Dreams, Destiny, and You?

De stuckindreamworld

2.7M 34.3K 7.4K

[Daddy? Series 2] I was haunted by these DREAMS, despised by DESTINY, but there's one question that is stuck... Mais

Dreams, Destiny, and You? (DDY) [BOOK 2 OF DADDY?]
Capitulo Uno: Sulat
Capitulo Dos: Mommy?
Capitulo Tres: Clever kid
Capitulo Kwatro: Magazine
Capitulo Cinco: Music Room
Capitulo Seis: Jale P.
Capitulo Siete: 1 week
Capitulo Ocho: Detective Vaughn
Capitulo Nueve: Ulan
Capitulo Diez: Stuck
Capitulo Once: With You
Capitulo Doce: Magtanim ay 'di biro
Capitulo Trese: H-Help..
Capitulo Katorse: Parehong tanga
Capitulo Kinse: Uh-Oh
Capitulo Dieciséis: Mission Look for KC Sungit at DJ liit?
Capitulo Diecisiete: Hide-and-Seek
Capitulo Dieciotso: You're IT
Capitulo Diecinueve: King of the Apes
Capitulo Veinte: Friends?
Capitulo Veintiuno: Everywhere Everything
Capitulo Veintidos: Tara na
Capitulo Veintitres: CHANDRIA
Capitulo Veintikwatro: Vanilla anyone?
Capitulo Veintisingko: Memory
Capitulo Veintisais: Choose Wisely
Capitulo Veintisiete: Chandria's Special Chapter: The Truth
Capitulo Veintiocho: I Know
Capitulo Veintinuebe: UKILYF
Capitulo Treinta: They're coming...
Capitulo Treinta y Dos: Best Night Ever
Capitulo Treinta y Tres: Happy New Year!
Capitulo Treinta y Kwatro: Mabuhay Ang Bagong...?
Capitulo Treinta y Cinco: Final Warning
Capitulo Treinta y Seis: See you soon
Capitulo Treinta y Siete: Wait for me
Capitulo Treinta y Ocho: It hurts
Capitulo Treinta y Nueve: They're Alive
Capitulo Cuarenta: Hey There
Capitulo Cuarenta y Uno: For Real
Capitulo Cuarenta y Dos: Daddy?
Capitulo Cuarenta y Tres: Diary
Capitulo Cuarenta y Cuatro: Secrets
Capitulo Cuarenta y Cinco: TP2
Capitulo Cuarenta y Seis: Lazuli
Capitulo Cuarenta y Siete: Take a Chance
Capitulo Cuarenta y Ocho: Hurry up!
Epilogue: Kidnap My Heart
DDY - Author's note
SC 1: Kyle Christian Angelo "Cinco" Bernardo
ANNOUNCEMENT!
QUESTION: GUYS, PASAGOT.
SC 2: From Paris with Love

Capitulo Treinta y uno: Christmas Grand Ball

45.1K 719 202
De stuckindreamworld

A/N: Sorry po late UD. Busy po kasi sa school, siningit ko lang itey. Saka ulitin ko lang po, dun sa mga gustong magbasa ulit nung book 1, basahin niyo na po bago mapublish, madedelete po kasi yun. Tenkyeee.~ Saka dun sa mga gustong sumali, may contest sa group ng Daddy? at LISW Sali po kayo kung gusto niyo. Link ng group sa external link.

