LYCA'S POV
Friday na ngayon at kasalukuyan kaming naka-tunganga sa room ngayon dahil busy ang mga teachers sa pag oorganize ng mga gagawin sa intrams...
Simula no'ng monday ay ni anino ni Sam ay hindi ko nakita...hindi ko alam kung paano nangyari yun, wala rin naman akong naririnig tungkol sa kanya. Pero hopefully, ay okay lang sana siya.
Hindi naman porket pina-iwas ko siya sakin ay wala na akong pake sa kanya 'no.
"Ac, labas tayo...naboboring na talaga ako" sabi ko kay Ac
Kasi swear...ni isang teacher ay wala man lang pumunta dito sa room. Sayang oras ko eh, imbis na nagiinternet na lang ako sa bahay oh leshiii
Pwede naman kasi ang phone dito, ang kaso ay walang free internet connection and mahina ang signal ng smart dito para makapag-data ako (mag-iiba na ko ng simcard leche)
"Tara. Ayain ko rin si Justin"
natigilan ako saglit..baka sumama din si Sam
"Okay lang daw ba na kasama si Sam?"
"A-ahhh.. S-sige"
kinakabahan ako. Ngayon na lang ulit kami magkikita ni Sam after what happened last Sunday night
sinabi na ni Ac kay Justin na sumunod na lang sila dito sa may pathway... tambay lang
maya-maya pa..
"Yow guys" unang bumati si Justin
"Heyyyy" mahabang sabi naman ni Sam
aba mukhang okay na siya ah..buti pa siya -_- kaya ikaw Lyca, umarte ka na lang na parang di affected!
"Hi!" bati ni Ac tapos tumingin sakin..
"Hello" tas nginitian ko sila
oh ayan ha, babati naman talaga ako kahit di tumingin si Ac sakin 'no
"Bakit nga pala di nyo kasama si Alo— ayan na pala"
di natuloy ni Ac ang tanong niya kasi saktong dumating si Alonzo
"Teka, balik na lang ako. Di ako na-inform na balak balak nyo pala akong i-fifth wheel"
"HAHAHAHAHA" tawa naming lahat hehez
Naalala ko tuloy, ganyang ganyan din ang sinabi ko (sa isip ko lol) nung kumain kami sa cafe kasama si Mitch
Hay, ang buhay parang life.
Ayon. Nandito nga kaming lahat, magkakasama.
KANYA-KANYANG BUHAY NAMAN, GALING!!!
Si Ac, nag cecellphone.
Si Alonzo tyaka Justin nag lalaro ata ng parehas na game kasi nagtatalo sila -_-
Si Sam may katawagan sa phone niya
At ako....wala, nganga, kain bubog.
kung alam ko lang na ganito lang din ang gagawin ko SANA IBA NA LANG INAYA KO BWISET
tumayo ako at napatingin silang lahat sakin
"Cr lang"
tas tumango sila tsaka ako umalis
Hindi naman talaga ako mag ccr, naboboring na lang talaga ako. Si Ac, di yun mabobored dun, andun si Justin eh
naglalakad lakad lang ako kasi hindi ko rin naman alam ang gagawin ko
nung napagod ako...naisipan kong pumunta ng canteen para mag pahinga and kumain na din
Umorder ako ng spaghetti tsaka mountain dew tas kumain sa labas ng canteen (may mga tables and chairs din kasi doon na pwedeng kainan)
kumain na lang ako ng tahimik..mas okay pa yung tahimik na ganto atleast alam kong nag-iisa ako di kagaya nung kanina, 5 nga kami dun, para rin naman akong walang kasama kasi kanya-kanya -.-
"Lyca! Ba't nag-iisa ka, pwede maki-share?" si Kim, may dala rin siyang pagkain
"Uy. Sige lang."
"Bakit wala kang kasama? Nasan si Ac?"
"Ah meron akong kasama kanina sila Ac, Justin, Sam at Alonzo kaso kanya-kanya naman kami ng gawain kaya iniwan ko muna sila"
"Bakit di mo inaya kumain?"
oo nga 'no? Bakit nga ba?
"Uyy..iniiwasan si Sam"
tsss
"Hindi ah. Naglakad lakad lang kasi ako kanina, napag-isipan ko na lang din na pumunta dito"
"Sige, sabi mo eh" tas binigyan ako ng nakakalokong ngiti...psh
nagpatuloy lang ako sa pagkain ko, at ganon din si Kim
"Di mo na ba namimiss samahan nyo ni Sam? Ang dami nyo ring pinagsamahan ah. Sayang pagkakaibigan nyo..."
alam nyo ba na nangbabato ako ng mga taong walang preno ang pananalita?
joke
"Nanghihinayang din syempre.. gusto ko din naman bumalik yung samahan namin kaso ibang iba na talaga ang ngayon sa dati"
"Sabagay. Hay nako, di kita masisisi kung ganyan ang magiging react mo..sinaktan ka eh"
"Bakit may nalalaman ka ba sa relasyon namin?"
natigilan siya sa sinabi ko, at halata ang gulat sa mukha niya
"Oo"
WEHH? O__O bakit ba mas marami pang alam ang mga taong nakapagilid sa akin kesa sakin?? eh ako nga ni hindi ko alam kung bakit ako iniwan eh
"A-ano bang nalalaman mo?"
"Yung dahilan ni Sam kung bakit ka niya iniwan"
medyo naiirita ako..alam ni Kim?! Eh bakit di niya sinasabi sakin?! pag nagtatanong ako sa kanila noon, sabi nila wala? whut -_-
I feel so betrayed
But whatever
"Ano ba talagang....." huminga muna ako ng malalim "....ano ba talagang dahilan ni Sam, bakit bigla bigla na lang nya akong iniwan?"
please...don't let me breakdown. I don't want her to see how weak I am.
handle the situation well @/self. Please.
Kung may malalaman ka man ngayon na magiging labag sa kalooban mo...tanggapin mo, Lyca...tanggapin mo
KIM'S POV
"Ano ba talagang....." huminga muna siya ng malalim bago ipagpatuloy "....ano ba talagang dahilan ni Sam, bakit bigla bigla na lang nya akong iniwan?"
kitang-kita ko sa mga mata ni Lyca ang inis, pagka-irita, at lungkot..
F L A S H B A C K
nandito kami ngayon sa classroom dahil binigyan kami ng free time dahil absent daw ang teacher namin
kanya-kanya kami ng mga gawain
wala akong magawa kaya tumingin ako sa paligid at napansin kong walang kausap si Sam kaya nilapitan ko..maintriga nga
"Sam"
"Uy"
"Kamusta na?" mema lang bat ba
"Okay naman."
edi ikaw na okay samantalang si Lyca hindi che
"Isang matinong usapan nga Sam, anong pumasok sa kokote mo't bakit mo ba iniwan si Lyca?"
"Pinagsawaan ko"
WHAT THE HELL
"ANO?? Hilo ka ba huh?!"
tinignan nya ako, pilit kong tinitignan ang emosyon niya kaso napaka-blangko ng mukha nya ngayon
"Napilitan lang naman kasi ako sa relasyon namin"
tsaka umalis
WHAT THE HELL
End of flashback
mahabang kwento ko kay Lyca..
halatang halata sa emosyon niya ang pagka-inis, yung parang anytime ay maiiyak na lang sya sa inis
"Kelan mo pa nalaman 'to Kim?"
naging blanko ang mukha ni Lyca..wala na syang pinapakitang emosyon ngayon
Hindi ako agad nakapag-salita agad
LYCA'S POV
"Kelan mo pa 'to nalaman?!" paguulit ko sa tanong ko pero pinatili ko ang pagpapakita ng walang emosyon kong mukha
I can't believe that she knew the reason..but she didn't even bother telling me
"A-after 2 weeks ata ng pag break nyo"
"So matagal mo na palang alam?!"
yumuko siya..tyaka tumango
"Bullshit"
"I'm sorry Lyca, kasi akala ko yun ang magandang paraan... ang hindi sabihin sayo"
alam ko naman na nag aalala lang sila pero fck hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang mag lihim sakin
"I've been asking you for no one knows how many times already if you have an idea kung bakit ako iniwan ni Sam...you keep on telling me na wala kang alam pero...alam mo naman pala"
bakas sa mukha nya ang guilt
"Nandoon na ako eh..naiintindihan ko naman na nag aalala ka lang sakin..pero bakit kailangan mo pang mag sinungaling?!"
napapataas ang boses ko pero wala akong pinapakitang emosyon
"I'm really sorry"
"I'm done with this. I'll go now"
tumayo ako agad tyaka tumakbong pumunta sa room namin..
pagdating ko ay nandoon sila Sam, Ac, Justin at Alonzo
this is shit
"Ang tagal ng cr mo ha?" sarkastikong sabi ni Ac pero hindi ko siya pinansin
"Ay snob?" tsss
umupo ako sa upuan ko tyaka nag head down...para akong napagod sa nalaman ko
Sabi na kasing intindihin mo lahat ng malalaman mo Lyca eh...nag-aalala lang yung tao.
Gusto kong umiyak ngayon, pero walang lumalabas na luha
Feeling ko tuloy ay unti-unting sinasaksak ang puso ko, di ko na alam ang gagawin ko...
Katotohanan lang naman ang gusto ko eh, kailangan ko pa ba talagang umabot sa ganitong sitwasyon bago makamit yon?
Napatingin ako kay Sam na dinadaldal sila Ac...
"Sam, kahit konting rason lang oh..para lang sa ikakatahimik ng buhay ko. Gusto ko sayo mismo manggaling lahat ng dahilan kung bakit mo nagawa 'to...parang awa mo na..."
/end of chapter 12/
AUTHOR'S NOTE 🖇
don't forget to click the star button to vote for every chapter that I will published. Judge the story right after seeing the epilogue. Thank you and see you on my next update! ✨😊
-writrix