Fall Into Place

By raspberrygrl0315

20.4K 679 263

Be patient and let time take care of it. May 2017 More

1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
19
+1

18

752 27 3
By raspberrygrl0315

Ina's

It was a desperate, pathetic move. I was so crazy to think he'll fall for that. I knew.

I knew better.

Without even thinking how stupid I probably look like sitting in a corner. Hugging my legs, face buried on my lap and, crying like the loser I am. "Ang tanga tanga mo, Ina." I whispered to myself.

I was lucky to find an area in this place without too much people, sobrang pagkapahiya ko kanina I just ran and ended up here. Ni hindi ko nacheck if malinis yung inupuan ko. Basta sumalampak na lang ako. I'm a fcking mess.

I've been a mess ever since I left Kib. Ang bobo ko na pinagpalit ko siya sa isang taong good time lang ang gusto. Kib was the one for me. He's always there for me, protect me, love me. Care for me. He would understand. I thought he would wait. Ang tanga ko na hindi ko agad na realize that he's a great guy and now it's too late. Someone already noticed him, who wouldn't? And now he moved on.

When I heard it was that girl, I got so threatened and acted on impulse. I knew he has this huge crush on that girl ever since, but Kib is loyal. He won't ever hurt anyone, lalo na kung babae. He wouldn't hurt me, I knew that. Kaya siya ang sinaktan ko. Kasi I was so sure he won't go, I was so damn sure he'll wait.

"Ang tanga tanga mo!" I punched myself again as if this emotional pain is not enough.

Kib's

Nakadagdag ng sama ng loob ko ang nangyari samin ni Ina. Pagpasok ko sa dug out para bang naubos ako.

"Kap, bawi tayo sa UAAP." wala sa sariling tumingin ako sa mabigat na kamay na humawak sa balikat ko. Si Jollo, akala niya siguro malungkot ako dahil sa pagkatalo. Well, isa yun pero parang mas malungkot ako that we (me and Ina) had to end up this way.

"Oo naman, tayo pa ba." ngisi ko sa kanya. Saktong labas ni Aljun galing sa shower.

"Mamadali ba tayo Paps?" biro ni Andrei sa kanya, nag-aantay kasi yung bagong nililigawan niya at malamang may date kaya nagmamadali.

"Pambawi, olats eh." sagot ni Aljun, hawak niya na ang phone niya at nasa ulo ang towel nagpapatuyo ng buhok. Si Andrei naman ang pumasok sa loob ng shower room.

Naalala ko din ang phone ko kaya chineck ko yun. I got 4 texts. The first one I opened was from Papa saying we'll bounce back next season.

To: Papa

Thanks Pa! Sure yan. Miss you.

Then my sister, said she's just waiting outside. I replied, okay. The third message got me grinning again, it was from Des.

From: Wynea

Wala kasi ako, wala kayong lucky charm. Don't worry, nood ako UAAP. Para naman manalo kayo. Hahahaha. Jokeeeee!

To: Wynea

Basta ako lang iche-cheer mo.

From: Wynea

Tssssss.

To: Wynea

Lab lab.

Malamang bwisit na bwisit nanaman yun sakin dahil sa reply ko. I chuckle at the thought of her stomping her feet and covering her blushing face. Wala na talaga ako, hulog na hulog na.

From: Wynea

Arrrgh! Bwisit mo.

To: Wynea

Hehe. Busy ka mamaya?

From: Wynea

Hm?

To: Wynea

Wow nagisip pa yung MVP.

From: Wynea

Hahaha. Joke lang! Di naman po, why? Libre mo ko? Yay!

To: Wynea

Ang bilis talaga kausap kapag pagkain, ano po?

From: Wynea

Libre + food = happy me :)

To: Wynea

Happy you = happier me :*

May nagtext ulit pero hindi si Des, yung kapatid ko. Naiinip na ata.

From: Shobe

Ahia, I'm hungry.

To: Shobe

Yes, shobs. Tagal maligo ni Drei. Palabas na kami.

"Hoy di pa ba tapos yan si Andrei?!" sigaw ko kay Aljun na busyng-busy sa phone niya.

"Kakapasok ko lang eh!" reklamo ni Andrei.

"Bilisan mo!" sabay na sigaw namin ni Aljun, tumabi ako sa kanya. Di pa din nagrereply si Des, suplada talaga nun.

"Puta." hindi na ko nagulat nung magmura si Aljun, baka natalo sa nilalaro niya o kung ano man pero kumunot ang noo ko nang nagtext ang kapatid ko sakin.

From: Shobe

OMG AHIA OPEN TWITTER!

"Kib gago ka." lukot na lukot ang mukha ni Aljun na humarap sakin.

"Ha?" hindi ko naintindihan bakit bigla niya kong binalya, hindi malakas pero hindi din mahina.

Shobe calling...

"Teka teka." awat ko kay Aljun at sinagot ang tawag ng kapatid ko.

"OMG.YOUR CRAZY EX.." tuloy tuloy ang salita ni Khryzia sa phone, hinarap naman sakin ni Aljun kung bakit bwisit na bwisit siya sakin. It was a photo of me and Ina, she's hugging me. This was taken just a while ago.

"Fcvk!" I cursed. Binasa ko ang caption ng nagpost, sila pa din pala? So KibRee is not real.

"You saw it?"

"I'll talk to you later, Shobe. Okay? Love you."

"Ahi-" I ended the call.

Inagaw ko ang phone ni Aljun, binasa ko ang mga replies sa tweet. Posted an hour ago.

"Tawagan mo si Des, baka kung ano na iniisip nun."

He didn't have to tell me what to do, yun nga mismo ang gagawin ko. Madali akong nagdial ng number niya, after the 4th ring kinabahan na ko.

"Sht, di sumasagot." announce ko.

"Patay ka na." tumalikod si Aljun sakin at kinuha ang malaking bag niya habang hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Des'

Pulang pula nanaman ang mukha ko. Nakahiga ako sa sofa namin sa first floor, dun ako nanuod ng live stream ng game ng Green Archers. For sure malungkot si Kib dahil talo kaya nagtext ako agad sa kanya kanina, halos isang oras bago nagreply siya sakin at eto nga ang landi nanaman po niya.

"Achi!"

"Achi!"

Napatayo ako sa pagkakahiga, binaba ko ang nakataas kong mga paa dahil sa tawag nila Gyra, Aljan, Julia at Rov. Nagmamadali silang apat papasok ng dorm. Mukhang didiretso sila paakyat kaya tinanong ko kung anong problema nila.

"Hoy, anong nangyari bakit parang agit kayo?!" sunod sunod silang tumingin sakin. Parehas parehas sila ng itsura pagkakita sakin.

"Chi Chubs." tawag ni Gyra sakin.

"Oh?" humiga ulit ako at tinaas ang paa ko. Lumapit sila sakin na para bang nagtutulakan.

"Para kayong baliw, ano ba yun?" tanong ko, nilapag ko sa dibdib ko ang phone at tumingin sa kanila.

"Kasi Chi." napakamot ulo si Aljan.

"Ano nga? Mangu-ngutang kayo? Wala kong pera." biro ko sa kanila, dinampot ko ang phone ko para sana mag-open ng twitter to lurk.

"Chi, si Kuya Kib na sa twitter kasi kayakap yung ex daw niya. Sabi nila nagkabalikan na daw." tuloy tuloy na sabi ni Julia, na parang nagrarap. Matatawa sana ako, pero hindi nakakatawa.

"Ha?!" ngangang tanong ko sa kanila.

"Ano ba yan Julia, bakit ka kasi nagrarap jan!" sita ni Rov sa huli. Parang nanghina ang mga paa ko, dahan dahan akong tumayo at umupo ng maayos.

"Chi, sa twitter kasi." simula ulit ni Aljan.

"Someone posted a photo of Kib and his, I'm not sure kung ex pa. They're hugging and the photo looks like it was after today's game." clear naman ang pagkakasabi ni Gyra pero parang static ang tenga ko di ko naintindihan. I had to open twitter, to know.

Naka off ang twitter notifs ko dahil masyadong maingay, madami dami din kasing nagmemention sakin na mga fans kaya para mas tahimik ang buhay in-off ko yun. Tulirong tuliro ako nung makita ko ang sinasabi nila sakin.

Umupo sa tabi ko si Rov.

"Chi." inakbayan ako ni Gyra na nasa kabilang gilid ko na pala.

"Ahm." gustong gusto kong umiyak pero ayaw kong kaawaan nila ako. I don't want them to worry.

"Ano-ahm. Okay, aakyat lang-ako." I can't stand their faces, nalulungkot sila para sakin. Lalo akong nanghihina, my voice is breaking.

"Aakyat muna ako. Tama, inaantok ako bigla." 

"Akyat muna ako."

Hilaw na tumawa pa ko, habang pumipiyok piyok. Dire-diretso akong naglakad hindi ko nakitang tatama pala ako sa pader.

"Achi!" sabay sabay silang napatili, at madaling lumapit sakin. Napahawak naman ako sa ulo ko na tumama.

"Hehe, ang sakit."  humarap ako sa kanila, tapos umiyak.   


My thoughts: 

Thanks for reading Besties, 1 more then this is done. Hehe. Luhh yahhh! 

Continue Reading

You'll Also Like

108M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
21.1M 518K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
117K 3.7K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...