The Billionaire's Secretary

By CussMeNot

11.3M 206K 17.8K

The Billionaire Series 1: King Tyron Sandoval (Self-published under Immac Publishing) Simple lang ang hangad... More

The Billionaire's Secretary
Prologue
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Note
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Huling Kabanata
Special Chapter
The Billionaire's Sexy Whore
Unspoken Truth
King Hyron
Note
Announcement!
SELF PUBLISHED under Immac Publishing Services
BOOK ANNOUNCEMENT
TBS book Reprint!
The Mafia Boss Love Interest Published under Immac PPH

Kabanata 35

160K 2.7K 326
By CussMeNot

Kabanata 35

"Cook something for me, Hera." pamimilit na sabi sa akin ni King Tyron habang hinahaplos ang buhok ko.

Sa pamimilit niya ay mas lalo kong isinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib at mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayapos sa kaniyang katawan. Inayos ko ang pagkakahiga ko sa kama pagkatapos ay idinantay ko ang aking kanang hita sa hita ni Boss.

Nandito kaming dalawa ngayon sa apartment ko. Hinatid kasi ako ni Boss pauwi tapos naisipan niya na dito na lang matulog sa bahay ko kaya ayon, magkaratig kami ngayon sa kama ko. Magkatabi lang kami. Wala namang nangyaring kakaiba dahil may pahabol days pa ako.

"Hera." hindi ko pinansin ang kaniyang pagtawag sa akin. Kunwari hindi ko narinig.

Ayokong magluto. Tinatamad akong bumangon sa kama ko para magluto ng hapunan kaya pilit kong tinatanggihan si Boss sa gusto niya.

Mas gusto kong tumihaya na lang sa kama kasama si Tyron. Sa pagod na nararamdaman ay mas gusto ko na lang humiga upang matulog kahit na hindi pa kumakain. Dahil sa sobrang pagod sa trabaho, feeling ko ay hinahalina ako ng kama ko para matulog na lang.

"Mamaya na." tamad kong sagot sa kaniya gamit ang mahinang boses. Ipinikit ko ang aking mga mata habang humihikab.

Narinig ko naman ang malalim niyang paghugot ng hininga dahil sa aking sinabi. "But I'm starving!”

"Basta mamaya na! Kulit!" tinatamad kong ungot.

"Ipagluto mo ako! Cook for me!" namimilit na sabi niya gamit ang seryosong boses. Para siyang isang masungit na bata na namimilit sa kaniyang yaya.

Okay! Tagalog at English. Naiintindihan ko naman ang gusto mong ipagawa sa akin Boss pero pagod talaga ako sa trabaho eh. Mamaya mo ako utusan. Magpapahinga muna ako. Konting idlip pa! Gustong gusto kong sabihin ang mga iyan sa kaniya pero pinigilan ko ang sarili dahil alam kong magagalit siya sa akin.

"Later, baby." pa-sweet na sabi ko habang nakapikit.

"Tsk!"

Napanguso ako nang inalis niya ang pagkakayakap ko sa kaniya kaya napamulat ako ng mata. Kita ko ang pagbangon niya sa kama para tumayo.

Ang hot niya talaga sa suot niya pero mas lalo siyang hot pag walang damit. Malanding alintana ng aking utak.
Nakasuot parin siya ng Suit habang ako naman ay nakapagpalit na ng pambahay na damit. Sinabihan ko naman siya na magpalit, pero ayaw niya. Tinatamad daw s’yang lumabas para kuhanin sa kotse ang kaniyang extra na damit.

Sus, baka naman enjoy na enjoy lang siya sa pagkakayakap ko. Gusto niyang lagi akong nasa tabi niya. Iyon din siguro ang dahilan kaya siya tinatamaan ng katamaran. Gustong gusto niya ang pagiging parang tuko ko na laging nakayapos sa kaniya.
Pero gutom lang pala ang makakapag-hiwalay sa amin. Kanina lang gustong gusto niyang niyayakap ko siya pero nagutom lang siya nagbago na agad ang isip niya.

Grabe siya! Ipinagpalit niya ang mainit na pagmamahal ko sa pagkain. Grabe! Ang bilis naman niyang magsawa. Nagutom lang, umayaw na agad sa yakap ko.

"Kainis ka naman eh. Tutulog yung tao tapos aabalahin mo. Tsk!" sabi ko.

Nakalabing napairap ako sa kaniya nang makita ko ang kaniyang nakabusangot na mukha. Nakakunot na naman ang kaniyang noo at magkatagpo na naman ang kaniyang kilay habang ang labi naman niya ay isang diretso na naman. Tulad nang dati, pag hindi nasusunod ang gusto niya ay mabilis siyang mainis.

Tinatamad akong umupo sa kama habang nagkakamot ng ulo.

Ano ba ‘yan! Akala ko naman makakatulog ako ng maaga. Iyon pala ay hindi. Kung bakit ba naman gutom na naman si Boss. Tsk!

Kakakain lang namin ng ini-order ko sa Jollibee eh tapos wala pang tatlong oras ay gutom na agad siya.

"Grabe ka naman, Boss! Kakakain mo lang kanina ng Chickenjoy tapos gutom ka na naman. Ilang oras palang ang lumipas, oh! Kailangan mo na yatang magpapurga at baka may alaga ka na diyan sa tiyan mo." nakabusangot na sabi ko habang nagtataray.

Ganon ba talaga pagka-nanggaling sa lagnat? Laging gutom? Nabawi ng kain? Ganoon?

Dalawang araw pa lang ang lumilipas mula noong gumaling si Boss King Tyron sa lagnat-laki niya. Isang araw lang s’ya nilagnat tapos gumaling agad s’ya. Hindi nga kapani-paniwala pero wala eh, siguro nga talagang mabilis gumaling ang mga masasamang damo.

Nang tuluyan na s’yang magaling ay bumalik agad siya sa trabaho. Nagpaka-workaholic na naman siya at dahil nga secretary niya ako ay damay din ako sa pagiging masipag niya sa pagtatrabaho. No choice eh. Feeling ko nga ako naman ang magkakasakit.

Tinatapos na kasi ni Boss ang lahat ng kaniyang trabaho at mga meeting na dapat niyang gagawin sa susunod na linggo. Napagplanuhan niya kasing bantayan ang pinapagawa niyang resort sa Palawan. Titingnan niya daw ang mga materyales na gagamitin sa kaniyang resort. At dahil daw secretary niya ako ay isasama niya ako. Oh diba ang saya? Excited na nga ako, eh.

Napabalik muli ang naglalakbay kong isip nang marinig kong nagsalita si Boss. Napangiwi ako dahil medyo may kalakasan ang boses niya.

"Damn it! Yes, we ate, but it's just a one cup of rice and a fucking piece of chicken. Anong akala mo sa akin mabubusog agad sa kakapiranggot na kanin na iyon. Fuck! I'm a guy! Mabilis akong magutom." nakakunot noo na paliwanag ni King Tyron.

Hindi ko maiwasan na umirap sa kawalan. Edi, kung nabitin ka man sa kinain mo, dapat omo-der ka ulit ng sampung piraso para naman hindi ka mabitin. Sus! Sarap pektusan ni Boss. Sasabihin ko sana iyan pero mas pinili ko na lang manahimik.

Ang gulo talaga ng hari na ito. Daming dami ng pera niya tapos ayaw ibili. Naku naku! Very wrong! Tsaka, Nag umpisa na naman s’ya sa kasungitan niya. Tsk! Very wrong ulit! Siguro noong nagpaulan si Lord ng kasungitan ay nasambot niya ang isang milyong patak ng tubig ulan.

"Ohh, kung ayaw mo namang magluto ng makakain ay mas mabuti naman sigurong ikaw na lang ang kainin ko. Ah, fuck! Bakit ngayon ko lang naisip ang bagay na iyon, Hera. Kakainin kita! Hindi man ako mabusog, atleast nasarapan ako diba? It's a good idea, isn't it?" nahulog ang panga ko sa sinabi niya. Kalaunan ay bigla akong napalunok.

Heto na naman s’ya sa kamanyakan niya!

Ang kaniyang seryosong mukha ay napalitan ng manyakis na ngisi habang ang mataray ko namang ekspresyon ay naging ngiwi. Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Hindi pa ako pwede kasi may natulo pa sa 'down there' ko eh! Nakakadiri naman kung gagawin niya yun diba? Yuck! Kadiri talaga. Hindi ba s’ya nag-iisip?

Nagmamadaling tumayo ako sa kama at pumunta sa kusina. Narinig ko ang malakas niyang pagtawa habang ako ay naghahanap ng lulutuin. Nang makita kong wala ng kahit ano sa ref ko ay bigla akong napalunok.

Kelan ba ako huling nag-groceries? Tange, Hera! Hindi ka naman namimili ng pagkain eh. Ang huling beses yata na magkaroon ng laman ang ref ko ay noong may kung sino mang tao o lamang lupa ang nag-magic ng refrigerator ko.

"Oh-uhh! Malas ba ako ngayong araw na ito? Wala akong maipapakain sa mahal na hari na may lahing halimaw. Todas na yata ako." kinakabahang sabi ko.

Saan ko ba siya pwedeng pakainin?
Nanlulumong bumalik ako sa kwarto para kausapin si Boss. Tinititigan niya ako habang nakataas ang gilid ng labi niya na tila ba nang-iinis.

"Ano na? Luto na ba?" tanong ni boss sa akin.

Inirapan ko s’ya pagkatapos ay hinigit ko siya palabas ng bahay. Narinig ko ang pagtatanong niya sa akin.

"Where are we going, baby?" mapang-asar na tanong niya.

Tiningnan ko s’ya ng taimtim. Nakita kong magkasalubong ang mga kilay niya habang may munting ngisi ang makikita sa kaniyang labi.

Sinaraduhan ko muna ang pinto ng apartment ko bago ko s’ya muling hinigit papunta sa kalsada.

"Kakain tayo sa Karinderya ni Aling Pukikay. May dala ka naman sigurong pera, diba?" sabi ko habang hinihila s’ya.

Mabilis ang paglakad ko kasi baka maubusan kami ng puwestuhan. Medyo maliit kasi ang espasyo ng karinderya eh. Gabi na, kaya naman alam kong madami na namang kakain doon.

"Yes. I have plenty of it." matipid pero mayabang niyang sagot habang inaakbayan ako. Hindi ko naman maiwasang mapairap dahil sa kayabangan niya.

Pinagsawalang bahala ko na lamang ang pag-akbay niya. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa paglalakad. Medyo may kadiliman na kaya naman marami na namang mga bata ang naglalaro sa kalye. Pati ang mga nanay nila ay nasa lansangan din at nakikipag-tsismisan. Ang mga ama naman nila ay nag-iinom sa may tabi ng tindahan.

Sanay na ako sa ganitong senaryo kaya hindi na ito bago sa paningin ko. Araw araw mo naman bang makita, edi masasanay ka talaga. Mula noong umalis ako sa ampunan ay dito na ako tumira. Limang taon na ang lumipas kaya kakilala ko na ang mga tao dito. Mapa-matanda man o bata. Mababait sila kaya naman naging ka-close ko sila. Pero may mangilan nga lang na medyo masasama ang ugali at intrimitida, at sila yung mga iniiwasan kong makakwentuhan ng matagal.

Napansin kong lahat ng mga babae na nadadaanan namin ay sa amin nakatingin habang kinikilig. Sus, may kasama kasi akong ubod ng gwapo at hot. Tapos nakasuot pa s’ya ng Armani na suit kaya naman napapatingin sa kaniya ang mga tao.

Agaw atensyon kasi. Siya lang kasi ang bukod tanging nakadamit ng ganyan. Para s’yang aattend ng business meeting o kaya party, habang kaming lahat naman ay pambahay lang ang suot.

Napatingin tuloy ako kay Boss Tyron. Seryoso lang s’ya. Wala naman siyang pakialam sa ibang tao. Diretso lang s’yang nakatingin sa harapan habang naglalakad kami.

"Hera!" sigaw ng isang boses.

Agad nawala ang atensyon ko kay Boss nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Tumigil ako sa paglalakad upang lingunin si Manang Fe na ngumiti-ngiti habang kumakaway.

"Oy, Manang Fe. Kamusta po?" masigla kong bati dito.

Matagal tagal din kasi kaming hindi nagkita dahil umuwi siya sa probinsya nila.

"Eto ayos lang. Pero maiba ako, Sino ba iyang poging kasama mo?" nakangiting tanong ni Manang Fe.

Napahalakhak ako sa itinanong niya. Sabi na nga ba at itatanong niya yan eh! May pag-tsismosa s’ya pero mabait naman.

"Boyfriend ko po" assuming kong sabi.
Boyfriend daw!

Gusto kong batukan ang sarili sa sinabi ko pero hindi ko ginawa. Baka kasi pagkamalan akong baliw eh. Tumawa na lang ako at tiningnan si Boss. Nakita kong nakakunot noo lang s’ya habang tinitingnan si Mang Fe.
Siguro ay naiinis na s’ya dahil matatagalan pa bago siya makakain.

"Ah! Kay swerte mo nga naman. Mukhang mayaman ah. Naku tiba tiba ka d’yan. Pikutin mo na!" masayang sabi ni Manang Fe. Nawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Napangiwi ako.

Grabe talaga si Manang Fe. Harap harapan ba namang sabihin iyon. Hello! Kasama ko po iyong pinag-uusapan natin oh! Sarap sabihin iyan pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

"Ah! Ha-ha. Kayo talaga Manang Fe, kung ano anong iniisip niyo. Sige po Manang, mauna na po kami. Kakain pa po kasi kami kina Aling Pukikay. Gutom na po kasi ang kasama ko." tipid ang ngiting sabi ko sa kaniya.

Tumango lang siya at nagpaalam. Nang makalayo siya sa amin ay itinuloy narin namin ang paglakad papunta sa karinderya. Sa kabilang kanto lang naman iyon kaya mabilis lang lakarin.

Habang naglalakad kami ay hinawakan ko ang kamay ni Kamahalan. "Boss, Huwag mo na lang intindihin yung sinabi ni Manang Fe, ha?" sabi ko sa kaniya. Baka kasi mamaya mainis siya sa sinabi noon.

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay na para bang sinasabing ayos lang. "I didn't mind it at all."

Tiningala ko s’ya at nginitian. "Talaga?" nakangusong paninigurado ko.

Ngumisi siya sa akin bago niya ako sinagot. "It's just her opinion. At tsaka wala akong pakialam sa opinyon niya. Alam ko namang hindi mo ako pipikutin eh."

"Eh pero paano kung pikutin kita." sabi ko habang ini-ismidan sya.

"Then, I don't care. Tatanggapin ko ng buong puso ang pamimikot mo sa akin." kibit balikat na sabi niya.

Hindi makapaniwalang umiling na lang ako. Sus, tatanggapin daw? Baka nga ipatapon mo ako sa pluto eh.

Walang imikan na nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Nang makarating kami sa tapat ng karinderya ay agad akong tumingala at itinuro kay Boss ang karatulang nasa taas. Binasa ko pa ito habang itinuturo sa kaniya.

"Oh, nandito na tayo sa Pukikay Eatery, Boss! Pwede ka nang magpakabusog. Haha! Pukikay Eatery! Halina't tikman ang masasarap na putahe ni Pukikay. Siguradong titirik ang mata mo sa sarap." tumatawang basa ko salitang nakapaskil sa taas.

Napakagat ako sa labi dahil sa pagpipigil na tumawa nang malakas. Grabe! Tuwing nakikita at nababasa ko talaga ito ay hindi ko maiwasang mapahagalpak ng tawa. Nakaka-greenminded kasi ang pangalan ng kanilang karinderya eh. Tapos yung pahabol na quote pa nila ay nakakatawa. Titirik ang mata sa sarap! Kung sobrang tanga at malumot ang utak ng babasa nito paniguradong aakalain nilang bahay aliwan ang kainan na ito.

"It's so weird! Kainan ba talaga yan? Bakit ang pangit ng pangalan?" napatingin ako sa tabihan ko nang marinig ko ang sinabi ni Boss.

Natatawang napanguso ako. Kunot na naman ang noo niya at paniguradong naguguluhan siya. Para siyang hindi makapaniwala.

Okay! Ang weird naman kasi ng pangalan ng karinderya ni Aling Pukikay eh. Unang kita ko pa nga lang d’yan ay napangiwi na ako. Dati ayaw kong kumain dito kasi Mukhang walang maganda at puros kabaliwan lang ang makikita sa loob. Pero huwag ka! Totoo nga talaga ang nakasulat sa karatula sa itaas. Nakakatirik nga ng mata sa sobrang sarap, ang mga pagkain na luto nila. Kaya mula noon ay dito na ako kumakain pag tinatamad akong magluto o wala akong mailuto.

"Oo naman no! Huwag ka ngang mapanglait d’yan." hinawakan ko sya para hilahin papasok sa loob ng kainan.

Tahimik lang s’yang nagpatinaod sa pagpasok. Iginala ko agad ang aking paningin sa paligid upang maghanap ng pupwestuhan at nang may makita akong bakante ay hinila ko na agad sya para maglakad ng mabilis. Baka kasi mamaya maagawan pa kami. Medyo madami na kasi ang kumakain.

Pinaupo ko agad sya. "Boss, Ano bang gusto mong kainin? O-order na ako." muli syang nagkibit balikat bago sinagot ang aking tanong.

"It's your choice. Anything is fine with me." nakatingin na sagot niya sa akin. Malawak akong napangisi sa sinabi niya.

Ayos! Ipapakain ko sa kaniya ang lahat ng mga paborito kong lamunin sa karinderyang ito.

"Masusunod kamahalan." sabi ko habang tumatawa ng masama.

Sisiguraduhin kong mabubusog s’ya ng todo. Lumakad ako nang mabilis para pumila. Itinuro ko ang mga pagkain na paborito ko. Mabilis na nailagay sa try ang mga ulam at sampung cup ng kanin na ini-order ko. Matapos mailagay ang lahat ay bumalik na agad ako sa pwesto namin.

Umupo agad ako habang ipinapatong ang mga pagkain sa lamesa. Matapos kong ilagay sa isang tabi ang tray ay tiningnan ko agad si Boss.

Hindi makapaniwalang nakatingin lang s’ya sa mga nakalagay na ulam sa kaniyang harapan. Tila nagtataka at naguguluhan.

"Kain ka na." masaya kong sabi habang nilalagyan ko ng kanin ang extrang pinggan na kaniyang gagamitin.

"What's that, baby? Pagkain ba talaga iyan? It's looks like Shit? Seriously, you're letting me to eat that foods? Malinis ba 'yan? Hindi ba ako mamamatay pagki-nain ko iyan?" nandidiring tanong niya sa akin kaya napairap ako.

Hay naku! Inatake na naman s’ya ng kaartehan niya. Porke't bago lang sa paningin niya ang mga ulam na iyan ay mandidiri na agad siya? Iyan ang hirap sa mga rich kid eh. Walang alam sa mga pagkain ng mahihirap.

"Sus, edi sana matagal na akong tigok kung nakakamatay iyan? Isip isip muna, Boss." Nang-aasar na sabi ko at inirapan s’ya.

Nakangiwing tiningnan niyang muli ang pagkain na nakahanda sa lamesa. "What's this?" turo niya doon sa tuyo.

"Tuyo na may kamatis.”

"This?" turo niya sa isang malukong.

"Ginataang pusit." sabi ko habang tinitingnan s’ya. Tumango tango s’ya na para bang medyo familiar na sa kaniya ang putaheng iyon.

"It's kinda familiar. My stepmom used to cook this before." paliwanang niya. Napatango lang ako sa kaniya.

