Wife's Seduction

By chippyko

3.5K 3 16

What would you do if you have a husband who doesn't love you but only your money? And what would you do if yo... More

Wife's Seduction: CHAPTER 1: The Beginning of the Betrayal
CHAPTER 2: The First Meeting
CHAPTER 3: The Past
CHAPTER 4: The Start
CHAPTER 5: Falling in LOVE
CHAPTER 6: Time to Pay (Part 1)
CHAPTER 7: My weakness
CHAPTER 8: Time to Pay (Part 2)
CHAPTER 9: Time to Pay (Part 3)
CHAPTER 10: I'm Preggy
CHAPTER 11: The WEDDING
CHAPTER 12: The Loss
CHAPTER 13: The Come Back (Misha Santiago)
CHAPTER 14: Certified PLASTIC
CHAPTER 15: The Tempting Encounter
CHAPTER 16: Meet the Montecarlos (Alyson & Sander)
CHAPTER 17: Misha VS. Alyson (PART 1)
CHAPTER 18: Angela, Misha, and Alyson
CHAPTER 20: Angela's Sorrow
CHAPTER 21: Certified B*tch!
CHAPTER 22: The Picture
CHAPTER 23: Alyson's Big Revelation
Chapter 24: Alyson's Fall

CHAPTER 19: Misha vs. Alyson (Part 2)

67 0 2
By chippyko

CHAPTER 19: Misha vs. Alyson (Part 2)

Angela's POV

"Angela gising, uyy gising..."

Bigla akong naalimpungatan dahil may tumatapik kanina pa sa likod ko at nang-gigising sa akin...

"Ohhh...dhie andito ka na pala, kanina ka pa dumating?" si Jeremy andito na pala.

"Kakarating ko lang...teka, ala-una na ahh. Bakit andito ka pa?" ha? Madaling araw na pala. Hindi ko na napansin. Ganon na pala ako katagal naghihintay sa kanya...pero teka? Bakit ngayon lang siya umuwi?

"Ahh..ehh kasi hinihintay kita. Bakit ngayon ka lang umuwi?" saka ko inayos ang mga gamit ko na nagkalat sa dining table namin. Baka kasi hindi pa siya kumakain. Ipaghahain ko na lang muna siya.

"Ah..eh..kasi nag-overtime ako, madami kasi kailangan tapusin sa office na hindi ko na dapat pa patagalin ehh." Sambit niya pero habang nag-e-explain siya sa akin nakita ko sa mga mata niya na parang kinakabahan siya na ewan. Pero siguro dahil sa inaantok na din siya.

"Ahh ganon ba? Teka, kumain ka na ba? Gusto mo maghain ako?"

"Ahh hindi na, pagod na pagod na din kasi ako. Kailangan ko ng matulog kasi maaga pa ulit ako bukas." Tapos aalis na siya. Pero napansin ko ang suit na hawak niya sa mga kamay niya.

"Ahh dhie..." lumingon siya.

"Akin na yang suit mo, dadalhin ko na sa labahan, para bukas hindi ko makalimutan na unahing labhan, yan kasi yung paborito mong corporate attire mo ehh." Pagpapaliwanag ko.

"Ahh sige, eto." Tapos inabot niya.

"Angela, sunod ka na lang sa kwarto mamaya okay?" dagdag pa niya pagkatapos niya iabot sa akin ang suit niya.

Tumango na lang ako at tumalikod na sa kanya.

"Ahh isa pa pala Angela," lumingon ulit ako.

"Ano yun?" tanong ko.

"Nami-miss ka daw ni mama, kaya sa sabado off ko naman ehh nangako ako kay papa na bibisita tayo don, para na din lumuwag na ang kalooban ng mommy mo"

"Ahh ganon ba? Sige ayos lang sa akin" saad ko.

"Sige..punta na akong kwarto" sabay turo pa niya ang daan kung saan ang kwarto namin.

