA KO KADA MONTH WOAH! LOVELOTS !EXCITED NA KO SA MGA REACTIONS NIYO SA UD <3 -ARKISTEPH


CHAPTER 28

Agatha's P.O.V.

Halos mag iisang linggo na ang nakalipas nung magawa namin ang misyon namin ni Alexis sa club, pero hanggang ngayon ay di padin mahanap si Cholo. Siguro nga ay alam niya ang ginawa naming plano nung gabing 'yon kaya iniwan niya ang cp niya sa club at di na bumalik pa.

Hays! Akala ko pa naman success na ang plano, minsan na nga lang ako makatulong e.

"May kinalaman kaya si Cholo sa pagsunog sa resto ni Jonas?" tanong ko kay Uriah habang nanunuod siya sa sala at naghihimay ng malunggay. Andito kami kina mommy, umalis lang sila ni Ethan para mamalengke.

Oh diba! Pinicturan ko pa siya dahil first time niya gawin yan sa talambuhay niya. Syempre pabibo na naman siya kay mom kaya ayan. Pero mukhang masaya naman siya sa ginagawa niya.

"Sa simula palang kaya alam na ni Cholo na nasundan natin siya nung araw na pupunta tayo sa inyo? Tingin mo." tanong ko ulit habang patuloy sa pagtipig ng mga damit na hindi na ginagamit, idodonate kasi namin 'to dun sa charity.

"Imposible naman na may nagtraydor satin diba?" sabay tingin ko kay Uriah, doon ay naagaw ko ang atensyon niya at napatingin sakin nang seryoso. "Imposible naman na may nag tip kay Cholo."

Bigla ako kinabahan sa titig niya, na para bang sinasabi niya na tama ako. Hindi nga kaya? Baka hindi lang niya sinasabi sakin ang totoo.

"Aww." Reklamo ko nung matapos niya akong pitikin sa noo. Hindi naman masakit pero nakakairita kaya tinignan ko siya nang masama.

"Praning ka na naman." Sabi niya at nagpatuloy sa ginagawa. Syempre automatic na ang kamay ko, kinurot ko agad siya. Agad siyang umiwas at hinimas himas ang binti habang banaad sa mukha niya ang sakit.

Ang saya lang! Dati ni hindi ko siya basta malapitan ngayon nakukurot ko pa siya.

"Sinong praning?" tanong ko habang nanlilisik ang mga mata. Alam mo yung kami na pero ang lakas padin niya manlait.

"Psycho." bulong niya pero narinig ko padin. Aba! Hinahamon talaga ako nito e.

Tinigil ko ang ginagawa ko at umupo sa tabi niya para mas madali siyang makurot at naka defensive position agad siya.

"Ikaw..." banta ko at nagsimula na siyang kurut kurutin habang pilit ang iwas niya.

"Stop it." Aniya at parang nagsasaway ng aso. "Be careful Agatha..." sabay hawak niya sa isa kong braso bago ko pa makurot ulit sa kanya, sabay tingin niya sakin ng seryoso. Yung tingin na para bang kakaiba. Parang ano... napalunok nalang ako e.

Hindi ko maexplain! Pero nakakakaba. Tapos may ilang strands ng buhok ang tumatabon sa mata niya. Grabe, nagagawa ko pa siyang iadmire sa gantong sitwasyon. Yung mapapabulong ka nalang sa isip na 'ang gwapo niya.'

"Tayo lang dalawa dito, baka kung ano magawa ko sayo." Pagpapatuloy niya at isinuklay ang kamay sa buhok.

Umawang nalang ang bibig ko habang tinitignan siya, di ako makapaniwala! Grabe. Suntukan nalang oh!

"Ha!" sabay lisik ulit ng mga mata ko. "Ha...hahaha. Hahahaha!" Tama ba yung rinig ko. Tinignan ko ulit siya. Habang siya e cool na cool lang ang itsura. "Baka kung ano magawa mo sakin? Ha? Ha...ha...hahaha!" Sinilip ko ang mukha niya at ngumiti ng pilit. "Pinagbabantaan mo ko?"

Tumitog siya sakin ng ilang segundo at ngumisi na para bang di makapaniwala. Mas lalo na ako! Pinagbantaan niya ko.

"You're dense, sayang scholarship mo." aniya at parang frustrated. Agad siyang tumayo bitbit ang natapos na niyang himaying malunggay.

Kumunot ang noo ko at di siya tinignan. "Abnormal." bulong ko kunwari pero pinarinig ko talaga sa kanya. Bumalik ako sa ginagawa ko.

Lokong 'to. Pinagbantaan na ko sasabihin pang sayang ang scholarship ko. Tahimik na kami parehas. Pinapakiramdaman ko ba kung lalapit siya sakin para yakapin ako at mag sorry.

'Hmm... actually di pa niya ata yun nagagawa simula nung maging kami.'

At hindi ko padin nagagawa 'yon sa kanya. Hindi ko pa nagagawang yumakap sa kanya nang bigla, hindi din kami nag hoholding hands. Pag uuwi siya mag babye lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam kung gusto niya ba na ikiss ko siya pag magba-bye ako sa kanya. Nahihiya ako!

Nanginig ako bigla at kinabahan sa mga naiimagine ko. Mamaya laiitin niya kasi ako pag bigla ako yumakap sa kanya or maging sweet sabihin niya patay na patay ako sa kanya. Yabang pa naman niya.

'Madalas lang kami mag asaran dalawa. Tapos ayun sasaktan ko na siya.'

Ganun lang. As in ganun lang. Lalo na't tinatago pa namin sa mga kaibigan namin ang lahat.

"Ay sh*t!" naisigaw ko nung pagtingin ko sa likod ko ay andito siya nakaupo, nakaupo kasi ako sa sahig at ganun nadin siya. "Ano 'yon?" gulat at iritable kong tanong nung tignan siya ulit. Para kasing may gagawin sana siya sakin. Tinignan ko yung kamay niya kung may panghampas na dala.

"What?"

"Anong what? Ako nagtatanong sayo." Tumaas ang boses ko.

Umiling siya at napapikit saglit na parang may pumasok na kung anong insekto sa tenga niya. Baliw na.

"Ano 'yong sinabi mo? Shit?" Tanong niya at halata sa boses niya na ang pagkairita.

Tumikom ako at sisigaw sana kaso ang lapit niya kasi baka mabingi siya. Nasabi ko 'yon? Kokotongan niya kaya ko? Gaya ng ginagawa ko kapag naririnig ko siyang nagmumura.Nabigla kasi ako. Bakit kasi sa dami ng pwede kong sabihin 'yon pa.

"Saan mo natutunan 'yan?" Dagdag niya.

"Sayo." mabilis kong sagot. Di na siya umimik at parehas na kaming tumahimik pero masama padin ang tingin niya at ganun din ako kaso...

ang init...

ang lapit niya...

nakakalimutan ko huminga...

Nakakainis yung tingin niya...

Naiilang ako...

Aalisin ko na sana ang tingin sa kanya at magpatuloy sa ginagawa ko nung hawakan niya ang dalawa kong pisngi at tsaka nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

The moment na dumampi ang palad niya sa pisngi ko ay para na akong aatakihin.

Habang nanlilisik ang mga mata ko sa gulat ay naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi na nakadikit sa labi ko. Agad na naging abnormal ang tibok ng puso ko, pakiramdam ko ay nananaginip ako. Tuluyan na akong nanghina at napapikit nung gumalaw ang labi niya at inaangkin ang labi ko.

"Binalaan na kita kanina, sabi sayo baka kung ano magawa ko." matapang niyang sabi kaya agad akong napadilat at natulala.  "Curse and I'll seal your mouth again." At tsaka inalis ang tingin sakin.

Habang siya ay nakaiwas ang tingin sakin, humawak siya sa batok at nag clear throat. At ako ito parang nabibingi dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napipi nadin ata ako at tulala padin.

Tumayo siya bigla at palinga linga na parang nag iisip kung saan pupunta.

"May bibilin lang ako." Aniya at sumulyap sakin saglit tsaka lumabas na agad pero binuksan niya ulit ang pinto tsaka binitbit si chuchi palabas nung makita niyang nakatayo 'yon sa harap ng pinto.

"Woah." Pakawala ko ng hangin nung tuluyan na siyang makalabas. "Woah." Sabay tapik ko sa dibdib ko dahil talagang napatigil ako sa paghinga kanina.

Tumayo ako at wala sa sariling umakyat papunta sa kwarto ni mom. Doon ay binagsak ko ang sarili ko sa kama. Kinuha ko ang unan at tsaka ko tinabon sa mukha ko.

"Wahhhhhhhh!" Sigaw ko habang naglilikot likot sa kama. Baliw na kung baliw pero... "Wahhhhh!" aatikin ako sa kilig! Nakainis! Ramdam ko padin 'yong labi niya kanina. Ibang klase! Praning na ako!

First kiss namin simula nung maging kami. Uriah! Sarap mong sapakin! Hahahahah! Kainis, pasimple pa e! Parang may kung anong kuryente na dumadaloy sa katawan ko at di ako matigil sa paglilikot. Hahaha!

'Yon palang ang ginawa niya nabaliw na ko.

Napaupo ako sa kama habang hawak ang labi ko at nangingiti mag-isa. Napatingin ako sa labas ng bintana nung mapansin kong parang andun si Uriah.

Pagtitig ko nang mabuti, andun si Uriah sa tapat ng gate nakaupo at parang batang himas himas si chuchi. Akala ko may bibilin siya? Lalo akong napangiti hanggang sa natawa nalang. Cute.

"Hay Uriah, mababaliw ako dahil sayo."

--

CHIN'S P.O.V.

Sunday, NSTP day. Itong araw na 'to noon ang kinaiinisan ko dahil mas masarap matulog sa bahay kesa magbilad sa araw at maglinis ng mga kung anu-ano sa paligid.

Pero ngayon inaabangan ko na ang araw na 'to. Napaaga pa nga ang pasok ko. Hindi dahil sa activities kundi dahil magkaklase kami ni Mars.

"Chin pirma ka na sa attendance." paalala nung kaklase ko. Lahat ng kaklase namin dito mga ibang courses din at wala kaming kaklase dito sa block namin.

Bale kami lang talaga magkakilala ni Mars dito hanggang sa nakilala nalang namin ang iba kalaunan.

Tumango ako at lumapit sa mesa para pumirma. Noon kasi si Mars nadin ang pumipirma sakin dito lalo na kapag late ako. Madaya na kung madaya noon ang mahalaga pumasok padin diba?

Dito kami sa park ng cityhall na assign na maglinis at mag ayos ng mga halaman. Lumabas na ko ng office at tsaka nagstretching muna bago magsimula. Malapit na kaya siya?

"Andyan na siya." Halos 20 meters ang layo niya mula sakin pero alam kong siya 'yon. Napangisi ako at nagpaupo. Ano ba dapat pwesto ko? Yung mukhang sobrang ganda ko pag nakita niya ko. Kunwari di ko siya napansin.

Ganto nalang, tama ganto nalang kunwari chill lang ako dito. 'Yong di halatang inaantay ko siya kunwari inaantok lang ganun. 


Kinabahan ako at naexcite nung makita agad siya.

Okay kaya 'to? Argh! Kadiri, ang corny ko! Pero ang awkward kung tatayo pa ko, hindi okay na 'to. 

Kadiri ano? Para ulit akong highschool. Ngayon nalang ulit ako nakaramdam ng ganto, nakakasira ng ulo kahit nasa bahay ako gusto ko siya makita.

Aaminin ko, sobrang miss ko na siya pero kailangan ko magtiis. Gusto ko ibigay ang space at time na gusto niya.

"Goodmorning." Kaswal niyang bati sakin.

Nilingon ko siya at nakangiti siya sakin pero hindi tulad noon na halos mapunit na ang labi niya sa kangingiti tuwing nakatingin sakin.

"Good morning." Sagot ko at ngumiti nang kaunti. Kung kami pa sana ngayon, hindi lang good morning ang matatanggap ko. It's either yayakap pa siya o hahalikan ako sa noo.

"Sige attendance muna ko." kaswal na paalam niya at pumasok sa office.

Pinanuod ko lang siya habang lumalakad palayo sakin.

Wala pa ang iba naming kaklase, siguro ay nasa sampu palang kami pero nagsimula na kami maglinis. May kalakihan din ang lugar na 'to. Doon ako na-assign sa pag aayos ng mga halaman. Habang si Mars abala sa pag-aayos ng mga bakod na kahoy di kalayuan sakin.

Umaaraw na sa pwesto niya, ibigay ko kaya 'tong sumbrero ko sa kanya. Kaso ayaw niya kasi nagsusuot ng ganto. Mas gusto pa niyang maarawan kesa gumamit nito.

'Dito talaga ko pumwesto medyo malapit sa kanya.'

Umihip nang malakas ang hangin, napapikit ako nung malanghap ko ang amoy ni Mars. Ang amoy na 'yan, miss na miss ko na. Para akong maluluha bigla.

Sobrang higpit na ng hawak ko sa pala mapigilan ko lang na may mamuong luha sa mga mata ko.

Kahit gusto ko siya kausapin hindi ko magawa basta, nag-uusap naman kami pero hindi madalas. Magbabatian lang kami, nagtatanong siya minsan about sa mga activities at bihirang bihira pa 'yon. 'Yong wala na siyang ibang choice na mapagtanungan kundi ako.

"Wow Mars, ang galing mo pala sa mga ganyan." Boses ng babae.

Hindi ako lumingon doon pero naaninag ko kung sino siya. Isa pa 'yan, alam ko na mga galawan niya noon pa. May gusto 'yan kay Mars.

"Oy kamusta? Haha hindi naman masyado." reply ni Mars habang nakangiti at nagpatuloy sa ginagawa.

Halos maduling na ako matignan lang sila sa gilid ng mga mata ko nang hindi nililingon ang ulo ko sa kanila.

Mukang di ata alam ni ate na andito lang ako sa tabi tabi. Aba! Umupo pa sa tabi ni Mars. Supervisor ba siya at walang ginagawa.

"Pwede ka na mag asawa haha!" sabay mahinhing tawa ni ate.

Alam mo 'yong tawa niya, pabebe. Di niya talaga alam na andito ako.

"Pawisan ka na. Wait." sabay kuha ng ate mo ng tissue at agad na pinunas sa mukha ni Mars.

Napangisi nalang ako at agad nag-init. Naisaksak ko sa lupa ang pala. Huminga nalang ako nang malalim dahil kailangan kong pigilan ang sarili ko na gumawa na naman ng kung ano.

"Ah haha." sabay iniwas ni Mars ang mukha niya. "Okay lang, gusto ko 'to 'yong pinagpapawisan hehe."

Oo, gusto niya 'yan dahil feeling niya ang hot niya. Seryoso, may saltik talaga 'yan mag-isip. Tsaka once kasi na magsimula siya magtrabaho dire diretso na lalo na kapag andun siya sa talyer. Pawisan lagi pero siya 'yong pawisin na di ka mandidiri kasi aaminin ko na ang hot niya talaga tignan pag pinagpapawisan.

Syempre sinasarili ko lang 'yon, di ko siya sinasabihan ng compliments dahil lalaki ang ulo niya at nacocornyhan ako sa sarili ko.

Tumayo ako para mapansin nilang andito ako at tsaka tinanggal ang sumbrero ko, hindi ako tumingin sa kanila at kunwari abala ako sa paghasa ng pala.

"Hahaha ay... andyan pala si Chin. He..he..he. B-bat siya naghahasa ng pala? Ga-ganun ba talaga 'yon?" mautal utal na tanong ni babae. Nakalimutan ko kasi ang pangalan niya.

"HAHAHAHA! Ano..." sabi ni Mars at tila nagulat din. "Oo normal yan para madali maibaon sa lupa hahaha. Wala ka bang gagawin? Tawag ka ata nung kaklase natin parang narinig ko kanina."

Hindi ko alam kung tumakbo yung babae, pasimple kasi ako lumingon kay Mars at pagtingin ko wala na siyang katabi. Pero nabaling ang atensyon ko sa iba nung may mapansin akong kakaiba, muli akong lumingon sa direksyon ni Mars at doon nahuli ko siyang nakatingin sakin, hindi si Mars kundi 'yong lalaking balot na balot pati ang mukha na nasa kabilang kalsada.

Agad akong naalarma, nagkusa na ang mga paa kong gumalaw at puntahan ang lalaki, tumakbo ako palapit kay Mars kaya bigla siyang napatayo sa gulat. Habang tumatakbo ako ay doon ko nakitang may hawak na kutsilyo ang lalaki at ibinato 'yon sa direksyon ni Mars.

Shit! Na naman! Agaw aksidente talaga ang lalaking 'to.

"Upo!" sigaw ko kay Mars at hindi ko na alam ang nararamdaman ko, agad siyang umupo nang walang reklamo at pag-aalinlangan, tila nababasa na niya kung ano ang nangyayari at nasa isip ko.

Okay na sana kaso naalala ko bigla na may mga tao sa likuran namin di kalayuan na baka matamaan kaya agad kong natalunan ko si Mars at doon nagawa ko nalang bigla mag butterfly kick para pigilan ang parating na patalim. Sa sobrang lakas ng pagkakasipa ko ay lumipad 'yon sa ibang direksyon at bumaon sa lupa.

Napahinga ako nang malalim sa kaba at gulat, buti nalang walang natamaan. Pagtingin ko sa kabilang kalsada ay wala na 'yong nakaitim na lalaki.

Sa sobrang inis ko ay napamura nalang ako. Malaman lang namin kung sino ang nasa likod ng lahat na 'to, humanda siya.

Bigla ako napatingin sa baba nung maalala ko si Mars, pagtingin ko sa kanya ay nakaupo padin siya sa lupa.

Inalis ko ang tingin sa kanya at tsaka binalik sa kabilang kalsada, kinakabahan pa ako pero para kasi akong matatawa sa itsura niya. Para siyang batang nakanganga na nakakita ng superhero. Kulang nalang puriin niya ko. Alam ko ang ekspresyon na 'yan.

'Tigilan mo 'yan Chin.' sabi ko sa sarili sabay iling.

Muntikan na nga naman kami mapahamak nakukuha ko pang ngumisi. Tss, cute niya kasi.

'Shit! Argh! Kadiri Chin.'


ALEXIS P.O.V.

What should I prepare this time? Kanina ko pa iniisip 'yong pangalan nung pagkain na 'yon pero di ko talaga maalala. I need a help.

I tried to call Agatha but she's not answering, I bet she's busy. Yeah right, today is Sunday andun siya sa mom niya. Should I call Chin? What if she's busy? Hindi ko alam kung nasa bahay lang ba siya or what.

Paano pag makakaistorbo ako sa ginagawa niya? Sila lang naman laman ng contact ko and kaya kong tawagan, tatawagan ko na talaga siya.

"Busy din."

Ayoko naman tumawag ulit, once is enough ayokong makaabala. Right, si Uriah nalang pala.

"Hello." sagot niya after ilang rings.

"Where is she?" I asked.

"Talking to her mom. Why?"

Should I asked him instead? Kaso ano naman alam niya. Baka asarin pa niya ko. Kaso paalis na ko kailangan ko na malaman kung saan nakakabili nun.

"Don't insult me okay." paalala ko sa kanya coz everyone knows kung gaano siya kalakas manlait. "You know that...white and violet cakelike, 'yong nabibili sa street?"

Di siya sumagot agad, napapikit nalang ako at napahinga nang malalim. Dapat talaga di ko na siya tinawagan. I heard him saying 'Tss'. Jerk.

