Chapter 2

621 32 0
                                    

LYCA'S POV

Kanina pa ako badtrip na badtrip kasi ang buong akala ko ay kami ni Ac, Justin at Sam lang kaso kasama pala si Mitch. Wow, fifth wheel ako dito, ganon? Di nyo man lang ako ininform na double date pala 'to. -_-

Nandito kami ngayon sa isang ice cream shop kasi nag crave si Ac sa ice cream. Kakain lang namin sa coffee shop na pinuntahan namin kanina nyan ah. Pero umorder na rin kami. Anong lagay? Sya lang ang pwedeng mag ice cream?

"Ikaw Mitch, anong gusto mo?" tanong ni Sam. Psh, akala mo di nagawanh manakit ng taonsa inaasta nya oh.

"Kung ano na lang sayo" at umorder sya ng dalawang cookies and cream flavored ice cream. Cheap 😒

"Selos?" mapang-asar na tanong netong si Justin.

"Tch, hindi ah"

"Sige, sabi mo eh." tas ngumiti pa ng bahagya, tsss -_-

"Buti okay lang sayo bumalik sa ice cream shop na 'to?" biglang tanong ni Ac

"Bakit naman hindi?"

"Eh kasi syempre, madalas nyo 'tong tambayan ni Sam. You know, memoriesssss" hay nako Ac, wala talagang preno sa pagsasalita? malapit lang satin pinag-uusapan natin oh

"Ahh. Ayos lang, sus" atsaka, dahil lang don? Sus, masarap ang ice cream dito. Di ko 'to pagpapalit dahil lang sa pinagpalit na ko netong si Sam, tsss.

"Uwi na tayo" yaya ko sa kanila matapos naming makuha lahat ng orders namin

"Bakit? Di mo na matiis tignan ang sweetness ng dalawang taong nasa harap mo?" pang-aasar netong si Justin -_-

"Hindi. Pagod na kasi ako, tyaka marami pa akong gagawin."

"Sige, sabi mo eh hahaha" psh

Hinintay ko silang makasakay ng jeep tas naglakad na ako, malapit lang bahay namin sa ice cream shop na 'to kaya naglakad na lang ako. Di rin naman masyadong mainit kaya go na.

Pag-uwi ko sa bahay, actually, wala naman talaga akong gagawin, di ko na kasi ma-handle yung emotions ko. Naiinis ako na naiirita na nagseselos. Ewan ko!

Sino ba naman kasing matutuwang makita na yung ex nila sobrang saya na sa iba samantalang ikaw, nagmumukmok pa diba?! Naiiyak ako!!! Sa inis.. Sa selos.

Bakit ba kailangan mo pang ipamukha sakin na okay ka na ha? Sam?! Bakit?! Respeto naman oh, naging bestfriend kita for heaven's sake bago naging tayo kaya sama man lang kinonsidera mo yung nararamdaman ko!! Bakit ba kailangan pang mangyari 'to! di ko na alam gagawin ko...balikan mo na kasi ako Sam, mababaliw na ako. T.T

SAM'S POV

Na-enjoy ko ang araw na 'to with friends :) (di pa kami ni Mitch, kaya kino-consider ko pa lang sya as friend)

anyway, pero ewan ko ba, may parte sa katawan ko na namimiss na si Lyca. Parang ibang-iba na sya. Ni hindi ko manlang nakita na ngumiti siya kahit isang beses lang.

Sabagay, di ko siya masisisi, kilala ko si Lyca at kahit di niya pinakita, alam kong nasasaktan sya dahil sakin, dahil sa ginawa ko.

Sorry Lyca. Kung may magagawa lang talaga ako para mabawasan yung sakit na nararamdaman mo, kaso wala eh, ako nga ang dahilan kung bakit nasasaktan ka ngayon.

You recieved a message from Kim
Kim: Sam?

You: Oh? Napatext ka? Musta?

Kim: Break na kami ni Zack.

You: Ano?! Kelan pa? Bakit?

si Kim ay matalik na kaibigan namin nila Lyca, matagal ng may gusto si Zack kay Lyca kaso ay kami pa nung mga panahon na yun kaya natutunan nyang mahalin si Kim na mahal na mahal sya.

Kim: Kanina lang. Dahil kay Lyca.

You: Bakit?! Anong ginawa ni Lyca?

Kim: Wala naman siyang ginawa, bumalik lang talaga yung feelings ni Zack kay Lyca :( Sam, tulungan mo naman ako oh. Ayoko mawala si Zack sakin. Please, Sam.

You: Paano naman kita matutulungan?

Kim: Magpanggap kayo ni Lyca na mag-jowa ulit.

You: ANO?! Kim, mahirap yang pinapagawa mo!

Kim: Sige na Sam..please, di ko talaga kakayaning mawala si Zack sa buhay ko.

You: Eh paano naman si Mitch? Nililigawan ko siya, baka akalain niya, niloloko ko lang sya. Wala na ba talagang ibang paraan?

Kim: Wala na akong ibang maisip na paraan eh..Sam, please. ikaw na ang bahalang magsabi kay Mitch.

You: Sige, payag na ako. Ang kaso, mapapapayag mo ba si Lyca?

Kim: Salamat Sam! Ako na ang bahala kay Lyca. Salamat!

You: Tyaka ka na magpasalamat, kapag gumana na ang plano mo.

Madaming masasaktan sa planong 'to ni Kim. Pero di naman kaya ng konsensya kong makita na nagmamakaawa na syang tulungan ko tapos di ko tutulungan.. Hay, ieexplain ko na lang kay Mitch, maiintindihan naman siguro niya.

LYCA'S POV

Kimverly is calling you...

"Oh Kim, napatawag ka? Kamusta?"

"Gusto ko lang sabihin na pumasok ka ng maaga bukas. May sasabihin ako."

"Ano naman yun? Bakit di mo pa sabihin ngayon?"

"Mahirap ipaliwanag sa telepono eh. Bukas na lang! Bye!"

*toot* *toot* *toot*

Ano naman kayang nangyari't kailangan ko pang pumasok ng maaga para sa sasabihin niya? -_-

/end of chapter 2/

AUTHOR'S NOTE 🖇

Don't forget to click the star button to vote for every chapter that I will published. Judge the story right after seeing the epilogue. Thank you and see you on my next update! ✨😊

-writrix

LimitedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon