ALONZO'S POV
Hey guys, I'm Alonzo Muhlach. Tropa nila Justin at Sam.
Naalala ko na naman yung nangyari kagabi HAHAHAHAHA naiinis ako na natatawa kay Sam eh
Gawin daw bang bar ang isang convenient store HAHAHA
F L A S H B A C K
Kakatapos ko lang maligo kasi nag basketball ako kanina
*kringgggg*
Justin Alva is calling you..
"Tol" pagka-sagot ko nung tawag
"Pre!! Pumunta ka na ngayon sa convenient store malapit sa village nila Sam!! Lasing daw si gago"
"Ano?!! Bakit daw lasing?"
"Wag ka ng maraming tanong! Papunta na ako ngayon dun, sumunod ka na!"
*toot* *toot* *toot*
Ano na naman bang problema nong si Sam?? Hindi naman naglalasing yun ah!!
Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko tyaka dali-daling bumaba
"Dad!! Pupuntahan ko lang si Sam, emergency daw!"
Hindi ko na hinintay pa na makasagot si daddy, dumiretso na ako sa garahe.
Pinabuksan ko kay Manong ang gate at dali-daling humarurot papunta sa convenient store na sinabi ni Justin
"Bitawan mo ko sabi eh, ayokong umuwi!"
naabutan ko sa ganong sitwasyon si Justin at Sam, nagpupumilit si Sam na hindi daw siya uuwi
Sira na ulo neto
"Uuwi na nga tayo. Lasing ka na oh!" sabi naman ni Justin habang pinipilit nyang pauwiin si Sam
"Justin hayaan mo muna siya, iligpit muna natin 'tong mga bote"
hinayaan muna namin si Sam, hindi naman siya nang-gugulo eh halata lang talaga na lasing na lasing na siya
sa pagkakabilang ko ay 9 na bote ang naitapon namin ang hawak nya pa ngayon ang pang 10
sira na talaga ulo netong si Sam
Umupo kami sa harap nya matapos ligpitin yun, pulang pula na sya at parang anytime ay mag bebreakdown na lang...mag bebreak down na 'to
3....
2...
1..
"AYOKO NG MAGMAHAL" sigaw ni Sam
Tsk, sabi na eh HAHAHA hay nako pwede na akong psychic
"Ano bang nangyayari sayo ha?! Bakit mo naisipang maglasing? At sa isang convenient store pa talaga ha?!!! Anong akala mo dito? Bar?!" inis na sigaw ni Justin
"S-sabi ko kasi sa s-sarili ko, isang bote l-lang eh. HAHAHA a-ang sarap pala ng alak"
"Uwi ka na namin" sabi ko naman
"Hindi, hindi. K-kwentuhan ko muna kayo bago umuwi"
hindi na kami nakapalag, pag bigyan na. Lasing eh.
"A-alam nyo ba..sabi sakin ni L-lyca, iwasan ko na siya. HAHAHA kasi naman eh sinaktan ko siya masyado. Ang tanga tanga ko. Tapos sabi niya pa, di daw sya yung tipo ng nakahanap agad ng iba HAHAHA ako nga kahit nakahanap na ng iba sya pa din talaga eh. H-haha..ha..tanga ko. Iniwan ko tas magsisisi ako ngayon"
hindi ako nakaimik, ngayon lang nag open si Sam sa amin ng ganito
"Mahal na mahal kita Lyca! Hindi kita iiwasan!!!"
sigaw pa niya, malala na talaga 'to.
"a-ayun, tapos na ako sa kwento ko hehehe, tara uwi na tayo"
nagkatinginan kami ni Justin at sabay na tumayo para alalayan si Sam
sa sasakyan ni Justin siya namin sinakay dahil iyon ang mas malapit na nakapark
after namin siyang ayusin, pumunta na ako sasakyan ko tyaka sinundan si Justin
Pagdating namin kila Sam, galit na galit si tita Arnee tyaka tito Yancy sa ginawa ni Sam
Kinwento ni Justin kung paano namin nalaman na naglasing si Sam, akala pa nga ni tito ay kami ang nag-aya
"Di ko akalain na ganito ang mangyayari kay Sam.." sabi ni Tita Arnee
"Sige na mga anak, umuwi na kayo at late na rin. May pasok pa bukas"
11:03 pm tsk, late na nga masyado
"Sige po, tita tito. Paalam na po"
"Bye na po tita, tito."
pagpapaalam namin ni Justin
END OF FLASHBACK
Kung nagtataka kayo kung bakit hindi sila Sam at Justin ang kasama ko...ayun nasa room nag sesenti mga ayaw mag si kain!
