The Boy and The Boyish

By mikkgueella

505 39 32

It's not about their status in life, it's about the rocks they've been through. They might act tough on the o... More

Prologue
Boyish 1
Boyish 2
Boyish 3
Boy 4
Boyish 5
Boy 6
Boyish 8
Boyish 9
Boyish 10
Boyish 11
Boyish 12
Boy 13
Chapter 14

Boyish 7

37 4 0
By mikkgueella

----------

Lahat kami'y nataranta nang tumunog yung machine sa tabi ni Jennah. Tumakbo si Harvey at tumawag ng doctor. Nang dumating ang doctor ay agad niyang in-attend si Jennah at pinahintay muna kami sa labas ng kwarto niya.

Halos lahat ata ng mga santo napangalanan na namin. Napalapit naman kami sa doctor nang lumabas ito sa kwarto. "Stable na po si Jennah. Kailangan na po siya ng donor sa lalong madaling panahon dahil kahit nagigising na siya ay lalala ito kung hindi maagapan agad. Sige po." Umalis na ang doctor pagkatapos sabihin ang kalagayan ni Jennah.

Napatakbo naman kami sa loob at hindi mawawala ang alala sa aming mga mukha. That was her second call at kapag naging tatlo ay macocomatose siya.

Palagi kong iniisip si Kem dahil sa offer niya pero ayaw ko talagang maging unfair. Marami na siyang nagawa, ayaw ko namang sagarin with just one blow. And to think of it, ang kapalit ay maging kaibigan lang niya. Iyon ata ang pinakaworst na kapalit at alam kong sarcastic ako ngayon pero talaga ang kapalit niya ay sobrang simple. Hindi naman ako desperada kung ako man ang nasa posisyon ni Jennah pero hindi ako ang nakahiga, si Jennah.

"M-ma..." Napatingin ako kay Jennah na tumawag kay mama na nanghihina.

"Bakit, anak? Anong gusto mo? Kukunin ko lahat." Tanong ni mama habang patagong pinapahid ang luha. Siya ang pinakasensitive sa aming lahat. Madaling magalit, madaling magtampo, madaling ngumiti, madaling tumawa, at madaling umiyak.

"M-ma... gusto ko pong pumunta sa garden sa rooftop."

"S-sige isasama ka ni Jane papunta dun, okay lang ba 'nak?" Nanghihinang tumango si Jennah.

----------

"Alam mo ba nung naging magkapamilya tayo ang pinakamasayng araw na dumating sa buhay ko?" I smiled bitterly. Alam ko iyon dahil gustong-gusto niya na mayroon siyang kapatid mapamas matanda man sa kanya o mas bata.

"Hm-mmm." Tumatangong tugon ko kahit nakatalikod siya sa'kin.

"Ikaw ba Jane?" Nag-iinsist pa rin siyang tawagan akong Jane, walang 'ate'.

"Nung tinawag mo akong 'ate'." Napatingin siya sa'kin nang nakangiti.

"I'm so happy na kayo yung naging step-family ko. I would actually thought na magiging kontrabida ako o magiging kontrabida ka gaya nung Cinderella but it actually turned out the other way around." First time kung hindi nairita sa pag-eenglish niya tho mas may alam ako nun dahil sa'kin siya nagpaturo.

Napahigpit ang hawak ko sa wheelchair niya. Pinipigilan kong umiyak kahit sobrang sakit na sa lalamunan.

"We'll be here with you, Jennah. Don't worry. You see, ako yata ang pinaka-the best na 'ate'." We both chuckled at my comment. Dahil dun, I decided to find Kem and apologize and eventually do everything than just being his friend.

----------

Halos maubos ko na lahat ng kuko ko sa kakapanic ko dahil nasabi sa amin ng mga nurse na nauubusan na daw sila ng dugo. Natapos na ang operation ni Jennah pero yung kay Kem ay hindi pa dahil nagkamali yung doktor at dali-dali namang pinalitan ng doktor na nag-operate kay Jennah, yung personal doctor daw mismo ni Kem.

Actually, hindi naman talaga ngayon yung operasyon dahil halos lahat ng doctor sa general surgery ay pinapunta sa kabilang ospital dahil may sunog na nangyari malapit doon at maraming nasa kritikal na kondisyon.

"Hey, JDbih chill ka lang. Magiging okay din si Kem. Matibay yun eh, natiis ka nga niya yung surgery pa kaya?" Napahampas ako sa kanya nang wala sa oras. Nakuuuuuu pero salamat talaga at nandiyan siya kundi baka kanina pa naubos lahat ng kuko ko nito at baka ang pagpapanic pa ang ikamatay ko.

Napatingala ako nang may tumawag sa akin. "Jane?" Tawag niya ulit. Si doc pala.

"Yes doc?" Tumayo ako dahil parang hindi ako rumerespeto eh hehe.

"Ikaw ba yung may AB na dugo sa pamilya niyo?" Tanong niya.

"Opo doc. Bakit po?"

"Kailangan namin ng dugo mo dahil talagang mauubusan na kami. Isang pack lang naman iha." Aba AB din pala yung Kem na iyon? Bagay sa kanya ABnormal. 'Di iyan aapply sa'kin ah! 'Di ako abnoy oi.

"Sige po doc. Saan po ako pupunta?"

"Yung room malapit sa office ko, iha. Salamat talaga iha." Aba'y kahit ilang dugo pa ang ibibigay ko para lang mabuhay yung si Kem ano. Utang ko yung atay niya eh kung mamatay yun nakuuuuu mumultuhin siguro ako nun. 'Di ko pa naman siya pinapansin dahil ayaw ko siyang kaibiganin.

----------

Bastos talaga yung Harvey na iyon iniwan ba naman ako dito? Kaya ayun imbes na magiging optimistic yung paligid, naging down na ulit. Hayyyy kapag talaga hindi yun gumising si Kem aba'y talagang papaluin ko siya hanggang sa magising.

"Okay na po Ms. Alloña." Sabi sa'kin nung nurse kaya bumangon ako mula sa pagkakahiga at inalalayan nung nurse dahil nahalata ata niya na nahihilo ako. Syempre mahihilo ako alangan namang magiging hyper ako eh kinukuhanan ako ng dugo, isang pack pa ha.

Bumalik naman ako sa labas ng operating room ni Kem at natagpuan ko si Vey na natutulog sa upuan. Sheesh Vey magkakastiff neck ka na naman niyan pagkagising mo.

Umupo ako ng one chair apart sa kanya at ginrab yung ulo niya para pahigain siya sa lap ko na nakatihaya. Hayyyy naaawa na ako kay Vey. Parang pinapasan niya rin yung pasan namin kahit hindi man niya kami matulungan financially dahil pinigilan ko ay nandiyan naman siya nung mga panahong down na down kami. Siya yung nagpapasigla at nagpapatawa sa amin kahit sobrang lukot na yung mukha namin sa pag-aalala.

Tumingin ako sa relo ko at halos lumuwa yung mga mata ko dahil alas-tres na pala ng umaga. Halos hindi ako nakatulog ng dalawampu't apat na oras. Tho hindi naman ako inaantok.

Tumingin muli ako sa pintuan sa operating room.

Sana okay ka lang, Kem.

----------

Isang linggo na ang nakalipas simula nung surgery nila Kem at Jennah. Noong nakalipas na apat na araw ay nagising si Kem at sa loob ng apat na araw na iyon ay palipat-lipat ako ng room dahil sheesh ang kulit nung Kem na iyon. Sana nalang talaga hindi ko dinonate dugo ko. Juskwa talagang ito ang dahilan ng pagkakamatay ko. Condolences in advance ay tatanggapin ko ng buong puso mula sa inyo.

Noong nakaraang dalawang araw ay nagising si Jennah at talagang maraming utos ang pinapagawa ni mama sa akin kaya hindi ako nakabisita ng dalawang araw kay Kem kaya heto ako ngayon binabayad raw ang 'utang' ko na dalawang araw sheesh isip-bata talaga, kulit!

"Jane, kumusta na pala si Jennah? Baka kung ano nang nangyari dun ah. Pa'no na yung atay ko?" At talagang inaalala pa niya yun?

"Psh ako nga totohanin mo. May gusto kaba sa kapatid ko? Kanina excuse mo eh dahil baka napabayaan ko na siya kaya kailangan ko nang pumunta dun tapos ngayon, atay mo naman?" Inirapan ko siya. Sheesh habit ko talaga ang mang-irap 'di ko mapigilan eh lalo na sa mga makukulit gaya ni Vey.

"Gusto agad? 'Di ba pwedeng wala lang topic? Atyaka hindi mo rin naman ako sinagot kanina eh." Napapout niyang sabi. Binigyan ko siya ng nandidiring look na nakakaasar.

"Walang topic? Eh parang kanina kapa usap nang usap sa'ken. 'Di ka na nauubusan ng topic niyan?"

"Sunget." Bulong niya na rinig ko naman. Ang OA talaga nitong kulet na 'to sarap bigwasan.

"Hoy Kem kulet." Tawag ko. Sumeryoso yung mukha niya nung lumapit ako. "Alam ko namang naiintindihan mo ako nung tinanggi ko yung offer mo pero salamat talaga Kem at kahit ang sungit sungit ko ay hindi mo pa rin binabawi yung atay mo kahit hindi na iyon mabawi." Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko at ginulo ang buhok ko.

"Aigoo, Jane. Ofcourse naiintindihan kita and I truly accept your gratitude. Though simple lang yung kapalit ay alam kong parang desperado pa rin pakinggan. Alam mo bang may kaibigan akong babae nung bata pa ako? Both of you resembles a lot. The only difference is that, she's sweet and kind yet fierce. Ikaw nama'y kind yet fierce walang sweet haha." Sinamaan ko siya ng tingin kaya napa-peace sign siya. Hayyyy kung 'di lang cute.

"Kem! Bigyan mo nga ako ng unan." Tinapunan naman niya ako ng unan. Buti nalang nasalo ko. Lumakad ako papuntang sofa malapit sa bintana at humiga.

Magara ang kwarto ni Kem dahil VVIP siya. Sabi pa nga niya na i-VVIP niya si Jennah pero baka mas lalong magalit ako sa kanya kaya ayun Vini-IP lang niya.

Hayyyy.. sa Lunes ay babalik na ako sa school and eventually three weeks from now ay baka pwede nang ma-discharge si Jennah. Pero ang mas ikinabahala ko ay sa Martes idi-discharge si Kem. Yung akala ko na tahimik yung school life ko ay mas umingay pa.

Nararamdaman ko na ang antok at bago ako makatulog ay naramdaman kong may kumumot sa'kin. "S-salama-zzzzz.."

☆★☆★☆

Be well!!

S! V! C! ^-^

mikkgueella_sy

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...