Forever Agape [FS#1]

By LivelyLeo

87K 3.1K 943

Forever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arrange... More

FOREVER SERIES 1
FOREVER AGAPE
HELL
INSIDE HIS ARMS
TAMED
DISPUTE
TAKING ADVANTAGE
UNSTABLE
DELICATE DINES
SERIES OF NOSTALGIA
UNTOUCHABLE
FALSE HOPE
FROM HEAVEN
INSANITY
HYPOCRISY
OUT OF MY REACH
CHAOTIC TRANQUILITY
LURKING DESIRE
UNTIL THEN, USE ME
FREED
SPACE IN BETWEEN
THE IDEA OF NOWS
IN RUINS
GOOD LIAR
PERSONAL LONGING
HIGH HOPES
PROXIMATE
COME CLOSER
MORNING HAVOC
THE HEPA-LANE
AFFIRMATION
THE LAST THING
HALT
QUE SERA SERA
THREATENED
GAMBLE
FOR I HAVE SINNED
DEPTH
RUNAWAY
ACROPOLIS
ROCK BOTTOM
CASUS BELLI
LAST OF AGAPE
LAST OF AGAPE

CARICIA AÑORANZA

1.5K 75 26
By LivelyLeo

C h a p t e r  14

We are going north from Manila, unti unti na naming tinahak ang daan ng gitnang Luzon. Iniwan na namin ang gitna ng syudad kung saan kami nanggaling. Hell told me it would take one or one and a half hour before we arrived, but I think, he failed in calculations.

More than a hundred kilometers, I would say that. Habang lumalayo kami ay nag-iiba na rin ang tanawin sa labas, ang matatayog na inpratraktura ay unti unting napalitan ng berdeng kapaligiran. Malayo sa polyusyon, kakaunti na ang mga sasakyan. Malawak ang daan at walang traffic.

Inililipad ng mailiw na hangin ang maliliit na hibla ng aking buhok. I opened the window beside me earlier, knowing that we are far away from the city now.

"You should've told me it's not one or one and a half hour of travel," Bulong ko at agad na bumaling sa aking kasama.

"You wouldn't want to come if I told you it'll take three hours..." Umirap ako at ibinalik na lang ang tingin sa labas.

Hindi kalakihan ang mga bahay na nakikita ko, ang iba ay gawa sa kahoy at mukhang ang estilo ay noong panahon pa ng mga espanyol. Ang iba ay moderno, ngunit bilang lang ang mga iyon.

We've been in the middle of the road for two hours now, nakailang hikab na ako ngunit hindi pa rin tumitigil sa pagtakbo ang sasakyan. I didn't know the Laurettes have properties outside Manila, since Tito Paul works in the city, akala ko ay doon lang sila namamalagi.

"Tell me about the place, Hell..." Bulong ko, mabilis ang takbo ng sasakyan dahil hindi naman traffic. Sa labas nga ay may nakikita pa akong mga tricycle.

"It's a province, Hurricane. Going north from Manila, a province from the east of Bulacan. Mom's family has a Hacienda there, named after her..." Tipid ngiti ang iginawad nito sa akin.

His right hand is on the steering wheel while the other one is resting in the window. He is playing with his lips, and this sight is can kill a thousand ladies. Now, I should feel lucky for witnessing it all by myself.

"When I became rich, I'll probably build a home outside the city too. Perhaps, in a mountain..." I shared, kumunot ang noo nito at sandali pa akong tinignan bago ibalik ang tingin sa daan.

"You're already rich," I frowned after I heard that.

"It's my parents, Hell. Not me..." Kibit balikat kong sagot at ibinalik din ang tingin sa daan, malapit na ba kami? Gusto ko nang lumabas dito sa sasakyan, inip na inip na talaga ako.

"Now, I'm thrilled of what's really in there..." He laugh a little, in the side of my eyes, I saw how his laugh became a soft smile. God, that's beautiful. "Nandoon ang ibang kamag-anak mo?" Tanong ko, agad naman itong umiling.

"Mom is an only child, my grandparents stayed overseas a year after Mom died. They just went home sometimes to visit me."

Kahit na malumanay ang boses niya nang sabihin iyon ay nakita ko pa rin ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mata. I just nodded, I am a bit scared to ask few more questions about his Mom and Dad now. It can ruin his mood and I don't want it when his mood got ruined.

Nang muli akong tumanaw sa labas ay may nakita akong arko, Caricia Añoranza.

"This is Mom's hometown, Hurricane. This is where I was raised too, as a child." Ngumiti ako, noong isang araw pa kumakalabog ang puso ko sa sabik na marating ito.

"Malapit na tayo?"

"Medyo malayo pa, bungad pa lang ito. This is Marilag, this is where you can see the vast ricefields, producer of natural grape wine, and sugarcanes."

Tama nga siya, sa gilid ng daan na tinatahak namin ay makikita ang malawak na palayan. Sa gilid ng daan, may mga taong nakaupo at nagkekwentuhan. Panahon na ng anihan sa kanila ngayon. Nanatili akong tahimik, I'm busy appreciating the new sight. Masyado itong maganda para maging totoo.

When we reached its central, I think it is, because there are some establishments and buildings. But not as big as those that are in Manila, there were a lot of people too but what's fascinating is, there are only a few cars.

"What's the mode of transportation here? I mean, kaunti lang ang sasakyan..."

"There are many, nasanay ka lang na puro sasakyan ang nakikita mo kaya akala mo ay kakaunti. But yes, people use tricycles..."

Tumingin ako sa labas at nakita ang isang kalabaw na may hatak na kariton, may mga taong nakasakay ko roon habang marahan itong lumalakad. They are using that too? Out of a sudden, isang manghang tawa ang napakawalan ko. It's amazing, to know that there is beauty in simplicity.

To at least, realize, that the world does not revolve around extravagance and money.

"This is Marahuyo, the central city. Nandito ang mga unibersidad at iba pang tanyag na paaralan. Carineños chose to stay here rather than to transfer..."

"Bakit hindi ka nag-aral dito? The life here, I think, is perfect." I commented, ibinalik ko sa kanya ang tingin at nakita ang pag-ayos nito ng upo.

He stopped playing with his lips he looked at me with amusement. "Gusto ni Dad na sa Manila akong mag-aral ng highschool..."

Hindi ko na dinagdagan ang aking tanong gayong nabanggit niya ang kanyang ama.

"Caricia Añoranza is enticing, you're right. I'd be glad to live here when I get old..." It was almost a whisper. "I'd choose to be here if only I have the chance to choose."

"When you finished College, babalik ka rito?" Tanong ko.

"As soon as possible, I want to."

I gazed away. I just realized that Manila is not his choice, he doesn't want to live there. He wants to stay here, I won't question his choice of living here because maybe, this place reminds him of his Mom. After I finally ruined this insanity, maybe you can finally be here. I'd be glad to see you here.

Lumagpas na kami sa Marahuyo at tinahak na namin ang daan papunta sa Precioso Nacion, nandoon daw ang hacienda ng pamilya ng kanyang ina. Matapos ang mahabang diretsong daan ay lumiko na ang sasakyan.

"The end of this road is the Hacienda, nasa paanan ng bundok. A private premises..." 

Tama nga ang sinabi niya, matapos naming tahakin ang lupang daan ay bumungad sa amin ang isang arko. Ang paligid ay wala ng bahayan, puros puno at mga halaman na lang ang makikita. Hindi masukal, sa tingin ko ay inaalagaang mabuti iyon. From the outside, silence became defeaning. I can only hear the chips of the birds, the small blow of the wind felt different... It was as if someone is welcoming us.

Hacienda Proserpina. Iyon ang nakaukit sa bakal na arko, sa dalawang poste ay may mga batong anghel. Bumukas iyon at isang mahabang daan na naman ang bumati sa amin. If you want to kidnap someone, bring that person here. He will never get a way.

"Naiinip ka na?" I laugh a little and nodded.

He stopped the car, I immediately looked at him when he did that. He stared at me as he unbuckled his seatbelt. The side of lips rose and that's the death of me.

"Maglakad tayo, para mas makalibot ka..."

Iniwas ko ang tingin at ginawa rin ang sinabi niya. Kinuha nito ang aming mga dala mula sa backseat at sabay kaming bumaba.

"The sight of the entrance makes me hate to go home," I whispered to myself. Nakita kong iniabot niya ang susi sa isang guard bago tuluyang umikot at tumabi sa akin.

Bumaba ang tingin ko sa daan kung saan kami ngayon nakatayo. Ang brick na daan ay sumisigaw na ng pagiging maharlika ng mga nakatira, ang bawat gilid ng daan ay may may flower bushes, ang bermuda ay halatang hindi kulang sa aruga. Sa bungad pa lang ay ganito na karikit, paano pa ang mga susunod naming hakbang mula rito?

Lumakad na kami ni Hell, parehas kaming tahimik. Ramdam ko ang kanyang pagtitig sa akin, ngunit ang tingin ko ay nanatiling sinusuri ang bawat makikita.

The fences are perfectly varnished, it guides as somewhere. Bawat limang pulgada yata ay may lampost. Matapos ang hindi ko na nabilang hakbang, bumungad sa amin ang isang tahanan.

"You live here... For almost half of your life?" Ibinalik ko ang tingin sa kanya, ngumiti ito at tumango. "Oh God, I'm envious..."

It is not like those mansion I see in Manila, this one is different. Different in style and aura. Its style is victorian, those mansion that we see in television that looks like a castle because it has cone roofs. Puti ang kulay nito, para bang hindi mo aatimin na hawakan. Ang poste ng balkonahe ay may mga vines, halatang sinadya iyon para humalo ang esitlo ng bahay sa lugar na itinayo ito.

There is a five-step stairs before you reach the main floor. Nang tignan ko ang kabuuan nito, naiintindihan ko na kung bakit gustong bumalik ni Hell. It's peaceful, it's faraway from every chaos this world can bring. Para kang ibinabalik noong unang panahon, its perfect.

"When was this built?" I asked.

"Back in the days, I think. Maybe colonial period. It was meticulously maintained to preserve the original details..." Tumango ako at ibinalik ang tingin doon, I want to build a mansion, just like this one. Someday, I will.

"Hell, nandito na pala kayo!" Nagbaba ako ng tingin sa matandang babae na dali-daling bumaba ng hagdan, kasunod niya ang isang lalaking may katandaan na rin.

Pinanood ko kung paano niya niyakap si Hell, she is teary-eyed. Ramdam ko ang saya nito, after how many months, Hell finally came home. Ilang sandali lang ay tumungo ang tingin niya sa akin, tipid akong ngumiti at yumuko upang bumati.

"Nanay mo si Aeryn, hindi ba?" She asked.

"Opo," Nagtama ang aming tingin, she looks amazed. Inabot ko ang kanyang kamay at nagmano, akala ko ay bibitiwan niya ako ngunit nanatili siyang nakahawak sa akin.

"Para ko ngayong nakikita ang kabataan niya, tama si Atlas nang sabihin niyang hindi niya raw kamukha ang anak..." Nagbaling ako ng tingin sa matandang lalaki. When the old woman let my hand go, I reached for the old man's hand and paid my respect too.

"Nanay Lucinda, Tatay Patricio, siya si Hurricane..." Ani Hell, minsan pang ngumiti ang dalawa sa akin at kaagad akong yumuko. "Hurricane, they are the one who raised me when Mom died..." Bulong niya sa akin at kaagad naman akong tumango.

"Halina kayo! Tamang tama, kaluluto ko lang ng tanghalian!" Nanay Lucinda exclaimed.

Just like what she said, we went inside the mansion. Sa bawat hakbang na ginawa ko ay para bang nanlalambot ang aking tuhod, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng ganitong tirahan, I've seen a lot overseas but this one... It's like a dream come true.

Nang buksan ni Tatay Patricio ang double door, bumungad kaagad sa amin ang mga kasambahay nilang nakahalera. Nakayuko ang mga ito bilang pagrespeto. I looked at Hell once again, only to realize that he is already staring at me.

"Magandang tanghali po..." Sabay sabay nilang bigkas, sandali lang na yumuko si Hell sa kanila at nagpatuloy na kami sa paglalakad.

From their foyer, we walked in a corridor which walls is filled with portraits. I think this became their gallery. I'd like to slow down for a bit to see the vivid painting, the masterpieces became more lavish since the corridor has lighting for it. Mas luminaw pa iyon sa aking mata.

"Buti ay nagsabi ka ka kagabi, Hell. At least ay nakapaghanda ako..." Ani Nanay nang marating na namin ang kanilang formal dining.

