CHAPTER 10: I'm Preggy

123 0 0
                                    

CHAPTER 10: I’m Preggy

Angela’s POV

2 months na…

2 months na ang nakalipas ng may mangyari sa amin ni Jeremy…

2 months na din na hindi ako dinadatnan…..

At bawat pagdaan ng mga araw….

Nararamdaman ko na din ang mga ilang pagbabago sa kondisyon ko…..

Malaki ang hinala ko….

Alam ko…..

Hindi kaya buntis na ako??

Pero dapat makasiguro parin ako…..

Andito ako ngayon sa CR ko sa kwarto ko….

Nakatayo sa may salamin at hinihintay ang resulta….

…..ng PT Kit na binili ko…..

Habang tinitingnan ko ‘to….

Lalo akong kinakabahan…..

May halong tuwa at kaba ang nararamdaman ko ngayon…

Tuwa dahil alam kong ang mahal ko ang ama ng pinagbubuntis ko kung buntis talaga ako…

At kaba dahil hindi ko alam kung paano koi to sasabihin sa mga magulang ko….

Lalo na kay Mom….

Kay Dad, alam ko naman kasi na lagi ako nun maiintindihan…

Habang tumatagal, nagiging malinaw na ang nakikita kong linya…

Isang pulang dalawang linya ang nabubuo….

Mga ilang saglit pa……

Malinaw na…

At hindi ako nagkamali…..

BUNTIS nga ako!

Napahawak na lang ako sa bibig ko. Baka makasigaw pa ako dito at magulantang sila…..

Pero I still need to validate this….

Kailangan kong pumunta sa isang Gynecologist…..

Tama!

Tatawagan ko si Scarlet……

Ang classmate at bestfriend ko nung HS pa kami…..

Yung baklang yun! Namiss ko na rin…

At sigurado akong magugulantang siya kung bibisitahin ko siya…..

At malaman pang buntis ako. :)

Hindi ko alam pero tuwang tuwa ako sa naging resulta…..

Alam ko kasi na kahit hindi ako magpa-check up, alam ko sa sarili kong buntis nga ako…..at si Jeremy ang ama…..

Na-teary eye pa ang lola niyo!!

Excited na ako!

Hinawakan ko ang tiyan ko….

“Baby….”

Saka ko hinimas-himas.

“….kapit kang mabuti ahh?? Mahal ka ni Mommy at ni Daddy….”

Ewan ko pero hindi ko na napigilang maluha…..

“Mahal na mahal kita……sayo ako kukuha ng lakas….sayo ako kukuha ng lakas sa lahat ng pagsubok na darating sa buhay ko….”

Yumuko ako para tingnan ang tiyan ko…tapos tumingin ako muli sa salamin…

Wife's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon