CHAPTER 19: Misha vs. Alyson (Part 2)

67 0 2
                                    

CHAPTER 19: Misha vs. Alyson (Part 2)

Angela's POV

"Angela gising, uyy gising..."

Bigla akong naalimpungatan dahil may tumatapik kanina pa sa likod ko at nang-gigising sa akin...

"Ohhh...dhie andito ka na pala, kanina ka pa dumating?" si Jeremy andito na pala.

"Kakarating ko lang...teka, ala-una na ahh. Bakit andito ka pa?" ha? Madaling araw na pala. Hindi ko na napansin. Ganon na pala ako katagal naghihintay sa kanya...pero teka? Bakit ngayon lang siya umuwi?

"Ahh..ehh kasi hinihintay kita. Bakit ngayon ka lang umuwi?" saka ko inayos ang mga gamit ko na nagkalat sa dining table namin. Baka kasi hindi pa siya kumakain. Ipaghahain ko na lang muna siya.

"Ah..eh..kasi nag-overtime ako, madami kasi kailangan tapusin sa office na hindi ko na dapat pa patagalin ehh." Sambit niya pero habang nag-e-explain siya sa akin nakita ko sa mga mata niya na parang kinakabahan siya na ewan. Pero siguro dahil sa inaantok na din siya.

"Ahh ganon ba? Teka, kumain ka na ba? Gusto mo maghain ako?"

"Ahh hindi na, pagod na pagod na din kasi ako. Kailangan ko ng matulog kasi maaga pa ulit ako bukas." Tapos aalis na siya. Pero napansin ko ang suit na hawak niya sa mga kamay niya.

"Ahh dhie..." lumingon siya.

"Akin na yang suit mo, dadalhin ko na sa labahan, para bukas hindi ko makalimutan na unahing labhan, yan kasi yung paborito mong corporate attire mo ehh." Pagpapaliwanag ko.

"Ahh sige, eto." Tapos inabot niya.

"Angela, sunod ka na lang sa kwarto mamaya okay?" dagdag pa niya pagkatapos niya iabot sa akin ang suit niya.

Tumango na lang ako at tumalikod na sa kanya.

"Ahh isa pa pala Angela," lumingon ulit ako.

"Ano yun?" tanong ko.

"Nami-miss ka daw ni mama, kaya sa sabado off ko naman ehh nangako ako kay papa na bibisita tayo don, para na din lumuwag na ang kalooban ng mommy mo"

"Ahh ganon ba? Sige ayos lang sa akin" saad ko.

"Sige..punta na akong kwarto" sabay turo pa niya ang daan kung saan ang kwarto namin.

"Sige, sunod na lang ako dun mamaya. Ayusin ko lang 'tong mga pinggan at 'tong damit mo" tapos tumango na lang siya saka umalis na.

Tumalikod na din ako at tumungo sa labahan. Ilalapag ko na sana sa basket yung suit niya pero...may napansin akong kakaiba. Isang amoy ng pabangong pambabae.

Teka? Saan nanggagaling yun? Itinaas ko ang damit ni Jeremy at don ko nga na-confirm na don galing yung amoy.

Hindi naman yun ang pabango niya, at pangbabae ang amoy...wala naman akong pabango na gaya nito katapang. Puros cologne nga lang gamit ko ehh..

Siguro nakuha niya lang yung amoy sa secretary niya. Ibaba ko na sana pero may nakaagaw ng pansin sa mga mata ko...sa may kwelyuhan ng damit niya...

"Teka, ano 'to?" nilapit ko ng mabuti para makita ng mabuti kung ano ang markang nagmantiya sa damit ng asawa ko.

Nilapit ko ng nilapit.......ng nakumpirma ko nga kung ano ang nakita ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang bilis na para bang hinahabol ako ng aso.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ko alam, pero bigla na lang may naramdaman akong mainit na likido na gumapang sa mga pisngi ko.

Isang marka ng halik ng isang babae ang nasa damit ngayon ng asawa ko. Bakit siya may ganito nito? Bakit? Ito ba ang trabahong hindi na niya kayang ipagpabukas pa? Sa pitong taong pagsasama namin ni Jeremy, bakit ngayon ko lang naramdaman 'to? Masakit..para akong sinasaksak sa dibdib.

Wife's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon