The Chase and You

By heyairaaa

4.9M 76.1K 8.3K

I choose to love him. He chose to break my heart. || Cover by: AkoyIsangPagong More

Prologue
Chapter I
Chapter II
Chapter III
Chapter IV
Chapter VI
Chapter VII
Chapter VIII
Chapter IX
Chapter X
Chapter XI
Chapter XII
Chapter XIII
Chapter XIV
Chapter XV
Chapter XVI
Chapter XVII
Chapter XVIII
Chapter XIX
Chapter XX
Chapter XXI
Chapter XXII
Chapter XXIII
Chapter XXIV
Chapter XXV
Chapter XXVI
Chapter XXVII
Chapter XXVIII
Chapter XXIX
Chapter XXX
Chapter XXXI
Chapter XXXII
Chapter XXXIII
Chapter XXXIV
Chapter XXXV
Chapter XXXVI
Chapter XXXVII
Chapter XXXVIII
Chapter XXXIX
Chapter XL
Chapter XLI
Chapter XLII
Chapter XLIII
Chapter XLIV
Chapter XLV
Chapter XLVI
Chapter XLVII
Chapter XLVIII
Chapter XLIX
Chapter L
Chapter LI
Chapter LII
Chapter LIII
Chapter LIV
Chapter LV
Epilogue
#TCAY2

Chapter V

110K 1.5K 97
By heyairaaa

[5] The Name On His Guitar

 

-Audrey-

Back to normal na ang lahat kinabukasan at ang ibig kong sabihin dun ay wala na ulit pansinan ang nagaganap sa amin ni Duke, o mas magandang sabihin na hindi nya ako pinapansin kahit ako ay puro pagpapansin sa kanya ang ginagawa.

Saturday ngayon at maaga din silang umalis after mag-breakfast. Medyo kabado pa nga ako kaninang umaga dahil baka isumbong nya ako pero katulad nga ng sinabi ko parang walang nangyari kagabi at normal lang ang lahat.

May gig mamaya ang DARKER kaya may practice sila ngayon, pati na din sa nalalapit ng ball sa school. Ako kahit kating-kati na pumunta sa bahay ni Clark kung saan sila nagpa-practice ay hindi pwede dahil nandun ang mortal enemy ko na si Princess.

Nasabi ko na ba sa inyo na magkapatid din si Clark at Princess? Kung hindi pa, ayan nasabi ko na kaya malamang ang bruhilda ay tuwang-tuwa dahil nandun ang Duke my loves ko.

Hindi ako mapakali dahil sobrang bagal ng oras. 6pm sila tutugtog at halos 4pm palang. Kaya kahit dalawang oras pa bago iyon ay pumunta na ako sa restobar na tutugtugan nila tutal naman kakilala ko ang may-ari noon kaya pwede muna akong tumambay dun sa room kung saan nags-stay yung mga nagpe-perform dun.

“Where are you going, Ate Audrey?” tanong sa akin ni Harley nung makita nya akong bihis na bihis at nag-aayos sa kwarto ko. Kami lang ang naiwan dito sa bahay bukod sa mga kasambahay. Nasa work din kasi sina mom and dad.

“Sa gig ng Darker. Wanna come?” tanong ko sa kanya dahil ang boring kayang mag-isa dito sa bahay. Saka restobar lang naman iyon at hindi bar kaya pwede sya.

Tinaasan nya ko ng kilay. “Really, Ate? 4:17 palang nga oh.” sabi nya at tumingin pa sa wall clock ng kwarto ko.

 Tinaasan ko din sya ng kilay. “Sasama ka ba?” tanong ko dahil kung ayaw nya keri ko naman mag-isa baka sya keri nya din ang mag-isa dito sa bahaay.

Ngumisi sya. “Syempre naman. Sinabi ko lang naman yung oras eh. Sige magbibihis lang ako, alam ko naman na masyado mo nang miss si Kuya.”

Natawa nalang ako nung patakbo syang lumabas sa kwarto ko. Tama naman sya, masyado ko nang miss ang kuya nya kaso kahit naman yata magkasama kami nami-miss ko sya dahil lagi akong invisible sa kanya.

Pagkalipas ng ilang minuto, paalis na kami papuntang restobar. Malapit lang naman iyon kaya maya-maya ay nakarating na kami. Binati agad ako ni Kuya Matt, isa sya mga racers na ka-close ko at sya din ang may-ari nitong restobar. Iniwan ko muna si Harley sa isang table para kausapin si Kuya Matt.

“You missed the chance to meet the great Spade Sarmiento, AD.” sabi nya sa akin at bakas sa boses nya ang panghihinayang. Mas nanghinayang pa sya sa akin na hindi nakakilala kay Spade.

Kahit ilang libong beses ulit-ulitin ang pagkakataon na yun ay mas pipiliin ko pa din na makasama si Duke kesa sa iba pa. Hindi ko kayang ipagpalit ang gabing iyon sa kahit na ano o sino pa.

Ngumiti nalang ako kay Kuya Matt. “Siguro naman hindi pa yun ang huli di ba? Baka yun talaga ang tadhana, na hindi kami magkita.” sabi ko nalang at nagkibit-balikat.

Umiling-iling sya. “Ang babaeng naniniwala sa tadhana at mahilig sa racing? Parang hindi yata bagay.” natatawang sabi nya kaya sinuntok ko sya ng mahina.

“Ikot lang kami ni Harley dito, baka asarin mo lang ulit ako.” sabi ko at dinilaan pa sya bago umalis para kunin si Harley at pumunta sa room ng mga performers na talagang ginawa para sa kanila.

Walang tao at malinis ang paligid. Mas marami ang gamit dito ng Darker dahil sila lang naman ang madalas na tumutugtog dito. Every Saturday and Wednesday ang tugtog nila dito at kung minsan nagiging tatlong beses pa kapag hindi sila busy tuwing Friday.

“Ate Audz, rest room lang ako.” sabi ni Harley at umalis kaya ako nalang ang natira sa room dito.

Inikot ko iyon at napansin ang isang pamilyar na gitara. Napakunot-noo ako at iniisip kung saan ko iyon nakita at nung mapagtanto ko kung kanino iyon ay agad ko itong nilapitan.

Ito yung isa sa mga gitara ni Duke my loves! Sobrang tagal na ng gitara na to at ngayon ko lang ulit ito nakita. Ito yung gitara na ginamit niya nung first time nilang tumugtog sa public bilang isang banda.

Kinuha ko iyon at tiningnan. Isang bagay ang pumukaw sa atensyon ko ng may makita akong nakasulat sa gitara na yun. Hindi ganun kalakihan ang nakasulat kaya kung hindi ko pa nilapit sa mukha ko yung gitara ay hindi ko pa mababasa ang nakasulat doon.

‘Aleyna Cortez’

 

Sa sobrang titig ko dun sa pangalan ay hindi ko napansin na natulala na pala ako kaya nagulat nalang ako ng biglang may humablot nun mula sa akin. Nanlamig ang katawan ko at parang nabato ako sa kinauupuan ko.

“Sino nagsabi sayo na galawin mo ang gamit ko?!” sigaw nya na pakiramdam ko ay narinig ng buong restobar.

Hindi ako makagalaw at nakatitig lang ako sa kanya na bakas ang galit sa mukha. Sinigawan nya ko.. sinigawan ako ni Duke. Parang binibiyak ang puso ko ng makita ko ang galit sa mata nya bago umalis sa kwartong yun.

Nakita ko si Harley na tahimik sa gilid kasama si Clark, buti nalang wala si Kuya. Nilapitan ako ni Harley samantalang si Clark ay lumabas na para siguro sundan si Duke.

Napayuko ako at halos manlambot ang katawan ko dahil sa sakit na naramdaman ko. Minsan na nga lang nya ako mapansin tapos ganito pa. Ganun ba ka-unfair ang tadhana?

Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Harley at hinimas ang likod ko. Sana kasingbait nya nalang ang kapatid nya pero hindi, kung gaano ako kagusto ni Harley, ganun ako kinaaayawan ni Duke. Kung pwede lang kasing burahin ang nararamdaman ng isang tao, sana ginawa ko na.

“Ate, maaga silang tutugtog ngayon. Manonood ka pa ba?” nag-aalinlangan nyang tanong sa akin.

Tiningnan ko sya at pinilit kong ngumiti kahit pakiramdam ko ay hindi ako nagtagumpay sa pag-ngiti na yun. “S-sure, okay lang naman ako.” Oo, okay lang ako, magiging okay lang ako.

Tahimik kaming pumunta sa table namin kanina at pagkalabas namin ay sobrang daming tao na kumpara nung dumating kami. Yung iba hindi na nakaupo at mukhang pumunta lang para manuod at hindi kumain. Binati ako nung ibang nakakakilala sa akin at ginantihan ko lang sila ng ngiti. Wala ako sa mood para makipagdaldalan sa kanila ngayon.

“Sure ka bang okay ka lang, Ate? I hate liars.” sabi nya at may pagbabanta pa sa tono nya para magsabi ako ng totoo.

Ngumiti ako sa kanya. She’s so caring, that’s why I love her. “I’m okay. Sino bang hindi masasanay dyan sa kasungitan ng kuya mo?” biro ko kahit sa loob loob ko ay nagso-sorry ako kay Harley dahil nagsinungaling ako.

Sino bang tao ang masasanay na sinasaktan? Sinong tao ang nasasanay sa sakit? Kung masokista ako, oo pero hindi eh, sobrang nasasaktan ako pero kailangan kong hindi magpaapekto dahil mas lalo lang itong sasakit.

Mas lalong umingay ang mga tao ng mag-dim na ang lights at nag-focus na ang spotlight sa gitna ng maliit na stage. Kung sa normal na pagkakataon to ay ako siguro ang nangunguna sa pag-iingay pero ngayon ay ako lang yata ang pinakatahimik kasi maging si Harley ay nakikisigaw.

“Darker! Darker! Darker!” patuloy ang pag-chant ng mga tao sa banda habang ako ay nakatitig lang sa stage.

Natahimik ang mga tao nung si Duke lang ang lumabas at hindi kasama si Kuya at Clark pero sandali lang iyon at biglang nagsigawan ang lahat. Ako naman ay napangiti nalang ng makita ang maamo nyang mukha pero nawala agad yun nung biglang nag-flash sa utak ko ang galit na galit nyang mukha kanina. Agad kong binalewala iyon at binaling ang atensyon ko sa kanya habang ang iba ay medyo tumahimik dahil pinagbabawalan nung guard kasi nakaka-istorbo na sa ibang customer.

“Will you let me if I will be the one to sing first for tonight?” sobrang lambing ng boses nya at sinamahan nya pa ito ng mahinang tawa nung sinabi nya ito. Napa-buntong hininga ang lahat, sino bang hindi? Sobrang gwapo ng nasa harap at hindi mo sya kayang tiisin kaya kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko ay sobrang mahal na mahal ko pa din sya.

[Crush - David Archuleta(multimedia)]

Nagsimula syang kumanta at tahimik lang ang lahat na nakikinig sa kanya.

“I hung up the phone tonight
Something happened for the first time
Deep inside
It was a rush
What a rush”

 

May ilang sumasabay sa kanta. Samantalang ako ay mas piniling titigan sya na nagdulot ng mas pagbilis ng tibok ng puso ko. Naramdaman ko na may kumalabit sa akin at agad kong nilingon si Harley.

“'Cause the possibility
That you would ever feel the same way
About me
It's just too much
Just too much”

 

Tinaas ko ang kilay ko habang inaantay ang sasabihin nya dahil mukhang nag-aalangan pa sya kung sasabihin nya ba iyon sa akin.

“Yung tungkol sa kanina..” simula nya kaya agad akong nag-iwas ng tingin at binaling iyon sa stage. Nakita ko syang nakapikit habang kumakanta.

“Ano yun?” tanong ko at binalewala ang sakit na nararamdaman ko ng maalala ulit iyon.

“Why do I keep running from the truth?
All I ever think about is you
You got me hypnotized
So mesmerized
And I've just got to know”

 

“The name on his guitar..”

Napalingon ako kay Harley ng sinabi nya yun. May alam sya?

Chorus na kaya sobrang dami na ng kumakanta at sumasabay sa kanya. Pero nawala na dun ang atensyon ko at napunta lahat kay Harley na seryosong nakatingin sa akin.

“Do you ever think
When you're all alone
All that we could be?
Where this thing could go?
Am I crazy or falling in love?
Is it real or just another crush?”

 

Hinintay ko ang sumunod nyang sinabi at parang biniyak ang puso ko nang magsalita ulit sya.

“That is Kuya’s first love. Yun ang alam ko.” sabi nya at umiwas ng tingin sa akin kaya binaling ko ulit sa stage ang tingin.

May isasakit pa pala sa ginawa nya kanina? Ang sakit sakit na kasi talaga at parang naiiyak na ko, oo wala akong karapatan kasi wala namang kami pero sobrang nagseselos ako at nasasaktan.

“Do you catch a breath
When I look at you?
Are you holding back
Like the way I do?
'Cause I'm trying, trying to walk away
But I know this crush ain't going
Away
Going away”

 

Bakit sa tuwing nasasaktan ang isang tao, bakit pakiramdam natin lahat ng kanta pinapatamaan tayo? Gustong gusto ko ng tumakbo sa nararamdaman kong to pero wala eh hindi ako makatakas. Kaso hindi lang to simpleng crush, mahal ko sya.

“Has it ever crossed your mind
When we're hanging,
Spending time, girl, are we just friends?
Is there more?
Is there more? (Is there more)
See it's a chance we've gotta take
'Cause I believe that we can make this
Into something that'll last
Last forever
Forever”

 

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko kaya agad ko iyong pinunasan.

“Sorry, Ate Audrey.” sabi sa akin ni Harley, mukhang nakita nya pa yun. Umiling lang ako dahil baka kapag nagsalita ako ay hindi ko na makaya pa.

“Do you ever think
When you're all alone
All that we could be?
Where this thing could go?
Am I crazy or falling in love?
Is it real or just another crush?
Do you catch a breath
When I look at you?
Are you holding back
Like the way I do?
'Cause I'm trying, trying to walk away
But I know this crush ain't going
Away
Going away”

 

Dahan-dahan akong tumayo habang nakatitig pa din sa mukha nya na nakangiti sa mga tao. Bumuntong-hininga ako at tumalikod na.

This time, I chose to walk away.

*

Princess San Diego [media]

Vote, comment and enjoy.

Continue Reading

You'll Also Like

28.4K 956 37
SA MAHILIG SA SUGARMOM JAN , THIS IS FOR YOU HAHAHHAHA . This is an intersex story , kung di open minded please do skip this story 😘 ALL EVENTS AND...
2.7M 52.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1M 20.4K 49
[Completed] Ross is my best friend since first year college. Matalino, gwapo, mayaman, sweet, in other words, perfect, pero certified heartbreaker. I...
4.6K 340 68
Complete. Amethyst series #1: Callix x Sharrine x Deimo x Casiel x Zelo x Nikita