Itinuro ko ang ilan pang putahe katulad na lamang noong pansit mike na may lahok na tokwa't baboy, sisig, insaladang pako, tortang talong, at kangkong na tinoyohan. Nanatili lang s’yang nakikinig sa itinuturo at sinasabi ko. Nang matapos ako sa pagsasalita ay sumandok na din ako ng makakain. Akala ko ay kakain na s’ya pero nagkamali ako. Napansin kong nakatingin siya sa isang putahe na nakalimutan kong sabihin.

Opps! Bakit sa lahat ng ulam yung pinaka-paborito ko pa sa lahat ang nakalimutan ko.

"And what about this?" tanong niya.

Lumawak ang pagkakangisi ko. "Dinuguan." sabi ko habang nakakagat labi.

Napasin ko ang pagkakakunot ng kaniyang noo. "Dinuguan?" walang muwang na tanong niya.

"Oo! Oh ito! I-try mo. Masarap ito." namimilit kong pang aalok sa kaniya.

Hindi s’ya natinag at nanatili lang siyang nakatingin kaya sinandukan kos’yaa ng dinuguan para ilagay sa kaniyang pinggan. Madami akong nilagay upang kainin niya lahat.

"Are you kidding? Masarap ba talaga ito? Eh, parang kulay pa lang kamatay-matay na." magkasalubong ang noong sabi niya. Napanguso na lang ako sa sinabi niya.

"Grabe s’ya oh! Pagtiwalaan mo naman ako, Boss. Masarap iyan no, promise! Dinuguan ang pinaka-paborito ko." proud na proud na pagmamalaki ko.

Malalim na bumuntong hininga muna s’ya bago hinalo ang konti ang kaniyang pagkain. Nang unang subo ay may pag-a-alinlangan pa s’ya pero noong pa-dalawa ng subo ay doon na nagsunod-sunod ang kaniyang kain. Nag-umpisa na s’yang kumain nang magana.

Hindi ko maiwasan ang panoorin s’yang kumain dahil natutuwa ako sa aking nakikita. Paunti-unti akong sumubo para hindi maalis ang paningin ko sa kaniya. Paano na lang kaya kung malaman niya ang lahok ng dinuguan na iyon? Paniguradong nakakatuwa ang magiging reaksyon niya.

"Ang gana mong kumain ah! Masarap ba?" nakakalokong tanong ko sa kaniya habang nakangisi.

Tumango s’ya sa akin habang ngumunguya. "Definitely. Sobrang sarap!”

Sa sinabi niya ay napagpasyahan kong lagyan pa s’ya ng dinuguan at ibang ulam, tulad na lamang ng sisig at insaladang pako. Nagpasalamat s’ya sa akin at tinanguan ko lang s’ya.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin dahil naging abala kami sa pag-kain. Parehas kaming naging magana sa pagkain kaya naubos namin ang lahat ng aming ini-order. Patapos na akong kumain nang biglang nagsalita si King Tyron. Sinulyapan ko siya.

"We're going to Palawan tomorrow. Mag-impake ka na ng mga dadalhin mo." seryosong sabi niya.

"Talaga? Walang halong biro?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Shit! Seryoso talaga s’ya? Isasama niya ba talaga ako?

"Baby, Mukha ba akong nagbibiro? I'm fucking serious. Isasama kita.”

Bigla akong nakaramdam ng saya kaya napangiti ako nang malawak. Akala ko nagbibiro lang siya kahapon pero totoo pala yung sinabi niya. Isasama niya ako! Isasama niya ako sa beach!

Kasama ako sa bakasyon niya este trabaho nga pala ang pupuntahan namin. Nakaka-excite kasi beach ang pupuntahan namin. Sa wakas makakakita na din ako ng dagat.

Nagpaplano na ako sa aking isip ng mga gagawin ko sa beach nang bigla akong natigilan dahil sa pag tikhim ni Boss. Napatingin ako sa kaniya. Umiiling na nakatingin siya sa akin habang may ngiti na nakapaskil sa kaniyang mukha.

"Excited, huh?" aniya. Napanguso ako sa sinabi niya.

"Tapos ka ng kumain diba? Oh ano tara na?" masaya kong tanong sa kaniya.

"Let's go home." sabi niya.

Tumawa s’ya nang mahina at tumayo. Mabilis din akong tumayo para lapitan s’ya.

"Ayos! Tara nang magbayad para makauwi na tayo." hinigit ko s’ya papunta sa bayaran. Natatawang nagpatinaod lang s’ya.

"You are so excited, baby." Nang-aasar na alintana niya.

"And fuck! I'm fucking excited too. Pwede na akong maka-score ulit!" nakangising sabi ni Boss habang inaakbayan ako.

Naramdaman ko ang unting unting pag init ng aking pisngi. Alam kong pinamumulahan na ako ng mukha dahil sa sinabi niya.


Eh! Excited na din ako. Kenekeleg ne nemen eke! Hihihihi. Malanding sabi ng isang bahagi ng utak ko.

Kunwari ay hindi ko gusto ang sinabi niya kaya siniko ko s’ya. "Ang manyak mo naman, Kamahalan." nakangusong sabi ko gamit ang mataray na tono.

Tinawanan niya lang ako. "Fuck! I like it when you're calling me Kamahalan. It is turning me on, baby!" sabi niya habang pinipisil ang balikat ko.

Hindi na ako nakasagot sa kaniya. Nakarating na kasi kami sa unahan kung nasaan si Aling Pukikay. Nakangiti ang may katandaang babae habang nakataas ang kilay na para bang nagtatanong kung sino ang kasama ko. Nakangiting nginusuan ko na lang s’ya ng labi habang ibinibigay yung papel na listahan ng mga kinain namin.

"Magkano po ang amin, Aling Pukikay?" tanong ko sa kaniya.

Tumawa ito at kinuwenta ang mga aming babayaran. "330 pesos lang, Hera. Pero dahil madaming nagkainan sa karinderya ko dahil d’yan sa kasama mong ubod ng gwapo ay 300 na lang ang sisingilin ko sa'yo." malawak ang ngiting sabi ni Aling Pukikay.

"Ay, si Aling Pukikay talaga. Hindi pa ako nilibre ng lubusan para naman pak na pak." natatawang pag bibiro ko. Umiling lang s’ya habang tumatawa.

"Ang negosyo ay negosyo. Wala nang libre libre ngayon ah." tumigil lang kami sa tawanan nang biglang naglapag ng limang daan si Boss.

Susuklian na sana s’ya ni Aling Pukikay nang bigla s’yang nagsalita na ikinalaki ng mata ko.

"Keep the change." napanguso ako sa kaniyang sinabi.

Naku naku! Pag talagang mayaman ang isang tao masyadong galante kung magwaldas ng pera.

Pipigilan ko sana si Boss nang bigla niya akong higitin paalis. Ni-hindi na nga ako nakapagpaalam kay Aling Pukikay sa sobrang pagmamadali niya.

Sisinghalan ko na sana siya nang matigilan ako sa kaniyang sinabi. "We need to sleep early, baby. Maaga pa tayo bukas." mahinang sabi niya habang inakbayan ako.

"Ah! Okay!" nakalabing sagot ko sa kaniya.

Tumango din ako. Nang maalala kong pupunta kaming beach bukas ay naramdaman ko ulit ang kasiyahan at excitement. Hanggang sa paglalakad at paghiga naming dalawa sa kama ay hindi pa rin nawawala ang pananabik ko. Niyakap ko si Boss nang mahigpit para makatulog.


CussMeNot

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 261 22
Calderon Series #3 Bisaya | Completed Started: March 21, 2021 Ended: May 20, 2021
3.3M 62.7K 13
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] No one dares to mess with the PRINCESS because messing with her means messing with t...
10M 24.4K 8
#SAAVEDRASERIES1 Sander Eulesis Saavedra. A young man who spent his life drinking, smoking cigarettes, and playing with girls. He enjoyed life so muc...
30.8K 54 1
Synopsis Bata pa lamang ako ay sanay na 'ko sa ganito. Sanay na ako sa malalakas niyang pag-ungol sa tuwing may dinadala siya ritong costumer. Bata p...