Nandito ako ngayon sa garden ng school kasi pinaalis ako ni Ac sa table nila tsk, nakikitable lang eh. Tyaka totoo naman kasi yung sinabi ko.
Malinaw na malinaw, walang bahid na kasinungalingan
MAHAL PA RIN NI SAM SI LYCA
ewan ko ba dyan sa tropa naming yan, pinagpalit si Lyca kasi hindi na daw niya gusto tapos ngayon eh sasabihing mahal pa rin nya
"Alonzo..." si Ac.
"Oh Ac. Nasan si Lyca?"
"Ah nauna na sa room. Lutang na dahil sa sinabi mo"
"Eh totoo naman kasi ang sinabi ko"
"Alam nyo, magtropa nga kayo ni Sam. Wala kayong ibang ginawa kundi guluhin ang nararamdaman ni Lyca"
"Mas madali na nga iyon diba? Mahal pa nila ang isa't isa, edi ayos"
"Hindi kasi ganon kadali yun. Alam mo naman na gustong-gusto na ni Lyca maka-move on kasi sobrang hirap na siya. Pinaniwala na niya ang sarili niya na wala ng nararamdaman si Sam sa kaniya tapos bigla mong sinabi yun"
Kasalanan ko pa ngayon..anubayan
"Eh, hindi ko naman alam"
"Hindi naman kita sinisisi pero sana ay sa susunod ay lagyan mo naman ng filter ang pagsasalita mo, alam mo, kalalaki mong tao, pero ang daldal mo!"
"Anong lagay? Babae lang ang pwedeng dumaldal?!"
"Hindi ganon. Aish! Ang gulo mo!"
ay wow, ako pa ngayon? HAHAHA hay nako
"Pero ayun nga. Sana ay sa susunod, wag ka na masyadong maraming dada lalo na kung ang sasabihin mo ay makakapagpahirap kay Sam lalo na kay Lyca"
"Alam mo kasi Ac, madali naman talaga ang sitwasyon nila eh. Mahal pa rin naman talaga nila ang isa't isa ang kaso, ayaw tanggapin nung isa, kasi nag momove on na, yung isa naman ay ayaw sabihin at iparamdam kasi natatakot siya. Kung may isa lang sa kanila na mag bababa ng pride niya eh, kahit papaano ay magiging ayos na ang sitwasyon eh."
"Naiintindihan ko naman ang point mo Alonzo, kasi alam mo parehas ang point of view nila, kumbaga sa isang storya, silang dalawa ang characters at ikaw ang mambabasa. Alam mo ang flow ng storya pero sila ay hindi dahil hindi nila alam ang susunod na mangyayari kasi iisang point of view lang ang nakikita nila"
Oo nga naman... tama si Ac doon.
"....tyaka ang sitwasyon nila ay magulo talaga di gaya ng inaasahan mo. May nasaktan at nanakit sa sitwasyon nila. Sobrang nasaktan si Lyca sa nangyari. Ikaw kaya barilin ko dyan tapos mag sosorry lang ako habang ginagawa mo lahat ng bagay para maging magaling, magugustuhan mo ba?"
"Pero hindi naman siya binaril ah"
"Hindi nga pero para na rin siyang binaril sa sobrang sakit ng ginawa ni Sam kay Lyca...alam mo ang dahilan kung bakit nagawa ni Sam kay Lyca yun?"
"Hindi"
"Pwes ako alam ko. Kahit ako ay gusto ko ng magalit kay Sam nung nalaman ko ang rason kung bakit nya ginawa yun pero pinigilan ko ang galit ko dahil wala ako sa tamang sitwasyon para magalit dahil hindi naman ako ang sinaktan."
"Ano ba ang dahilan? Bakit nga ba nagawa ni Sam yun?"
"Hindi ko alam ang buong dahilan pero..."
*kriiiiiinnnnngggggg*
"Ay, time na pala. Sige na babalik na ako sa room"
Tapos umalis na si Ac...nalito ako, ano nga ba ang dahilan ni Sam???
Tsss, ako kaibigan niya pero ako mismo ay walang alam wth
Pero kung may alam naman si Ac? Bakit di niya sinabi kay Lyca diba?
Ang gulo nga!! Sobrang gulo!
Pumunta na ako sa room namin, dahil baka maunahan pa ako ng teacher.
/end of chapter 11/
AUTHOR'S NOTE 🖇
don't forget to click the star button to vote for every chapter that I will published. Judge the story right after seeing the epilogue. Thank you and see you on my next update! ✨😊
-writrix