~*~
(Frank's POV)
Hinayaan ko munang magpahinga ang mga binatang iyon sa isang liblib na silid sa palasyo. The King wouldn't mind though, pero ibang usapan na ang mga katulong rito.
Napagdesisyunan kong bumaba muna papunta sa aking ama kung saan madalas syang gumagawa ng makapangyarihang mga sandata gamit ang mga itim na damdamin ng mga mages rito sa mundo. Bakit nga ba sila nataguriang itim? Dahil may matibay na poot sa kanilang puso.....at bakit ako naiiba? Sapagkat ang puso ko ay hindi nabibilang, ang puso ko'y malinis kumpara sa kanila. Ang aking puso ay nasa pagitan ng dalawang kampo. Ang aking katapatan ay nasa aking bayan ngunit ang aking puso ay kabilang sa kalaban.
Mahirap ba intindihin? Pwes......mahirap ipaliwanag.
"Anak."
Napangiti ako ng makita ko kung paano napangiti ng matamis ang aking ama bago tumungo papunta sa akin.
"Ikaw talagang bata ka kung saan saan ka pumupunta. Diba sinabi ko na sayong tulungan mong mag-alaga ang hari sa kanyang anak?" Sermon sa akin ni ama bago nya ako bigyan ng isang mahinang hampas sa aking ulo.
Seryoso? Nananakit sya ng bata. Tss.
"Kakaalis ko lamang ho roon. Hinahanap na kasi sya ni Cashmere kaya pinuntahan ko ang hari sa silid parusa."
Agad din akong napatakip ng aking bibig nang mapagtanto ang aking sinabi.
"S-Silid parusa?" Pag-uulit nya.
Mariin ko na lamang na nakagat ang aking ibabang labi. Hindi ko rapat sinabi ang gayong bagay, dahil tyak na malalaman rin nya kung anong mayroon sa mga bwisita.
"Anong ginagawa ng hari sa silid na iyon?"
Hindi dapat ako madulas. Hindi ko dapat sya sagutin sa kanyang katanungan. Huhuhuhu. Patawad ama.
"Ayaw mong sagutin ang aking tanong Jefferson."
Mukhang mahihirapan ako rito. Ginamit na nya ang pangalan kong iyon. Can I say some bad languages?
"Frank Jefferson Ice." Madiin at may pagbabanta nyang sambit.
Napapikit na lamang ako. This is torture........for a kid like me.
~*~
(Patrick's POV)
Tahimik lamang akong nakikipagtitigan sa kisame. Seriously dude? This is hilarious!
"I'm not crazy I'm just......" Pakantantang sambit ni Matthew habang sinasabayan ang aking pakikipagtitigan sa kisame.
We're hopeless. Mapagkakatiwalaan ba talaga ang batang yun?
"I can't think properly anymore guys." Wala sa sarili nang sabi ni Matthew.
He's not alone you know.
"Me too."
Nagulat ako sa pagsang-ayon ni Cap. Pati ba naman sya? Jusko. Wala na talaga kaming pag-asa.
"Chill guys. We just need to fulfill our missions and tasks here.......and we will definitely go back." Pampapalubag loob ko sa kanila.
Sabay sabay kaming napabuntong hininga. Paano nga pala kami magsisimula kung sa umpisa pa lang nasa teritoryo na kami ng aming kailangan?
Hindi man lang kami binigyan ng time para makapagplano.
But wait! Bakit na nga ba ako tumakbo sa kakahuyan kanina? Ugh! Bat ba kasi kumilos ng mag-isa ang mga paa ko nun nang hindi ko naman inuutusan at sundan sila? This is frustrating. Buti nga kumagat ang mga palusot namin.
Sigh.
"Paano natin sisimulan ang misyon?"
"Tutulungan daw tayo nung batang yun hindi ba? Kaya mas mabuting hintayin na lang natin muna sya." Sagot ko sa tanong ni Cap.
I can't believe this! Ako ang sumagot sa tanong nya! Okay. Focus Patrick. Focus.
"Kung misyon nga ba to kung matuturing. We just need information about that demon-------"
Naputol ang sinasabi ni Matthew nang may kumatok sa pintuan. Nagpresinta akong ako na ang tatayo at magbubukas.
Malapit pa lang ako narinig ko na ang mga boses na nagtatalo bago magbukas ang pintuan ng napakalakas. Woah! Chill mga men.
"You, you and you! Meet me in my office." Duro sa amin isa isa ng Dark King bago mabilis na lumabas.
Bakas sa mukha ng batang Frank na naiwan ang mga matang nangangamba.
Mukhang alam ko na ang nangyayari.
"You should go back." Mahina nyang sambit.
Nilingon ko ang dalawa sa aking likuran ngunit ganun na lamang ang pagkunot ng aking noo sa nakita. Naglalakad na silang dalawa patungo sa pintuan at mukhang susundan ang haring iyon.
Huminto si Rence sa aking harapan habang ang mga kamay ay nasa kanyang bulsa.
"Come on."
Hindi na ako nagsalita. Alam kong handa na sila sa susuungin naming ito.......at sana hindi magulo ang kasalukuyang panahon.
~*~
(Third Person's POV)
"You all agreed with this?!"
Dumagundong ang malakas na boses ng headmaster sa buong silid. Sabay sabay napayuko ang mga babae dahil sa takot sa kaharap.
Sinabi na nila ang nais nilang sabihin. Ang tumungo sa mundo ng mga tao, kay Sir Felipe.
"And you too Ferresa?"
Tumango ng dahan dahan si Ferresa na syang ikinagalit ng headmaster. Ayaw nyang mapahamak ang mga batang nasa kanyang harapan lalo na't lumalakas ang pwersa ng kanilang kalaban.
"Give me more reasons."
Akmang magsasalita pa lamang si Vanessa ng maunahan na sya ni Jayden na seryosong nakatingin sa headmaster.
"Nais naming hanapin ang aming mga kaibigan."
Napabuntong hininga ang ilan. Ilang beses na nila itong napag-usapan na kahit kailan ay walang aamin sa kanila ng totoong dahilan sapagkat tyak na hindi sila hahayaan ng matandang ito. They even practice to closed they're minds to stop the thoughts coming out.
"At bakit si Felipe?"
"Sya lang ang tanging naging guro ni Matthew na syang kasama ang mga kaibigan namin bago sila mawala."
"Oh really Jayden? Paano kung sasabihin kong walang kinalaman rito si Mr. Matthew at kasalukuyan nyang ginagawa ang kanyang misyon sa mundo ng mga tao ng mag-isa? Kung nawala ang mga kaibigan nyo na may kinalaman sya, hindi ba't dapat ipinagbigay alam na nya iyon sa akin bago umalis rito sa akademya?"
Walang nakapagsalita sa sinabi ng matanda sa kanilang harapan.
May punto nga ito. Paano nga kung wala?
"K-Kung ganun. Hayaan mo ang tatlo sa amin na hanapin sila." Buong tapang na pagsabat ni Vanessa.
"Wag na wag kang tututol headmaster. Alam kong nag-aalala ka na rin sa dalawang estudyanteng nawawala." Nakangising pagsabat ni Carlos.
Napailing na lamang ang headmaster. Alam nya ang dahilan at kung nasaan ang mga binata nguniy hindi nya iyon maaaring sabihin. Totoong nag-aalala sya.......afterall anak na rin ang turing nya sa kanila hindi ba?
Napakuyom na lamang sya ng kanyang kamao bago tumango ng dahan dahan at tignan sila ng seryoso isa isa. Maaaring hindi sila makakahanap ng impormasyon kahit ni isa ngunit ito na lamang ang tanging paraan na alam nya upang malagay ang sitwasyon sa patag.
Kinuha nya ang listahan ng mga estudyanteng nakakuha ng matataas na rangko.
"Moon Academy Rankings"
~ Pyre, Lawrence
~ Borja, Maria Vanessa
~ Patrick Rudolf
~ Winchester, Carlos Miguel
~ Tamix Jayden
~ Lopez, Michelle
~ Florendo, Mariel Rosby
~ Ice, Frank Jefferson
~ Villacrusis, Cashmere
~ Dumbledore, Ferresa
~ Fernando, John Andrei
~ Carl Pyre
~ Dennis Pyre
And so on.....
Hindi nya maaaring isugal ang iba papunta sa mundong iyon.
"Tatlo. Tatlo lamang ang maaaring pumunta katulad ng inyong sinabi."
Malungkot na napatingin sila sa isa't isa. Hindi sila maaaring sama sama.
"Dahil sila Rence ang inyong hinahanap hindi sila kasama hindi ba? Ang basehan dito ay ang inyong mga rangko my dear students. At mukhang kilala nyo na kung sino sino ang mga iyon."
Ang mga estudyante batay sa kanilang rangko noong nakaraang kompetisyon.
"Vanessa, Carlos at Jayden. Tama kayo lamang ang binibigyan ko ng basbas upang makalabas." Dagdag pa nito.
"Makakaasa kayo." Mabilis na pagtugon ni Vanessa bago yayain ang mga kasama palabas.
Bakas sa mga mukha nila ang pagkadismaya ngunit walang nangahas na magsalita.
Sumalubong sa kanila ang dalawang lalaking fairy nang may mga nag-aalalang mukha at naghihintay ng balita.
"I guess pupunta tayo ng Plan B."
Napalingon ang lahat nang magsalita ang kanina pang nakangising si Carlos bago nito ayusin ang kanyang salamin.
"P-Plan B?" Pag-uulit ni Rosby.
"Yeah."
"Mukhang alam ko na yun." Tumatangong sabi ni Andrei. "At hindi ako tututol."
Walang alam ang lahat. Ano nga ba iyon?
"Ugh! Ano ba yun?!" Naiiritang lintaya na ni Michelle.
Naiirita sya sa mga ngisi ng dalawang kaibigan.
Nagkatinginan muna ang mga ito bago ngumiti ng malawak at sabay na nagsalita.
"Ang tumakas."
............they're insane.