Chapter 3

566 29 1
                                    

LYCA'S POV

Lintek! Lintek na buhay nga naman talaga oo. Kelan ba isasang-alang ala ng mga tao ang nararamdaman ko ha? Di pa ako nakakamove on sa nangyari sa relasyon namin ni Sam...tapos, kailangan namin magpanggap na nagkabalikan, na mag jowa ulit para bumalik si Zack kay Kim? anong kaululan yun?!

bwiset ka naman kasi Zack!! Ituon mo na lang kay Kim ang nararamdaman mo! Di kita gusto! punyetang buhay 'to! Di ko pa kayang makasama ulit si Sam kahit na pagpapanggap lang yon!

"Umagang-umaga nakabusangot na yang mukha mo. Ano bang nangyari?" sabi sakin ni Ac pagdating ko ng room.

"Kailangan namin magpanggap ni Sam na mag jowa ulit para magkabalikan si Zack at Kim"

"Ano?! Pano nangyari yun?!"

"Shh ka lang, baka marinig ka ni Zack" si Zack ay kaklase namin nila Ac. Si Justin, Sam at Kim naman ang magkakaklase.

"Oh ano nga, bakit?? Bakit kailangan niyong mag panggap?"

"Bumabalik yung feelings ni Zack para sakin nung nalaman niyang wala na kami ni Sam, dahilan kung bakit nag break sila ni Kim"

"Pumayag ka naman! Baliw ka din eh!"

"Naawa ako kay Kim.."

Flashback sa nangyari kanina

Pumasok talaga ako ng maaga kasi nga sabi ni Kim may sasabihin daw sya sakin kaya kailangan kong pumasok agad. Pagdating ko sa school, pinuntahan ko kagad yung room nila.

"Oh Lyca, ang aga mo ngayon ah?" Bati ni Alonzo..bestfriend ni Justin at Sam na medyo close din namin. Silang dalawa ni Justin ang tanungan ko kung anong gagawin kapag di kami okay ni Sam.

"Ah kailangan eh. Si Kim? Nandyan ba?"

"Pumunta ata sila sa cr ni Aisha eh."

"Ah sige, salamat."

pumunta ako ng cr kasi nga nandun daw si Kim..wag nya sabihing sa cr kami mag uusap? ang weird huh. Ano ba kasing nangyari!

"Lyca..." nagulat ako kasi pag dating ko sa cr, umiiyak na si Kim. Mugtong mugto na yung mata nya. Ano bang meron?!!!

"Bakit ka umiiyak?"

"Alis na muna ako. Usap muna kayo." Singit naman ni Aisha tyaka umalis.

"Break na kami ni Z-Zack"

"Ano? Bakit? Anong nangyari?!"

"Bumabalik daw yung feelings nya sayo."

"WHAT THE HELL!"

"Lyca, may na-naisip ako na paraan, para sana m-magkabalikan kami..pwede ka bang p-pumayag?" Pahikbi-hikbing utal niya, hirap na syang magsalita kaka-iyak niya.

"Ano bang gagawin?"

"Magpanggap kayo ni Sam na mag jowa ulit."

"ANO?! Hilo ka na ba?! Masyadong mahirap yang pinapagawa mo!"

"Please...L-lyca.. Di ko kakay-yanin na iwan ako ni Z-Zack, please.. I'm b-begging you."

tumahimik ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko. Mahihirapan lang ako kung ganon ang mangyayari..kaso si Kim, naaawa ako kay Kim. Masyado syang nasasaktan dahil sa nangyari sa kanila. Letse! Paksh't na buhay to!

"Lyca..please."

"Oo na. Payag na 'ko. Ayusin mo na yang sarili mo, malapit ng mag start ang klase, sige na, mauna na ako sa inyo."

"S-salamat Lyca! Promise, kapag di g-gumana yung plano, h-hinto na kayo. Salamat."