Pinagtatawanan na ko niyan sa loob-loob niya. Hindi ko kasi alam ang itsura nun, nakwento lang sakin ni Doms na may bago siyang discover na streetfood, binili daw ni Agatha nung magkasama silang tatlo ni Uriah.

"Never thought na sweet ka na pala." he said in his casual tone.

See, aasarin lang ako ng lalaking 'to. I cringe at nacornyhan bigla sa sarili ko. Alam na niyang bibilin ko 'yon para kay Doms na never kong ginagawa nung kami pa dati. Doms was always the one who's giving.

Anyways, hindi pa pala nila lahat alam...kami na ulit ni Doms. Hindi pa namin pinapaalam dahil sa madami pa silang problema, maybe soon pag medyo okay okay na ang lahat, we both talked about it dahil kabisado namin kung paano mag-isip ang mga kaibigan niya. 

Kinabahan ako bigla, maybe he will get a hint.

"Kayo na ulit." sabi niya, statement and not a question. Kasasabi ko lang... what to expect, mabilis siyang pumick-up ng mga bagay-bagay.

Kahit noong bata pa kami ganyan na siya, pero hindi siya yung tipo na kapag may napansing kakaiba e ipagsasabi, usually he will keep it to himself. Pasimple siyang mag-iibestiga and mag-oobserve until he finds evidences to support his suspicions at doon niya ibubuko ang lahat kung kinakailangan. Akala mo tatahi-tahimik lang siya pero ang totoo madami siyang alam.

But mine is different, gusto niya lang mang-asar. Somehow I'm relieve, dahil alam kong hindi niya ipagkakalat 'yon. Pero thankful and panatag ako ngayon dahil bumabalik na 'yong dating samahan na meron kaming lahat, lalo na kay Doms at Uriah. Silang dalawa ang pinaka naapektuhan sa maling nagawa ko noon.

"Alam ko din na kayo na so can you just tell where I can find the food that I needed and stop with your unnecessary words." pagpipigil ko na sa kanya bago pa niya ko masabihang corny or whatsoever.

"Along Pueblo St. makikita mo agad 'yon kasama ng ibang streetfood. Nilupak tawag dun."

"Okay thanks. I'll go ahead."

"Matatanda na mga nagtitinda dun wag mong susungitan." then he ended the call.

Pinamumuka niya talagang masama ang ugali ko. Marunong naman akong gumalang sa mga matanda. Jerk.

Buti nalang malapit pala 'yong bilihan samin. Almost 15 minutes lang andito na ko, ang daming pagkain but I never tried to buy for myself. Pagkatapos na pagkatapos ko bumili ay umalis na ako agad at pumunta na sa coffee shop. It took after how many days before we meet again because of our busy schedules.

Excited ba ako? Maaga ako ng 30 minutes. Well, maybe. I never thought that minutes will be feel like an hour.

I smiled secretly as I saw his car. He's finally here. As soon as he opened the door and see me, he smiled like he usually do. That's smile is one of the reason why I fall for him. Honestly, I always secretly admire his perfect face and body.

"Kanina ka pa?" he asked then lean forward and kiss me on my forehead. Nabibigla padin ako pag ginagawa niya 'yon, ewan ko pero nahihiya ako. Siguro dahil bago ulit sa pakiramdam.

"Hindi naman."

Sabay tingin niya sa mesa kung saan andun na 'yong favorite drink niya, he opened the paperbag and he smiles.

"Seriously? Wow." he said while looking at me. His smiles made me nervous. Hindi ko akalain na gantong simple things e makakapagpasaya sa kanya ng todo.

Nagkibit balikat ako at tumingin nalang sa drinks ko tsaka ininom 'yon, pinipigilan kong mangiti. He keeps on talking saying he's craving for it for almost 2 days. Kinain niya agad 'yon, binibigyan niya ko pero tumanggi ako.

Nag-uusap lang kami, sharing about our past and upcoming activities for almost 30 minutes, I guess. Hanggang sa tumahimik siya bigla at nakatingin lang sa labas. Naramdaman ko ang pagyugyog ng binti niya bigla at tsaka niya pasimpleng tinabon ang kamay sa bibig.

There's something wrong, I'm sure about it.

"Are..."

hindi na natuloy ang sasabihin ko nung bigla siyang tumingin sakin at sinabing...

"Can we go to my place?" then he smiled awkwardly.

Tumaas ang kilay ko at kinabahan but in response he gave me another smile, a cute one this time. 'Yong alam niyang mahihirapan kang tumanggi.

Bakit biglang uminit? Pinatay ba ang aircon?

What's with him? He's making me nervous. Damn you Dominic!

DEMI'S P.O.V.

"Aga mo gumising ah. May lakad ka?" si Manang.

Sorry po, di po talaga ako natulog kaya ganun. Buong araw akong nakatutok sa CCTV monitor.

"Ang galing mo mag-alaga ng halaman ano, ang lalago agad e. Oh siya, magluluto muna ako."

Sige po Manang.

Kamusta mga halaman? Yung iba sa inyo mamumulaklak na. Doon naman ako sa labas magdidilig.

