Chapter 1

793 38 1
                                    

LYCA'S POV

'...ikaw talaga yung mahal ko' AISH LETSE!! Tatlong buwan na ang lumipas pero bakit tandang-tanda ko pa rin kung paano mo unang sinabi sakin na mahal mo ako! BAKIT HA! BAKIT!!

"Lyca..."

Tandang tanda ko pa kung paano kuminang yang mga mata mo, habang binibigkas ang mga salitang yun. Put@&/!#

"Huy, Lyca!"

Dito, dito mismo sa canteen na 'to. Saksi ang parte ng school na 'to kung paano mo inamin ang nararamdaman mo sakin! Letse! Bakit ka ba kasi...

"LYCA GAIRANOD!!!!!"

"Ay umamin!"

"Kanina pa kita tinatawag! Ano bang nangyayari sayo?! Atsaka anong umamin? Sinong umamin?"

"Wala Ac, may naalala lang." naalala ko yung ugok kong ex pero kahit ugok yun, mahal na mahal ko pa rin at nakakaletse na ng buhay!!

"Sus, si Sam na naman. Kada punta na lang natin sa kahit anong sulok ng eskwelahang ito, Sam na lang lagi. Ano ba kasing nangyari sa inyo't bigla na lang namin nalaman na si Mitch na yung jowa ni Sam. Ano ba talagang nangyari, huh?"

"Bakit mo nga pala ko tinatawag kanina?" pag iiba ko ng usapan. Ayoko ng pag-usapan pa yung tungkol dun; Ayoko ng malaman pa nila kung anong nangyari.

"Eh kasi nagtext sakin si Justin, kakain daw kami after class. Pwede ka bang sumama?"

"Sinong kasama?"

"Kasama si Sa—"

"Ayoko."

"Eh sige na Lyca! tyaka jusko, tatlong buwan na simula nung nagbreak kayo. Move on, move on din."

"Ayoko nga sabi eh."

"Sige ka, pag di ka sumama sasabihin ko sa kanila na mahal na mahal mo pa rin si Sa—"

"OO NA! OO NA! SASAMA NA!!"

"Yun eh! The best ka talaga." palibhasa may pang blackmail sakin! -____-

as much as possible, iniiwasan ko talaga si Sam although hindi malabo na makasalubong ko sya dahil parehas lang naman kami ng school na pinag-aaralan at isa pa, boyfriend nitong si Ac si Justin na bestfriend ng ex ko.

Kaya whenever na may gala kagaya na lamang ng mangyayari mamaya, I really have to act okay. Kasi yun yung alam nila eh. Na okay ako. Na naka move on na ako. Diba, sinong matutuwa sa ganitong sitwasyon nila sa buhay?

F L A S H B A C K

*a week after naming mag break ni Sam*

"Lyca, you're excused by Mr. Shoaf" sabi nung teacher namin.

WOW, ano pa bang kailangan neto? Matapos nyang makipagbreak sakin..grabe talaga, grabe. Kaya kahit labag sa loob ko, lumabas ako ng room. Pero di ko tinignan si Sam. Bitter na kung bitter, wala akong pake.

"Lyca, tignan mo naman ako oh." wag kang titingin Lyca, wag kang titingin..

"Lyca..." SUWAIL NA MGA 'TO BAKIT NYO TINIGNAN!!

"Ano pa bang kailangan mo?" walang emosyon kong sabi sa kanya.

"Magpapaalam lang sana ako."

"Paalam"

"Hindi, hindi.. papaalam lang sana ako, kung pwede ko bang ligawan si Mitch." anak ng tupa nga naman talaga oh. Matapos mo akong saktan, ganyan ang sasabihin mo sakin. Wow Sam, respeto naman sa nararamdaman ko!

"Ligawan mo."

"Okay..natanong ko lang talaga. Akala ko di magiging okay sayo eh." malamang Sam, di talaga okay sakin yun!! 1 week pa lang ang nakalipas simula nung nag break tayo. tang@#&!

"May sasabihin ka pa ba? May klase pa ako eh."

"Wala na. Sa-salamat" tss pa utal-utal pa.

"Ge."

END OF FLASHBACK

Doon nila simulang inassume na okay na ako. kasi ang basehan nila ng 'okay na ako' ay yung magawa ko daw kausapin si Sam ng hindi umiiyak sa harap niya.

At simula noon, nagpanggap na talaga akong okay sa kanila. Mahirap, oo. Pero wala eh. Kailangan kong ipakita na ayos lang, kahit hindi. Na matatag ako, kahit gusto ko ng mag collapse sa sobrang sakit.

"Lyca, tara na. May klase pa tayo."

"Sige"

/end of chapter 1/

AUTHOR'S NOTE 🖇

Don't forget to click the star button to vote for every chapter that I will published. Judge the story right after seeing the epilogue. Thank you and see you on my next update! ✨😊

-writrix

LimitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon