Cali's Queen (Completed) EDIT...

By Veldet_Ayesha

1.7M 41.5K 3.5K

WARNING R:18 In a famous Belief, every person in this world has their own lifetime partners or the so-called... More

Cali, The Human Peste
CQ-2
CQ 3
CQ-4
CQ-5
CQ-6
CQ-7
CQ-8
CQ-9
CQ-10
CQ-11
CQ-12
CQ-13
CQ-14
CQ-15
CQ-16
CQ-17
CQ-18
CQ-19
CQ-20
CQ-21
CQ-22
CQ-23
CQ-24
CQ- 25
CQ-26
CQ-27
CQ- 28
CQ-29
CQ-30
CQ-31
CQ-32
CQ-33
CQ-34
CQ-35
CQ-36
CQ-37
CQ-38
CQ-39
CQ-40
CQ-42
CQ-43
CQ-44
CQ-45
CQ-46
CQ-47
CQ-48
CQ-49
CQ-50
CQ-51
CQ-52
CQ-53
CQ-54
CQ-55
CQ-56
CQ-57
CQ-58
CQ-59
CQ-60
CQ-61
Final Chapter
EPILOGUE

CQ-41

26.4K 704 142
By Veldet_Ayesha

Pagbigyan ang kapritso haha.
Last UD for tonight. Gwapo kasi ni Shawn letse. Hahaha.

His Queen 41

_______________________________

"Sorry po."

Umiiyak na niyakap ako ni Mama. Ngayon malinaw na sa akin ang lahat. She was my Father's first love. Pero dahil sa kasunduan ay ipinakasal si Papa sa Mama nina Kent at Korin. Sinubukan daw nitong tumanggi, ngunit na-set up na sila. And eventually, Tita Karina got pregnant. At si Kent nga iyon.

Nagpakalayo-layo daw si Mama, ngunit aksidente naman silang nagkita sa isang kasal ng pareho nilang kaibigan. My Father got drunk and he forced my Mom. At ako naman ang resulta non. Although, she didn't hate him for doing that. Hindi rin niya ibinigay ang apelyido sa akin, dahil ayaw ni Mama na magulo ang buhay ko.

And the reason, why Dad can't stay with us. Dahil may cancer ang asawa niya. At sakitin si Feit noong bata pa ito, isa pa nagdududa na daw ang mga byenan ni Papa.

Kaya napilitan si Mama na magpakalayo-layo kay Papa. Lalo na at nalaman niyang alam na ng tunay na asawa ang tungkol sa amin. Naalala ko na, lumipat kami ng bahay non. Sinabi lang ni Mama na alam ni Papa iyon, but the truth is, hindi naman pala talaga. At nakuha lang din ulit ni Papa ang contact number namin. Sa isang kaibigan.

And after a couple of years, tuluyan ng bumigay ang katawan  ni Tita Karina at binawian siya ng buhay. And I can't believe na humingi pa siya ng tawad kay Mama, for stealing my Father away from her. Sa kanya din inihabilin ang dalawa niyang anak. Kaya pala ganon nalang katanggap ni Kent si Mama.

Pinahid ko ang luha at yumakap sa Tatay ko. God! How I long for his embrace. Ngayon hinihintay nalang namin ang paggising ni Korin, and we're migrating to California. Matagal na nilang gustong sabihin sa akin iyon, but they didn't know how to start telling me. Dahil sa galit ko.

"Napakalaki na ng isa sa Prinsesa ko." He patted my head. "Napakalaking gago lang talaga ng Hidalgo na iyon at pinakawalan ka. Tsk. Tsk."

"Papa." Sumimangot ako at umirap. "Hayaan niyo na nga siya. Wala na akong magagawa kung gago talaga siya."

"Tss... Baka mamaya konting landi lang, patawarin mo na." Sumingit na agad si Kent.

"Hoy Freudert anong akala mo sa akin, easy to get?"

"Aba!" Dinuro niya pa ako habang nanlalaki ang mga mata. "Anong Freudert? Kuya! Mas matanda ako sa iyo no." At inirapan ako.

"Whatever." I rolled my eyes. "Pero hindi ako makakasama agad sa inyo paalis. Kailangan ko pang ayusin ang mga papeles ko sa Uni, para maayos akong makapag transfer sa ib---"

Natigil ako sa pagsasalita ng may kumatok sa pinto, at bumukas iyon. Sumilip ang isang nurse.

"Good day po, inform ko lang po kayo na may malay na po si Miss Korin."

Nagkatinginan kaming lahat.

"Kent, pwede bang kayo muna ni Azula ang pumunta, baka atakihin na naman ang Daddy mo eh." Paikusap ni Mama sa kanya, but he hardly shook his head! Aba, bastos.

"I can't, Ma... Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at sugurin ang hayup na ex at kaibigan niya, kapag narinig kong umiyak na siya. Sorry." Kinuyom niya pa ang kanyang palad.

"Ako nalang." Lumayo na ako kay Papa at naglakad papunta sa pinto. Nilingon ko pa ang kapatid ko at nginisihan. "Iyakin."

---------------------------------

Nakahiga padin siya sa hospital bed pagpasok ko. Akala ko ba gising na siya, and bakit walang mga Doktor? Walang ingay akong pumasok sa kwarto niya at naupo sa gilid. Ng mapansin kong gumalaw ang kamay niya. Dahan dahan at hinaplos ang benda sa kanyang ulo at mata.

"Korin? Gising ka na?"

"Pres. Azula?" Hindi makapaniwalang  bulalas niya.

Tumayo at lumapit sa intercom, kagigising lang tapos walang doktor na titingin. Tss... "This is Azula Stratford from ICU, gising na kap--kasama ko." Bumalik ako ng upo at lakas loob na hinawakan ang kamay niya. If she will hate me after what I'm going to tell her. Then so be it.

"Sorry..." I sighed. "I should've not done that. Kung hindi ko ginatungan ang sakit na nararamdaman mo, hindi ka tatakbo. Hindi ka mararatay ngayon dito."

"Pres?"

"When I was ten years old. Palagi kong hinihintay si Papa na umuwi para buksan ang regalo ko sa kanya sa Kapaskuhan. Pero hanggang nakapag debut na lang ako, hindi ko na nakita pa ang Papa ko. Tinanong ko si Mama, kung bakit hindi na bumalik pa ang Tatay ko, at kailan lang niya sinagot ang tanong kong iyon. Ang sabi ni Mama, may ibang pamilya ang Papa ko. At kayo iyon. Kaya ganon nalang ang galit ko sa iyo. Kaya kita sinampal at pinagsalitaan ng masama. Huli ko nalang nalaman, na kayo pala talaga ang orihinal na pamilya niya. Na kami lang ang sampid. Na may nangyari lang na di inaasahan kina Mama at Papa, habang kasal pa siya sa Mommy mo."

Naramdaman kong nanigas siya. "Magkapatid tayo sa Ama?" usal niya.

"Oo, noong una hindi ko maintindihan kung bakit hindi man lang nagawa ni Mamang magalit kay Papa, kahit na iniwan siya nito. Simple lang ang sinagot niya, sabi niya sa akin. Kung talagang sila daw, sa huli sila talaga. Bago namatay ang Mommy mo, humingi siya ng tawad sa Mama ko, sabi ni Mama mismo. You're Mom is a kind woman. Masyado akong nagpadala sa galit ko..."

"Naiintindihan kita Pres. Okay lang iyon." ngumiti siya bigla at kinamot ang ilong. Hindi ko mapigilang mapaisip kung talagang napakabait lang niya talaga, o nagkukunwari lang siyang tanggap niya. "Pero di okay yung nakaharang sa mata ko. Ang dilim eh."

"Ms. Lenxeya, how do you feel? Anong masakit sa iyo? Anong pakiramdam mo? Wala bang kakaiba? How about memories? Wala ka bang nalimutan?" Bahagya akong lumayo sa kanila.

"Iyong ulo ko po ang masakit."

"Normal lang yan at may head injury ka. Anyway, gusto mo bang alisin ang benda sa mata mo?"

"Yes. Doc. Hindi ako sanay eh. Ang dilim." lumapit sila sa kanya at sinimulan nilang tanggalin ang humaharang sa kanyang mata.

"You can open your eyes now, Ms. Lenxeya." I saw how her blue green eyes, blinked many times.

When she said something na ikinagitla ko. "Pres. Bakit andilim padin? Pinatay niyo ang mga ilaw? Pati yata bintana sinara niyo."

Those assholes.
Those fcvking bastards!
Hindi lang nila sinaktan si Korin! Ninakawan pa nila ng paningin?!

"Pres. Madilim! Bakit ayaw niy---"

"Bukas ang ilaw at bintana, Ms. Lenxeya. In fact, napakaliwanag ng silid mo dahil sa maaga pa at bukas ang mga bintana." Kinagat ko ang labi at nag-iwas ng tingin. Ang mga hayup na iyon!

"No...Doc."

"Im sorry to say but...I think, you're already blind Ms. Lenxeya. Dahil nakakuha kami ng ilang bubog na pumasok sa loob ng mga mata mo."

"Gusto ko na pong magpahinga." Halos maiyak ako ng mawala ang sigla sa boses niya.

"Okay Ms. Lenxeya, but still pagaaralan po namin kung may chance pa ba na makakita kay---"

"Wag na Doc.''

"Feit..." Wala akong magawa kundi tawagin siya. I feel so guilty. Because partly, may kasalanan din ako. Ngayon hindi ko alam kung paano ko siya lalapitan at hahawakan. Kung isa ako sa dahilan kung bakit siya nasagasaan? Nilunok ko ang takot na baka sisihin niya ako at ipagtabuyan at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Ng makarinig kami ng mga sigaw sa labas.

"Bullshit! Bakit ayaw nyo akong papasukin!? She's my fvcking girlfriend bobo ba kayo?!"

Humigpit ang hawak niya sa kamay ko. She's trembling. "Pres?"

"Padaanin niyo ako. Tang ina naman!"

"Feit?"

"Pwede mo ba akong tulungan? Please?"

"Anything you want Feit." Lumipat ako ng upo sa tabi niya at hinaplos ang kanyang mukha. I will protect you, wala ng mananakit sa iyo. Hinding hindi ka na malalapitan ng mga hayup na magkakaibigan na iyon. Yumakap siya sa akin at sinabi ang kahilingan niya.

Sisimulan kong bumangon mula sa iyo, Feit. Wala ng makakapanakit pa sa iyo.

-----------------------------------------

Eksaktong tatlong araw, matapos naming lumipad papuntang California ay bumalik ako ng Pilipinas. Sinundo ako ni Zayn sa airport at sabay kaming nagpunta sa University, after kong magpahinga muna sa dati naming bahay. Nakatulog na nga ako sa sobrang pagod ko. Kasalukuyang break time at halos nasa labas ang lahat ng estudyante.

Taas noo akong naglakad papunta sa D.O. At hindi pinansin ang mga tingin nila. Kumatok muna ako ng ilang beses bago pumasok. Nagulat pa si Dean ng makita ako. Maybe because, basically...Suspended padin ako kung pagbabasehan ang one week suspension ko.

"Azula, anong maitutulong ko? And why are you here? You're still suspended right?"

"No worries, I came here to tell you na lilipat na po ako ng University. I just came here,  para po kumuha ng requirements para sa pag transfer ko. And if I can't have it immediately, I'm hoping na sana ay ayusin niyo po, and my brother will get it for me." Tuloy tuloy kong sabi. Nanlaki ang mga mata ni Dean at ilang beses siyang napakurap.

"Biglaan naman yata...I mean, malapit naman na ang ilang months nalang din naman ay finals niyo na, and then graduating kana after that. Hindi ba pwedeng pag-isipan mo muna?"

"Desidido na po ako, besides. Nasa states na po ang buong pamilya ko. Umuwi lang po talaga ako para sa requirements ko." Tipid akong ngumiti.

"But you were the Student Council President..."

"At nagbibitaw na po ako." Sumulyap ako sa wristwatch ko. Napabuntong hininga ang matanda at wala ng nagawa kundi tumango.

"1 week Azula, bago ma-release ang lahat ng requirements requests mo."

"Salamat po." Malungkot siyang ngumiti sa akin. Tumalikod na ako at naglakad palabas ng D.O. I will miss this place. Pababa na ako ng hagdan ng hindi ko inaasahang masasalubong ko si Cali. Ganun parin ang hitsura niya, walang stubbles at hindi haggard kagaya ng sa mga nababasa ko sa mga kwento, kapag may break up na nangayari.

Mukhang sa mga kwento lang iyon.
Dahil mukha namang wala lang sa kanya ang break up namin. Pinanatili kong blanko ang ekspresyon ko at sinalubong siya. Hindi na ako yuyuko dahil sa iyo.

Halos mapigil ko ang hininga ng sumuot sa ilong ko ang pabango niya. I really miss him. Pero hindi na pwede, hanggang dito nalang talaga kami. Pinalis ko ang ideyang iyon sa isip ko at pilit pinatatag ang mga binti ko sa paghakbang.

"You're suspended right." Muntik na akong mapatalon sa gulat ng magsalita siya bigla. "What are you doing here? Fishing for sympathy from the Dean?"

I gritted my teeth. Hindi ko akalaing ganito pala kahayop, kabastos, at kagaspang ang ugali niya kapag galit siya. Na tipong kahit mahal kuno 'daw' niya hihiyain niya. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy sa pagbaba ng magsalita ulit siya.

"Why you lied to me, Quinn?"

Hindi parin ako umimik at humakbang na ulit pababa. I promised myself that I'm already done with him. At kung ang pag ignora sa kanya ang unang hakbang. Ngayon ko na sisimulan.

Sunod kong nasalubong sina Danna, na mukhang nasabihan na narito ako. Agad silang nagsitakbuhan sa akin at yumakap sa akin. Para silang mga bata.

"Ginagawa mo dito, Pres?" Tanong sa akin Danna. "Nagchecheck kaba, Pres? Promise tatapusin namin agad ito bago Ball Event."

Natatawang umiling ako. "No. Nagfile lang ako ng request para sa requirements ko for University Transferring."

"Ha?!" Sabay sabay pa sila. "Lilipat ka na ng Uni, Pres? Hindi pwede! Hindi kami papayag!" Niyakap pa ako ni Mirae.

"Kailangan ko yon. Nasa ibang bansa na sila Mama at mga kapatid ko, doon na kami titira." Maluha-luha silang tumingin sa akin. Si Keiki ay malungkot na lumapit sa akin. "Ikaw na ang Presidente. I'm rooting on you Kei. Malaki ang tiwala ko saiyo."

Natawa kami ng bigla siyang magmura at minura iyong luha daw niyang tumulo. "Sige na. May hahabulin pa akong flight." Ginulo ko ang buhok nila bago naglakad patungo sa parking lot.

I will miss them. I will miss the School. Specially, the Detention Room...

-------------------------------------

Gaya ng usapan namin ni Zayn, ng hapon ay umalis din kami ng bansa, sakay ng private plane nila papuntang America. Nakausap ko na si Doc. Pettrouv, at doon ang diretso namin sa oras na makapagpahinga na kami sa hotel na tinutuluyan namin.

Ilang beses yata niya akong tinanong kung desidido na ba ako. And my answer remains YES. Hinding hindi na mababago iyon. Kahit pa sabihing OA masyado daw dahil ganon yata daw ako kapatay na patay kay Cali kaya sasailalim ako sa ganoong treatment.

I don't care...At all...

Wala akong ginawa kundi ang matulog at matulog lang sa eroplano. Kailangan ko ng lakas. Sandamakmak na lakas para sa gagawin ko. Hindi ko alam kung nakaabot sa kanya ang huling regalo ko o naharang ba ito o baka itinapon lang niya.

Ng lumapag ang eroplanong sinasakyan namin ay nagsimula na akong makaramdam ng kaba, after this day magbabago na ang lahat, babalik na ako sa dati kong mundo.

Walang sakit.
Walang pagsisisi.
Walang Cali.

"Maliligo lang ako at magpapahinga, then we'll go and talk to Doc. Alex." Tinulak ko ang pinto after I swiped my keycard.

"Azula."

"May problema ba?" Tuluyan akong pumihit paharap at tinaasan ko siya ng kilay. Bumuntong hininga si Zayn at kinuha ang kamay ko.

"Do you really want to do this?"

"Nakapag desisyon na ako diba? Hanggang kailan mo ba itatanong yan sa akin?" Naiinis na ako eh. Paulit-ulit. "Wala namang magbabago maliban sa alaala ko sa kanya, siya lang ang buburahin ko."

"Fine. Fine. Give me a ring once your ready to go. Dito lang naman ako sa kabilang suite." Binitawan niya na ang kamay ko at naglakad papunta sa kanyang suite. Isinara ko naman ang pinto at agas na hinubad ang coat ko. Hinagilap ko ang kwarto at agad na tinimpla ang tubig sa tub.

I discarded all of my clothes at lumublob sa maligamgam na pampaligo. Pakiramdam ko ay hinehele ako at dahil doon ay na relax ng husto ang pagod at nahihirapan ng isip at puso ko.

-----------------------------------

"So, let's start the session. And I may have to remind you that this treatment is not permanent. Those memories that you wanted to get rid of, are not permanently erased." Tumango ako sa Doktora. May ikinabit siyang maliit na bilog sa magkabilang sintido ko na may maliit na wire ang nakadugtong din, at nakakonekta sa monitor na nasa harap namin. "Now, Ms. Stratford. I want you to tell me everything, since from the very beginning. The very first time you saw him and the last time you talked to him."

Isinuot na nila sa ulo ko ang head apparatus. Pumikit ako at malungkot na ngumiti. After this procedure, I will finally forget him. Alam kong maaaring bumalik sa akin ang mga alaala ko sa kanya. Though, Doc. Alex told me na babalik lamang ulit ang mga alaala ko, sa oras na isailalim ulit ako sa treatment na ito. Siya ang may hawak ng susi sa memorya ko.

"You can start now, Azula." I heard she said.

"The very first time I saw him, he was making out on a cheerleader." Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatitig sa monitor na nasa loob ng apparatus, mayroong image doon na hindi ko maintindihan ngunit sapat para makuha nito ang atensiyon ko. Para nga akong inaantok. Patuloy akong nagkwento, minsan tumatawa ako. Minsan ay naiinis.

At ng simulan ko na ang parte kung saan naputol ang relasyon namin. Sunod sunod ng pumatak ang luha ko. Umahon lahat ng sakit, ng hinanakit, ng pagsisisi.

"Now, Azula. I want you to forget him. Forget the man who cause you pain. The man who broke your faith. Forget the man who hurt you so bad. I want you to close your eyes and forget everything that related  to him." Pinikit ko ang mga mata at bigla ko na lang naramdaman ang kakaibang pwersa na animo hinahatak ang kaluluwa ko patungo sa kung saan. I tried to open my eyes, ngunit may pumipigil.

I want you to forget Cali Enrique Hidalgo, Azula...

Tuluyan akong nagpahatak sa kadiliman. Hinayaan kong dalhin ako sa kung saan. Dahil alam ko, bukas pag gising ko. Magiging maayos na ang lahat. Naramdaman kong tumulong muli ang huling luha ko.

Hanggang sa muli, Hidalgo...

_____________________________

Facts muna tayo Readers. Para naman malinawan kayo hahaha.

Did you know guys That according to Google...

Individuals who are experiencing post-hypnotic amnesia cannot have their memories recovered once put back under hypnosis.This can be achieved by giving individuals a suggestion during hypnosis to forget certain material that they have learned either before or during hypnosis. Post-hypnotic amnesia was first discovered by1784. When working with his subject Victor, Puysgur noticed that when Victor would come out of hypnosis he would have amnesia for everything that had happened during the session.

Recognizing the importance of this power, Puysgur soon began treating those who were ill with induced amnesia.

So iyon na nga, hahaha nabasa ko lang din. Na yung ibang Psychiatrist ginagamit na yata nila iyang Hypnotic Amnesia or you can called it Induced Amnesia. Doon sa mga drug dependent. They hypnotized them, para tulungan silang makarecover from being a drug dependent.

So, ayun ulit. May idea na kayo kung anong nangyari kay Azula. Why she doesn't remember anything about Cali. Sisihin niyo si Doktora! Hahaha.

Thanks you guys. Lovelots.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 41.2K 51
#3 IN ROMANCE [12β€’12β€’16] May kasabihan ngang masarap ang bawal. Kahit pilit mong labanan at itago ang nararamdaman mo hindi ka parin makakatakas. Ako...
20.1K 678 55
Eleanor Ria Fortes is every man's dream. She has everything that a guy could ask for---the beauty, the brain, the personality and good manners. Maswe...
4.8K 296 34
NOTE: EDITED VERSION 𝐌𝐨𝐧𝐭𝐒𝐯𝐒π₯π₯𝐚 π’πžπ«π’πžπ¬ #2 Meet Ysabella Montivilla a girl who doesn't want to have a committed relationship, because...
148K 3.7K 44
Jask Vasil Ivanovich is the Zchneider Mafia's mess cleaner. Wala itong trabahong hindi tinatapos at wala taong nakakatakas sa pagpaparusa mula sa uto...