CHAPTER 23: Alyson's Big Revelation

103 0 3
                                    

CHAPTER 23: Alyson's Big Revelation

Angela's POV

Andito ako ngayon sa kwarto namin ni Jeremy....

Tulala....

Mag-iisang oras na ata akong tulala....

Naisip ko na naman kasi kanina ang mga nakita kong pictures.

Hindi ko lang lubos maisip na may babae si Jeremy...

O hindi naman kaya may gusto lang manira sa amin??

Sa pagsasama namin?

Hindi kaya frame-up lang lahat ng mga pictures na yun?

Tama, hindi maganda 'to na nag-iisip ako ng masama sa asawa ko.

Sumumpa ako na iintindihin ko siya sa lahat ng panahon na magkasama kami.

Hindi ko dapat siya pinag-iisipan ng masama dahil lang sa mga pictures na yun.

Dapat kinunsulta ko muna siya....

Dapat tinanong ko siya....

Tama yun ang gagawin ko pag-uwi niya...

Tiningnan ko ang oras sa wall clock.

7pm na...

Hindi kaya mag-o-overtime na naman siya?

Tawagan ko kaya?

Nang hanapin ko ang telepono ko.....

Oo nga pala. Wala na akong phone dahil nasira kaninang umaga.

Siguro hihintayin ko na lang siya sa sala.

Tama, mas makakabuti kung tatanungin ko ng personal ang asawa ko kesa naman sa naniniwala ako agad sa mga pictures na o kung ano pa man na hindi ko naman alam kung kanino galing...

Wala akong ibang pagkakatiwalaan kundi ang asawa ko lang...

-----------------------

Misha's POV

"Why didn't you tell me na lumipat ka na pala dito ulit sa mansion ng mga magulang ni Angela??" tanong sa akin ni Jeremy na halatang lasing na din gaya ko...pero ako? Hindi pa naman ako as in lasing, I have a good tolerance sa alak no! Kahit anong klaseng alcohol pa yan!

Narito kami ngayon sa tapat ng mansion ng mga Lopez.

Nasa loob kami ng kotse niya.

"Ehh darling..." sabay hawak sa mga pisngi niya.

"....kaninang umaga ko lang din naman naisip ma gawin yun ehh. I supposed miss na din nila ako. At hindi ko naman pwede gawing condo yung hotel na yun no...unless hahanapan mo ako ng condo?"

"Sus! Yun lang ba? Madali lang yun! Alam mo namang yun ang business namin ni papa hindi ba? Basta para sayo, gagawin ko ang lahat" pagmamayabang niya. That's why I love you ehh...

Akmang hahalikan ko na sana ulit siya pero bigla siyang natauhan...

What's wrong now? Don't tell me si Angela na naman??

"Why?"

"Teka, anong oras na ba?"

"Why? Ehh ano naman ngayon kung anong oras na?"

"Teka, 7pm na pala!" kumawala siya sa mga bisig ko. Para bang nawala ang kalasingan niya at lahat ng lakas niya nanumbalik.

"Ehh ano naman ngayon kung 7pm na!? Maaga pa!"

Wife's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon