CHAPTER 11: The WEDDING

114 0 0
                                    

CHAPTER 11: The WEDDING

Angela’s POV

Bakit ganito?

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Andito ako ngayon sa Bride’s Room ng hotel na ito.

Panaginip lang ba ‘to?

Ikakasal na ba talaga ako?

TOK! TOK! TOK!

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Siguro yung wedding coordinator na yun.

Binuksan ko…

“Are you ready my princess?” si Dad pala. Pumunta pa siya dito kahit naka-wheel chair siya.

“Papa naman. Bakit ka pa pumunta dito? At sino nag-assisst sayo papunta dito?”

“Don’t worry. I’m fine. Gusto ko kasi na ako parin ang maghahatid sayo sa Altar.”

Beach Wedding kasi ang napili ni Mommy na theme ng kasal ko.

Tama, si Mommy ang nag-organize ng lahat. Nung una nagalit siya ng inamin kong buntis nga ako. Pero hindi nagtagal mas naging excited pa siya sa akin. Minadali na din yung kasal habang hindi pa lumalaki ng husto ang tiyan ko. 2 weeks lang ang naging preparation. At si Jeremy, ang saya din niya nung sinabi kong buntis nga ako at nagalit pa siya ng hindi ko daw kaagad sinabi sa kanya.

And now..

Ito na yun.

Ikakasal na ako.

“Papa naman ehh..baka kung mapaano ka.” Pag-aalala ko.

“wala, tsaka wag ka mag-alala. Madaming tao ngayon. Kung may mangyari man masusugod naman siguro ninyo ako kaagad diba?” pagbibiro niya. Tapos tinapik ko siya sa balikat saka umupo para maging magka-level kami at matingnan ko sa mata ang Papa ko.

“Papa…wag mo nga sabihin yan.”

Tapos hinawakan niya ang ulo ko.

“Parang kahapon lang ng bulilit ka pa at kandong-kandong lang kita, ngayon ikakasal ka na.” tapos nakita kong naiiyak na siya.. Oh my! Hindi ako sanay na makitang umiyak ang Papa ko..pati na rin ang mama ko.

“Papa naman ehh..baka maiyak na din ako niyan.”

“wag! Sayang ang make-up mo. Hindi pa ata water proof yan yan.” Tapos sabay kaming nagtawanan. Akalain mo ba naman kasi, may nalalaman pa siyang ganun eh kalalaki niyang tao. Hahaha! Papa ko talaga. He never fails to make me smile.

“Buti na lang at ikakasal ka na, tapos ngayon buntis ka pa. Sana kahit maabutan ko lang yung apo ko. Okay na ako at handa na akong mama….” Alam ko na ang sasabihin niya kaya hindi ko na siya pinatapos.

“papa naman! Wag mo nga yan sabihin. Mas mauuna pa ako sayo.” Pagbibiro ko na lang.

Tapos tumawa siya. Bakit? May nakakatawa ba?

“Sige na nga. Hindi na kita paiiyakin at dapat masaya ang araw na ‘to sayo. Ano? Ready ka na ba? Kanina pa naghihintay yung Groom mo sa ibaba.”

“opo papa. Ready na ako.”

Tapos tumayo na ako at itunulak ang wheel chair ni papa. Sabay kaming nagtungo sa may elevator.

-------------

Jeremy’s POV

Nakita ko na siya lumabas ng hotel, kasama ang papa niya na tulak-tulak pa niya sa wheel chair.

Ang ganda niya!

Super ganda! Ganito pala siya kaganda.

Hindi niya suot yung eyeglasses niya at nag-contact lenses na lang which make her more beautiful.

Nung malaman kong buntis siya……parang nagbago lahat ng plano ko..

Oo, nung una pera ang habol ko sa kanya kasi mayaman siya..

Pero nung malaman kong buntis siya…..

At magkaka-anak na ako…..

Parang gusto ko na lang na maging masayang pamilya kami.

Ang saya ko nung nalaman kong magiging tatay na ako.

Ganun pala yung feeling.

Parang nanalo pa ako sa lotto.

Bakit nga ba hindi??

Bakit nga ba hindi pwedeng seryosohin ko na lang si Angela at mamuhay ng tahimik at masaya kasama siya? Pwede naman yun ehh..

Tama. Magmula ngayon….

Wala ng bahid na anumang motibo ang pagmamahal ko sa kanya.

Magiging mabait at maalaga akong asawa sa kanya..

At magiging mabait akong ama sa magiging anak namin.

Wife's SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon