Tight-Lipped (COMPLETE)

By AnanymouslyInLove

152K 2K 12

Rich girl Lavinia Montez had everything when all of a sudden, she found herself pushing a "kariton". How is t... More

TIGHT-LIPPED/ chap.1
TIGHT-LIPPED/ chap.2
TIGHT-LIPPED/ chap.3
TIGHT-LIPPED/ chap.4
TIGHT-LIPPED/ chap.5
TIGHT-LIPPED/ chap.6
TIGHT-LIPPED/ chap.7
TIGHT-LIPPED/ chap.9
TIGHT-LIPPED/ chap.10
TIGHT-LIPPED/ chap. 11
TIGHT-LIPPED/ chap.12
TIGHT-LIPPED/ chap. 13
TIGHT-LIPPED/ chap. 14
TIGHT-LIPPED/ chap.15
TIGHT-LIPPED/ chap. 16
TIGHT-LIPPED/ chap. 17
TIGHT-LIPPED/ chap.19
TIGHT-LIPPED/ chap. 19
TIGHT-LIPPED/ chap. 20
TIGHT-LIPPED/ chap. 21
TIGHT-LIPPED/ chap. 22
TIGHT-LIPPED/ chap. 23
TIGHT-LIPPED/ chap.24
TIGHT-LIPPED/ chap.25
TIGHT-LIPPED/ chap.26
TIGHT-LIPPED/ chap.27
TIGHT-LIPPED/ chap.28
TIGHT-LIPPED/ chap.29
TIGHT-LIPPED/ chap.30
TIGHT-LIPPEd/ final chapter
Author's Note

TIGHT-LIPPED/ chap.8

4.6K 67 0
By AnanymouslyInLove

Chapter Eight

[Lavinia’s POV]

Pupunta raw kami bukas ng Batangas kaya I spent the rest of the afternoon sa pag-eempake ng gamit sa bag. Oh, if I only knew na mag-eempake lang ulit ako hindi ko na sana nilagay lahat ng damit ko sa cabinet.

Iilan lang naman ang nilagay ko sa bag, then I zipped the bag close.

Nakapag-empake na kaya si Segmun?

Lumabas na ako ng kwarto. Ang tahimik sa hallway. Mukhang ako lang yata ang mag-isa sa bahay o baka naman nasa sariling kwarto pa rin niya si Segmun.

I went downstairs papunta sa garden malapit sa swimming pool.

Impressive din naman ang mga halaman sa garden. Tsaka buti at nakapagtanim pa siya ng red roses dito. Buti at sumang-ayon sa klima dito ang paglaki ng mga bulaklak. Aside from red roses, meron din siyang mga Palm trees, San Francisco, Bouganvilla at iba pang bulaklak na hindi ko alam ang pangalan.

“Hindi naman talaga ako mahilig sa bulaklak,” salita ni Segmun sa likuran ko kaya napalingon ako.

Lumapit siya at tinitigan ang mga halamang tanim sa garden.

“Well, bakit nag-garden ka pa?” tanong ko sabay ekis ng mga braso.

Nginisihan niya ako. “Bakit lagi ka na lang may tanong bigla sa akin?”

“Just curious. Sabi mo hindi ka mahilig sa bulaklak.”

“What do you want for dinner?” – change topic niya na sinakyan ko naman.

“Kahit ano.” :)

“Siguro hindi ka pa rin marunong magluto no?”

“Well, I can fry eggs, sinangag, fry fish, cook corned beef and hotdogs.”

“Tsssssss. Hindi ka talaga papasado kay Mama,” iling-iling niya.

“Well, I don’t have to make myself perfect to be accepted.”

“Sabi mo eh,” talikod niya sa akin. “Sige, itse-check ko lang kung ano ang pwede kong lutuin sa ref.”

Sinundan ko siya at pinanood habang tinitignan niya ang laman ng ref.

“Make it simple na lang,” sabi ko sa kanya tsaka nag-lean sa counter table na pagitan ng kitchen sa living room. “Kanin at corned beef.”

“Sus. Tamad talaga ito magluto. Wag kang mag-alala, ako na ang magluluto. Baka pagsisihan nating dalawa pag ikaw pa ang pinagluto ko.”

“Grabe ka naman!” lapit ko sa kanya tsaka nakitingin na rin sa ref. “Marunong naman akong magluto no? Kaunti nga lang ang alam ko but I still know something!”

“Corned beef lang ba talaga ang gusto mo?” lingon niya sa akin.

Tumango ako.

“Well, fine,” parang suko na niya tsaka sinara ang ref. “Magpe-french fries na rin tayo.”

Binuksan ulit ni Segmun ang ref at kinuha ang isang brown paper bag ng patatas.

Tinulungan ko naman siya sa paghihiwa ng patatas at pagbabalat nun. XD

Ako na lang din ang nagsaing sa rice cooker habang abala siya sa pagluluto ng corned beef. Hinuli na niya ang French Fries—papapakin ko lang daw eh. And he’s got a point.

Then dinner is served.

Partner na rin kami sa hugasan ng pinggan.

“Well, take some shower at magtoothbrush ka na,” sabi niya habang  umaakyat na kami ng hagdan. “Ayoko ng pinaghihintay ako sa kwarto.”

O_____________O

“Bakit ganyan ang tingin mo sa’kin?” tanong niya agad. “May pustahan tayo, baka nakakalimutan mo.”

>_______< “OPO.” – surrender ko tsaka agad na dumeretso sa kwarto ko para maligo at mag-toothbrush. Tapos ang sinuot ko na lang ay maikling shorts na cotton at malaking-malaking shirt na dati pang akin at hindi isa sa mga binili sa akin na damit ni Segmun.

Paglabas ko ng kwarto ko, lumingon-lingon ako sa paligid. One thing I forgot to ask ay kung nasaan pala ang kwarto ng lalaking yun.

“Pssssssst.”

*instant-lingon*

Magkatabi lang pala kami ng kwarto. Nakasilip siya sa pinto ng silid niya.

Lumakad na ako papasok ng kwarto niya which is—neat.

Medyo beige ang bed sheet ng king-sized bed niya. Oo, tingin ko king-sized na ang kamang ito sa sobrang laki. At kulay puti ang pillows and blanket. May flat screen  TV sa tapat ng paanan ng kama niya na may DVD player at speakers na kasama. Tapos sa tabi nun ay may malaking shelf ng mga CD at DVD.

“Pili ka na diyan ng panonoorin natin,” sabi niya nang mapansin niya siguro na nakatingin ako as mga DVD niya.

Lumakad naman ako at tinignan ang mga CD at DVD.

O_________O Action movies. Grabe, naglalaway ako para sa mga original CDs ng mga ito.

Cannibal movies—EW.

Sci-Fi. Ayos din naman.

Pero ang kinuha kong CD ay isang French Action Movie.

“May subtitles naman yan,” sabi niya sa akin bago kinuha yung CD at sinalang sa player.

Then lights off. Yung TV na lang ang maliwanag. Naupo na kaagad siya sa kama at sinandal ang likod sa headrest.

“Tatayo ka lang ba diyan?” tingin niya sa akin.

Kaya doon na rin ako sa kabilang side ng kama niya naupo at sumandal sa headrest. Niyakap ko sa dibdib ko yung isang unan niya.

---_____---

O______~

“Hindi na naman siguro tayo magkaaway para umupo ka ng ganyang kalayo sa akin?”- tanong niya.

“Ayos lang ako, ahaha.” Feeling ko fake yung tawa kong iyon ah.

Siya na lang ang lumapit sa akin tapos sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

“Bukas mga early morning tayo aalis Papuntang Batangas.”

“8 AM?”

“Not that late. Mga alas-sais siguro.”

“Ikaw ang magda-drive?”

“Yes. Bakit marunong ka bang mag-drive?”

“Nope. Pero madali lang naman iyon kapag kotse.” :)

“Then, may pupuntahan lang ako, which doesn’t require me a personal assistant, so, doon ka lang sa bahay pagdating natin.”

“Bakit nga pala biglaan ang punta natin ng Batangas? ‘Di ba sa Thursday pa dapat? Ano ba ang sinabi ng tatay mo sa phone kanina?”

Natigilan si Segmun tapos inalis na niya ang ulo niya sa balikat ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin.

“Matanong ko nga pala, Lavinia… Tatanggi ka ba kapag hinalikan kita ngayon?”

O___________O

“H-Hindi ka naman siguro… siguro seryoso na g-gaw-gagawin mo ‘yan di ba?” – sagot ko.

“Oo o hindi lang ang sagot.”

“Ano ba, Segmun?” layo ko ng kaunti sa kanya. “Ewan ko sayo, lakas-trip ka na naman.”

Tinutok niya ulit ang paningin niya sa TV.

[Segmun’s POV]

“Bakit nga pala biglaan ang punta natin ng Batangas? ‘Di ba sa Thursday pa dapat? Ano ba ang sinabi ng tatay mo sa phone kanina?”

-          Kung alam lang ni Lavinia na hindi talaga ang tatay ko ang kausap ko sa phone kanina.

I need to say something na magdi-distract sa kanya para malimutan na niya ang tinanong niyang iyon.

“Matanong ko nga pala, Lavinia… Tatanggi ka ba kapag hinalikan kita ngayon?”

O___________O

“H-Hindi ka naman siguro… siguro seryoso na g-gaw-gagawin mo ‘yan di ba?”

“Oo o hindi lang ang sagot.”

“Ano ba, Segmun?” layo ko ng kaunti sa kanya. “Ewan ko sayo, lakas-trip ka na naman.”

Tumingin na lang ulit ako sa TV. Hindi lang pala ako alanganin na magtatagumpay sa agenda ko, alanganin din yata ako sa puso niya.

Kahit nakatingin ako sa TV parang wala akong nakikita. Ilang beses ko na rin naman kasi napanood ang CD na ito ng paulit-ulit. Ganun din naman si Lavinia pero parang wala siyang kasawa-sawa sa pelikulang ito at---

O______O

---_____---

*iwas-tingin*

“Nahuli na kita, Lavinia,” sabi ko na lang tsaka lumapit pa sa kanya. “May sasabihin ka?”

“Napanood ko na kasi ito eh.”

“O, eh ikaw naman ang pumili ‘di ba?”

“Ayoko na manood eh.”

Kinuha ko na lang ang remote at pinatay ang TV. Tapos inilagay ko na iyon sa tabi ng lampshade na nakapatong sa night table. Ang lamp shade na lang ang source ng ilaw namin ngayon.

Humiga na si Lavinia at nagkumot. “Sige, maaga pa nga pala tayo lalakad bukas, no? Good night.”

Humiga na rin ako pero hinapit siya sa bewang palapit sa akin.

“Segmun…”

Pumikit na lang ako.

“Hey.”

“Matulog ka na lang.” sabi ko, without opening my eyes.

“Oo nga, eh bakit may yakap-yakap ka pa?”

Dumilat na ako at tinitigan siya. “Lavinia, tahimik na ang gabi ang ingay-ingay mo.”

“Pwede ba, Segmun, wag ka na ngang maka-embrace sa akin diyan.” >____<

“Gusto mo naman ah?” ^____^

“Yabang mo pa rin kahit kailan!”

Inilapit ko ang ulo niya sa dibdib ko at inipit siya ng isa kong binti.

“Matulog ka na lang.”

“Seg—“

“Shhhh.”

“Segmun!”

Pinabayaan ko na lang siya na magpupumiglas. Mapapagod din naman siya eh.

And she finally stopped pushing me away hanggang sa makatulog na siya.

Continue Reading

You'll Also Like

310K 16.8K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
545K 14K 49
Kevin and Jasmin(JaVin)story from the "His Way of Revenge" (HWOR) Nagger.Yan ang pinakaayaw ni Kevin Sacramento sa isang babae. Mahangin at mayabang...
5.5M 54.1K 104
Si Ram dela Francia ang kahuli-hulihang lalaking inaakala ni Hana na magiging asawa niya. Pero nangyari na lang iyon. Isang araw ay bigla na lamang s...
109K 2.8K 17
Description: SHARINE never imagined herself falling in love. Kontento na siya sa buhay. Ang pag-ibig ay para lamang sa mga takot mag-isa. Besides, wa...