When She Courted Him

By pajibar

603K 12.7K 2.9K

❝Dear Crush, kung ayaw mo akong ligawan, pwes. Ako ang manliligaw sayo.❞ More

Prologue
Introduction
First
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eight
Ninth
Tenth
Eleventh
Twelfth
Thirteenth
Fourteenth
Fifteenth
Seventeenth
Eighteenth (Part One)
18.2
19
Twentieth
Twenty First
Twenty Second
Twenty Third
Twenty Fourth
Twenty Fifth
Twenty Sixth
Twenty Seventh
Twenty Eight
Twenty Ninth
Thirty
Thirty First
Thirty Second
Thirty Third
Thirty Fourth
Thirty Fifth
Thirty Sixth
Thirty Seventh
Thirty Eight
Thirty Ninth
Fortieth
Forty First
not an update
Forty Second
Forty Third
Forty Fourth
Fourthy Fifth

Sixteenth

12K 230 25
By pajibar

— Hayley’s Point of View — 

                Ngayon na yung araw ng laban nila Dylanbabes! Grabe, hindi ako makapaniwalang niyaya niya akong manuod! Bakit kaya? Ako kaya yung lucky charm niya? Ako kaya yung goodluck niya? Yung inspiration niya habang naglalaro siya? Omgggg. Hindi ako maka-getover!

                Maaga akong umuwi at nagpunta sa basketball court kung saan sila maglalaro. Grabe! Ang dami na kaagad na tao kahit maaga palang!

                Naghanap ako ng magandang spot na uupuan sa bleachers. Yung spot na dapat madali akong makikita ni Dylan at madali ko rin siyang makikita. Alam niyo na, ganyan talaga pag mag-asawa! Dapat laging may connection sa isa’t-isa.

                Nang maka-upo na ako, pinatong ko muna saglit yung banner na hawak ko para tawagan si Scarlett. Opo, banner nga ang hawak ko kanina. Aba! Kailangan kaya ngayon ni babes ng moral support! Pinagpuyatan ko pa nga gawin yun kagabi eh. Tignan nalang natin kung hindi pa sila manalo ngayon!

                “Hello?” tawag ko kay Scarlett sa selpon.

                “Ano?” sagot niya naman.

                “Asan ka na? Nandito na ko.”

                “Wait lang, on the way na ko.”

            “On the way mo  mukha mo! Pustahan nagbibihis ka pa lang.” Hindi ako maloloko ng babaeng ‘to!

                Hindi na siya sumagot at binabaan nalang ako bigla ng telepono. Guilty ang lokaret! Sabi sa inyo eh.

                Hindi nagtagal ay nagsimula na rin ang laban. Grabe! Inulan ng mga poging nilalang ang basketball court ngayon! Ito na yata ang time para mag boy hunting. Joke lang! Baka makita ako ni Dylanbabes at baka magalit or magselos pa siya e.

                Naging intense ang first quarter ng laban lalo na’t ang unang nagka-points ay yung mga kalaban. Pero okay lang! First points palang naman yun e, pwede pa kaming makahabol! Pero grabe, 3rd quarter na (championship kasi ‘to) at kulelat pa rin  kami! Omg, kailangan ko na ‘tong gawan ng paraan!

                Dumating na rin si Scarlett at tinabihan ako sa bleachers. Hindi na rin ako nag-alinlangan na ilabas yung banner na hawak ko at itinaas ito kaagad sabay sigaw ng, “Go Dylanbabes!”

                At dahil dun, naagaw ko yung mga attensyon ng mga tao, pati na rin ang attensyon ng mga players. Tinignan ako ni Dylan, at napansin niyang habang nawala sa focus ang ibang kalaban dahil sap ag-sigaw ko, ay inagaw niya ang bola at tumakbo papunta sa ring at sabay…shoot! 3 points!

                Nagsihayawan yung mga nanunuod at dahil dyan, sunod-sunod nang nagkakapoints ang team nila Dylan.

                “WOOHOOO!” pag-cheer ko naman.

                Natapos ang 3rd Quarter nang hindi man lang nakapag-points ang mga kalaban. ‘Yan na nga ba ang sinasabi ko eh! Sabi sa inyo makakabawi kami eh!

                Nang mag-time out, lumapit agad ako kay Dylan at inabutan siya ng tubig. Sa sobrang pagod niya naman yata ay hindi niya na tinanggihan ang offer ko at ininom na ito kaagad. Habang umiinom siya ay pinunasan ko naman yung mga pawis niya gamit ang face towel na sinadya kong dalhin para sa kanya.

                Ganyan dapat kapag may laro ang asawa mo, dapat lagi kang supportive at handa!

                “Galing mo, Hubby!” Ayt. May panibago nanaman akong nickname para sa kanya! :3

                Hindi niya naman ako pinansin at ibinigay nalang ulit sa akin ang tubig at tumakbo pabalik sa court nang pumito na ang coach nila, meaning, tapos na ang time.

                “Goodluck!” sigaw ko.

                Dahan-dahan akong bumalik ulit sa kinauuupuan ko kanina. Hirap pa rin akong maglakad dahil sa paa ko. Medyo masakit pa rin kasi tsaka hindi ako makagalaw ng maayos dahil sa bandage na nakalagay dito.

                This is it! Nag-start na ang 4th Quarter! Alam kong kaya na nila yang tapusin at maipanalo pero hindi pa rin ang tumigil sap ag-cheer sa kanila. Well, actually si Hubby lang talaga ang chini-cheer ko eh. :P

                Mas lalong naging intense ang laban sa 4th Quarter lalo na’t ayaw talagang magpatalo ng kabilang school! Grabe naman yan! Ayaw pa nila magpatalo! Halata naman ring kami na ang mananalo, record holders kaya ‘tong school namin!

                Habang naglalaro, mas mapapansin mong mas naging seryoso ang mga players. Grabe, kahit pagod na pagod na sila, hindi pa rin sila humihinto. Nagpapaka-pagod sila para lang mapanalo ang school namin! Lalo na kay Dylanbabes, siya kasia ng Captain Ball ng  varsity namin kaya malalaki ang expectations nila sa kanya.

                “Omg ang pogi talaga ni Dylan!”

                “I know right! Next year magpapalipat na ako sa school nila para makita ko siya palagi!”

                “Sira. College na siya next year.”

                “Ay oo nga, ‘no.”

                Naring ko yung mga katabi ko na pinag-uusapan at pinagnanasahan ang Hubby ko. Grabe nagseselos ako! Aba kahit maliit na bagay lang yan, pwede pa rin akong mag-selos kasi nga mag-asawa na kami!

                Tumayo nalang ulit ako at kinuha ang banner at itinaas ito sabay sigaw ng, “Go Dylanbabes! Ang galing mo!”

                Well, sinadya ko talagang iparinig yun sa mga malalanding frog dito sa gilid ko. Aba! Dapat akin lang si Dylan ‘no! Ako nga, wala nang pag-asa, sila pa kaya? Eh mas pangit ka sila kesa sakin eh!

                “Grabe ang feeler nito.” Narinig kong binulong ng isa.

                “Kaya nga. Hayaan mo na, atleast hindi naman tayo ka-desperada tulad niya.”

                EH KUNG PAG-UNTUGIN KO KAYA KAYONG DALAWA? Kanina kayo lang ang nagnanasa sa Hubby ko tapos ngayon sasabihin niyo ako ng desperada? Yung totoo?!

                Hindi ko nalang sila pinansin. Malamang kasi, gulo nanaman ‘to kapag pinatulan ko pa yung mga immature na kasama ko ngayon.

                Biglang bumalik sa katawan ko ang kaluluwa ko nang biglang nagsigawan at nagsitayuan yung mga tao sa paligid at nag-whistle na yung mga referees.  Agad akong napatayo para tignan kung ano yun.

                “PANALO TAYO!!!!!” masayang sabi ni Scarlett sa akin.

                “OH?!”

                Walang sabi-sabi, bumaba kaagad ako sa bleachers at hinanap si Dylan. OMG! Ang galing niya talaga! Ang galing talaga nila! Ang galing ko talaga—mag-cheer! OMG!

                Hindi ako nadalian na hanapin siya nun. Paano ba naman kasi, ang daming tao sa paligid at talagang nagkakagulo sila! Pero buti nalang at biglang paglalingon ko, nakita ko na si Dylan.

                Naglakad ako papalapit sa kanya para i-congratulate siya pero nagulat nalang ako bigla nang bigla niya akong….yakapin ng mahigpit.

                “Thank you, Lele.” sabi niya.

**

— Scarlett’s Point of View — 

                “Panalo kami! Panalo kami! PANALO KAMI OMG!” Ang saya saya ko habang tumatalon-talon pa habang naglalakad papunta sa kung saan-saan lang.

                Grabe! Bakit ba mas masaya pa ako kesa dun sa mga players? Eh hindi naman ako yung naglaro kanina dun pero abot langit na yung tuwa ko!

                Wala lang, masaya lang talaga ako kasi nakaka-proud yung school namin!

                “Aray!” matatapilok na sana ako dahil sa kaulitan ko at muntik na sanang sumubsob ang mukha ko sa lupa, pero buti nalang ay may humawak sa braso ko at hindi ako natuluyan.

                “Wew, muntik na yun ah.” Sabi ko, para akong nag-freeze. That mini heart attack tho.

                “Miss, okay ka lang?” napatingin ako dun sa lalaking “nagligtas” sa akin at mas lalo naman akong nag-freeze nang makakita ako ng isang napaka-gwapong nilalang.

                Grabe.

                Ang pogi.

                Napatingin ako bigla sa suot niya. WAT! Player ‘to! Basketball player ‘to ng school na kalaban namin kanina sa basketball! Omg hindi pwede!

                “O-Okay lang ako. Obvious naman, di’ba?” Omg, bakit ba feeling ko kapag kinakausap ko ‘tong lalaking ‘to ay pinagtataksilan ko ang school namin? :(

                Naglakad nalang ako papalayo dahil ayoko na talaga siyang kausapin, pero tinawag niya ulit ako.

                “Miss!”

                “Ano nanaman?” iritado ko siyang nilingon ulit.

                “Ang ganda mo.” Bigla niyang sabi. WHAT THE HECK BAKIT ANG BILIS DUMAMOVES NG MGA LALAKING NAKIKILALA KO NGAYON.  “Pwede ko bang malaman ang pangalan mo?”

                Tumalikod ako sa kanya kasi feeling ko eh sobrang namumula na ako ngayon.

                “B-Bawal! Dyan ka na nga!”

                ASDFGHJKL. Yung totoo? Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?!

{ short update lang. writer's block kasi at medyo busy na bored hahaha. salamat sa mga nagbabasa at naghihintay ng update every week! omg excited na ko, makakabalik na ko dyan sa pinas in 10 days! }

 

Continue Reading

You'll Also Like

176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
93.9M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
1.9M 95.8K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...