"Oh gising ka na pala. Tapos na magluto si Manang?" Si Manong Guard. Umiling lang ako, magluluto palang po siya.

Kamusta mga halaman? Pasensya na di ko kayo nadiligan kahapon. Baka magambala kayo sa susunod na araw, nagrequest kasi ako na magpalagay ng mga bagong CCTV. Kailangan ko masigurado ang kaligtasan ni Jonas, lalo na ngayon ayoko na maulit ang nangyari dun sa restaurant.

Halos magdadalawang linggo na ang nakalipas nung mangyari 'yon, simula n'yon may nakikita ako sa CCTV na mga kahina-hinalang dumadaan sa harap ng bahay. Alam kong mga hindi sila taga dito.

Kabisado ko lahat ng nakatira sa compound dito, simula sa mga katulong hanggang sa mga may-ari ng mga bahay. Hindi ko padin malaman kung paano sila nakakapasok basta basta sa compound. Magrereport ako mamaya sa namamahala sa compound na 'to.

"Demi kumain ka na daw sabi ni Manang, gisingin mo nadin daw si Young master." si Ate Milagros, katuwang ni Manang sa mga gawaing bahay.

Sige mga halaman, pupunta muna ako sa kwarto ni Jonas.

Kamusta na kayo? Mukhang maayos naman ang kalagayan niyo dito sa kwarto ni Jonas. Ililipat ko ang pwesto niyo malapit sa bintana para mas maarawan kayo madalas. Madilim talaga dito lagi, ayaw kasi ni Jonas na bukas ang ilaw madalas lalo na kapag natutulog.

Uupo muna ako dito sa lagi kong pwesto, sa upuan kung saan malapit sa bintana at kama ni Jonas. Gaya ng lagi kong ginagawa, uupo muna ako dito ng 2 minuto bago gisingin si Jonas.

Ang isang minuto ay para siguraduhing humihinga pa siya, walang nangyaring masama at walang ibang nakapasok sa silid niya habang isang minuto... para lang tignan siya at tahimik na makasama.

"Young master, gising na."

Ganyan siya, pag ginising ay ilang beses magpapagulong-gulong sa kama. Alam ko, gusto man niyang matulog ulit at palabasin ako ay di niya magawa.

"May lakad ba tayo ngayon?"

"May meeting kayo ni Kelvin sa school."

"Ah oo, monday na pala submission namin. Ahmm... Demi, wala ka bang mga assignments?"

"Meron po."

"Gusto mo maiwan ka nalang dito sa bahay ako nalang aalis mag-isa. Weekend naman ngayon for sure nagpapahinga ngayon 'yong mga nagbabanta sa buhay ko."

"Hindi po."

"Okay, edi hindi. Tara kain na tayo."

Alam ko, lagi kang nag-aalala sa pag-aaral ko pero mas mahalaga sakin ang kaligtasan mo. Pumalya na ko isang beses at ayoko nang maulit pa 'yon.

--

Si Mrs. Mapula, tumatawag.

"Hello po madam."

"Hello, where is my son right now?"

"Andito po kami sa school, tinatapos lang po nila 'yong group project nila."

"Okay, bantayan mo siyang mabuti. Bukas magpapapunta ko ng tauhan natin sa bahay para mag-install ng additional CCTV cameras..."

Noong una ko palang nakita si Mrs. Mapula, alam ko na kung kanino nagmana sa kadaldalan si Jonas. May pagkamasungit sila parehas pero mabait sa mga kaibigan at tauhan. Bata palang ako, kilala ko na ang pamilya nila.

---

"Andyan pa sila Kelvin?" si Chelsy habang nakasilip sa salamin ng pintuan. "Pwedeng pumasok?"

Umiling ako.

"Di ka ba talaga mahilig magsalita?"

Hindi ako umimik. Ayoko siyang kausap. Duda ko sa babaeng 'to, may nararamdaman akong kakaiba sa kanya. Bigla kong naalala ang mga naganap sa sunog. Malalaman ko din ang lahat. Ilang araw ko na pinag-aaralan ang mga nangyari sa restaurant nung araw na 'yon, may iilan na akong konklusyon. Ibedensya nalang ang kailangan ko.

"Okay di na papasok. Weird mo. Iba din pala talaga ang tipo ni Jonas. Buti natatagalan ka niya e ang daldal nun."

Alam ko. Isa kading madaldal.

Tumatawag si Uriah.

"Demi. Pinag-aralan ko 'yong litrato ng pintuan ng office ni Jonas, may napansin ako kaya may ipapagawa ako sayo..."

"Okay."

Makakaasa ka Uriah, bukod sa kaso ni Mars palihim kaming nag-iimbestiga sa nangyari sa restaurant ni Jonas. Hindi namin pinapaalam kay Jonas dahil magiging sensitive siya sa gantong usapan.

Alam ko, kahit di nagsasalita si Jonas tungkol sa pagkasunog ng resto niya ay matindi ang epekto nun sa kanya.

"Okay lang ba sayo?" tanong niya pagkatapos magpaliwanag.

"Oo."

Para kay Jonas, okay lang.