The twelve-seater table filled with food welcomed us, it's too much for four people in one dine. Naupo si Hell sa dulo ng table, I sat in his right, ang mag-asawa naman ay nasa tapat ko.

Ramdam ko ang kanilang titig sa amin, tila ba sinusuri talaga kami. For some reasons, I want to leave a good mark to them. Inayos ko ang tindig, ang dalawang kamay ko ay nasa ibaba ng mesa at hindi nawala ang ngiti sa aking labi. Formality, I would say.

"Mahaba ba ang byahe, hija?" Tanong ni Tatay, mahina akong natawa at tumango.

"Ang sabi po ni Hell ay isang oras lang. Hindi ko na mabilang kung ilang liko ang ginawa namin, hindi pa rin po kami nakakarating..."

They both laugh with my tone, the mood of the dine felt different. May glass wall na naghahati sa labas at loob, nakikita ko mula sa aking kinauupuan ang tanawin sa labas. I think that made the dine more welcoming.

"Buti at nadalaw kayo. Akala ko ay sa pasko na ang punta mo rito, Hell..." Bumaling kami sa kanya, looking at him with my angle, he looks like a resilient king.

"Sa pasko rin, Nanay. Baka makadalaw ulit ako rito..." Aniya, inabot niya ang lalagyan ng kanin at nilagyan ang platong nasa harap ko, ganoon din ang ginawa niya sa kanya.

"Sana ay ikaw rin, Hurricane..." Ani Nanay, ngumiti ako at tinanaw si Hell. Pati siya ay parang hinihintay din ang sasabihin ko.

"Baka sakali po," Maikli ko na lang na sagot. Hindi ko kasi alam kung may plano ba sina Mommy, ayaw ko namang mangako dahil baka hindi ko rin matupad.

Inikot ko ang tingin sa mga nakahandang ulam, sigurado akong lahat iyon ay masarap pero kailangan ko lang mamili ng isa! Ayaw kong sabihin nina Sari na tumaba ako kapag nagkita-kita ulit kami.

"Ano ang gusto mo?" Bulong ni Hell. Hindi ko naman alam na mas mahirap pa pala ito kaysa sa entrance exam!

Out of all the ulam here; Mechado, grilled liempo, sinigang na hipon, tinola, pinakbet and pork belly sisig... Adobo ang pinili ko.

"Sure?" Even Hell became suspicious. "I told Nanay to prepare all these for you..."

"Nako! Hindi ka dapat mag-diet, Hurricane! Bata ka pa, dapat ay sulitin mo ang katawan mo." Nanay Lucinda exclaimed.

Ngumiti na lang ako at tumango, nilagyan ni Hell ng adobo ang plato ko. Naglagay si Hell sa ilang ceramic bowl ng mga ulam na nasa hapag at iniharap iyon lahat sa akin, sinagi ko ang kanyang paa sa ilalim ng mesa at ngumiti lang ito.

Nagsimula na kaming kumain, ramdam ko angpaminsan-minsang pagtingin ni Hell sa akin ngunit hindi ko pinansin iyon. Akala niya ba uubusin ko ito dahil kinonsensya niya ako? God, I can't take this guy.

We began eating, tahimik lang ako habang hinahayaan ko silang magkwentuhan. The adobo is sweet, I can't stop myself to eat more. Matapos ang adobo, sinunod ko ang liempo. Tumatango-tango lang ako habang nilalantakan ang mga ulam sa harap ko.

"Tama 'yan, hija. Kumain ka lang, hindi ka naman ipagpapalit ni Hell kung tumaba ka..."

I choke when I heard that, bumaling ako sa aking gilid upang hindi sa harap nila umubo. In the side of my eyes, I saw Hell stood up as he went beside me. He caress my back as I continue coughing. Iniabot niya sa akin ang tubig at kaagad ko iyong tinanggap.

Nang magkatinginan kami ay agad nitong pinunasan ang luhang namuo sa aking mata gamit ang daliri. I looked at the old couple again, tipid akong ngumiti at yumuko para humingi ng pasensya. Hell went back to his seat.

Nagpatuloy sila sa pagkain at hindi na ako muling sumubo dahil doon.

"Ilibot mo siya mamaya, dumito muna kayo sa bahay. Kapag lumilim, pumunta kayo sa rancho..." Oh, they have a ranch? Wow, the Laurette's are just too high to reach.

"Maayos ba ang mga kabayo, 'Tay? Sana ay hindi maputik sa field at saka, maayos na ba ang trails ng bundok? Gusto kong lumibot."

"Maayos na, pinaayos ni Paul noong huling punta niya rito. Malusog ang mga kabayo, magandang lumibot mamaya..." Ani Tatay, sa kanyang sinabi ay napakunot ako. Kung ganoon, hindi pala rito namamalagi ang ama ni Hell.

"Uuwi rin ba kayo ngayong hapon? Sana at magpabukas na kayo, gagabihin kayo sa daan kung ngayonng hapon din kayo uuwi..."

Nagkatinginan kami ni Hell, he was waiting for my response but I just gave him silence.

"Titignan namin, Nanay..." He answered.

Kagaya nang suhestyon ni Nanay Lucinda, matapos kumain ay nagpaalam kami sa mag-asawa. Nilisan namin ang dining area at muling tinahak ang corridor na dinaanan namin kanina, ngayon ay bumagal ang lakad ko habang isa isang sinusuri ang mga obra ng nakasabit doon. May mga pangalan sa ibaba ng mga ito, may ilang landscapes na sa tingin ko ay hango sa ibang bansa. Ang iba naman ay portrait ng mga taong hindi pamilyar sa akin.

Natigil ako sa paghakbang nang maagaw ng isang larawan ang aking atensyon. Nanliit ang aking mata upang mabasa ang pangalan, Heyorina.

Ibinalik ko ang tingin sa obra, isang babae iyon. Maalon ang kanyang buhok, ang dalawang kamay ay magka-tiklop. Hindi nakangiti ang labi nito ngunit kita ang tuwa sa mata, nakaupo ito sa isang rocking chair habang ang kanyang trahe de boda ay laglag hanggang sa sahig.

I looked at her eyes, and I felt different.

"Who's this?" I asked Hell, lumapit siya sa akin at tinignan din ang larawan.

"That's a canvas made by a famous resto owner in Manila, that's just a replica. Ang tunay na painting niyan ay dinadayo sa Manila... Dad bought that years ago."

"Heyorina, that's a good name." Bati ko.

"The story behind that is sad," Kumunot ako, ngumiti lang siya sa akin, marahang nitong inabot ang aking kamay at pinagtiklop iyon. Hinayaan ko siyang gawin iyon, it is comfort for me. "Halika, marami ka pang lilibutin."

Tinungo namin ulit ang Foyer, makikita doon ang dalawang hagdan na nahati papunta sa pangalawang palapag ng bahay. Few steps from the foyer, the grand living room awaits. Doon ko hinila si Hell, inilibot ko ang tingin sa mga mwebles na halatang mamahalin.

"Old-fashioned but it suits the contemporary design... This is amazing." I whispered.

Gusto kong hawakan ang mga iyon ngunit hindi ko mabitiwan si Hell, I don't want to. Sa gilid ng aking mata ay natanaw ko ang isang portrait, nag-iisa lang iyon dito sa malaking living room. Tila ba hinimas ang puso ko at gusto ko na lang na manlambot, it was the Laurette's family portrait.

Alam kong gawa na lang ito ng isipan ng pintor dahil namatay si Proserpine Laurette nang isilang niya si Hell. But then, it looks so real that everyone might think that it really happened.

"Oh God," I whispered.

Proserpine Laurette is sitting in a victorian chair while carrying a five-year-old Hell Laurette. Paul Laurette, on the other hand, is standing beside his two precious while his hand is on his wife's shoulder. They were all smiling, and God, it was beautiful.

Humigpit ang kapit ko kay Hell at mukhang naramdaman naman niya iyon. There are pages of your life that you are still not ready to open, but then again, why am I waiting for you to share them with me? I looked at him only to find out that he's already staring at me.

"You have your Mom's smile," I whispered, he laugh a little and nodded. Akala ko, kay Tito Paul niya nakuha ang lahat ngunit mali ako.

Matapos sa kanilang living room, tumungo kami sa study nila upang libutin din. Hindi ko na binilang ang mga segundong pumatak habang nililibot namin ang unang palapag, nang makuntento ay tinahak namin ang papunta sa pangalawang palapag ng bahay.

To see something as elegant as this one, it's soothing that I don't want to leave anymore. I know I can't do that, I'm just hallucinating. Habang nagsasalita si Hell tungkol sa kung anong mayroon sa mga silid na pinapasok namin ay nakatitig lang ako sa kanya, I can feel his urge to really come back here.

"Ah, this one," Tumigil kami sa harap ng isang pinto, seryoso itong tumingin sa akin bago nagsalita. "Huwag mong hahawakan ang mga blades, ha? Baka mahiwa ka..." I nodded as I heard that, he opened the door as we both entered the room.

Nang buksan niya ang ilaw ay bumungad sa akin ang mga bagay na hindi ko inaakalang makikita ko rito, akala ko ay sa bahay lang ako makakakita ng ganito ngunit hindi pala.

"The blades, merciful God, the swords..." I whispered. For the first time since he held my hand, binawi ko ang kamay sa kanya.

The memories of when I was nine years old visited me, I remembered the blood that was shed from my fingers when the blade slit my skin. I remember being rushed into the hospital because of its continuous bleeding.

Ngumisi ako, nang mahiwa ako minsan ay ang naging dahilan kung bakit hindi na ako takot mahiwa ulit. Ah, what doesn't kill you make you stronger, that's what they say.

If there is one thing I want to do for the rest of my life, it would be fencing. It's been my dream to have a collection of swords, ang ganda nito tignan lalo na kapag tumatama ang sinag ng araw. Kumikinang ito na para bang inaaya akong hawakan iyon.

In a glass cabinet, the swords were hanged. Katana, arming and bastard sword, sambre and my favorite, the gladius. Lumapit ako sa isang cabiner kung saan nakapatong ang isang model ng rapier.

Tinanggal ko ang shirt ni Hell na kanina pa nakasuot sa akin, I threw it somewhere. It's getting hot in here. I fixed my hair, ang takas na hibla nito ay inilagay ko sa likod ng aking tainga.

"Hurricane," I gripped the sword, there is no sword blunt on its tip, it can surely kill in one  slash. "Ibaba mo 'yan, baka magkamali ka at masugat ka..." Ma-awtoridad na utos nito.

Hinarap ko siya, gulat ang dumaan sa mata nito. Hinayaan ko siyang humakbang palapit sa akin hanggang sa may kaunting espasyo na lang sa pagitan naming dalawa, nang akmang kukuhanin niya ang grip sa akin ay agad akong lumayo.

I want to play. I want to play, Hell.

Diretso ang tingin nito sa akin at sa bawat segundong dumadaan ay tila nilulunod niya ako sa kanyang tingin. Nanatiling maayos ang aking tindig at hindi nagpatinag, dahan dahang kong itinaas ang kamay na may hawak sa espada at itinapat iyon sa kanyang balikat.

"It seems like Mom didn't remind you that I am good at swords," It was almost a whisper, with the deafening silence of the room, I know he heard that.

Hinayaan kong maramdaman niya ang talim ng espada sa leeg, sigurado akong malamig iyon ngunit hindi man lang namuo ang kaba sa kanyang mata. His eyes are dark, it's always been this. But upon the storm in those, I still find it comforting. How can I feel this?

"You told me once, the only thing that can break this fake concealment is when one of us died... Shall I do the honor now?"

He didn't flinch, he wouldn't be. How can you be so confident when you are in the edge. Sa isang maling galaw, sigurado akong tutulo ang dugo at may mawawalan ng buhay.

"If being killed by you is an honor, then sure, do it. If this would bring you peace, I won't mind... This is not the worst you can do..."

Ang titig ko sa kanya ay bumaba sa kanyang labi, gumuhit ang matamis na ngiti nito sa labi, napaatras ako dahil doon. The image of Proserpine Laurette flashed in my mind. He wet his tender lips with his tongue and it became redder than its natural color.

The lips of Hell, it's sinful. And damn, my heart beats so fast now. God, please, don't make this stop. Don't make my heart stop beating so fast.

Continue Reading

You'll Also Like

12.5K 637 34
Kafagway Series #2: siglaw (n.) glimpse; brief view; glance
159K 5.1K 43
Rashiel Laurena Esguerra wanted everything in accord with her plan. She's a straight A student, goal-oriented and competitive whose life revolved aro...
12.7K 458 39
Everything about Isabelle and Gavin's relationship has been planned. The wedding, the baby names, the future. Both of them are working so hard in mak...
4.2M 245K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...