The Boy and The Boyish

By mikkgueella

505 39 32

It's not about their status in life, it's about the rocks they've been through. They might act tough on the o... More

Prologue
Boyish 1
Boyish 2
Boyish 3
Boy 4
Boyish 5
Boy 6
Boyish 7
Boyish 8
Boyish 9
Boyish 11
Boyish 12
Boy 13
Chapter 14

Boyish 10

9 1 0
By mikkgueella

----------

"You..." tinuturo niya ako gamit ang hintuturo niya. Ang intense niya kung makatingin.

"Ang gwapo niya, kyaaaaah!"

"Diba siya yung freshman sa medical course?"

"Girlfriend niya?"

"Ano kayang nangyari?"

"Ba't galit si guy?"

"Ang taas nung guy kyaaaaah!!"

Ang daming tsismosa ah. "A-ako?" Tanong ko.

"Damn it." Hinila niya ako. Aba bastos din 'tong hinayupak na 'to ah. Sa'n ba niya ako dadalhin?

Huminto siya dito sa may garden. Teka dito ako namamalagi ah. Coincidence? Napatingin ako sa kanya dahil lumanghap siya nang pagkalakas-lakas tapos nilahad niya sa'kin yung kamay niya. 'Nong problema nito? Mukha ba akong may pera? Well, I'll take that as a compliment.

"W-wala akong pera. Huwag ka sa'kin manglimos." Napaiwas ako ng tingin. Nakita kong napakuyom yung kamay niya na inilahad niya.

"I'm not asking for money, idiot." I-idiot?! Sapakin ko 'to eh pasalamat siya mabait pa'ko. Nilahad niya ulit yung kamay niya. "My book." Ahhh.. libro lang pala--libro?!

"Hah?!" Niloloko ba'ko nito? Kailan pa'ko humiram ng libro sa kanya? Aba aba huwag na huwag mo akong pagbibintangan bakla ka.

"Tch." Hinablot niya sa'kin yung bag ko at hinalungkat.

"H-hoy! Magnanakaw ka 'noh? Oi bigay mo sa'kin bag ko!" Sinamaan niya ako ng tingin kaya napa-amo niya 'ko. Bwiset wala pa sa hinaba-haba ng buhay ko na na-under de saya ako.

Nang mahanap niya yung hinahanap niya ay ni-raise niya yun. "T-teka libro ko iyan!" Pilit kong inagaw yun sa kanya. Pero dahil alam kong 0% chance ay maabot ko ang height niya eh 'di ko na tinuloy.

"You were the one who stole it. You're the girl in the CCTV camera. I saw it. And I swear if anything's missing in this book, you'll pay for it." Pay?! Ay grabe siya sa pagkakaalala ko sabi ni Vey 600 pesos daw ang presyo nito sa mall. Ang mahal nun! Dalawang araw na sweldo ko na iyon!

"Libro ko nga kasi iyan kaya wala kang mahahanap na pag-aari mo." Naiiyak na'ko kasi libro ni Shakespeare yung kinuha niya. Niligpit ko iyong gamit ko na binagsak niya sa damo. Bastos talaga siya makakaganti din ako. Tingnan mo tataas din ako.

Finlip-flip niya yung libro tapos skin-an. Ako na yung naaawa sa libro ko. "Sh*t it's gone." Tiningnan niya ako kaya tiningnan ko rin siya. Ba't ba ang taas niya?! "Where is it?" Napa-"hah?' Na naman ako. Wala akong alam sa 'it'-'it' na iyan! 'Di kami naglalaro ng habulan! Okeh ako na korny. "The picture? The bookmark?"

"Eh? Wala akong bookmark diyan ano! Wala akong iniipit diyan. Ibigay mo nga lang libro ko!" Tapos nag-try na naman akong kunin pero tinaas niya kaya rumetreat nalang ako.

"I'm telling you, miss. This is my book. And you'll pay for what's missing." Sabi niya tapos umalis. Pay?! Wala nga kasi akong pera arrrrrggghhh! Teka, hoy! Libro kooooooohhhh!!!!

"Hoy berdeng buhooook! Libro kooooohhh!!!!!" Sigaw ko. Pero parang 'di niya narinig kasi tuloy-tuloy lang yung lakad niya. 'Di ko naman kayang humabol dahil hindi ko maiwan-iwan ang mga gamit ko.

"Nyeta. Libro ko *sniff*" wala na huhu naiiyak na'ko. Ang babaw ko lang kasi kahit na ang tough ng façade ko. Napatungo nalang ako habang inaayos yung mga gamit ko.

Yun na nga lang iyong librong naiwan ni mama bago siya namatay, nawala pa. *sniff*

Sinusumpa kong kukunin ko ulit yung librong iyon.

I hate you, Jake.

----------

Nandito ako sa room namin dahil magsa-start na daw yung acquaintance bunot bunot. Kailangan daw maipasa na yun the week before intramurals para makaprepare pa para sa events na sasalihan namin.

Pwede na daw namin simulan ang paghahanap pagkatapos namin bumunot at kung gusto namin na umuwi na ay pwede rin. Pero alam kong mostly sa kanila ay uuwi na kaya uuwi na rin ako. Baka umuwi na kasi yung hahanapin ko.

"Ms. Alloña." Napatayo ako nang tumawag si mam. Lumapit ako sa mga bowls kung saan may nakalagay na mga rolled papers.

Pinlano ko na magsa-start ako from the higher years down to the freshmen para naman first stop ko eh intense na haha para hindi na ako makakaabala sa mga lower years at para de-decrease yung nerbyos ko as the rank goes down.

Heto na bubunot na'ko. Nag-start akong bumunot sa freshmen up to the highest year level bago ako umupo at binasa yung papel.

Higher years - Shin, J.B., Class 5-C, Medical Technology

Senior year - Maquedin, Ao., Class 1-A, Accounting

Junior year - Ceñillee, R.D., Class 3-C, Food Technology.

Sophomore - Balili, V.A., Class 2-D, Business Management.

Freshman - Ansel, J.D., Class 4-B, Medical Technology.

Whooo! Buti nalang wala akong napiling taga-sports kundi 'di ko talaga alam kung paano sila iaapproach. Whew.

Well, nagpapasalamat ako na ka-course ko lang yung nakalagay sa senior year. Though, their gender is anonymous. May pathrill-thrill pa kasing nalalaman eh, malalaman din naman namin. Pero nakakahiya dahil dalawang beses akong hahanap sa medical building. Dalawa kasi sa course na iyon ang nabunot ko.

Yung mga natapos ng bumunot ay pwede ng lumabas kaya lumabas na ako pagkatapos kong ayusin yung mga gamit ko.

"JDbih!" Papunta sa akin si Vey. Kakatapos lang siguro niya sa pagbunot. "Buti nandito ka pa. Kala ko lumabas ka na." Sabi niya nang makalapit sa'kin. "'Lika na?" Tumango ako at inakbayan naman niya ako.

Hayyyy... sa susunod ko nalang 'to awayin. Naubos energy ko dun kay Jake. At oo naalala ko yung name niya dahil sa artista na nagngangalang Jake Cuenca. And don't mind the spelling kung mali dahil 'di ako marunong mag-spell ng pangalan.

Hinding-hindi ko kakalimutan ang pangalan ng lalaking kinuha ang isang bagay na importante sa'kin.

----------

Today is wednesday and it is... indeed a rainy day. Guess why? Ok nosebleed. So yun nalaman kong rainy day ngayon dahil ang dry nung carabao grass na nakalinya sa labas ng bahay namin.

Trivia for the day: kapag dry ang grass ngayong araw ay uulan ngayong araw.

Hehe okay nabasa ko lang iyon kaya inapply ko. Oh well, may dala naman akong payong araw-araw at jacket just in case. Habang hinihintay ko si Vey ay iniisip ko kung ano pa ang mga napansin ko sa mga nabunot ko. Actually last week pa'ko nagstart dahil tinamad ako at nung time na nagbunot kami ay wednesday yun. Nagpahinga muna ako ng two days tapos nung monday last week ay start na ng aking hunting.

It was funny dahil nung akala ko lalaki yung Shin, J.B. ay babae pala at talagang nagsaya yung kalooban ko dahil mas may maliit pa pala sa height ko. Madali naman kaming nagkasundo dahil super friendly niya. Napansin kong mahilig talaga siya sa black kahit ang girly niya tapos gusto niya ng coffee, brown coffee to be exact. Buti nalang talaga at observant ako't hindi ako masyadong nagtatanong.

Yung sa Maquedin, Ao. naman ay akala ko talaga typo lang iyong o sa Ao pero may kakambal pala siya kaya ayun Angelo at Angela pangalan kaya pala may o sa Ao. Then ayun super close sila ng kakambal niyang babae kahit lalaki siya tapos may pagka effeminate siya pero love niya ang football and lastly, love na love niya talaga ang mathematics kaya nagkasundo kami agad.

Yung sa Ceñillee, R.D. ay tataba ka talaga 'pag kasama siya. Super hilig niyang magluto yung parang kapag nakikita ka niya ay bibigyan ka ng isang box ng donut o di kaya spaghetti or any food na nagawa niya out of fun. May isang binigay talaga siya sa'kin na nagpaluha sa'kin. Isang box na nandun lahat. Flat spaghetti, cookies and cream shake, cheesy fries, fried rice, yung paborito kong chicken skin na minarinate at burger na maraming lettuce. May add-ons pa iyon ah. Cake na may libro na hulma at may nakalagay na Shakespeare. At ayun mahilig pala siya sa Shakespeare kaya yun ang naisulat niya.

Nung kay Balili, V.A. na ay matagal kong hindi siya naka-gaan ng loob dahil 'di ko siya gets. Nung nag-joke ako ng related sa math ay ayun pinapa-joke pa ako ng marami. Tawa lang siya ng tawa. Buti nga napatawa ko. Math lang pala ang katapat. Ang layo nga ng personality nila ni Vey. Kala ko pa naman pare-pareho lang sila ng pinag-iisip dahil same course, 'di pala. Kaya ayun imbes na two days lang ang maximum na interview ko sa kanila ay naging three days yung sa kanya lang.

At ngayon, hunting Ansel, J.D. na ako.

Effective din naman pala yung acquaintance thingy-thingy na iyan. Simula nung nag-hunting ako ay madami na akong natanungan at dahil dun ay marami na akong nakilala. Yung iba nga kinakantyawan pa ako haha.

"Ang lalim ng iniisip na'tin ah?" Napatingin agad ako sa likod ko. Ewan ko't na-miss ko 'tong mokong na'to 'di kasi nagpakita sa'kin ng dalawang araw kaya niyakap ko siya. "Woah! JDbih na-miss mo yata ako. Effective yung pagpapamiss ko haha!"

"Tch." Tiningnan ko muna siya sandali at inirapan pero niyakap uli. Uwaaaaahhhh ang sarap niyang yakapin ^3^

"Nga pala JDbih yung about nung Jake na yun, nagkasalubong ba kayo?" Napakalas ako sa yakap dahil sa tanong niya.

"Hayyyy kung sakali man ay baka lumiit pa yung height nun dahil kuuuuuuuuh! pupukpukin ko talaga ulo nun para lang makaganti. Kinuha niya Shakespeare koh!" Maktol ko na parang bata.

"Aruuuuumm!" Kinurot niya ang pisngi ko kaya sinapak ko. "'Lika na nga baka malate pa tayo." Buti pa 'tong si Vey natapos na niya ang autobiography niya at ipa-pass na niya ito mamaya. Baliw kasi itong isang 'to. Tanungin ba naman yung likes and dislikes? Napakapranka talaga haha.

Anyways nagba-bike na kami papuntang school at saktong isa lang ang klase ko ngayong umaga, 2 hours lang at 7 am magsa-start kaya may 3 hours pa ako para mag-hunting sa Ansel na iyan. At makikita ko na naman si ate Shin hihi.

"'Ge JDbih kita nalang tayo mamaya sa caf!" Talagang shinortcut ang cafeteria pero yung nickname niya sa'kin hindi =_= hayyy. Nag-wave lang ako pabalik.

"Jaaaaaaaaaaane!!!" Napapoker face ako at napatingin sa direksyon kung saan tumatakbo papalapit si Kem. Inakbayan niya ako pagkalapit niya. "Napanaginipan mo ba ako kagabi? Namiss kita eh! Hihi."

"Oo napanaginipan kita. Naging si annabelle ka." Bumagsak yung balikat niya at dahil bumagsak yun ay bumigat yung braso niya sa balikat ko.

"Serioso nga kasi Jane eh!" Nagmamaktol na naman ang bata hu-hu =_=

"Serioso din ako dahil ambigat na ng braso mo!" Kinuha naman niya agad yung braso niya pero niyakap niya naman ako. Hahayyyy mga taong walang ibang magawa =_=

"Ihhhhh Jane naman eh. 'Di mo ba ako na-miss? Isang linggo din tayong hindi nagkita *pout*" Isang linggo ko nga siyang hindi nakita. Busy ata eh. Nami-miss ko nga siya nung mga thursday pa pero ayun parang nakasanayan ko nang hindi siya nakikita.

"Psh nagpakita ka naman na nasanay na 'kong 'di ka nakikita. Hmf."

"Eh? So namiss mo nga ako? Yiiiihhh haha ang saya naman." And let him welcome to his dreamland. 'Di niya ata napansin yung bell dahil parang nada-drown na siya sa dreamland niya. Pinabayaan ko nalang at dumiretso sa room namin at baka malate pa'ko. Buti nalang late palagi yung prof namin ng 7 minutes.

Nang makarating na ako sa room namin ay pumasok na'ko at after mga 3 minutes ay dumating na din yung prof namin. Discussion lang naman at may konting activities din kaming pinapasagot ni prof. Fortunately, natapos din nang matiwasay yung class ni prof at lumabas na'ko para pumuntang medical building.

Paakyat na ako ng stairs sa medical building nang mapahinto ako sa nakita kong tao na pababa. Si Jake.

Napatingin siya sa'kin kaya napahinto din siya pero nagtuloy-tuloy din siya sa pagbaba at nilagpasan ako na parang hangin lang. Ouch hah. Hmf!

Dumiretso nalang ako sa taas at napalingon nang may tumawag sa'kin. "Oh kuya Lim!" Si kuya Lim ay yung boyfriend ni ate Shin.

"Haha ang cute talaga pakinggan ng kuya tapos apelyido mo yung tinawag at hindi pangalan. Nga pala anong ginagawa mo dito?" Sinabi ko naman sa kanya yung pinunta ko at nag-offer siya na tulungan ako na hindi ko naman tinanggi dahil kyaaah! Nakakahiya kaya *pout*

"So sino yung nabunot mo?" Tanong niya.

"Si Ansel, J.D. po class 4-B."

"Ahhh yung dean's lister? Ang talino nun Jane kung alam mo lang. Tara?" Yaya niya at napatango ako. Sana lang mabait yun. Sayang ang talino kung walang modo.

"Lalaki po ba o babae?" Tanong ko sa kanya.

"Hmmmmm... ah-eh hehe." Tumingin siya sa'kin na parang sinasabing 'di niya pwedeng sabihin. Hayyyy. Binigyan ko nalang siya ng sad look. "Malalaman mo rin naman--oh! Yun yung room nila." Tinuro niya yung room 13.

Hinatid naman ako ni kuya dun sa room 13 at nagtanong na din kung sino sa kanila yung Ansel, J.D. tapos sinabi nila na may kinuha lang daw sa baba at pabalik na din kaya inaya muna nila akong umupo. Ang babait naman nila. Iniwan na din ako ni kuya dahil may klase pa daw siya.

"Ano pala name mo?" Tanong sa'kin ng isang babae na may pagka-chubby tapos may nakaakbay na lalaki. Hmmmm.. first look, playboy. Second look, hindi medical student.

"Ah-Jane. Ikaw?"

"Natasha. Nat nalang hihi." Panglalaki nick name niya ah. Matapos niya akong kausapin ay marami na ding sumunod. Ano yun, initiation? Okeh.

"Oi Ansel! May naghahanap sa'yo!" Napatingin ako sa lalaking sumigaw at tyaka tumingin siya sa'kin. "Jane! Ito si Ansel, J.D. mukhang natapos na din ang paghihintay mo Ansel! Haha." Sabi niya sabay hila at inakbayan yung lalaking Ansel daw. Tumingala ako dahil ang taas niya at nakaupo ako. Nag-adjust muna ako ng paningin ko dahil nasisilawan siya sa araw na galing sa pinto. Nalito ako nang turuan ako ng lalaki. Nang finally ay naka-adjust na ako sa paningin ko ay napatayo ako nang gulat na gulat.

"YOU?!"

"I-IKAW?!"

☆★☆★☆

Be well!!

S! V! C! ^-^

mikkgueella_sy

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...