"Sige na."

ang totoo, hindi pa naman talaga magsstart ang klase. gusto ko na lang muna magpahangin saglit, bago pumunta sa room. Di ko ata kinaya lahat ng nalaman at nasabi ko. Sinamahan ko muna siya saglit tyaka ako umalis para magpahangin...

end of flashback

"Yun, kaya ako pumayag. Naaawa ako kay Kim at ayoko na rin naman maattach pa si Zack sakin. Alam mo kung sinong mahal ko Ac. Ayaw ko lang sya umasa at masaktan pa." Mahabang paliwanag ko sa kanya.

"Sa sarili mo di ka naaawa?! Palibhasa ang bait mo masyado! Iyakan ka lang ng tao, di mo na matanggihan sa gusto! At isa pa yun! Mahal mo pa si Sam! Baka mamaya dahil sa pinaggagagawa nyo, mamisinterpret mo pa ang kilos ng bawat isa! Atsaka anong ayaw syang masaktan? Bakit? Kapag nalaman nya bang nagpapanggap lang kayo para sa relasyon nila hindi masasaktan si Zack ha?!!! Para nyo na syang tinanggalan ng karapatan!" mahabang sermon ni Ac, ganyan talaga sya kapag nag aalala. Nagagalit. Lalo na kapag alam niyang may mali sa ginawa mo.

"Bahala na..bahala na talaga"

Di ko na alam kung paano ko pa nagawang makinig sa klase..or kung nakinig ba talaga ako sa klase? Ang lutang ko. Di ko alam kung anong gagawin.

Gusto kong mag back out sa planong sinasabi ni Kim kaso naaawa ako para sa kaniya, kaibigan pa rin namin siya no. Kung eto lang ang paraan para makatulong sa kaniya, sige lang. Mahal na mahal niya kasi si Zack. Di ko naman kaya na dahil lang sa nararamdaman niya para sakin, maghihiwalay sila...bahala na, bahala na talaga.

"Lyca, tawag ka ni Sam" sabi ni Ac.

"Sige, excuse muna." lumabas ako ng room, iniwan ko muna silang naglilinis, pinuntahan ko si Sam na nasa labas daw. Alam ko na kung anong pag-uusapan namin...

"Lyca, nasabi na ba sayo ni Kim?"

"Oo."

"Pumayag ka?"

"Oo." Nagulat sya. Halata sa mga mata nya na masaya sya nung sinabi kong oo.

Ano ba yan Sam, wag mo naman akong bigyan ng dahilan para magmakaawa sayong totohanan na lang— ay leche ano ba 'tong pinagiisip ko.

"Sorry Lyca ah. Nasaktan kita!" Nagtaka ako kasi biglang lumakas yung pananalita niya. Problema neto?!

"Sorry" hinawakan niya yung kamay
ko!! Hinawakan nya yung kamay ko!! Packing tape!! Anong meron?!?!?

"Okay lang yun. Anuba." Ayaw niya pa ring bitawan yung kamay ko, ano ba Sam? Ano ba!

nagulat ako nung makita ko si Zack na pumasok ng room...kaya pala..kasi nandun si Zack. Kaya biglang naging sweet.

Tss, wag ka nga mag assume Lyca! Pag papanggap lang 'to! Tinanggal ko na yung kamay ko sa pagkakahawak niya..halata namang nagulat sya sa ginawa ko, ano ba, puro gulat na lang ha?

"Wala na si Zack, di mo na kailangang umarte."

"Ahh o-oo nga. Sige."

"May sasabihin ka pa ba?"

"Wala na."

"Sige una na ko. Maglilinis pa kami ng room eh."

Di ko na hinintay pa yung sasabihin niya, umalis na ako agad. 1 day down, more to go. Tss.

Simula pa lang 'to Lyca..madami pa kayong gagawing kaululan. Lagi mong itatak sa kokote mo na gagawin nyo lang 'to para magkabalikan si Kim at Zack, wag ka mag-assume! Hindi to tulad ng napapanood mo o nababasa mo na dahil sa ganito, nagkadevelopan yung nagpapanggap, hindi ganon yun!! Malabo pa sa malabo mangyari yun!

/end of chapter 3/

AUTHOR'S NOTE 🖇

don't forget to click the star button to vote for every chapter that I will published. Judge the story right after seeing the epilogue. Thank you and see you on my next update! ✨😊

-writrix

LimitedWhere stories live. Discover now