 Rules: 

1. Minimum of 2000 words, maximum of 2500 words
2. Lahat po dapat sumali 
3. Genre: Any
4. Topic: Wattpad (Most memorable experience ninyo. Gawin ninyong kwento)
5. Deadline: April 19, 2014

-Ipasa thru PM kay Kyasurin Louise at Yilin Conde(FB)

Eto yung mga prize:
1st Prize: 

-Daddy? Published Book 
-Weight for Love Published Book
-Video Trailer for your story
-Book Cover for your story
-Dedication from stuckindreamworld and yilin04

2nd Prize: 
-100pesos load
-Book Cover for your story
-Dedication from stuckindreamworld and yilin04

3rd Prize: 
-50 pesos load
-Book Cover for your story
-Dedication from stuckindreamworld and yilin04

Ayun lamang po. Enjoy reading! Salamat po sa paghihintay. Labyu. :*

----------------------------------

CHAPTER 31

ZANDER/DANIEL'S POV

Ngayon yung Christmas Ball namin. Kanina pa ako hindi mapakali, si Chands kasi, huwag ko na raw sunduin mamaya para surprise. Tss. Daming alam. E ang suot naman namin, cosplay daw na pwedeng pangsayaw. Sa mga babae, dapat yung dress daw na cosplay. Sa mga lalaki naman, kahit ano raw basta yung matino. Arte. Host kasi yung Art Academy e. 8 pm pa magsisimula, nandito pa ako sa bahay. 4 pm pa lang naman kaya ayun, tinatamad pa nga ako magbihis e.

"Daddyyyyyy! Huwaaaah! Aaaaaah!" 

Ayan, si Liit, takbo nang takbo habang sumisigaw. Parang babae yung sigaw niya. Lintek. Haha. Paikot-ikot siya kaya nakakahilo tuloy.  Ginugulo ako tapos pumupunta kay Lola. Hindi rin mapakali ang lokong bata. Ang kulit, grabe.

Napabuntong-hininga na lang ako at pumasok na sa kwarto. Nakita ko sa may higaan yung costume na isusuot ko mamaya. Black suit with mask na parang isang magician. A basta ganun, basta gwapo ako diyan. Maniwala kayo. Kailangang gwapo mamaya, yung maiinlove nang paulit-ulit si Chands--este Cara. Yung kahit nakamaskara ako, gwapo pa din. Kailangan kasi nakamask lahat e. Cosplay Masquerade Ball? Tss. Muntanga. Makaligo na nga...

[Picture nung suot nila sa side--->]

ALAS-SIETE na ng gabi, bihis na bihis na ako. Nakaayos na, gwapo siyempre. Kanina ko pa tinatawagan si Miss Weirdo kaso hindi sumasagot. Tch. Slowpoke forever. Nagdinner na rin kami  kanina tapos bagsak sa kama si liit, tulog na tulog. Nabusog kasi. Mas maayos na yun para hindi ako kulitin na isama siya. Bawal siya doon, baka mapa'no pa e.

Sinubukan ko ulit na tawagan si Cara kaso wala talaga. Napailing na lang ako at bumaba na sa may sala.

"Nay, alis na po ako," paalam ko kay lola.

"O sige 'nak. Mag-ingat ka. Ako nang bahala kay James."

"Opo," sagot ko. Lumabas na ako at pumunta sa may garage. Sumakay ako sa kotse kong itim at pinaharurot na ito. 

After 20 minutes, nakarating din ako dito sa academy. Ang daming tao sa labas. Lahat sila nakacostume at nakamask kaya hindi ko sila kilala. Bawal kaming mag-usap hanggang hindi pa official na nagsastart yung ball. Sino kaya sa mga 'to si Chands? Kainis naman e. Ang alam ko lang ang suot ay yung kapartner ko sa ball, kailangan kasing magsabihan kung anong suot para alam namin mamaya na kami yung magkapartner. Basta nakasuot ng fairy yung kapartner ko. Juliette ba yun? Oo, basta siya.

"Guys! Please come inside now! Hurry up! We will start in a few minutes!" sabi ng isang lalaking nakabutler suit pero walang mask. Host siguro siya. Sabay-sabay na nagsipasukan sa loob ng gym yung lahat, pati ako siyempre. Napa-wow pa yung iba. Grabe kasi yung design sa loob. Mala-fairytale, para kang naghahallucinate kahit totoong nasa harapan mo.

May malaking Christmas tree sa gitna na halos abot na yung ceiling nitong pagkalaki-laking gym. Tapos merong dalawang stairs malapit sa stage na gold yung design, kumikinang-kinang pa. A basta in short, maganda sa loob. Hindi naman ako babae para madescribe ng husto 'to. Wala kong pake. Ang gusto ko lang makita... si Chandria! Putek.

"Ladies and gentlemen. It is exactly 8:00 in the evening. We will now officially start the Christmas Grand Ball. Let us all bow down our heads and welcome the Glee Club for the Doxology."

Pumunta na sa stage yung mga members ng Glee club at nagsimulang kumanta. Christian song siyempre, doxology nga e. Parang prayer na din.

Pagkatapos noon, nagsalita nanaman yung host.

"And now! Let us welcome our president, Mr. Charles Richmond for his opening remarks."

Tch. Boring. Bla bla bla, bla bla bla. Tsk. Alam niyo pa kung paano magsalita? Pagong na uutal-utal. He wasted 20 minutes of my precious time. Nakakaantok yung speech na yun a. Opening lang tapos ang haba haba ng sinabi? Gurang na kasi si President Tanda. Makakalimutin na nga yan, 'di pa magretire. Sus. Hindi nga ako kilala.

"Okay, thank you for that erm.. speech Mr. President. At eto na po mga kaibigan! Ang pinakahihintay nating lahat..."

Hindi natuloy nung host yung sinasabi niya kasi biglang nagkagulo at nagsigawan.

"WOOOO!"

"START NA!"

"YAHOOO!"

"PARTYYY!"

"Please settle down. We will not start until you keep quiet. Attention everyone! Tumahimik na kayo kung gusto niyong magsimula!"

Napatahimik naman yung mga masunuring kunong mga estudyante. Tss.

"Grab you partners everyone! Position!"

Finally! Nakita ko naman na nasa malapit lang yung kapartnerer ko kaya hinila ko agad. "Ju... Juliette?" tanong ko para sigurado.

Tumango lang naman siya. Tsk. Wala bang bibig 'to at hindi marunong magsalita? Parang si Chandria lang dati. Tss. Nasa'n na ba kasi yung babaeng weirdo na yun?

Nakaposisyon na lahat. Circle yung formation namin, isang napakalaking circle. Nagdim yung lights at nagplay yung music. Go signal para magsimula na kami. Tahimik lang yung kapartner, hindi kami nag-uusap pero nakangiti siya. Tsk. Another weirdo.

"Change partners!" sigaw ng host.

Nagulat tuloy ako at biglang naipasa yung kapartner ko. Pero makalipas ang ilang sandali, napangiti ako. Hahanapin ko si Chands. Yung kapartner ko ngayon nakavampire cosplay. Dafvck. Ang sura ng make-up kahit nakamask naman siya. Hindi 'to si Chandria. "Hi cutie," maarte niyang sabi. Boses pa lang, bagsak na. Hindi ko nga pinansin. Manigas siya.

"Change partners!" sigaw ulit ng host. 

Nakadevil naman na cosplay yung tumapat sa'kin. Nakakatakot yung mata niya na kitang-kita ko kahit nakamask, parang papatay. Halatang maganda siya kaya no comment ako. Hindi rin naman kasi siya nagsasalita. Wala ngang effort magsayaw e pero parang kilala ko na kung sino 'to. Napasmirk ako. "Shouldn't you be wearing a robot costume? Jale?" patanong kong sabi.

"Shut up you retard," sagot niya. Siya nga. Walang labis, walang kulang. May sasabihin pa sana ako kasa change partners ulit sabi nung host.

Kanina pa change ng change kaso hindi ko pa rin nakikita si Chands. May nakapartner na akong witch, prinsesa, diwata, lolita, female butler, diyosa, elf, demonyita, white lady, sirena, iba't ibang klase ng anime character, superhero. Lahat! Ano pang kulang?