"Sige, sunod na lang ako dun mamaya. Ayusin ko lang 'tong mga pinggan at 'tong damit mo" tapos tumango na lang siya saka umalis na.

Tumalikod na din ako at tumungo sa labahan. Ilalapag ko na sana sa basket yung suit niya pero...may napansin akong kakaiba. Isang amoy ng pabangong pambabae.

Teka? Saan nanggagaling yun? Itinaas ko ang damit ni Jeremy at don ko nga na-confirm na don galing yung amoy.

Hindi naman yun ang pabango niya, at pangbabae ang amoy...wala naman akong pabango na gaya nito katapang. Puros cologne nga lang gamit ko ehh..

Siguro nakuha niya lang yung amoy sa secretary niya. Ibaba ko na sana pero may nakaagaw ng pansin sa mga mata ko...sa may kwelyuhan ng damit niya...

"Teka, ano 'to?" nilapit ko ng mabuti para makita ng mabuti kung ano ang markang nagmantiya sa damit ng asawa ko.

Nilapit ko ng nilapit.......ng nakumpirma ko nga kung ano ang nakita ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang bilis na para bang hinahabol ako ng aso.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko alam, pero bigla na lang may naramdaman akong mainit na likido na gumapang sa mga pisngi ko.

Isang marka ng halik ng isang babae ang nasa damit ngayon ng asawa ko. Bakit siya may ganito nito? Bakit? Ito ba ang trabahong hindi na niya kayang ipagpabukas pa? Sa pitong taong pagsasama namin ni Jeremy, bakit ngayon ko lang naramdaman 'to? Masakit..para akong sinasaksak sa dibdib.

"Jeremy, may babae ka ba?"

Hindi ko alam, pero natagpuan ko na lang sarili ko na nakahandusay sa sahig at umiiyak habang hawak ang damit niya na may panggigigil. Niloloko ba ako ng asawa ko? Pero bakit? Dahil ba sa nangyari noong nakunan ako? Dahil ba hindi ko siya mabigyan ng anak? Jeremy bakit? Sana nagkakamali ako...hindi ko makakaya kung niloloko mo nga talaga ako Jeremy...mahal na mahal kita.

--------------------------

Misha's POV

"F*ck Misha! Whoo!" napabalikwas at napahiga na lang sa pagod si Jeremy sa kama. I can't blame him, pati ako pagod na pagod sa ginawa namin. Para siyang uhaw na uhaw na leon. Para bang matagal na niyang hindi nararamdaman ang ganitong climax in his marriage life!

Nakahiga na kami ngayon dalawa at balot na balot sa kama. Naka-unan ako sa braso niya at nakayakap.

"Nag-enjoy ka ba Jem?" habang iniikot ikot ko ang mga daliri ko sa dibdib niya.

"Yes! Of course I do! Sh*t Misha! Hindi ko alam na hayop ka pala sa kama!?" napangisi na lang ako sa sinabi niyang 'to. Hindi parin kami nag-iiba ng posisyon habang nagpapahinga at nagke-kwentuhan na.

"Bakit mo naman nasabi yan? Hindi ba ganito sa kama ang asawa mo?"

Natahimik siya. Napabuntong-hininga.

"After that incident, nawalan na din ako ng gana sa kanya" mahahalata mong may lungkot siyang nadarama ng winika niya ang mga yun. Malamang ang incident na sinasabi niya ay ng nakunan si Angela.

Bigla ako pumiglas sa pagkakahiga ko sa mga braso niya saka siya hinarap at tinitigan sa mga mata niya.

"Incident? What do you mean?" nagtatakang tanong ko. Syempre kunwari hindi ko muna alam.

"Hindi pa ba niya nake-kwento sayo nung magkita kayo? Teka, diba nagkita na kayo? Ikaw pa nga inutusan niya magdala nung mga files na hinihingi ko sa kanya ehh"

"Oo pero hindi niya nabanggit ang tungkol sa sinasabi mo ngayon?"

Bumuntong hininga muli siya saka nagsalita.

"Ang totoo kasi niyan Misha, nakunan si Angela" I can see in his eyes the longing. Doon ko lang nakita ang realidad na kung natuloy man ang pinagbubuntis ni Angela noon, malamang wala na talaga akong pag-asa ngayon kay Jeremy. Nakita ko sa mga mata niya, na kahit hindi pa pinapanganak ang anak nila ni Angela, halatang nangungulila na 'to sa pagkawala nito kahit pitong taon na ang lumipas. At nakita ko rin sa mga saglit na yon, na mahal na mahal ni Jeremy ang anak niya kay Angela, which hindi man lang napangalagaan ni Angela.

"Gosh! I don't know. All I thought kaya wala don ang anak niyo sa bahay niyo ay dahil nasa School siya or kung ano man...kaya siguro hindi na din binanggit ni Angela sa akin"

"Anyway, matagal na 'yon. Tapos na. Wala na ang baby namin. Kung nag-ingat lang kasi siya. Alam naman niyang maselan ang naging pagbubuntis niya noon"

"Pero bakit hindi na lang kayo gumawa ng anak ulit? Diba pwede pa naman yun? I mean, 7 years na kayong kasal, hindi pa ba ulit kayo nagkaka-anak?"

"Sabin g doctor ni Angela, may kondisyon daw siya na infantile uterus, yun bang underdevelop ang uterus niya, tapos dinagdagan pa nung nakunan siya, kaya imposible ng magkaanak pa kami" with tha, hinawakan ko sa kamay si Jeremy.

"I pity you Jeremy, lalaki ka lang. Kailangan mo din ng matatawag mong sarili mong pamilya. But how can you do that? Eh pundido naman pala ang uterus ni Angela?"

"Siguro ito na rin ang karma ko sa mga naging kasalanan ko noon sa mga babae"

"No. I mean, Jeremy, you don't have to suffer this kind of longing and loneliness. Bata pa lang tayo noon, alam kong importante sa'yo ang salitang pamilya...at sa tingin ko yun ang hindi kayang ibigay sa'yo ni Angela, na kaya ko namang ibigay sa'yo" napatingin siya sa akin ng mabigkas ko ang mga huli kong winika.

"What do you mean?" nalilitong tanong niya.

"Jeremy, I love you so much. I love you so much na kaya kong talikuran lahat sila! Si Angela, si mommy, si daddy, lahat-lahat sila...just for you. Just to be with you" pag-amin ko.

"P-pero asawa ko na ang kapatid mo?"

"Hindi ko siya kapatid. At kahit kailanman, hindi nila ako tinuring na parte ng pamilya nila"

"P-pero..." hindi ko na siya pinatapos..

"For now, magtiis na muna tayo sa ganitong set-up baby, but I will promise you. In due time, tayo ang magiging hari at reyna. Mapapasa-atin ang lahat ay sa kanila, at tayo? Magkakaroon tayo ng masaya at malaking pamilya. I promise you that" at saka ko siya hinalikan ulit.

"I love you" wika ko.

"I don't know Misha pero, okay. I will do whatever you want me to do. Cause I love you too.."

-----------------------------

Alyson's POV

Gosh! This is too much! Who do she think she is!? Presidente ng Republika ng Pilipinas!?

I'm waiting here for almost 30 minutes! And yet, wala pa ang Lady M na yan!

"Good Morning Ma'am, oorder na po ba kayo?"

"Ahmm..wala pa kasi yung ka-meeting ko eh so siguro tubig na lang muna please?" I said calmly to tha waitress. I need to hold my self. Hindi pwedeng palabasin ko ang pagka-childish ko at baka magwala ako dito ng wala sa oras.

"Okay Ma'am" tumango na lang ako. Napatingin ulit ako sa entrance door ng hotel na 'to. And may pumasok na babae with her color beighe japanese cotton sleeveless peplum top with bow detail na tinernuhan niya ng blue skinny denim with front ruching and to complete, a 4inch black stiletto. No doubt. Yung Lady M na nga ata ang babaeng 'to. In all fairness, magaling siya magdala ng damit, hindi naman siguro siya magiging model kung hindi niya kaya. But still, I am more beautiful than her. She's nothing but a pathetic and arrogant girl trying to stop a well-respected lady like me.

Naghanap ang mga mata niya. Of course ako ang hinahanap niya. Maya-maya pa ay nag-tama na ang mga mata namin. Nakita ko siyang ngumiti at tumaas ng bahagya ang kilay. What a garbage!

Naglakad na ulit siya at ngayon, patungo na siya sa gawi ko.

So ikaw pala ang makapal ang mukhang babae na gusto sumira sa mga plano ko sa kumpanya ha!?

"Hi, you are Miss Alyson Montecarlo?" she said with her france accent.

"Yes, I am, the one and only" I said with my most fascinating and british accent.

"Oh, then nice meeting you" well nice your face!

"Ohh..take your seat"

Tapos lumapit na ulit yung waitress at inabot sa amin ang menu.

"Kape na lang" matipid niyang sabi while still looking at me in the eyes.

"Oh? Bakit kape lang?"

"Common Miss Montecarlo, let's get to the point. You know? Im such a very busy woman, so I have no time like this" nagiging seryoso na environment namin.

"Okay then, Miss? What's your name again?" pang-aasar ko.

"HAHA! How dare you not to know me?"

"Sorry, I'm such a ver busy woman just to know you"

"Well then magpapakilala ako sayo, I'm Mrs. Misha Lopez-Fernandez, the daughter of the famous owner of A&A Construction Company, Mr. Juanito Lopez, and the wife of the president of the same company, Mr. Jeremy Fernandez.....ahh! Isa pa pala, the directress of Allurement Beauty Salon and Company." She said with all her pride above her head.

"Is that so? Ohh okay, sa tingin ko naman, kilala mo na ako. So no need to introduce my self"

"Oo kasi ayaw ko na ding mag-asksaya pa ng panahon, kaya mo ba ako pinatawag ay dahil sa ginawa kong deal with Miss Olga?"

"Ang collaboration ko with their company will be held next week...."

"...and you're expecting to do some modifications? Na baka sakali matakot mo pa ako ganon ba? Well sorry ka Miss Montecarlo, this afternoon magkakaroon na ulit kami ng contract signing ng OLGA to close our deal legally"

"How dare you..."

Pagkasabi ko nun, bigla siyang napa-hagikgik. Walang hiya ka! Iba ka rin eh no?

"Parehas lang tayong ampon dito Miss Montecarlo, I hope hindi ka na nagulat, of course before hand nagpa-background check na ako sa'yo. Alam mo kung gaano ko kamahal ang Allurement and I will not let anyone, including you, to stop me"

---------------------------------

Misha's POV

"Parehas lang tayong ampon dito Miss Montecarlo, I hope hindi ka na nagulat, of course before hand nagpa-background check na ako sa'yo. Alam mo kung gaano ko kamahal ang Allurement and I will not let anyone, including you, to stop me"

Napabuntong hininga na lang kawawang maid. HAHAHA! Yes! I consider her as a maid.

"So, with all due respect, I will then take my leave, kasi ang dami ko pang dapat gawin" before ako tumayo nahalata kong nanggigil na siya sa galit. Wala pala 'to ehh. Madali lang palang mapa-tiklop.

And with that, tumayo na ako.

"Chao!" and tumalikod na ako sa kanya. Poor girl, pasensya ka na lang Miss Alyson, nagkamali ka ng kinalaban mo. Dahil hindi isang katulad mo ang makakatalo sa akin.

---------------------

A/N: Waahhh!! Long time no UD? Lol.. sensya na guys, after almost 5 months, ngayon ko lang naisip dugtungan na.. soooo busy po kasi ehh, sarreeyy!! Enjoy!

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...