Love Me, Hate Me

By shinkumi

1.5M 22.2K 1.7K

Gio Andrei Dela Vega changes his partner like how he changes his clothes. Yet it is a wonder for Lian Isabell... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25

Chapter 2

46.3K 1K 69
By shinkumi

Chapter 2

Problem

I sat back at my chair and sighed. I'm almost finished with my thesis. Isang chapter na lang ay pwede ko na itong ipasa para mapa-check-an. Ang sunod ko namang paghandaan ay ang demo teaching.

Dumagdag pa sa isipin ko ang pagiging manager ng basketball team. I don't want to disappoint Mrs. Carandang. I will help the basketball team as best as I can.

"Bakit kanina ka pa buntong-hininga nang buntong-hininga riyan?" tanong ni Tamara. Kumakain siya ng isang malaking bag ng chips habang may nakadikit na face mask sa kanyang mukha.

"I have a huge problem," sagot ko. Iniharap ko sa kanya ang swivel chair na inuupuan ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Ano naman?"

"I became the manager of the baskteball team." Pilit akong ngumiti.

Her mouth hanged open and she dropped a piece of chip from her hand. "You what?!"

"You heard me." I rolled my eyes.

Tumayo siya. "But how?!"

"Mrs. Carandang asked me a favor. Walang tumagal na manager sa kanila. I'm her last option."

"You hate them. How are you supposed to deal with them?"

I smirked at her. "I'll use my hatred."

Now that I think about it, I can do whatever I want to make the training hard for them. It's like killing two birds with one stone. At saka, pahirapan ko man sila sa training, may advantage pa rin sa kanila dahil ma-e-enhance ang katawan nila.

"Kailan ka magsisimula?"

"Tomorrow," sagot ko. "Malapit na ang league. Kailangan nilang maghapit sa training lalo pa't ilang linggo silang walang ensayo dahil sa pagbubulakbol nila."

"Well, good luck with that."

Good luck and a lot of patience is all that I need.

"For God's sake, Erzo, basketball player ka ba talaga? You haven't finished half of the total laps yet!" sigaw ko habang hawak ang megaphone. Sa lawak ng field, kailangan ko ito para madinig nila ako.

"But I'm tired! I still have hangover!" sigaw niya. Umupo siya sa damuhan at sumimangot.

"Alam mo namang may training kayo ngayong umaga, bakit ka uminom?!"

Oh, God. Nag-uumpisa pa lang kami sa training ay halos mapaos na ako kasisigaw.

"At nasaan si Gio?!" Kumukulo na talaga ang dugo ko! "He's the captain. Dapat siya ang unang nandito!"

"Calm down, Lian, he's on his way," sabi ni Bogs habang nakangisi. 

I won't believe him. Hanggat wala rito si Gio, hindi ako mananahimik. 

"Call him." 

Lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa at napatulala sa 'kin. 

"What? Wala ba siyang cellphone?" Inilagay ko ang aking mga kamay sa 'king baywang. "I need to drill in his mind that he has to be here."

Lumapit sa 'kin si Jin. Kinamot niya ang kanyang batok. "I don't think it's a good idea to call him at this hour."

Tumingin ako sa aking relo. It's already 8 AM. Anong oras pa ba niya gusto? 

"Why? Is he going to kill me? I'll be the one to do it first if he didn't bring his ass here!" 

They all flinched. It's surprising how they looked so scared. Is it because of my temper? Or because I wanted to call Gio? 

Inilahad ko ang aking kamay. "Give me your phone," sabi ko kay Jin. 

Tumingin siya sa kanyang mga kasama para humingi ng tulong ngunit lahat sila ay umiwas ng tingin. 

"Damn. I'll be killed because of this," he muttered. 

Inilagay niya sa 'king naghihintay na palad ang kanyang cellphone. I clicked my tongue when I saw a woman wearing a bikini on his wallpaper. 

Hinanap ko sa contacts niya si Gio ngunit nang makarating ako sa letrang G ay wala akong makitang pangalan niya. 

"Where is Gio's number?" 

"I named him Boss."

I scoffed and scrolled back up. Kaagad kong pinindot ang contact na nagngangalang Boss. 

Ngumisi ako nang madinig itong magring. In five rings, someone picked up. 

"Why the f*ck are you calling in this f*cking hour, you f*ckwad?!" 

I jumped in shock when I heard Gio shouting from the other line. His voice was hoarse and deep with sleep. He sounded like he just woke up. 

"Didn't I tell you that no one should disturb my f*cking sleep?!" 

Kinalma ko ang aking sarili. Huminga ako nang malalim bago sumagot. "It's me."

Saglit na natahimik sa kabilang linya. 

"Who the f*ck are you? If you're one of Jin's wh*re who's trying to use him to get me then go f*ck yourself."

Pilit akong napangiti kahit na gustong-gusto ko nang ibalibag ang cellphone ni Jin sa sahig. "It's your new manager in basketball. If you don't want to embarrass yourself, your whole team and whole school, then get your ass here!" 

Nadinig ko siyang tumawa. "You think I care?" I heard a clank, like something dropped from the floor. Is it his belt? I shook my head. Why the hell am I thinking about his belt? "We can win without you. If you disturb my sleep again like this, I'll f*ck you up."

A long beep came after. Hindi ko namalayan na mahigpit na pala ang pagkakahawak ko sa aking cellphone. The audacity! Sino ba siya?! He dared to threaten me?! 

"Anong sabi niya?" tanong ni Lloyd. 

"20 laps!" sigaw ko imbis na sagutin ang tanong niya. 

They groaned. 

"We just finished one!" 

Tiningnan ko nang masama si Bogs. "Nagrereklamo ka?" 

He frowned like a kid who got scolded by his mom. 

Nagsimula na silang tumakbo paikot sa oval. Ako naman ay naiwan sa bench habang nagngingitngit sa galit dahil kay Gio. Bakit pa siya naging captain ng basketball team kung wala naman siyang silbi sa mga oras na 'to? 

Reputasyon nila at ng buong school ang nakataya rito. If they don't take this seriously, the basketball team, who is one of the pride of this school, will be a laughing stock.

The win streaks these jerks and seniors worked hard for will become a waste.

I don't know what happened to them but their performance went downhill starting last year. They haven't lost yet but if they continue this half-assed work, they will.

Habang hindi pa sila tapos sa laps nila, nagpunta ako sa cafeteria para bumili ng mga kakainin nila.

Nakasulat sa maliit kong notebook ang mga dapat nilang kainin, before and after the training. Nakalagay rin dito kung ano'ng klaseng training ang gagawin nila sa bawat araw.

I want to take this seriously. When I set my mind into something, I want to do it without fail or with minimal failure.

Inaalagaan ng school ang basketball team kaya pwede akong humingi sa kanila ng kahit anong pagkain. Handa sila sa kung anomang pagkain ang kakailanganin ng team kaya naman hindi ko na kailangan lumabas ng campus makabili lang ng recovery meal nila.

Hindi rin nagtagal ay bitbit ko na ang mga pagkain para sa mga tukmol. Dahil kailangan nila ng proper diet, ipinahanda ko ang ham sandwich, saging at orange juice.

Nang makarating ako sa field ay tapos na sila sa kanilang laps. Nakahiga sila habang hinahabol ang kanilang hininga.

I think I overdid it.

"Kumain muna kayo."

Sabay-sabay silang bumangon at mabilis na lumapit sa ʼkin. Napatawa na lang ako sa mabilis nilang reaksyon.

Unang binuklat ni Zen ang isang bag na naglalaman ng mga sandwhich.

Kitang-kita sa mukha niya ang pagkadismaya. "Sandwich lang? Hindi man land double patty na burger?"

Itinaas naman ni Jin ang saging. "Saging? Mas mahaba pa ʼyung ano ko, eh." He wiggled his eyebrows.

"Zen, kawawa ka naman. Mas mahaba pa ʼtong saging sa potots mo." Iwinagayway ni Carl ang saging sa mukha ni Zen.

Zen looked so offended. He held his chest and gasped. "Bakit? Nakita mo na ba ʼyung sa ʼkin?!"

"Kahit hindi namin tingnan, alam na namin." Nagkibit-balikat si Lloyd.

" ʼWag kang mag-alala, Zen. Makakabuo ka pa rin naman." Umakbay si Shon kay Zen at tumawa.

Nagsimula na silang magkagulo tungkol sa saging at sa size ng mga pagkalalake nila. Napailing na lang ako. Is this how boys have fun? Comparing their sizes in an inanimated object?

"Eat up. May class pa kayo, ʼdi ba?" Sumandal ako sa bench. Humigop ako sa binili kong pineapple juice.

"Nah, I'll skip," sagot ni Rex.

"Same," sabi naman ni Bogs.

"Most of us have the same schedule," ani Adam. "So we still have three hours vacant time."

If I remember it right, they're all taking courses related to business which doesn't surprise me anymore. Kilala ang kani-kanilang pamilya pagdating sa business kaya naman hindi na nakapagtataka kung ang kanilang mga anak ay naghahanda para sumunod sa yapak nila.

"Oh, right, before I forgot." Kinuha ko ang printouts mula sa ʼking bag. "Here's a copy of your training program, just to give you heads-up."

Kinuha nila mula sa ʼkin ang printouts.

"Nakalagay rin diyan ang diet plan na kailangan niyo before and after training and game."

I already consulted Coach Carandang about this and he was quite impressed about the plan I've made. Since he'll be busy in school-related things, I will be the one to train them from time to time. Pero hindi naman ibig sabihin noʼn ay hindi na kami pupuntahan ni coach. Kumbaga sub lang niya ako kung sakaling hindi niya mabantayan sa training ang mga ulupong na ʼto.

They all groaned when they finished reading the contents.

Humalukipkip ako. "Please don't drink too much alcohol. Bawas-bawasan niyo muna ang night life niyo. If you win the game, you can drink to your heart's content."

"Ugh, how about smoke?" Owen frowned.

"Bawas-bawasan niyo," I repeated. "Hindi ko sinabing tigilan niyo. Bawasan niyo lang. Kailangan niyong i-kondisyon ang mga katawan niyo."

Erzo laughed. "Damn, you're way stricter than I imagined," sabi niya. "Well, all we have to do is win, right?"

"Yes," sagot ko.

"But what will you gonna do about the captain?" tanong ni Bogs.

I rolled my eyes. "Drag him here if I have to." Tumayo ako at hinablot mula sa kamay ni Adam ang copy na para kay Gio. "Saan ko siya pwedeng puntahan? Siguro naman nakaalis na siya sa bahay niya."

Natahimik sila sa ʼking sinabi. Hindi ko alam kung bakit parang gulat na gulat sila palagi sa mga sinasabi ko lalo na kung tungkol kay Gio.

"He's probably in school already," sabi ni Luis. "But really, you should stop getting on his nerves." Kinamot niya ang kanyang batok.

I laughed sarcastically. "Why? Is he going to kill me?" Humalukipkip ako. "Look, I don't care if he's the captain or someone who's rich enough to influence people, all I want is for him to practice and train for the game. If he can't do that then he better quit."

Napatitig sila sa ʼkin habang nakanganga. Unang nagbigay ng panibagong reaksyon ay si Adam. Humagalpak siya nang tawa.

"Gio will definitely have a hard time because of you," aniya habang nakahawak sa kaniyang tiyan. "If you want to know where he is, we'll show you the way."

Humawak si Zen sa laylayan ng damit ni Adam. Dahil sa tangkad nito, nagmukhang batang kapatid niya si Zen. "Sigurado ka ba riyan? Magagalit ʼyun!"

Lumapit si Rex kay Zen at inakbayan ito. "Mamili ka, Zen, harapin ang galit ni Manager ngayon o galit ni Gio mamaya?"

"Parang wala rin namang choice!" sigaw ni Zen.

"Exactly," sabi ni Rex. "Magagalit lang din naman silang pareho, sundin na lang natin ang gusto ni Lian."

Nagtaas ako ng kilay. "Dadalhin niyo ba ako o hindi?" Tumingin ako sa aking orasan. May klase pa ako mamaya. Kailangan kong pagsabihan muna si Gio bago ko gawin ang mga kailangan kong gawin.

"Alright, let's go." Inakbayan ako ni Adam at umalis na kami sa field.

Ilang buildings na ang aming nadaanan pero hindi pa rin kami nakadadating sa pupuntahan namin.

"Nasaan ba siya? Bakit ang layo naman?" tanong ko. Pilit kong inaalis ang braso ni Adam sa ʼking balikat pero masyado itong mabigat.

"He's in our hangout place here in school."

Continue Reading

You'll Also Like

7.4M 204K 43
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
192K 3.7K 21
Dice and Madisson
1M 31.7K 53
Lorelei Sandoval is an accounting student who hates law. She always failed in this subject, but one day she learns to love what she hates when she me...