Nasan ka na ba Chandria?

SCARLET/CHANDRIA'S POV

Nasaan na ba si Daniel? Bakit hindi ko nakakapartner yung unggoy na yun? Ang dami ko nang nakapartner. May ninja, may butler, may prinsipe, may robot, may assasin, basta iba-iba. Nakakaloka. Hindi ko naman sila kilala lahat. Oh, and I'm wearing gray contacts para mahirapan si Zander na mahanap ako. Ang sama e no? Haha.

Pero ako mismo, hindi ko siya makita. ayoko naman sa mga lalaking nakakapartner ko, mga manyak po yung iba. Kaloka. Saka, nakasuot nga pala ako ng angel na cosplay. Si Daniel kaya? Hindi naman siguro unggoy, ano po?

Nagulat na lang kaming lahat ng bigla pang mas naging madilim sa loob pero hindi naman totally, may konting liwanag pa din. Patuloy pa rin kaming sumasayaw at nagpapalit-palit ng partner nang biglang nagsalita yung host.

"Ituloy niyo lang magsayaw. Pero habang nagsasayaw kayo, may ikukwento ako. Alam niyo ba yung nangyari 10 years ago? Noong bago pa lang itong academy? I'll tell you the cursed legend of the academy. Simulan ko na ba ang Alamat ng Kadiliman? Ingat sa mga kasayaw baka hindi na tao iyan," nananakot pa niyang sabi. Leshe. Christmas ba ngayon o halloween? Buti na lang hindi ako matatakutin e.

Patuloy pa rin yung music at nagsasayaw pa rin kami. Habang nagpapalit ng partners, ramdam ko yung ibang lalake na nanginginig na habang sumasayaw. Mga duwag. Tsk.

"10 years ago, may karumaldumal na nangyari sa dalawang taong nagmamahalan, dito sa mismong gym na 'to. They were lovers as I've already said. Freshman pa lang sila noon. Bago pa nga lang yung academy hindi ba? Malamang sila yung unang batch. On the day of the Christmas Grand Ball, on the same day as it is right now, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap! Kaya binabalaan ko kayo dahil maaaring mangyari ulit iyon ngayon! Alam niyo kung ano?"

"They were both shot dead with just a sound of a shotgun!"

BANG!

"AAAAAAAAAAH!"

"WAAAAAAAAAAH!"

"AYOKO PANG MAMATAY!"

"DYUSKOPO! HUHU!"

"UWAAAAAAAH!"

Biglang namatay yung ilaw noong may sumabog at huminto rin yung music. Parang tunog din ng baril yung sumabog na iyon. Nagkagulo tuloy lahat at sigaw sila nang sigaw. May mga umiiyak na nga pero wala naman kaming lalabasan. Sarado lahat ng pinto palabas. Hindi na rin ulit namin narinig yung host.

Wala kaming makita, yung mga partner namin nagsitakbuhan kung saan-saan. Madilim na madilim kasi. Medyo nag-aalala na rin tuloy ako. Joke ba 'to?

Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa'kin na parang naiiyak na pero pinipigilan lang niya. "Mommy!" sabi niya nga pa, matinis pa yung boses. Langya. Haha. Bakla yata 'tong lalakeng 'to e. Pero bakit hindi ko tinulak kahit yumakap sa'kin? Hala, weird.

[Play the song on the side-->:)]

BOOM!

Nagulat nanaman kami nang may biglang sumabog na malakas at biglang nagbukas yung ilaw. More than a hundred pink balloons suddenly floated up the ceiling and petals of red roses were raining down on us. Wow, just wow. Para akong nananaginip. Totoo ba 'to? I swear, all of us were in total shock.

Napatingin ako sa lalaking nakayakap sa akin. Our eyes suddenly met. Biglang huminto yung paligid, parang tumigil yung oras. Wala akong marinig, nawala lahat ng tao sa paligid. At siya lang, siya lang yung nakikita ko. Those eyes, those lips, that nose, every angle of his face. What the...? Anong nangyayari?

We were gazing at each other; trying to figure out kung magkakilala ba kami o hindi. Hindi ko alam pero... bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko pagkakitang-pagkakita ko pa lang sa kanya. Sheez. Could he possibly be...?

Pero natauhan ako nang biglang magsalita yung host...

"Natakot ba kayo? Sorry guys, that was a joke. I'll tell you the real story. Tradisyon na 'to every year para sa mga freshamn at new students. Yung mga higher years alam na 'to and they just pretended to be scared. First of all, yung mga taong nayakap niyo, kaharap niyo, kahawak niyo ng kamay o aksidente niyo lang na nahila. Please don't let go of them."

"9 out of 10 sa inyo ay nakatakda para sa isa't isa. This was already proven 10 years ago because that happened to me. I met this random girl during the Christmas Grand Ball and the same thing happened to us. Now, we're happily married. I'm Ryan by the way, your host this evening and the random girl I'm talking about who is now my wife is named Cristina. I assure you guys, mangyayari din sa inyo yun. Alam yan ng mga seniors niyo."

"Okay! Take your masks off everybody!"

Kumalas ako sa pagkakayakap nung lalaki sa'kin. Napasulyap ulit ako sa kanya at unti-unti na niyang tinatanggal yung mask niya. Dahan-dahan ko ring tinanggal yung mask na suot ko. Sabay kaming napatingin sa isa't-isa. Pareho naming nabitiwan yung mga mask namin.

Biglang may nagplay na slow music. "Enjoy the rest of the night guys! Dance with your accidentally chosen partners! Good luck!"

I can't believe this. Coincidence? Destiny? Seryoso? Seryoso ba yung host?

"Da--Z-Zander?" nauutal kong sabi. Hindi talaga ako makapaniwala.

"Cara?" sabi niya rin. How did we end up together?

Lumapit siya sa akin at humawak sa bewang ko. Wala naman sa sarili na pinulupot ko yung mga kamay ko sa may leeg niya. We started slow dancing to the rhythm of the song...

"You sneaky little angel, kanina pa kita hinahanap. Tapos nakacontacts ka pa pala," pabulong niyang sabi. That darn husky voice. Ugh.

"Syempre, ako ang anghel ng buhay mo. To the rescue kanina nung takot na takot ka. Pfft. Hahaha," natatawa kong sagot.

"H-Hoy! Hindi ako takot kanina 'no!"

"Masama pong magsinungaling Mr. Magician."

"O sige na, oo na. E 'di takot na kung takot. Pero tandaan mo, sabi mo ikaw ang Anghel ng buhay ko hindi ba? Pwes..."

"Ako naman ang magician na magdadala ng magic sa buhay mo. Yung magic na magpapasaya sa'yo, yung magic na hinding-hindi ka kailanman bibiguin, yung magic ng pag-ibig, yung magic na...Ah basta! Yun!"

"Kaya anghel ng buhay ko, handa ka na bang lumipad sa pamamagitan ng mahika ng pagmamahal ko?"

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Continue lendo

Você também vai gostar

129K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
6M 138K 67
Ang tao ay para sa tao. Syempre alangan namang para sa hayop diba? Isipin mo nalang kung anong pwedeng mangyari kapag ganun. Pero ibig din bang sabih...
Eh kasi, BAKLA! De Holiday

Ficção Adolescente

93.2K 2.1K 29
Husga pa, sige! Husgahan nyo lang! Kapag kayo, ginamitan nila ng charms, baka malaglag mga panty nyo! Kaya kung ako sa'yo, lagyan mo na ng kadena ang...
15K 1.2K 35
18-year old Suna is socially inept, the reason why she's always misunderstood by others. Totally deviant from the typical school girl, the things tha...