---

"Demi, tapos na kami. Laro lang kami ulit basketball nila Kelvin. Saglit lang tapos uwi na tayo."

Di ako umimik.

"Sige na, ang tagal namin di nakapaglaro e. Ngayon nalang pumayag si Kelvin."

Hmm. Ngayon lang? Mukang tama ang hinala ni Uriah.

"Sige po."

"Sige tawagin ko lang siya tapos bihis na kami."

"Sige po, mag CR lang din po ako young master."

Oras na para sa misyon.

---

"Demi... a- ano, pa-spa tayo." Si Jonas habang nakatingin sa labas ng sasakyan. "Sumakit katawan ko sa laro kanina. Tsaka mall tayo bili ako bago sapatos. Takteng sapatos yun..."

Alam ko, sapatos ang sisisihin mo. 'Yon ang lagi mong sinisisi kapag natatalo ka sa laro para hindi ka magmukhang nakakahiya.

Para ka talagang bata Jonas, minsan gusto ko nalang haplusin ang buhok mo para sabihing okay lang 'yan. Pero gusto ko naririnig ang kaingayan mo.

"Demi gusto mo ako naman magdrive?"

Umiling lang ako, pero di mo alam gumagaan ang loob ko tuwing ganyan ka, napapangiti nalang ako sa loob loob ko.

---

Sa spa.

"Sir dito po tayo."

"Sige salamat...Pftt! TEKA!" sigaw niya kaya napatingala ako at patayo na sana, natigil ang babaeng nagmamasahe sakin.

Jonas, para ka talagang bata. Hindi mo nga pala alam na makakasama mo ko sa isang kwarto. Sa sobrang gulat mo tumalikod ka agad sakin. Sa lakas ng sigaw mo muntikan na ko mapabangon akala ko may nangyari na naman sayo. Kahit nakatapis lang ako makikipaglaban ako pag may nangyari talaga sayo.

"DEMI! Hay! Lipat nalang ako sa ibang k-kwarto."

"Hindi po pwede young master."

"Hays! Wala naman siguro papatay sakin dito."

"Hindi po pwede."

"Gusto mo talaga yung pinapahirapan ako Demi." Sabay naglakad siya na parang alimango at nakatalikod sakin papunta sa higaan niya.

Sa sinabi niya nagtawanan ang mga masahista bukod sakin.

"Ay sorry! That's not what I mean. Haha! Tignan niyo 'yang kasama ko di tumatawa kasi alam niyang di ganun yung ibig sabihin ko. Hahahaha! Takte."

"Oo nga po ano, hindi tumatawa si ma'am."

"Oo slow 'yan e haha. Pero ngayon hindi. Kasi alam niya talaga ibig kong sabihin kanina. Hahaha! Pinapahirapan niya lang ako in a way na you know, ayaw niya ko payagan sa ibang kwarto. Yun diba ang hirap... ang hirap niyang pilitin pumayag...hahaha!"

Alam ko ang ibig mong sabihin. Magtiis ka nalang muna Jonas. Magaling ka naman sa ganyan. Habang minamasahe ako tinititigan ko ikaw at ang masahista mo, alam kong alam mong nakatitig ako kaya di mo magawang tumingin sakin. Minsan nawawala ako sa focus sa trabaho ko, dahil natutuwa akong nakikita ang reaksyon mo.

---

"Thank you! Keep the change." 

"Thank you sir, balik po kayo." 

Kaya hindi lang kaibigan mo ang tuwang tuwa sayo Jonas, pati mga taong nagbibigay serbisyo sayo dahil sobrang galante mo.

"Young master..." tawag ko sayo kaya lumingon ka sakin, halos mapaurong ka pa nung bigla kong lumapit sayo. Nilagyan kita ng mask at sumbrero. Tumitig ka sa mga masahista at tumawa nang malakas. 

"Hahaha! Ganyan talaga siya." sabi mo sa kanila para di ka magmukhang alagain.

"Ang cute niyo naman pong magkasintahan sir." 

"Hah?" nagulat ka pa at ngumiti. Sabay mahinang sabi sa babae. "Pakiulit nga.Laksan mo."  Alam ko, dahil nababasa ko ang labi mo kahit malayo ka pa sakin. 

"ANG CUTE NIYO NAMAN PONG MAGKASINTAHAN SIR. HAHAHA!"

"HAHAHAHA!" halos mamula na ang buo mong mukha kakatawa, hindi dahil sa nakakatawa ang sinabi nila kundi dahil natutuwa ka. Lumingon ka sakin para tignan ang mukha ko pero gaya nang inaasahan mo... "Wala, wala talaga siyang reaksyon hahaha! Slow niya diba?" tanong mo sa mga masahista. 

"Tara na po young master." tumalikod na ko sayo at naunang lumabas, hindi dahil gusto ko na umalis kundi dahil di ko mapigilan ang pag ngiti nang labi ko. Para ka talagang bata Jonas, di mo alam na ang cute mo tignan.

---

Natapos na tayo bumili ng sapatos mo, ayaw mo pabuhat sakin ang pinamili mo. Lagi ka nalang ganyan, pero di mo alam sa loob-loob ko gumagaan ulit ang pakiramdam ko sa tuwing ganyan ka. Kahit napakasimpleng gawain lang n'yon natutuwa ako. 

"Ako na mag order ah." sabi mo nung makapasok tayo sa resto at dumiretso na sa counter, nagprisinta kana dahil paulit-ulit lang naman ang inoorder natin kapag andito.

Hindi mo tipo ang kumain sa lugar na 'to nung una dahil pangbata at pang weirdo. Naalala ko pa noon unang beses na dalhin mo ako dito, nagulat ako at masaya nung araw na 'yon hindi mo lang alam. Lalo na nung makita ko ang style ng pagkain na inorder mo para sakin.  Japanese food pero ang pagkaka arrange ng pagkain ay katulad sa paburito mong hayop o bagay. Ayun nga, ang pagkain ko ay naka-arrange na parang anaconda. 

Muntikan pa ko maluha nang dahil doon, kung alam mo lang. Pero lalo akong natutuwa kapag nakikita ko ang order mo. Hugis bibig, dahil 'yon ang sinabi ko ng tinanong mo ako.  Nasabi ko lang naman 'yon dahil 'yon ang parte  ng mukha mo ang pinakagusto ko. 

"Okay na 'yong activities namin, eedit ko nalang mamaya sa bahay 'yong iba tapos..." patuloy ka lang sa pag kwento nang kung anu-ano habang kumakain tayo. Ramdam kong ayaw mong mapag-usapan ang tungkol sa misyon at pagkasunog ng restaurant mo. 

Pagkatapos nagyaya ka pa na maglaro tayo ng barilan sa timezone, naglaro na tayo at naging agaw pansin tayo. Masyado ka kasing magaling bumaril, ang dami nang nanunuod satin. Habang ikaw focus padin at akala mo nasa totoong laban. Tuwing ganito ka kaseryoso nakikita ko ang ibang ikaw.

Hanggang sa natapos tayo at nagsimula ka ng sumigaw na parang bata. "Woah! Daming ticket." 

Tuwang-tuwa ka sa ticket na lumalabas sa machine maging ang nanunuod sayo nahahawa sa kasiyahan mo. Sana ganto ka lagi kasaya. 

---

"Para tayong nasa date ano." sabi mo nung umupo tayo sa park ng mall para magpahinga at tsaka tumingin tingin sa paligid na akala mo ay may hinahanap para palipasin ang hiya mo, hanggang sa di ka nakatiis at tumingin ka na sakin. 

"Opo."

"Hahahah! Talaga? Talaga? Kung papipiliin ka anong date ang gusto mo sa susunod?" Excited na excited ka pa.

"Kung papipiliin ako gusto ko maging date na may 15, masaya ang mga tao tuwing kinsenas."

Nawala ang tawa mo at nakatitig ka lang sakin, hanggang sa humalakhak ka nalang at sinabing, "Oo nga pala ikaw si Demi. Hahahaha! Di ko kaya lawak ng utak mo hahahahaha!" 

Masaya ko na sanay ka na sakin, kahit alam kong hindi mo ko maiintindihan kahit kailan. Kung alam mo lang, kabisado ko lahat ng simple mong banat. 

'Globe ka ba?Kasi... ikaw ang mundo ko.'

'Maganda siya, pero mas maganda ka.'

'Napapagod na ko kaka-alaga mo, ikaw naman alagaan ko.'

'Shabu ka ba? Naadik kasi ako sayo.'

Naalala ko pati ang mga reaksyon mo at alibi nung sabihin ang mga 'yan, minsan pagkatapos mo magbitaw ng linya bigla ka nalang aalis na akala mo walang nangyari, magkukunwaring nagbabasa at parte lang 'yon ng kwentong binabasa mo. Marami kang gimik at alam ko lahat 'yon. 

Lahat ng ginagawa mo sakin naalala ko, ramdam ko ang alaga mo, ang concern mo at ang nararamdaman mo. Alam kong sila Mars at Chin ang nagsabi sayo ng mga gusto ko at ayaw ko. Pero lahat 'yon ay kabaliktaran, ayoko sa anaconda, ayoko sa halaman at sa ibang mga sinabi ko noon. Sinabi ko 'yon para walang dahilan na mas mapalapit ako sayo.

Pero di ko akalain sa kakulitan mo at pagpupursige mo mabigay ang akala mong gusto ko, ang magiging dahilan para totoong magustuhan ko ang mga bagay na 'yon.

Pasensya ka na Jonas, hindi ako pwedeng sumakay, hindi ako pwedeng sumabay, at lalong di ako pwedeng mahulog.  Darating ang panahon na pagsisisihan mo ang mga ginagawa mo para sakin kaya hanggat kaya kong ilayo ang sarili ko sayo gagawin ko. 

Dahil bata palang tayo nakalaan na akong makilala ka at bata palang tayo planado na ang lahat ng tungkol sating dalawa. 



Seguir leyendo

También te gustarán

1.2M 130K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...