Forever Agape [FS#1]

By LivelyLeo

87.1K 3.1K 943

Forever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arrange... More

FOREVER SERIES 1
FOREVER AGAPE
HELL
INSIDE HIS ARMS
TAMED
DISPUTE
TAKING ADVANTAGE
UNSTABLE
DELICATE DINES
SERIES OF NOSTALGIA
UNTOUCHABLE
FALSE HOPE
FROM HEAVEN
INSANITY
HYPOCRISY
CARICIA AÑORANZA
OUT OF MY REACH
CHAOTIC TRANQUILITY
LURKING DESIRE
UNTIL THEN, USE ME
FREED
SPACE IN BETWEEN
THE IDEA OF NOWS
IN RUINS
GOOD LIAR
PERSONAL LONGING
HIGH HOPES
PROXIMATE
COME CLOSER
MORNING HAVOC
THE HEPA-LANE
AFFIRMATION
THE LAST THING
HALT
QUE SERA SERA
THREATENED
GAMBLE
FOR I HAVE SINNED
DEPTH
RUNAWAY
ACROPOLIS
ROCK BOTTOM
LAST OF AGAPE
LAST OF AGAPE

CASUS BELLI

1.2K 51 21
By LivelyLeo

C h a p t e r   40.5

Nang makarating kami sa dalampasigan ay may nag-aabang ng dalawang tricycle para sa amin. Pinagkasya namin ang mga gamit sa isang sidecar, at naupo si Henry sa likod ng driver, siya ang nahiwalay habang kami'y sumakay sa isang tricycle. Kaming tatlo sa loob ng sidecar at si Hell naman ay sa likod. Nang makaayos na ang lahat ay humayo na rin kami.

Tahimik kaming tatlo, hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa bahay nina Henry. Bumaba kami't nagpasalamat kay Manong, siguradong pinakiusapan sila nina Manang Marife para sunduin kami, kinuha na namin ang kanya-kanyang bag sa kabilang tricycle at tumuloy na sa loob ng bahay nina Henry.

Hindi na ako nagulat nang mapagtanto kong alam na nina Manang Marife't Manong Juan na ngayon na rin ang aming uwi. Sinalubong nila kami at iginaya sa sala, inimbitahan nila kaming maupo at mamahinga bago tumulak pauwi.

"Uuwi na rin pala kayo ngayon, akala ko'y sa mga susunod na araw pa." Nakangiti niyang sabi, ngumiti ako't tumango. "At kadadating niya lang," Sambit niya at bumaling kay Hell, ngumiti naman ang katabi ko bilang pagbati sa kanilang mag-asawa.

"Sinundo lang po siya," Turo sa akin ni Henry kaya't napailing ako, halatang nagbibiro lang siya. "Babalik po ako kasama sina Mama, sa bukas po o sa biyernes." Dagdag nito.

"Kung gusto niyo ay bumalik din kayo," Sabi ni Manong Jose. "Hindi niya masyadong na-enjoy dahil mabilis lang, kaya bumalik kayo para mas lalo niyong malibot ang Nasugbu,"

Habang nagkekwentuhan sila ay nagpaalam akong maglilinis ng katawan, napatingin ako kay Hell na mukhang may balak ding maligo dahil sa basang short. Iginiya kami ni Henry, pinahiram niya na rin ng gamit si Hell. I took a bath inside the guestroom while Hell used Henry's bathroom. I didn't know they're such a bff's now.

Matapos maligo ay tumuloy na rin kami sa ibaba kung saan naabutan namin ang lima, nang makita nila ang aming pagsungad ay tumayo na rin ang mga ito. "Manong Juan, Manang Marife, salamat po. Henry," Baling ko rin sa isang kaibigan. "Thank you," Wika ko habang may ngiti sa labi.

"Walang ano man, basta't bumalik kayo." Ani matandang babae.

"Maraming salamat po sa pagtanggap," Ani Sari, nagpasalamat din kami nina Aleana at Hell sa dalawang matandang kumupkop sa amin. Nagpaalam na kami sa kanila at abot pa ang bilin nilang bumalik kami.

Isinilid na namin ang kanya-kanyang gamit sa mga sasakyan. Kinuha ni Hell ang gamit ko at inilagay iyon sa backseat, tinanaw ko ang dalawang matanda at kumaway. Nang makita ko ang malapad nilang ngiti at para bang may humaplos na anghel sa akin.

"Ingat kayo!" Wika ni Manong Juan.

"Babalik po kami!" Ani Aleana.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Hell, umikot naman siya para makapasok na rin. Mula sa kinauupuan ay natanaw ko ang pagpasok ng aking mga kaibigan sa lulan ni Henry. Si Sari sa shotgun seat at si Aleana naman ay nasa backseat.

"Hurricane, seatbelt." Bumaling ako kay Hell nang marinig iyon. Ikinabit ko iyon at muling nag-angat ng tingin sa kanya.

"When did you plan this with Henry?" He started the engine, he stretched his hand to the steering wheel and the veins of his hand became very visible.

"He called me yesterday," He maneuver the car as he looked at me from the side of his eyes. "Late afternoon, he told me you're here in Nasugbu. He gave me their address, and so I went here. He instructed me some things, ways, and etcetera just to get on that island,"

"When did you get that close to have each other's phone number?"

We were already moving forward, we're just tailing Henry's ride. Ten in the morning, we left the Venturina's premises.

He frowned. "Sari gave him," So, Sari knows he'll be here since yesterday? That traitor! I told them the reason why we must exclude Hell from this trip. "You don't want me to go here with you because your parents might think I ran away with you? You're afraid that they might file a case against me?"

Wow, I'm starting to hate that two. Talagang sinabi nila kay Hell ang lahat! Alam din ba ni Aleana? Ngumuso ako't bumaling na lang sa harapan. 

"Yes," I timidly replied. "Am I not allowed to be afraid of their capability to pursue that?"

"You are allowed, Hurricane. However, how can they say that I kidnapped you when it's crystal clear that you left with your friends, and not me?"

"They can say I met you halfway, Hell. They can say that I planned this with you. For the love of God, they can think all the alibis just to flip it. My parents have all the capability to pursue it, to scare me."

He laugh, but it was quite sarcastic. "For the love of heavens, your mother will never walk in the aisle of a court with a piece of very weak evidence, with just a mere hunch. She will never step that low, Hurricane." I pouted because of what I just heard. Perhaps, I was too occupied.

I only thought about their threat, their power to do it. I didn't give attention to think about an effective rebat and contradiction to their threat. "I was occupied. Iisipin ko pa ba iyon kung gusto ko nang umalis?" Napatingin ako sa kanya, ang mata naman niya'y nasa daan. "I already know what you're thinking," Ani ko, sandali siyang tumingin sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa harap.

"Hmm, what is it?" Inilahad niya ang kamay sa aking harapan at kahit hindi niya sabihin ay alam ko na ang ibigsabihin niya.

Ipinatong ko ang kamay sa kanya, at dahan-dahang sinakop ng mga daliri ko ang bawat espasyo ng kanya. "Perhaps, you're thinking that I should've just stayed at home. Sana'y hindi na lang ako tumakas." Marahan siyang tumango, habang may maliit na ngiti sa labi.

"Love, you shouldn't." He uttered. "However, might as well you're best at it, why don't we try it together the next time?"

"Are you asking me to run away with you, Mr. Hell Elizander Sy Laurette?"

"Hindi ngayon," Napakagat ako sa aking labi dahil sa kanyang sinabi. "Hindi ako papayag na ito na ang huli,"

"At kailan ang sinasabi mong huli?" Sumikip ang dibdib ko nang maalala iyon. "Kapag ba nangyari na iyon... hanggang doon na lang?"

"At kung hanggang doon na lang... muna?"

Napapikit ako't napasandal na lang. "Gawin natin," Bulong ko. "Kung hanggang doon na lang muna, gawin pa rin natin. Mangako ka sa akin, Hell. Panghahawakan ko ang lahat ng sasabihin mo kaya mangako ka sa akin."

"Buong buhay ko..." Malamyos niyang sagot, marahan akong tumango. Tuparin mo, hindi ito ang huli.

Minsan ko nang narinig na tumatalikod lang ang isang tao dahil hindi sapat ang kanyang katapangan upang harapin ang bagay-bagay. Ngunit baka ganoon sila katapang, na handa silang umalis upang tuntunin ang kalinawan. Siguro ay ganoon nga sila katapang, marahil handa silang lumisan upang muling bumalik ngunit sa pagkakataong iyon ay malinaw na ang lahat. At sa ganoong paraan ko nakikita ang bagay na ito.

Nanatili kaming tahimik matapos ang aming malalim na pag-uusap. Akala ko ay bibitiwan niya rin ang kamay ko, ngunit hindi. We keep our fingers intertwined as he drive, and with such a long deep silence circling around us,  I didn't notice that I fell into a deep slumber.

Hell only woke me up when the car stopped, he told me that we've entered Manila-proper a while ago, but it's already noon and it's time to eat. We went inside a well-known fast-food restaurant, and I immediately saw my three in one table.

"Hell, Hurricane..." Tawag ni Sari itinuro ang mga bakanteng upuan na nasa tapat nila ni Aleana. Si Henry ay nasa dulo ng six-seater na mesa. "Mahirap ba gisingin?" Tanong pa nito kay Hell nang makaupo kami.

"Ayos lang," Sagot ni Hell, siya ang naupo sa kanan ni Henry. Halatang iniiwas niya akong maupo sa tabi ng isa.

"E, bakit ang tagal niyo? Paparating na kaya ang order natin," Si Aleana, tinakpan ko ang bibig at humikab. Nanatiling iwas ang tingin ko sa katabi, hindi ko lubos akalain na kaya niyang iparamdam sa akin ang daan-daang emosyon sa pagitan lang ng ilang segundo, o minuto.

"Baka naman tinitigan mo pa?" Natatawang tanong pa ni Sari. Napabaling ako sa katabi at tinaasan siya ng kilay, dumapo ang mata niya sa akin at gumuhit ang tipid na ngiti sa labi nito. Napakunot ako't agad na nag-iwas.

"Baliw ka na," Rinig kong bulong ni Henry sa kanya, mula sa ilalim ng mesa'y nakiya kong sinagi ni Hell ang binti nito. "Huli na, ngayon pa talaga." Kahit hindi nila sabihin ng diretso ay alam ko na ang tinutukoy nila.

"Tumahimik ka," Ngitngit ng isa.

May pumipigil sa kanya, alam ko. Malinaw iyon para sa akin. Sa isang ulos ng hininga, ang higpit ng kapit niya. Ngunit isang kisap mata lamang ay handang handa na siyang bumitiw. He's on the edge of the cliff while I'm in the rockbottom, and no matter how much he wants to go down, we both know that he just can't not because he does not want to, but because something's holding him from doing it. May pumipigil sa kanya, malinaw iyon para sa akin.

Dumating ang aming order, pare-parehas na rice at chicken ang nandito. Mabigat na ang tiyan ko sa kanin, hindi pa rin bumababa ang kinain ko kaninang umaga kaya naman balat na lang ng manok ang nilantakan ko habang nakikinig sa kwentuhan nila. Una ay tungkol sa camping, pangalawa ay ang byahe pauwi. Ngunit tila biglang nag-iba ang direksyon ng ihip ng hangin.

"Then, if you two are not... there would be a change of plans, right?" Ani Sari, napakunot ako dahil biglang nabaling sa akin ang mga mata nila. "School, home, everyday living..."

Umayos ako ng tindig nang makuha na ang kanyang gustong sabihin, tinanaw ko si Hell at nag-abot kami ng tingin. "Maybe," Mahina kong sagot, kinuha ko ang baso ng malamig na tubig at uminom doon. "Marami, hindi ko alam." Kibit balikat kong sagot.

"Marami," Bulong ni Hell. Napasinghap ako't pinunasan ang gilid ng bibig. "At malalaman din natin, sa susunod." Kahit anong susunod na mangyari, hindi pa rin maalis ang mapait na katotohanang matatapos din ito. Naalala kong minsan ko ring hiniling na matapos ito, ngunit ngayon ay totoong ayaw ko na. Ayaw ko na, Hell.

"Bahala na," Humugot ako ng isang malalim na hininga bago magpatuloy. "Truth shall be told, I don't have any plans under my pocket and I don't want to plan anything either. Que sera sera,"

"That's sick," Aleana whispered as she eyed at Hell. "Any plans, Mr. Laurette? Because it will be too disappointing if everyone knows why did you end up that way. I'm more than sure that this will blow up everyone."

"Aleana," I uttered with a warning tone. "We can't handle this situation alone. Even if we try our hardest to think for an effective and   well-reasoned solution, the final decision is still up to our parents."

"That's really difficult," Sari mumbled as she shook her head.

"Everything feels overcrowded, and I don't want to think about it anymore."

Silence filled the table after I said that, they continue eating as the conversation drifted to somewhere else. Study, what will happen next year, things like that. After they ate, we immediately went outside.

"Then, I'll see you all next year," Aleana said before she hopped inside, I slowly wave my hand as I nodded. "You two, do well." In the corner of my eyes, I saw Hell nod.

"Tuloy?" Tanong ni Henry sa kanya, tumango lang itong isa. Napatingin si Henry sa akin at tipid na ngumiti, nang bumaling siya kay Hell ay lumawak ang ngiti nito. "Well then, all the good luck, Mr. Laurette."

"Ingat," Ani ko. Pumasok na siya sa kanyang sasakyan at kumaway pa sa amin, binuksan ni Sari ang bintana at kumaway rin. Si Henry ang maghahatid sa kanila, at magkikita-kita na lang kami sa pasukan. Pwera na lang kay Henry, na makikita ko sa year-end party.

Nang makaalis ang sasakyan nila'y tumuloy na rin kami papunta sa aming lulan. Ikinabit ko ang aking seatbelt at itinapat ang aircon sa sarili. "Diretso uwi na tayo," Sambit niya't pinaandar ang makina. Hinawakan niya ang manobela at tahimik na nagmaniobra.

"Sa bahay namin?" Taimtim siyang tumango. Mayroon sa akin ang umaasang sana'y hindi niya ako ihahatid, ngunit nang tumango siya ay nalukot na pag-asang iyon. "Did my Mom asked you to fetch me, Hell? Did my parents asked you that favor?"

We're now moving forward and his eyes are now on the road. "No one ever did," He said. "What did I tell you, if you're going to make an escape plan, at least do it better. Because even in the depths of hell..."

"Alam ba nilang kasama kita?"

"Hindi ko alam. Baka, siguro." Mahina niyang sagot, napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at hindi na kumibo. Nagkatinginan kami, ngunit agad niya ring ibinaling ang atensyon sa daan. "Ihahatid kita, kaya huwag ka nang tumakas ulit dahil hindi ako mag-sasawang sundan ka at ihatid ulit." Manhid na ang labi ko dahil sa mariing pagkagat, napayuko ako at humugot ng malalim na hininga.

"Huwag mo akong ipilit doon dahil talagang ayaw ko. Bakit hindi na lang sa..."

"Kung pwede lang," Naramdaman ko na ang unti-unting pagbilis ng takbo ng aming lulan. Nag-angat ako ng tingin sa kanya't natanaw kong nakakunot na ang kanyang noo. "Kung pwede lang, bakit hindi?"

Katahimikan ang lumukob sa aming dalawa, at nanatili kaming walang kibo hanggang sa tumigil ang sasakyan. "Bakit tayo huminto?" Wala pa kami sa bahay, ilang metro na lang ang layo namin ngunit biglang huminto ang makina.

"Sandali lang," Lumabas siya at sinundan ko pa ng tingin. He went to the trunk of the car, after awhile, he went inside with a bag in his hand. Iniabot niya iyon sa akin, nang buksan ko'y bumungad sa akin ang ilang pamilyar na gamit na naiwan ko sa bahay namin. "Wallet and cards, your phone and everything that is in your drawer, the jewelry box too." Inilabas ko ang kanyang badge, iyong nanalo siya ng best researcher.

"Hindi mo ba kukuhanin sa akin ito?" Bulong ko sa kanya. Pinagmasdan ko ang hawak na badge, kumawala ang munting ngiti sa aking labi nang maalala ang araw na 'yon. Kahit pa isang beses lang siyang natawag, alam kong ako ang pinakamasaya noong narinig namin ang pangalan niya... alam kong mas masaya ako sa panalo niya, kaysa sa panalo ko. "It's yours, not mine..." Hinaplos ko ang pangalan niyang nakaukit sa badge.

Ang ganda talaga ng pangalan niya. Sa akin na lang, sana.

"Matagal na iyang... sa 'yo." May dumudurog sa akin, sa buong ako. Naramdaman ko ang pag-iinit ng haligi ng aking mata, at sa isang ulos lang ng hininga'y unti-unti nang lumabo ang imahe ng aking hawak.

Naipon ang mga luha sa gilid ng aking mata, binitiwan ang badge at dali-daling na isinara ang bag. "Ang ibang gamit ko..." Nanginginig na ang aking boses at hindi ko na nagawang ipagpatuloy pa ang gustong sasabihin. Kusa nang tumulo ang mga luha, sunod-sunod at hindi na mapigilan pa.

Hinawakan niya ang aking siko at hinayaang dumukdok sa kanyang dibdib. "How can you make me feel all of those in just one glance, Hell? Ang saya, ang lungkot. Ang sakit sakit," Bulong ko sa kanyang dibdib. Nilamukos ko ang tela sa tapat nito at halos isiksik na ang sarili sa kanya. "How can you make me feel the seventh heaven, and in just a blink, take me back to the depths of hell?" Ramdam ko ang paulit-ulit niyang paghalik sa aking noo, ngunit hindi naging sapat iyon.

"Calm down," Mahinang sabi niya. "Hear me out, Hurricane. I promised this won't be the very last time I'll hold you like this. I will see you, again."

"Hanggang kailan?" Pinunasan ko ang pisngi at ilang beses pang humugot ng malalim na hininga.

I looked up to him, only to find out that he's already staring at me. "29th of December..." He whispered as his gaze went down to my irresistible asset, I watched him closely as he feasts his eyes on my lips.

"What do you mean?" I mumbled. "Don't tell me... it won't be easy." He slowly nodded. Is that what he's telling me earlier, to run away with him? "Hell, saan ka kumukuha ng lakas ng loob para gawin iyan?"

"Sa 'yo," Diretso niyang sagot. Sandali kong iniwas ang mga mata, ano ang iniisip niya?

"The party is full of media. Nasa pamilya ko ang mata ng lahat kaya paano?"

"Ang tanong ko, gusto mo ba? Kasi kung oo, talagang itatakas kita. I'll get you out of that  filthy bargain party dressed like an exquisite ball, and that would happen only if you want me to."

"Gusto ko," Mahina kong wika, naramdaman ko ang malamyos niyang paghaplos sa 'king pisngi, at nakatitig pa rin sa aking mapulang labi. "Hell, anong mangyayari kinabukasan?"

Gumuhit ang munting ngiti sa kanyang labi, ngunit halata ang lumbay sa kanyang mata. "Hindi ko alam..." Marahan akong tumango, naiintindihan ko kung bakit. Dahil kung ako lang din ang tatanungin, iyan din ang sagot ko. "Nakakalungkot... kasi hindi kita kayang bigyan ka ng siguradong sagot. Hindi ko rin alam, kung anong mangyayari pagkatapos."

"Ang hina natin," Nakangiti kong sabi, ngunit sa gilid ng aking mata ay muling naipon ang mga luha. "But even so, I understand." Nang muling tumulo ang mga butil nito ay mabilis niyang napunasan gamit ang likod ng palad. "I'm sorry, I keep on crying..." Pumikit ako at dumukdok sa dibdib niya. "Dito muna tayo,"

"Dito muna tayo," Malambing niyang sabi at ikinulong ako sa kanyang yakap.

Hell Elizander Sy Laurette stayed for a while, we tucked ourselves into each other's arms but only for a while. Later on, he drove up to the gates of our home. Only, up to the gates since the guard doesn't want us in, because he's a Laurette.

"I guess, the gates of the De Veras are now close for the Laurettes," Hell uttered as the gates didn't automatically open. I shook my heas with disappointment. Lumabas ako sa sasakyan at lumapit sa callbox. Pinindot ko ang isang button at nagsalita.

"Manong, this is Hurricane. I'm inside Hell's car, let us in." I demanded. Tumanaw pa ako sa guardhouse na nasa tabi lang. "I have my things with me, hindi ko kayang buhatin ang mga ito hanggang sa bahay." Pag-iinarte ko.

"Ma'am, pasensya na po. Napag-utusan lang po," Sagot ni Manong Guard. "Tutulungan ko na lang po kayo sa pagbubuhat," I let a deep sigh after he said that, I released the button as I turned my back at the call box. Bumalik ako sa loob ng sasakyan, sandali pa kaming nagkatinginan bago ako muling humugot ng malalim na hininga.

"I'm sorry," Bulong ko. He's right, my parents are now building barriers between his family and I can't seem to do anything. "Hell, I'm so sorry," I bowed my head to let him know that I'm apologetic.

He reached for my hand as he gently caress it. "It's okay, Hurricane. You don't have to be sorry," I looked up to him, only to realize that he's already staring at me, with a little smile on his lips. "I'll see you again, okay?" He pulls me closer, giving me a peck in the forehead.

"Okay, call me." He nodded. "Tell me about the hibiscus or the macchiato. Just tell me about how your day went,"

"I will," He handed me my bag, and then the backpack. "Sleep early, rest too. Remember, there's a life outside the library. I'll call you," He kissed my forehead again. "I'll miss you, Hurricane."

"I know, I'll go now. See you on..." We looked upon each other as we exchange smiles, we already know that. He slowly let me go, then I halfheartedly went out. I stepped aside, he maneuver his car and I watched him go.

"Ma'am, pumasok na raw po kayo." Bumukas na ang gate, nag-aabang na ang guard. Mula sa malayo, natanaw ko ang nagmamadaling si Manang Leonides. Sinalubong nila ako, at agad na kinuha ang mga gamit sa akin. With pool of tears in the side of my eyes, Manang hugged me.

"Diyos ko, Hurricane!" I sobbed at her chest, as her embrace tightened. "May ilang bagay na kahit anong higpit ng kapit mo, kailangan mong bitiwan. Hayaan mo na," Umiling ako't humagulgol sa dibdib niya. Marahan niyang hinahagod ang aking likod, pababa't pataas. Nanatili kaming nakatayo sa harap ng gate, hanggang sa naaya na nila akong pumasok.

Bagsak ang balikat akong dumireto sa aking silid, kasunod ko si Manang na tahimik lang. Dumiretso ako sa aking walk-in closet, kung saan ko itinago ang maliit na bag na ibinigay sa akin ni Hell. Nang lumabay ako ay mabilis na nahagip ng aking tingin si Manang.

Nakaupo siya sa gilid ng aking kama. "Hindi pa alam nina Aeryn na dumating ka," Sambit niya, naupo ako sa kanyang tabi at humugot ng malalim na hininga. "Kagabi pa nila alam na wala ka, tumawag si Aeryn sa Mommy ni Aleana at sinabing nasa Batangas nga kayo. Nagulat ang Daddy mo, gusto kang sunduin. Pinalabas lang ni Aeryn na alam niya, upang kapag dumating ka'y hindi ka mapagalitan..."

"Pinagalitan ka ba nila, Manang?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya, tipid itong ngumiti at umiling. Kailangan ko nang ihanda ang sarili, dahil siguradong sa akin ang bunton ng galit nila. Mas mabuti iyon, para sa akin.

"Sabi ko na't hindi ka babalik ng hapon, dahil noong nagpapaalam ka ay may bumubulong sa akin na huwag kang payagan. Akala ko ay matatakot ka dahil sinabi kong matatanggal kaming lahat sa trabaho kapag tumakas ka," Marahan niyang tinapik niya ang aking likod habang nakangiti pa rin. "Ang sabi ng Nanay ko dati. Habang hinihigpitan ang kapit, mas lalong kumakawala. Totoo nga,"

Napayuko ako matapos niyang sabihin iyon sa akin. "Pasensya na po, talagang nawaglit na sa akin ang posibilidad na mangyari iyon.  I just want to runaway, being locked up here only for a day is already suffocating. Huwag po kayong mag-aalala, Manang. Hindi ko po kayo idadamay," Mahinang sabi ko, hindi ko na magawang makatingin pa sa kanya.

Mahina siyang natawa, ngunit hindi sa tono ng pang-aasar. "Hurricane, pwede mo bang sabihin sa akin kung anong nararamdaman mo ngayon?" Tanong niya. "Nagsisisi ka ba, sinabi mo bang sana pala'y hindi ka na lang tumakas? Nagsisisi ka ba, dahil ginawa mo ang sa tingin mo ay tama?" Dagdag pa niya.

Sa lahat ng nangyari, sa Batangas man o sa daan pauwi, nagsisisi nga ba ako? Nagsisisi ba akong nakita ko si Hell, at muli ko siyang  nakausap na akala ko'y hindi na mangyayari ulit? Kahit minsan ba, matapos ang lahat ng iyon, nagsisisi ba ako?

Dahan-dahan akong umiling. "I'm apologetic because I didn't think deeply, I didn't think of how it can affect all of you... I only think of it shallowly. Manang, I removed your sim from your cellphone... so you won't be able to call Dad and Mom. They need to realize that you are clueless about my plan." I explained, she was nodding while she's all ears to what I'm saying. "I apologized for breaking your trust, Manang yet I like my choice,"

"Naiintindihan ko," Mahina niyang sabi.

"Nagsisisi po ako dahil nabigo ko kayo. Pero hindi po ako nagsisisi na tumakas ako, hindi po ako nagsisising iyon ang naging desisyon ko kahit sa tingin ng iba ay mali. Dahil kapag ginusto mo, malungkot ka man sa huli, alam mong ginusto mo. Kahit minsan, sumaya ka dahil ginusto mo." Unti-unti akong napayuko dahil sa hiyang nararamdaman.

"Ngayong nasabi mo na, anong kaibahan ng ginawa mo sa akin sa ginawa ni Hell sa 'yo? Parehas kayong nang-iwan, parehas tayong nabigo. Nabigo ka dahil akala mo'y hindi ka niya iiwan, nabigo ako dahil akala ko'y hindi ka aalis. Anong kaibahan mo sa kanya kung parehas niyong ginusto ang ginawa niyo?"

Minsan lang mangaral si Manang Leonides, hindi paulit-ulit dahil ayaw niya ang ganoon. Para sa kanya, sapat na ang minsan, ngunit ang isang beses na 'yon ay talagang tatatak sa 'yo. Napalunok ako, tanging katahimikan lang ang kaya kong isagot sa kanya.

"Hurricane, tinatanong kita." Mariing tanong niya, napasinghap ako't unti-unting umiling.

"Wala po," Taimtim kong sagot. "Hindi ko po alam..." Ginawa ko rin ang ginawa niya, kaya anong pinagkaiba ko sa kanya kung parehas kaming may binigo? Hindi ko alam, mayroon nga ba?

Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang kanyang pagtayo. "Sa ngayon ay hindi mo pa maiintindihan, ngunit sa tingin ko'y mayroon. Kahit kasing nipis ng hibla ng buhok, para sa akin ay mayroon kayong pinagkaiba." Dahan-dahan akong napatingin sa kanya at sa huli'y sandali pa kaming nagkatitigan. "Maaring 'di pa malinaw sa ngayon ngunit sa susunod ay maiintindihan mo rin..."

"Bakit hindi pa po ngayon, Manang? Ano po ang malinaw sa inyo, na hindi para sa akin?" Ngumiti siya at marahang tinapik ang aking balikat, napakunot ako marahil ay mukhang wala siyang balak na sabihin sa akin.

"Magpahinga ka muna, mahaba ang naging byahe mo. Kapag dumating ang Mommy at Daddy mo, sasabihin kong dumating ka na." Pinanood kong tumalikod si Manang, hindi na ako nakapagsalita pa't pinanood na lang siyang lumakad papunta sa pinto. "Siya nga pala, Hurricane..." Napakurap ako nang muli siyang humarap sa akin.

"Ano po iyon, Manang?"

"Ang alam nina Atlas, hindi mo kasama ang anak ni Paul. Ngayong siya ang naghatid sa 'yo pauwi, sigurado akong nakarating na rin sa kanila iyon." May ipinahihiwatig ang mga mata ni Manang, para bang sinasabi niyang dapat ko nang ihanda ang sarili. "Hurricane, hindi kita tinatakot. Pero kilala mo ang ama at ina mo,"

I was dumbfounded as I watched her turned her back and left my room. Ibinagsak ko ang sarili sa aking kama habang ang mga mata'y nanatiling nakatitig sa kisame. Hindi ko man lang naisip na pwedeng mangyari 'yon! Hindi ko man lang naisip ang pwedeng idulot 'non kay Hell, sa aming dalawa! Halos masampal ko ang sarili sa inis, ang tanga! Sana pala ay nagpababa na lang ako sa malayo.

Para bang may pumatong sa aking dibdib at bumigat na ang lahat. Pakiwari ko'y sa isang kisap mata lang ay nagkabuhol-buhol na ang dating maayos, ang De Vera at ang Laurette, kaming dalawa ni Hell. It was all perfect, my mother made it sure that it will be. From the very start, she wants nothing but perfection.

But why did it all turn out this way? I don't know when did it exactly start, was it when I ran away, was it when he turned his back on me... or was it when his parents made this a good bargain for eternal glory? Perhaps, did all of these happen when my mother took advantage of Tito Paul's last resort for Hell? When she made him her first choice for me?

Bumaluktot ako't niyakap ang sarili. Lumabo na ang aking paningin at namuo na ang luha mula sa gilid ng aking mga mata, napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at wala nang nagawa kung hindi yakapin ang sarili. Pagod at mabigat na ang mga mata ko ngunit hindi pa rin nauubos ang luha, kusang tumulo ang mga iyon. Wala man lang nagsabi sa akin na masakit pala, kapag natapos.

Sana pala'y hindi na lang namin tinuruan ang Diyos, sana ay hindi na lang namin inunahan ang tadhana. Sana'y hinayaan na lang namin na ang Diyos ang sumulat, dahil ang panulat Niya ang pinakamalinaw sa lahat. Bakit kasi tinuruan pa namin ang Diyos, bakit inunahan pa namin Siya.

I caress myself, my hand on my chest while the other one's on my bare stomach, I know that no one would do this for me now. We're all occupied, and warmth can only be found from within. Hell always keeps me warm, yet he's not here so I need to fill in for him. He's not here now. I tucked myself into bed, with that thought.

Naalimpungatan ako nang marinig ang ilang katok sa pinto ng aking silid, napilitan akong tumayo at buksan ang pinto kahit pupungas-pungas pa. Nang mag-angat ako ng tingin ay agad kong namataan ang mata ng aking ina, nanlaki ang aking mata dahil inakala kong si Manang Leonides iyon.

"Your Dad wants to talk to you, in the office." Malamig niyang sabi, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa at muli akong tinitigan sa mata. "I saved you once and I have no plans of doing if again. Ayusin mo ang sarili mo at sumunod ka sa akin,"

Hindi niya na ako hinayaang makapag-salita, mabilis siyang tumalikod at lumakad palayo sa akin. I didn't fix myself anymore, I started to walk behind her and I'm sure that she can hear my footsteps. I don't need to fix myself, I'll be messed up too from the second I step into that room.

Nang makarating kami sa harap ng pinto ay hinarap niya ako. "Huwag mong sagarin ang pasensya ng ama mo," Banta niya sa akin at muling tumalikod. Binuksan niya ang pinto't naunang pumasok, at sumunod naman ako. Nang ilibot ko ang mga mata ay nahagip ng aking tingin si Manang Leonides, nakaharap siya kay Daddy at nakatalikod mula sa gawi ko.

Nagkatinginan kami ni Daddy, ngunit mabilis niya ring ibinalik ang tingin sa kaharap. Mula sa gilid ng aking mata ay nakita ko ang pag-upo ni Mommy sa katabing upuan. Lumakad ako palapit kina Manang, hinawakan ko ang kamay niya at nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay nakita ko ang pamumula nito.

"What are you doing, Daddy?" I can't hide my disappointment, I gaze upon him and he just stares down at me. "Manang Leonides is out of this, why is she here?"

"Is she?" Dad asked. "She knows you're with Hell-"

"Manang knows that because Hell brought me back here, but she's clueless that I was with him the whole time." I cut him off. "It's clear on the CCTV footage, check it. Better, ask the guard about it. Nagkita kami ni Hell sa Batangas,"

"Manang knows you took her sim card, from the time you left she knows you won't come back. She knows from the beginning that it's just an alibi yet she let you go," Narinig kong singit ni Mommy, bumaling ako kay Manang at nakita ko ang kanyang pagtango. I looked at Mom, and she just raised he right brow at me. "Don't dodge it, Hurricane... She already told us."

"Pasensya na, Aeryn... Atlas." Halos dasal na sabi ni Manang. Napayuko ako nang marinig ang boses niya, nakaramdam ako ng awa at hindi ko mapigilang sisihin ang sarili. Kanina ay nabanggit niyang hindi siya pinagsabihan, ngunit ngayon ay nakikita't naririnig ko na sa sarili mata at tainga. "Hindi sa nangingialam ako, naawa lang ako sa anak niyo. Pasensya kung nakapurwisyo ako,"

"Manang!" Bawal ko, nangingilid na ang luha at nanginginig na ang aking boses. Huminga ako nang malalim habang pilit na kinakalma ang sarili. "Even if you knew, I'm still the one who made that decision. Kahit po hindi niyo ako payagan, ipipilit ko pa rin. You shouldn't be sorry for what I've done, nevet apologize for me, Manang!" Tumulo ang luha ko't hindi na napigilan ang paghikbi. "Please, just go..."

"If Manang shouldn't apologize, then are you even sorry for what you've done? Truth to be told, I don't think you are, not even an ounce of apology..." Dad said, I let a long deep sigh while trying to compose myself.

"I'm only sorry because of Manang, Dad. But I made that decision wholeheartedly, I didn't hesitate to do it..." Before I could even finish speaking, Mom spoke. She cut me off.

"Manang, iwan niyo po muna kami. We'll talk about this later," I bit my lowerlip as I looked at Manang Leonides, she smiled a little as if she's telling me that it's alright. Bumaba ang kanyang tingin sa kamay ko, at sa huli'y wala akong nagawa kung hindi bitiwan siya.

"Pasensya po ulit, Manang." Marahan siyang tumango sa akin.

"Dapat lang," Rinig kong sabi ni Daddy. Hindi na ako nagsalita, tumalikod na si Manang at tuluyan nang lumakad palabas. Sinundan ko  siya ng tingin hanggang sa maisara niya ang pinto. "You should be sorry, you're not aware of what you can cause to someone, of what your impulsiveness and your reckless action can cause. Puro ka kasi damdamin."

Katahimikan ang lumukob sa amin matapos sabihin ni Daddy iyon, mula sa gilid ng aking mata ay natanaw ko ang pagtuwid ng upo ni Mommy. Nanatili akong tahimik, at hinayaan  silang pangaralan din ako tulad ng ginawa ni Manang Leonides kanina.

"You let your feelings take over your system, when you want to do something, you just go for it. You don't ask yourself if it's necessary, or what would happen next. Puros ka, gusto kong gawin ang bagay na ito at walang kahit sino ang makakapigil sa akin. Hindi mo man lang isipin, paano ang mga taong iniwan ko? Mag-aalala sila at hahanapin nila ako. Hindi mo ba naisip iyon?"

Napakagat ako sa aking labi, pinakinggan ko ang himutok ng aking ama. Pinaglalaruan ko ang laylayan ng aking suot, nakatayo siya sa aking harapan habang tingin ko ay nanatiling nakatitig sa sahig.

"Leave that attitude to your youth, and don't bring that until you grew up. Dahil lalagapak ka sa lahat ng desisyong gagawin mo, kung puros damdamin ang papairalin mo... dapat ay hindi laging puso, mag-isip ka. Hurricane, nag-isip ka ba noong ginawa mo iyon?" Dad continued, I nodded as a response. "Then it is a dumb decision,"

"Stupid, foolish, whatever it is. It's done, and I already did it. With all my heart, I ran away. At kung itatanong niyo kung nag-isip ba ako, totoong nag-isip po ako... ginusto ko po ang ginawa ko. Walang pumilit, walang nag-utos. Mahal ko po ang ginawa ko..." Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at isang matalim na tingin ang iginawad niya sa akin.

"Hindi sapat na gusto mo lang, na mahal mo lang!" Tumaas na ang boses ni Daddy. "Kahit gusto mo, kahit sobrang mahal mo pa! Kahit kailan, hindi magiging tama ang mali at mali ang tama."

"Tama ba ang ikulong ako rito? Tama ba ang desisyon niyong paghigpitan ako, na ikulong ako sa apat na sulok ng bahay na ito? Was it right, then? To seize my freedom?"

"And when did you learn complaining about being here? From the day you were born up until now, you live here. You only live with a Laurette for months, and that's it. Kailan ka pa natutong tumakas sa sarili mong bahay, gayong buong buhay kang nandito?"

"Simply because what you did is suffocating me, your decision isn't right, Dad!"

"So you think, what you did was right? Inisip mo na tama ka at mali kami kaya ka umalis, ganoon ba? Inisip mong sinasakal ka namin kaya niloko mo si Manang para makaalis at higit sa lahat, ang hindi katanggap-tanggap, idinamay mo pa ang mga kaibigan mo para lang makatakas ka!"

"Atlas," Mahinang tawag ng kanyang asawa ngunit hindi siya nagpatinag.

"Is that what you learned from Hell, huh? To talk back, to be impulsive in everything, and to be reckless? Bakit, tinuruan ka ba niya na kapag mahal mo ang desisyon mo, tama ka na? Na kung ano ang isinisigaw ng puso mo ay iyon na ang tama?"

"No, he didn't! Don't even get there, Dad! You are being too much!"

"Then why did you turn out this way? You were always righteous, Hurricane. You were never unreasonable, your actions and all of your decisions are always on point. So why did you turn out this way, how come you think like this and who changed you for the worst, Hurricane?"

"Daddy!" Nanginginig na ang aking boses at tila bawat segundong nagdadaan ay pahina nang pahina ang aking katawan. "Hell never changed me to be worst, if he changed me, he only changed me for the better! Why are you so obssessed of blaming him for all the worst goddamn things you could ever think of?"

"For the better, where? Hindi ko makita! He deserves all the blame! Paul, Charlotte, his family! All of them,"

Nangilid na ang luha sa aking mata dahil sa narinig. "You're the one being unreasonable, Dad! You have a very petty reason to loathe him-" My father cut me off by then.

"Bulag ka ba?"

Isang beses siyang humakbang siya palapit sa 'kin na siyang ikinaatras ko, mula sa gilid ng aking mata'y natanaw ko ang pagtayo ng aking ina. "Atlas," Bawal nito, kanina pa siya tahimik, bumaling sa kanya ang aking ama't agad itong umiling.

"Sabihin mo sa akin, anong karapatan nilang pagtangkaan ang anak ko? Anong karapatan nilang gamitin ang batang pinalaki namin ng walang bahid ng dungis, sinong nagbigay sa kanila ng karapatan na paluhain ka! Hindi ka namin pinalaki upang tratuhin ng parang ang  halaga mo lang ay nasusukat sa negosyo."

"Atlas!" Sigaw ng aking ina. Nang bumaling ako sa kanya ay nakita ko ang pagtayo nito, lumakad siya papunta sa aming gawi at sa isang iglap lang ay nailayo niya na si Daddy sa akin. "Don't even go there,"

Minsan ko lang siya makitang magalit, dahil hangga't maaari ay mas gusto niyang ayusin ang isang bagay nang hindi sumisigaw. Mas mahaba ang pasensya niya sa akin kumpara kay Mommy, siya lang ang taong kilala kong magaling magtimpi.

Hindi ko na napigilan, rumagasa na ang mga mumunting butil ng luha mula sa aking mata at dumaloy sa aking pisngi. Tinakpan ko ang bibig at tahimik na umatras upang makalayo sa kanya. Ang bigat sa balikat, parang pasan ko ang mundo.

"Bakit hindi, Aeryn? Tignan mo ang anak mo, pilit pa ring ipinagtatanggol ang batang iyon.
Hanggang kailan natin hahayaang isipin niya na kaya nating palagpasin iyon?"

"Just hold it for awhile, Atlas! Napag-usapan na natin ito, huwag muna ngayon! Kaya mas lalong nag-iinit ang anak natin, palagi niyang naalala ang batang iyon, ang nangyari, kaya't mas lalo niyang sinisikap na kumawala!"

"But why are we getting into that, now? How come we're talking about that now?" I asked that made them stop for a moment, and when I looked up to them, they were already staring directly at me. I let a long, deep sigh, trying to contain all the emotion. "When did we start talking about the Laurette's?"

"Let's get straight to it," Mommy said, trying to avoid my questions. Probably, she didn't expect it too. "I don't want you to-" From then, I cut her off.

"But, when did we start talking about them?" I asked again.

"Don't cut me off," My mother hissed.

I shrugged. "Una, ang kay Manang Leonides. Pangalawa, dapat ay hindi puros puso kundi pati utak. Pangatlo, ang katotohanang ayaw kong makulong dito. Pang-apat... Bakit tayo napunta kay Hell, sa mga Laurette? Hindi si Hell ang tumakas, ang anak niyo. Kaya bakit niyo siya idinadamay?"

Nagbuntong hininga ang aking ina at dahan-dahang napailing. "It is what it is, Hurricane! Why are you tracking down our discussion? Ano bang nakukuha mo sa pagtatanggol sa batang iyon?" Nakita ko kung paano tinapik ni Mommy ang braso ng aking ama.

"I'm defending him because you're dragging him into this, I'm resisting your attack made for him because you're putting all the blame on him and that's unreasonable!" Nahagip ni Mommy ang kamay ko't inilayo sa 'king ama.

"Let's drop it, go back to your room." Bulong niya sa akin ngunit mabilis kong nabawi ang sarili. "Hurricane, drop it..." Bawal niya. She's more like a referee now.

"Dahil iyon ang totoo, iyon ang dapat mong maintindihan."

"I understand that they have plans of taking over our holding and I understand that your greatest friends betrayed you. But you need to understand that Hell is out of this, 'cause all he ever did was to protect me, and all he ever was to protect my peace. Mom knows that, right?" I turned to Mommy, she looked at me then slowly nodded. It made me feel at ease. Somehow, I feel like I'm right when she agreed. "Alam niyo naman... pala."

"You're holding onto that, Hurricane? You're holding on that tight just because Hell once protected your peace, but now that he's not here?" Napakagat ako sa aking labi't iniwas ang tingin sa kanya. Ngayong wala na siya? "Katapusan na ba ng mundo at hindi mo na kayang ingatan at alagaan ang kapayapaan mo?" Hindi ko rin alam.

"Iyong kapayapaan na inalagaan ni Hell, iyon ang kapayapaan na isinugal ninyo." Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanila, binuhos ko na ang buong lakas ng loob upang tignan sila sa mata. "Ang kapayapaan kong isinugal ninyo, iyon ang kapayapaan na bukal sa loob at buong pusong iningatan ni Hell..." Sabi ko.

"Unbelievable," Dad whispered.

"You gamble my peace when you decided to put us in an arrangement, yet Hell protected me patiently. You gamble both of our peace, and Hell only thought about mine. Don't you realize that you gamble the life of your child even before the Laurette's decided to gamble theirs?"

"Anak..." Mom was about to say something when she stopped and just look at me, she looked shocked.

"You were preaching about making the right decision, you must have master it. So when you put us into an arrangement, iyon ang sa tingin niyong tama, hindi ba? Noong ipinasa ninyo ako kay Hell, iyon ang sa tingin niyong tama, hindi ba? When you decided that Hell was your first choice for me, and it was Tito Paul's last resort for him, you all think that it was the best decision right?"

"Then, your mother made a wrong decision!" Dad screamed again, Mom tapped his back to calm him but he was irresistible. "Huwag ka nang kumapit sa kanya, luwagan mo ang kapit sa kanya dahil mali ang ideya na iyon!"

"That's it!" I remarked. "Stop pointing fingers at someone else, because it all started with us and not him! Never blame Hell Laurette!"

"Atlas... please." Mom uttered. "Stop fighting you two. Go back to your room, now." It was almost a plea.

With Mommy's voice, I felt guilty. It'll only be an endless argument, if no one gives up, it'll just be exhausting. I slowly nodded to finally give up, I don't even know if it's still a worthy argument or if it's just an endless cycle. Dad wants me to understand him, yet he refused to understand my point too.

I was about to turn my back when Dad utter that made me look at him again.

"Hurricane, you're holding him so tight with nothing in between, peace will come if and only if you choose to loosen up your grip..."

"I'll decide on that," Marahil ay hindi pa iyon ang huli.

Continue Reading

You'll Also Like

29.9K 865 40
GUTIERREZ SERIES #2 (COMPLETED) Franz Riley Gutierrez a famous and successsful businessman. He owned many companies all over the world but he only d...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.4K 311 46
PARAGUA SERIES #1 Constantine Rania Ladinez was a young woman who left her home to seek the freedom that her parents have deprived. Thirsty to experi...
7.7K 382 34
Patty Delos Santos: the girl who sees the beauty of life despite the struggles she faced when growing up. Caleb Salazar: the guy who hated life after...