The Boy and The Boyish

By mikkgueella

505 39 32

It's not about their status in life, it's about the rocks they've been through. They might act tough on the o... More

Prologue
Boyish 1
Boyish 2
Boyish 3
Boy 4
Boyish 5
Boy 6
Boyish 7
Boyish 8
Boyish 10
Boyish 11
Boyish 12
Boy 13
Chapter 14

Boyish 9

14 3 0
By mikkgueella

----------

"Jennah! May load kapa?" Tanong ko kay Jennah pagkalabas ko ng kwarto namin. Naabutan ko siyang naglilinis ng kuko niya. Aba't ang bilis naman talagang gumaling nitong babaitang 'to.

"Meron, bakit?" Tanong niya nang hinihipan yung nail niya na may color.

"Patawag naman oh!" Hinagis niya cellphone niya kaya dali-dali kong sinalo. Bumalik ako sa kwarto ko para tumawag.

*ring* *ring* *ring*

Nakatatlong ring ito bago sinagot.

"Ehem, ehem! Jen? Bakit?" Uloy pala ito. Kala siguro na si Jennah yung tumatawag.

"Hoy kulet. Tigil-tigilan mo iyang pagpapacute mo sa call dahil hindi iyan nakakagwapo." Narinig kong parang nasamid siya kasi umubo-ubo pa eh. "Oh? Nyare? Nasamid sa sariling laway?"

"Oo nalang JDbih. Nga pala, ba't ka napatawag? Miss mo'ko noh?" At talagang tinutukso pa ako eh.

"Baliw. May napansin ka bang libro diyan sa bahay niyo? Yung paulit-ulit kong binabasa? Yung kay Shakespeare?" Tanong ko habang hinahalungkat yung mga gamit ko dahil hinahanap ko yung libro ni shakespeare. Nawawala kasi, paborito ko pa naman yun.

"Wala JDbih eh. Kakageneral cleaning lang namin nung sabado at wala akong nakitang libro na binabasa mo. Wala ba diyan sa bahay niyo? Baka nasa kwarto ng mama't papa niyo." Napailing ako kahit hindi niya nakikita. "O baka naman nasa skwelahan. Nadala mo ba yun dun?" Napaisip ako sa tanong niya pero parang hindi ko yun nadala eh.

"Vey, 'di ko matandaan eh. Paano ba iyan? Huhu 'di pa naman ako makapag-aral kung wala yun." Mangiyak-ngiyak kong sumbong.

"Diba tapos ka ng mag-aral?" Oo nga 'noh? Hehe pero pa'no na sa susunod na semester?

"Kung sabagay. Sige na Vey baka maubos ko ang load ni Jennah. Papatayin ako nun." Narinig ko pa ang tawa niya bago ko in-end ang call. Magta-tantrums na naman yun bukas dahil ako ang nag-end. Baliw talaga.

Makatulog na nga baka nasa skwelahan lang yun.

---------

Nandito ako ngayon sa mga shelves dito sa library at kanina pa'ko kinukulit ni Vey. "JDbih naman tingnan mo ang kalangitan, dumidilim na oh! Pa'no na iyong part-time job mo? Porket sa restaurant ni papa ka nagtatrabaho eh kailangan mo pa rin pumunta nang maaga dun." Napatingin ako sa relo ko. 5:30 na at 6:00 ang start ng shift ko. Kaya pa iyan si Vey lang naman ang nagpapabagal sa'kin.

Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ang paghahanap ko. Last nalang na shelf at su-surrender na ako. Nang hindi ko makita ay inimbita ko na si Vey na umuwi. "Tama lang iyan JDbih. Alam mo bang 15 minutes nalang ay male-late ka na talaga." Psh.

Naglakad na kami paalis ng library. Nilagpasan namin ang mga estudyante na nag-aaral, tumutunganga at naglalampungan. Hindi sa bitter ako ah. Sadyang hindi lugar ang library para sa date-date na iyan.

"*sigh* 'san ko ba yun nawala..." napatalikod ako nang may mapansin ako.

"Bakit JDbih, may nakita ka ba? Multo ba? Huwag mo naman akong takutin JDbih." Sinamaan ko siya ng tingin at lumakad papunta sa table kung saan may napansin akong libro na katulad nung sa'kin. Kinuha ko iyon at in-eksamin. Ito talaga iyon. "Oh! Diba iyan yon? Waaaaaw! Pinapahanap pa talaga tayo sa shelves eh nandito lang pala sa lamesa?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"Wala ka ngang ginawa kundi sundan ako kaya wala kang karapatan mag-reklamo diyan. Hmf!" Napa-pout siya sa sinabi ko. Eeeeeesh gusto kong kurutin ang mga pisngi niya. At ginawa ko nga at dali-daling tumakbo dahil nako kung alam niyo lang na grabe iyon mag-higanti. Dali-dali akong sumakay sa bike at nag-pedal. Nako nakakapagod maghabulan kay Vey. Whew!

Well atleast nakita ko na iyong libro ko sa araw na itey haha!

----------

Nasa hallway ako at kakatapos lang ng exam namin whoooo!

"JDbiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiih!!!!!!!!" Talagang mapapalingon ka sa sigaw na iyon o baka tili?

Nang makalapit siya ay akma niya akong yakapin kaya hininto ko siya gamit ang kamay ko na nakadikit sa noo niya na ikinaatras niya ng konti. "Sheeesh JDbih naman. Ang KJ mo! 'Di mo ba nakikita na ang saya-saya ko? Hihi." Nababakla na ba'to o ano?

"Ewan ko sa--"

"Jaaaaaaaaaaaaaaaaaaaane!!!!!!!!" Isa pa 'tong impaktitong 'to. Hininto ko rin siya gaya ng paghinto ko kay Vey pero natapilok siya dahil sa bato. Kaya imbes na sa noo niya maglalanding yung kamay ko eh sa noo ko. Napasapo ako sa sarili kong noo. Juskwa tataas BP ko nito.

"Hayyyy.. ewan ko sa inyo!" At iniwan ko na sila dun. Tinutulungang tumayo ni Vey si Kem. Aba bata lang? O baka naging bakla na talaga iyan si Vey at nagkagusto kay Kem? Ewan! Basta ang alam ko, gusto nilang mag-celebrate dahil tentenenen!

Tapos na ang prelim! Yehey! Napapikit ako sa kasiyahan dahil omo tapos na din ang isang kalbaryo ng quarterly exams. Tatlo nalang! Haha.

Actually, half day lang kami ngayon pero dahil daw may acquaintance special event daw kami ay kailangan naming bumalik sa mga rooms namin by 2:30. And since 11:21 pa ay standby muna. Realx, relax. Chill, chill. Dahil kakatapos lang ng exam.

May nakakausap akong senior nung nag-te-take ako ng exam since shina-shuffle kami tuwing exam pero same course. Baka daw may mag-cheat eh ang layo na nga ng pagitan ng mga estudyante sa room.

So ayun nga nagtanong ako about dun sa acquaintance chuba-ek-ek na yun. Sabi niya kakaiba yung acquaintance dito dahil talagang special na special event talaga. Dalawang special at talaga na iyan ah. Syempre nag-form ng ekis yung kilay ko. Kaya ayun nagpatuloy siya. Kung sa ibang schools ay makikipag-interact ka through party eh dito daw ay through autobiography. Magbubunot-bunot daw sa mga rooms namin. Five times. One sa freshmen, one sa sophomores, one sa junior, one sa senior at yung ikalima ay yung mga may courses na lagpas four years so kapag lagpas fourth year na sila ay in-as one sila para dumami naman. Ang konti lang daw kasi nila dun.

And obviously, I didn't get the idea kaya napatawa nang mahina yung senior na kausap ko. Pinagpatuloy niya ang pag-eexplain sa'kin. Yung nga nabunot namin ay may laman na mga pangalan from different courses. Surname comma initial sa name then class number and letter tapos course. Hahanapin daw namin yung nakalagay dun tapos makikipagkaibigan ka para mas makilala mo siya at nang may masulat ka about sa kanya sa autobiography paper na ibibigay sa'min tapos ibibigay daw sa kanya and then, ige-grade niya then ipapasa sa adviser namin. 'Di daw namin pwede malaman yung grade na binigay. Yung final na daw. Yung kukuhanin yung average nung limang grades tapos voila! Ayun may kaibigan ka na daw.

Halos mapunit yung mukha ko dahil sa naiisip ko habang in-eexplain nung senior yung event na yun.

BAKIT GRADED?!!!!!

Siguro napansin nung senior ang iniisip ko kasi napatawa siya nang mahina at tinapik yung balikat ko sabay sabing, "Good luck." Just... seriously?

ANG DAMI KONG PAGTATANUNGAN!

Lima pa talaga? Tapos kailangan mong makipag-close para may masagot ka sa pesteng autobiography na iyan.

Omo... iniisip ko pa lang iyan ah nahahaggard na ako. Aish! Badtrip naman oh!

BAKIT KASI GRADEEEEEED????? T___________T

Napasabunot ako sa buhok ko. Nakakahiya pa naman yun. Wala akong socialization feels! Hindi ako marunong makipagkaibigan uwahhhhhhh T^T

"Jane, okay ka lang?" Nakasunod lang pala sa'kin ang mga kulit. Binigyan ko nalang siya ng worried look.

"JDbih, naaawa ka na ba kay Kem? Dahil nadapa siya? Dinadamayan mo?" Binigyan ko siya ng straight face. Isa pa'to eh! Lumakad nalang ako papuntang canteen para kumain. Pero hinatak nila ako agad. Ano bang trip ng mga 'to?! Kitang nababadtrip ako sa lesheng acquaintance super duper special event na iyan!

"Tadan!" Napahinto ako sa pag-iisip at tumingala sa store kung saan kami nahinto. Nakayuko pala ako papunta dito.

"Barbecue-han? Waaaaahhh paborito ko 'to. Teka.." napaatras ako para tingnan kung may pera pa ako. Pinigilan ako ni Kem. "Bakit?"

"Libre ko *wink*" napa-nganga ako sa sinabi niya. Seryoso siya? "Oo, seryoso ako." At talagang binasa pa ako eh. Wala na akong nagawa dahil sigurado akong kukulit-kulitin nila ako hanggang sa pumayag ako.

Kakaiba yung lugar dito dahil talagang korea feels ito. May napanood ako dati, yung weightlifting fairy, Kim Bok Joo? Parang dito sila kumain nina Nam Joo Hyuk, yung kaibigan niya Tae Kwon ba iyong name niya? Tapos mga kaibigan ni Lee Sung Kyung, yung cute tapos yung boyish? Ah basta yung dalawang kaibigan ni Lee Sung Kyung. Yun yung time na nililibre sila ni Nam Joo Hyuk dahil daw tinago nila yung relationship nila. Ang OA lang. Edi mababaankrupt si Nam Joo Hyuk niyan? Haha buti nalang hindi.

So, heto kami kain lang ng kain. Masarap eh. Atsaka sabi ni Kem yung baboy dito ay hindi feeds yung pinapakain, yung dahon ng gabi, at iba pa. Organic daw kaya matamis. Totoo naman dahil matamis nga. Minsan lang ako makakain ng baboy dahil gulay family kami eh. May gulay ding tanim si papa kaya hindi kami masyadong bumibili ng gulay para lutuin. Ang hindi ko lang maintindihan eh kung bakit hindi ako tumataas gayong gulay naman ang palagi kong kinakain? Oo na't makinis yung balat ko. Maputi naman din. 'Di rin mataba, pero ba't ang liit ng height ko. Nung grade 10 pa ako dito sa height kong 'to eh.

"Jane kumusta exam?"

"Sisiw lang para kay JDbih iyan, Kem."

"Talaga? Waw magpapa-tutor na ako diyan sa susunod ang hirap pa naman ng general math." Ako ba'y chinichismisan nila?

"Hello! Nandito lang po ako sa harapan niyo. Baka gusto niyo pa akong pag-tsismisan?" Taas kilay kong tanong kaya napatahimik sila. Ang OA talaga nila. Hmf!

Busog na busog kaming bumalik sa school. Nagpaalam si Vey dahil may pupuntahan daw siya. Si Kem naman ay papuntang CR. Ano ako, nanay? Pinepermisuhan ako eh.

Habang sinisipsip yung straw sa sprite na nasa cellophane, ay humakbang na ako papuntang clinic. Balak kong matulog muna hehe. 'Di naman magagalit si ate nurse. Nakatulog na ako dun, once. Nakatulog kasi ako sa klase ko kaya ayun napagalitan at sinabing pumunta daw ako sa clinic para matulog. Ako naman si dakilang uto-uto ay sumunod sa prof namin. Tinawanan lang ako ni ate nurse at pinatulog.

Naglalakad ako sa corridor nang may nagtitilian. Uso pa pala ang magtilian ngayon? Ang OA ha. At dahil hindi ako tsismosa ngayong araw ay tuloy-tuloy lang iyong paglalakad ko. May nakita akong lalaking naglalakad papunta sa direksyon ko. At napataas ang kilay ko sa itsura niya. Galit kasi eh tapos parang nakatingin sa'kin--SA'KIN?!

Napatingin ako sa likod ko. Walang tao. Pagkaharap ko ay nakatayo na sa harapan ko si kamukha ni Midorima. Ano nga iyong pangalan niya? Jay? John? Job? Jack? Jill? Haha whatevs basta J.

Napaatras ako sa intense look niya sa'kin.

M-may nagawa ba-ba'ko?

Ni-raise niya yung kamay niya at tinuro ako. "You..."

☆★☆★☆

Be well!!

S! V! C! ^-^

mikkgueella_sy

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...