30 Days With Mr Weirdo ☑️

By m_gaspary

70.8K 2.6K 383

[COMPLETED TOP HISTORICAL FICTION NOVEL ] "30 Days With Mr. Weirdo" reached the highest rank #14 as of Novemb... More

Paunang Salita
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15a
Kabanata 15b
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Author's Note
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Epilogue
Kumusta?

Kabanata 11

1.4K 56 10
By m_gaspary


Pagkatapos ng ilang oras na napaka-stressful na biyahe by bus, nakarating na rin kami sa Bulacan. Ang hirap talaga pang masyadong ignorante ang kasama mo. Tanong dito, tanong doon. Hay naku. Well, if 'di lang siya gwapo, ba't ko pa 'to gagawin?


***Flashback***

"Oh, Goyo, ba't ganyan ang suot mo?" Sinuot niya ulit ang kanyang antigong uniporme na may kasamang military cap at espada pa sa kanyang baywang. Huminga ako nang malalim bago ko siya hinila pabalik sa kwarto ni kuya para magbihis.


"Bakit?" Paulit-ulit niyang tanong sa 'kin habang naghahanap ako ng desenteng damit na dapat niyang suotin sa biyahe. "'Di ba dapat naka uniporme ako pabalik sa aking bahay? Dahil kasama kita sa biyahe, kailangan mas maayos ang ating pananamit bago ako makita nina inay."


Lumingon ako sa kanya. "So, ano'ng gusto mo? Magsuot ako ng baro't saya? ng Maria Clara gown? Ha?" Agad siyang tumango. "Paano kung ayoko?" I crossed my arms.


"Sa ayaw at sa gusto mo, ganito ang ayos natin. Kundi, ako na lang ang pupunta dun. Mag-isa." sagot niya. Wow, may gana pasiyang mag-blackmail sa 'kin? Tss.


"At bakit?" Tumaas ang kilay ko sa utos niya.


"Ayokong mapahiya sa pamilya kong naiwan sa bayan ko, Mika." Gosh, Goyo. Sana maalala mo pang nasa 2017 ka na. Goodness! Wala na sila, noh.


In fairness, bakit naman hindi, mas thrilling 'pag ganun ang gagawin namin. Mag-co-cosplay kami - Filipino Edition. Haha! "Sige na nga," sagot ko. Umirap ako bago ako lumabas sa kwarto ni kuya at pumasok sa katabing silid - kwarto ko.


Kinalaunan, nakasuot na rin ako ng Maria Clara gown na nakatago sa kabinet ni mama. Nakabalot pa ng plastic na puno naman ng alikabok. Buti na lang at nakatago pa 'to at 'di itinapon bago siya umalis pantungong Amerika.


Suot ko ang baro gawa sa puting silk cloth na may kulay cream pink at saya na may kasama pang black lacey na tapis. May dala rin akong malaking tradisyonal na pamaypay para mas bongga. Naka-bunrin ang buhok ko at naka-bakya na angkop sa suot ko.


Agad akong lumabas ng kwarto habang naghihintay naman siya sa baba. Ang laki ng ngiti niya habang papalapit ako sa kanya. At agad itinaas ang kanyang kamay para i-assist ako. "Talagang ganito ang ayos natin papuntang Bulacan, ha?"


Tumango ito. Huminga na lang ako nang malalim. Wala na akong magawa kesa namang lumayas siya sa pamamahay ko.

***End of Flashback***


Lumilingon si Goyo sa paligid, halatang nagulat sa nakikita niyang pagbabago ng lugar pagkatapos ng isang siglo.


Dahil nga dun, naging center of attraction kaming bigla sa lugar. Pinalibutan kami ng mga taga roon. Sino ba naman ang hindi magiging head turner kung kami lang ang naka-costume sa terminal ng bus sa taong 'to at tapos na rin ang Buwan ng Wika months ago pa? Ugh.


Si Goyo naman, sobrang confident at kumakaway pa. Ako, tinakpan ko na lang aking mukha gamit ang aking pamaypay. Buti na lang at malaki ito kaya insakto lang para maitago ko ang pagmumukha ko. Shit. Sobrang nakakahiya talaga.


Habang naglalakad kami papalayo sa terminal ng bus, lumingon ako sa kanya. Kahit 'di siya mahilig magpakita ng kasiyahan sa kanyang mukha, halatang-halata namang nasiyahan siya sa desisyon kong puntahan namin ang hometown niya.


"Ah, Goyo, ano'ng naalala mo sa lugar na 'to?" tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa 'kin at bahagyang ngumiti.


"Naalala ko 'yung panahong nakakasama ko ang aking pamilya sa palengke. Kasi malapit kasi 'to sa poblacion noon. Iba na sa nakikita ko ngayon." Huminga siya ng malalim at lumingon ulit sa akin. "Naalala ko rin si Dolores dito." Yumuko siya at bahagyang ngumiti, halatang kinikilig.


Ouch! Biglang may kumirot sa dibdib ko. Inilagay ko ang aking kamay sa aking puso. Malaki rin ang pasasalamat ko sa aking malaking pamaypay. At least natatakpan niya ang pangunguso ko. Kahit napakagat-labi ako sa pagsabi ni Goyo ng Dolores, inisip ko rin baka ma-enjoy niya rin ang company ko kahit hindi ako ang last love niya.


Umiling ako. Tandaan mo, Mika. Hindi ito isang date. May rason ka kung bakit dinala mo siya sa Bulacan. 'Wag kang gaga at umasa sa isang antigong playboy tulad niya.


"Ayos ka lang?" tanong ni Goyo. Tumango ako. Assuring him na okay lang ako. Lumapit siya sa may nagbebenta ng mga bulaklak sa giliran ng daan. Bibilhan ba niya ako ng bulaklak? Ack! Pero, dumiretso lang siya. Tss. Wala naman pala siyang balak bilhan ako ng kahit isang stem ng puting chrysanthemum.


"Goyo," sabi ko. Agad naman siyang lumingon sa 'kin.


"Ano 'yun, Mika?" tanong niya.


"Pwede bang humingi ako ng pabor sa 'yo?"


Tumango siya. Kaya dumagdag ako, "Pwede mo bang isiping ako si Dolores kahit ngayong araw lang?" Napakagat-labi ulit ako sa sinabi ko. Wow, saan ko kinuha ang confidence ko para ma-pull off ang linyang 'yan?


Nagulat naman siya. He jerked. Huminga siya ng malalim at unti-unting hinawakan ang aking nanginginig na kamay at hinalikan. Nung dumampi ang kanyang mga labi sa aking kamay, biglang may kuryenteng dumadaloy sa aking mga ugat. Feeling ko tuloy nanghihina ang mga tuhod ko.


Tinakpan ko ang mukha ko agad dahil namumula na ako sa hiya. Shit. Ganito pala ang pakiramdam kapag may humalik na lalaki sa kamay ko. Hindi ko akalaing nakakakilig pala. Aaaaah!


Lumilingon-lingon rin ako sa paligid at baka may mga usisero. Ayoko namang ma-tsismis noh or ma-headlines kinaumagahan. Guminhawa naman ako nung makita kong wala naman. Binitawan na niya ang aking kamay nung nagsimula na kaming humakbang.


Ugh. Ang init-init naman. Bakit ko ba kasi sinuot 'tong baro't saya ni mama? Ang bigat pa ng saya. Masyadong awkward pa ang feeling ko sa bakya ko para bang naglalakad si Lotus Feet sa araw.


'Di ko na rin napansing nilakasan ko na 'tong pinaypay animo'y industrial fan. 'Di ko na rin pinansin si Goyo at iba pang tao sa paligid. I just didn't care. Ang init, eh. Sobra. Ang kati pa ng baro ko. Gawhd!


Nung dumaan kami sa nagbebenta ng sorbetes, agad nag-sparkle ang aking mga mata at agad tumakbo para bumili ng isa. Sinundan naman ako ni Goyo. "Pabili nga ng isa," sabi ko sa vendor. "Gusto mo?" tanong ko ni Mr. Antipatiko.


"Ano 'yan?" Oo nga pala, wala pang sorbetes sa panahon niya. Tss. Tumaas ang kanyang kilay nung tinanggap ko ang binili kong strawberry-flavored ice cream at hinimod sa aking dila. Slowly.


Hinay-hinay kong dinilaan ang aking ice cream pataas at nilalasap ang tamis ng tumutulong cream sa cone. Inuulit ko 'to sabay pikit sa aking mga mata. Hmmm, ang sarap ... ng ice cream. Then, I unconsciously traced my lips with my tongue tsaka ko siya tinignan.


Napanganga. Napalunok.


Ano bang meron sa paghimod ko sa ice cream? Dahil ba sa pagkain ko nito, napalunok siya agad? Ano kaya ang iniisip ng taong 'to? Tss.


"Ayaw mo?" tanong ko ulit. Umiling siya at agad naglakad iniwan ako. "Okay, ayaw niya ng ice cream. Fine," sabi ko. Hindi ko naman siya mapilit. Weirdo, eh. Siya lang ang nilalang sa planetang Earth na hindi gustong kumain ng ice cream. Patuloy kong inenjoy ang ice cream sabay lakad. Iniwasan niya rin ang pagtingin niya sa 'kin. Hmph. I didn't care.


Tumuloy na kami sa paglakad patungo sa opisina ng tour guide namin. Gusto ko na sanang sumakay kesa sa maglakad, pero gusto kong kunin 'tong pagkakataong makasama si Goyo for a longer time habang namamasyal sa makabagong Bulacan. Natapos ko na rin ang pagkain ko ng sorbetes.


Hindi na siya nagsalita pa habang naglalakad kami. Ni hindi na niya ako pinansin. Para bang may malalim siyang iniisip. Dahil ba sa kinain kong ice cream?


Inilagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang likod. Arg. Sobrang boring naman 'to. Ganito ba ang mag-date sa kanyang panahon? 'Di ba kasasabi ko lang na isipin niya na ako si Dolores?


"Goyo," tawag ko. Lumingon siya at bahagyang ngumiti. "Sa ganitong paraan mo bang pinapasyal si Dolores noon? Ganito mo ba siya sinusuyo?" Tumango siya. "So, sa panahon mo ganito lang nag-da-date ang mga mag-nobyo't nobya?"


Napatigil siya sa kanyang paglakad at humarap sa 'kin. "Date. Sa pagkakaintindi ko, 'yan ay ang pagsusuyo ng lalaki sa babae sa pamamagitan ng pamamasyal. Tama ba ako?"


Tumango ako at nag-okay hand sign. Tumango rin siya tsaka siya nagpatuloy sa paglalakad. "Oo, ganito kami nagsasama ni Dolores noon. Bakit? Ano ba ang ginagawa ng mga magkasintahan sa panahon mo?"


"Hm, hinahawakan nila ang kamay ng isa't isa habang sila'y naglalakad. Tapos sa parke, nagkukwentuhan sila tungkol sa iba't ibang bagay. 'Yung iba, hinahalikan nila ang isa't isa. Masyado namang obvious ang tanong mo."


"Pwede ko bang maranasan 'yun?" I jerked sa tanong niya. Nagulat ako. Sobra. "H-ha? Gusto mong ipakita sa 'yo paano mag-date ang mga tao ngayon?" Tinakpan ko ang aking ngiti sa aking malaking pamaypay. Tumango siya.


Gusto niyang mag-holding hands kami? Maghalikan? I cringed. Ew. Kadiri. Hindi. No, I should preserve my precious virgin lips sa aking future husband. At hindi sa lalaking 'to, noh? Tss. Inirapan ko siya. Hmp.


Hinintay pa rin niya ang maging sagot ko sa hiling niya. Tumigil ako sa paglalakad at napaisip. Wala naman sigurong masama kung hahawakan lang niya ang kamay ko, 'di ba? 'Di naman siguro ako mabubuntis dahil lang dun. Pero, paano kung oo? Oh no. Hindi pwede.


"'Wag kang mag-alala, Mika. 'Di kita pipilitin kung ayaw mo," sagot niya. Ngumiti ako. Bakit ba kasi panay utos ang mga blood cells ko na hawakan ang kanyang kamay. Ugh. Sige na nga. Ma-try nga. Anyway, gusto ko rin ma-try ang mag-HHWW as in Holding-Hands-While-Walking. Eiit!


"H-hawakan mo ang kamay ko," utos ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo as if binigyan niya ako ng isang Are-You-Sure-What-You're-Talking-About na tingin. "Sabi ko hawakan mo ang kamay ko."


Hinay-hinay niyang inabot ang aking kamay at bahagyang hinawakan ito. Kinuha ko ang kanyang kamay at I threaded it with my fingers. "Ganito magkahawakan ang mga magkasintahan ngayon." Ngumiti ako. Agad kong napansing namula siya. Nanlalamig at pinagpawisan nga ang kamay niya.


Mas hinigpitan ko pa ang paghawak nito at hinila patakbo. Kaya nagtakbuhan na rin kami. "Mika, bakit tayo tumatakbo?" Ngumiti lang ako. In fairness, para na rin kaming nasa K-drama series and I liked it. Haha!


~~Heto na naman naririnig

Kumakaba-kaba itong dibdib

Lagi na ang sinasabi

Pwede na bang makatabi?


Kahit sandali lang sige na

Sana pagbigyan pwede ba?

Mukhang tinaaman yata ako


Kapag tumibok ang puso

Wala ka nang magagawa kundi sundin ito

Kapag tumibook ang puso

Lagot ka na

Siguradong huli ka~~


Nang makarating na kami sa isang parke, sumilong muna kami at umupo sa isang bench. Pinaypay ko naman ang sarili ko sabay paypay rin kay Goyo dahil pinagpawisan na rin siya. "Bakit ba kasi ganito ang suot natin? Ang init-init. Arg. Sana nag-casual na lang tayo. Hay naku."


Hindi niya pinansin ang mga reklamo ko. Tumingin ako sa baba at napansin ko na hawak-hawak pa niya ang kamay ko. Hinila ko ito pero, mas hinigpitan niya ang kanyang paghawak sa 'kin. "Bakit?" tanong ko.


"'Di ba sabi mo, ikaw muna si Dolores sa araw na 'to?" sagot niya sabay malagkit na titig sa 'kin. Shit. Andiyan na naman ang malalagkit niyang titig. Mika, control yourself.


"O-oo," sagot ko. Bakit nauutal ako? Mas kinakabahan ako sa susunod niyang ginawa. Hinay-hinay niyang hinaplos ang aking mukha pababa hanggang sa aking leeg.


Hinawakan niya ito at unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa akin. Pumikit ako lalo nang maramdaman ko na ang kanyang hininga. Ang super lapit na niya sa akin. Balak ba niya akong halikan? Aaaaaaah! I mentally screamed.


"Mika," pabulong niyang sabi. Wait, bakit Mika ang sinasabi niya? 'Di ba dapat Dolores? Wait, wait, wait. Bakit mas inilapit pa niya ang kanyang mukha sa akin?


"A-ano?" tanong ko, kahit nanginginig na ako sa maaari niyang gawin sa akin.


"Kung alam mo lang kung gaano katagal na kitang pinagnasahan, Mika. Kung alam ko lang kung gaano na katagal kong gustong tikman ang masasarap mong mga labi," sabi niya.


"A-ano?" Napabuntung-hininga ako. At that moment, unti-unti niyang idinampi ang kanyang mga napalambot na labi sa akin. Aaaaahhh! Si Goyo ang first kiss ko!


When our lips touched, he slowly smooched it as if ini-invite niya ako to respond to his kisses. He slowly wrapped me around his arms. Kahit pilit ko siyang tinulak papalayo, mas malakas ang mga bisig niya. Then, he moaned. 


Shit. Inisip ko paano kung may makakita sa amin lalo na't nasa public place kami. Patuloy niya akong hinahalikan as if he was craving for it. Dahil sa diin ng mga halik niya, hindi ko na rin mapigilang umungol. Pagkatapos niyang marinig ang moans ko, mas tumindi pa ang kanyang mga halik.


He pulled himself a bit. "Mika," bulong niya at hinalikan niya ako ulit.


***End of Kabanata 11***


--------

Finally, I've updated a new chapter! Waaaa! Nagkiss na sina Mika at Goyo! Whew! But wait, there's more! Nagsisimula pa lang tayo! Yikes!

By the way, a big thanks from me for reading "30 Days With Mr. Weirdo" hanggang sa kabanatang ito. It really means a lot.

Continue supporting me as an author through voting, giving comments, sharing your thoughts with the story. Salamat po talaga!

Track/s na ginamit sa kabanatang ito:

"Kapag Tumibok ang Puso" cover by Janella Salvador

Continue Reading

You'll Also Like

141K 8.6K 27
A daughter of two people from the present and the past, Thayana Alcante, must stop Datu Akmad's nefarious ambitions otherwise, the Philippine history...
Ang Unang Reyna By Thia

Historical Fiction

16.4K 446 27
Ika-labindalawa ng ikaanim na buwan sa taon'g 1898, ako'y nasa dose anyos nang magtungo kami ng akin'g pamilya sa Cavite El Viego. Hindi ko maintindi...
2.2M 5.8K 47
TULONG SA PAG-AARAL: -José Rizal -Kasaysayan -Mga tauhan -Buod ng mga kabanata -Pahiwatig ng bawat kabanata -Mga tanong at kasagutan -Magandang maidu...
271K 2.5K 44
When the sungit prince meet the sassy princess