LYCA'S POV
di ko na lang pinansin ang presensya ni Sam...para iwas gulo HAHAHA ano daw
"Anyway, hayaan na natin siya. Baka trip nya lang din pumunta dito" sabi ni Luke
"Ya"
"Kamusta naman sa school nyo? Si Ac? Musta na?"
"Ayos lang naman. Start na ng intrams namin sa monday, kung gusto mo pumunta, punta ka."
"Sige try ko, exams ata namin next week eh"
"Nag-aaral ka ba talaga? Ba't di mo alam sched nyo?"
"Eh kasi ano....basta!"
"HAHAHAHA" sabay naming tawa
napatitig ako sa mukha nya
ang gwapo din pala netong si Luke 'no? I wonder kung sino ng gustong pormahan nito ngayon
"Wala ka bang ibang manliligaw?"
ang out of nowhere nung tanong ha
"Wala naman. Bakit mo natanong?"
"Ahh wala lang" tas ngumiti siya
KAINIS!!!
ang cute kasi niya -_-
at ayun, patuloy kaming nagkwentuhan ng tungkol sa dati hahahaha nakakaloka laughtrip lang
SAM'S POV
Sinundan ko sila Lyca at si Mr. banta (kasi binantaan nya nga ako dati na pag nalaman niyang wala na kami ni Lyca, aagawin niya) argh! Bwiset!
Paano ba nakilala ni Lyca 'to?????
Di ko alam na close pala sila netong lalaking 'to!!
Kung titignan mula ulo hanggang paa...walang wala naman yang panama sakin eh. Kainis!
Nakakairita pa lalong makita na ang saya-saya nila parehas. Tsss.
Tawa sila ng tawa sa kung ano mang pinagkekwentuhan nila
Kung titignan naman, fake naman ang tawa ni Lyca sus
Gusto ko sanang lumapit kaso diba nga, iwas nga daw.
Ang hirap ng ganto bwiset
Pero di ako susuko
Ihanda mo na ang sarili mo Lyca dahil pinaghahandaan ko na rin ang aking planong mapabalik ka sakin.
Gagawin ko lahat, bumalik ka lang sakin.
LUKE'S POV
kasama ko si Lyca ngayon dito sa cafe na lagi naming tinatambayan.
Hindi ko naman napapansin na ilang siya sakin kaya sobra akong natutuwa doon.
Ang ganda pa rin ni Lyca. Gunggong talaga yung Sam na yun, pano niya nagawang lokohin 'to? May tama ata yun eh!
Ang ganda niya...ang bait pa. Halos lahat na sa kanya na. Sa way ng pagkabigkas nya ng salita ngayon ay parang wala siyang pinoproblema
Pero halata pa din na nasasaktan siya
Lalo na kanina...kitang kita ko sa mga mata nya lahat ng sakit at pagmamahal nong nakita niya si Sam na pumasok ng cafe
Kung paano niya tignan si Sam..may parang feel na gusto niyang balikan siya ni Sam
Kaya ayoko na rin muna gumawa ng move..kasi alam kong mahal niya pa si Sam
At ayoko na ring iwasan niya ako.
Yun lang naman ang kinakatakot ko eh. Na baka pag ginawa ko yun, sa susunod na pagkikita ulit namin...hindi na niya ako pansinin
"LUKE!!!"
Ay shet. Di ko na napansin yung kinekwento ni Lyca
"Oh?"
"Anong oh?! Di ka naman nakikinig sakin eh. Problema mo?"
"Ahh wala, wala. Ano nga ba ulit yung sinasabi mo?"
"Wala. Katamad ng ulitin. Hahahaha. Tara, uwi na tayo. Pagod na ako eh"
"Sigesige"
pumunta kami sa parking, dala ko kasi ang kotse ko. Medyo nagulat pa ako kasi pa-gabi na rin pala. Gano ba kami katagal nag stay sa cafe? Di ko nahalata eh. Anyway, ayun nga, Ihahatid ko siya. nag commute lang daw kasi siya kanina.
pinagbuksan ko sya ng pinto tsaka ako pumunta sa driver's seat, bago ako pumasok ay napansin ko si Sam na kaka-labas lang ng cafe
Wow, kala mo hindi siya nahahalata sa pagsunod-sunod niya kay Lyca eh
Nung nakita niya akong nakatingin sa kanya, nginisian ko siya tyaka ako sumakay.
Wala lang, pang-inis lang. Hahahahaha.
"Tara?" tanong ko kay Lyca
"Sige"
Tyaka ko pinaandar ang sasakyan at hinatid na siya sa kanila
LYCA'S POV
"Thank you sa paghatid tyaka sa libre mo. Next time ulit. HAHAHA joke" sabi ko
"Wala yun. Oo next time ulit. Sama mo si Ac tyaka si Justin"
kilala din kasi ni Justin 'tong si Luke dahil nga..syota nya si Ac
Nakakacurious tuloy...kilala kaya ni Sam si Luke? Kasi sa pagkakaalam ko hindi ko naman nakwento si Luke sa kanya noon, hindi naman sa pagtatago, pero kasi, di naman niya tinanong kaya di ko na rin siguro na kwento HAHAHA but whatever
"Sige, alis na ako. Salamat din"
"Ingat ka"
tumango siya tyaka pumasok ng sasakyan nya at tuluyang umalis
pumasok na rin ako sa bahay
"Oh Lyca, bakit ngayon ka lang?" si mommy
"Nakita ko po kasi si Luke sa simbahan kanina, nagkayayaan po na kumain"
"Ahhh sige"
"Akyat na po ako mommy"
pumunta ako sa kwarto tyaka nagbihis ng damit
Naupo lang naman kami sa cafe....pero bakit parang pagod na pagod ako?
Ma-text nga si Ac na nakasama ko si Luke
To: Ac Bonifacio
Nakasama ko nga pala si Luke kanina, share ko lang. Kumain kami dun sa tambayan.
Sent ✔️
*ting ting* (tunog yan kapag may nag text ano ba, wag kayong ano)
From: Ac Bonifacio
wow ang bilis mag reply ah
Maduga kayo!! Di kayo nag yayaya. Huhuhu tampo na ako :(
Ay ang arte HAHAHA
To: Ac Bonifacio
Biglaan lang din kasi. Pinapasabi niya na next time na lang daw. Sama mo na din daw si Justin.
Sent ✔️
*ting ting*
From: Ac Bonifacio
sureeeeeeee! Pero dahil di nyo man lang ako naisipang i-text kanina, kekwentuhan mo ako kung anong pinag-usapan nyo sa monday!
Tsss, kwento lang talaga okay na kay Ac eh HAHAHA
To: Ac Bonifacio
Oo na, oo na.
Sent ✔️
*ting ting*
From: Ac Bonifacio
Yayyy!
Tapos di ko na siya ni-replyan. Sayang pagod hahaha joke
Hayyyyy
Makatulog na nga. Sana bukas eh pahinga na lang muna.. napagod ako para sa ngayong araw kahit wala namang halos nangyari
/end of chapter 14/
AUTHOR'S NOTE 🖇
don't forget to click the star button to vote for every chapter that I will published. Judge the story right after seeing the epilogue. Thank you and see you on my next update! ✨😊
-writrix