Forever Agape [FS#1]

By LivelyLeo

87.1K 3.1K 943

Forever Series 1/4 Hurricane, a 17 year-old lady from a prominent family in the field of business was arrange... More

FOREVER SERIES 1
FOREVER AGAPE
HELL
INSIDE HIS ARMS
TAMED
DISPUTE
TAKING ADVANTAGE
DELICATE DINES
SERIES OF NOSTALGIA
UNTOUCHABLE
FALSE HOPE
FROM HEAVEN
INSANITY
HYPOCRISY
CARICIA AÑORANZA
OUT OF MY REACH
CHAOTIC TRANQUILITY
LURKING DESIRE
UNTIL THEN, USE ME
FREED
SPACE IN BETWEEN
THE IDEA OF NOWS
IN RUINS
GOOD LIAR
PERSONAL LONGING
HIGH HOPES
PROXIMATE
COME CLOSER
MORNING HAVOC
THE HEPA-LANE
AFFIRMATION
THE LAST THING
HALT
QUE SERA SERA
THREATENED
GAMBLE
FOR I HAVE SINNED
DEPTH
RUNAWAY
ACROPOLIS
ROCK BOTTOM
CASUS BELLI
LAST OF AGAPE
LAST OF AGAPE

UNSTABLE

2K 87 19
By LivelyLeo

C h a p t e r   6

I don't want to hear another word from him. Tumuloy ako sa kusina at padabog na hinila ang mga listahan. Lumabas ako at kinuha ang bag ni Seriana sa sofa, isinabit ko iyon sa aking balikat at dire-diretsong lumabas ng maindoor. Hindi ko siya pinaunlakan ng tingin, para itong naging hangin sa akin.

Sa isang banda, ramdam ko naman ang kanyang pagsunod sa akin, pinatunog niya ang sasakyan at malaya kong nabuksan iyon.

Inilagay ko ang bag sa backseat at pumasok sa tabi ng driver's seat. Mula sa salamin ay nakita kong ipinaupo niya rin ang bata roon at ikinabit ang seatbelt. Wala kaming babyseat, I suddenly feel sorry for the child. Baka hindi ito kumportable sa lagay niya ngayon.

He went inside and started the engine, sa harap lang ang tingin ko at hindi siya kinibo. Umandar ang sasakyan at katahimikan ang bumalot sa amin. Ramdam ko pa rin ang init ng kanyang palad sa aking baywang, hindi yata ako titigilan ng pakiramdam na iyon.

As we reached the supermarket, just like what he said, he's taking care of Seriana. He carried her while I carry her bag, siya rin ang nagtutulak ng cart habang ako ay nakatingin lang sa listahan.

"Kuya, I want that!" She call him Kuya while she called me Mom? That's frustrating!Sinundan ko ang itinuturo ng bata, it's a jar of chocolates. Nagkatinginan kami ni Hell, ngunit kaagad akong nag-iwas.

"Ah..." He's obviously out of words.

"No." Mabilis kong sabi, ngumiti ako sa bata at umiling pa. Sumimangot ito at isinubo na lang ang mamador. "That's not good for a baby like you..." I added, nagpatuloy ako sa pagkuha ng mga crackers at hindi na lang pinansin ang pag-ingit nito.

Di kalaunan, ibinaba ni Hell sa upuan ng cart si Seriana. Nakarating kami sa meat section, tinignan ko ang listahan at inisa-isa iyon sa butcher. Ito na lang ang huli naming bibilhin at makakauwi na.

"Pork's loin and belly, Beef's chuck and sirloin." Tinanong niya kung ilang kilo at sinabi kong tag-iisa lang, kasya na iyon para sa isang linggo. Sobra pa!

"What about seafoods?" Rinig kong sabi ng aking kasama habang naghihintay kami.

"Wala sa list ko," Maigsi kong sabi.

"Hindi naman kailangang lahat ay nasa list mo." Matalim akong napatingin sa kanya, nagtaas ito ng kilay at lumakad papunta sa kabilang section ng market. Nakatingin lang ako kanya habang nakikipag-usap ito sa babaeng namamahala roon.

Nangingiti pa ang babae habang si Hell ay nakatingin lang sa mga seafoods.

"Babaero," Bulong ko. Ilang sandali lang iniabot niya ang isang card, black fucking card, and the lady swiped it. Bumalik si Hell na dala ang mga pinamili, inilagay niya iyon sa cart at sandali kaming nagkatinginan.

"Ano ang mga 'yan?" Tanong ko.

"Mussels, shrimps, squids..." Aniya. Ngumuso siya sa aking likod at napatingin ako sa butcher, ngumiti ako at kinuha na ang nakaplastik na laman. Iniabot ni Hell ang card and nang maibalik sa kanya ay tumulak na kami.

"Babaero... Babaero... Babaero..." Halos maestatwa ako sa aking kinatatayuan nang marinig na kinakanta ni Seriana ang sinabi ko kanina. Napatingin ako sa kanya at ganoon din si Hell. "Babaero..." Pag-uulit niya pa, maarte ang kanyang accent!

"Don't say that, Seriana. That's a bad word." Palihim akong umirap at tumuloy sa paglalakad. "Who taught you that?" Sa kanyang boses ay ramdam kong pinagdududahan niya na ako.

"Mommy!" Buti na lang, hindi ako 'yon! Hindi naman ako ang Nanay niya.

"Hurricane," Nanlaki ang aking mata at nag-aalangang tumingin kay Hell. "Ikaw ang itinuro niya." Napakagat ako sa aking labi, tumingin ako kay Seriana at umiling ngunit tumango tango pa ito. Hinding hindi kita bibilhan ng chocolate!

"Mapagduda ka, Hell." Ani ko at iniwas ang tingin, nakapila na kami sa counter matapos mabili ang lahat ng kailangan.

"Nagsisinungaling ang bata?" His tone was sarcastic. Hindi ko siya sinagot, dapat ay hindi ko malimutang nag-away lang kami kanina. I heard his soft laugh, the corner of his lips rose with amusement.

"Tumahimik ka na, ayaw kitang kausapin." Mas lalo pa siyang natawa dahil sa aking sinabi. He should be thankful, nandyan si Seriana. Baka dahil sa kanya, we can talk for a couple of times. Kung wala ang bata, I'd prefer to go to Sari's place.

Nang maibalot ang aming pinamili ay parehas pa naming nilingon ang isa't isa. Nagtaas ako ng kilay na parang sinasabing kuhanin niya ang mga iyon, samantalang inginuso niya naman si Seriana.

"You want me to-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin nang bigla nitong iabot sa akin ang bata, Seriana opened her arms so I was left with no other choice rather than to hold her.

Binuhat ni Hell ang isang medium size box at isang plastic bag, I know it's heavy.

"Akin na," I offered. Isang kamay lang ang ginamit ko upang buhatin ang bata, I extended my other hand to reach him but he just looked at it. "Akin na, kaya ko." I assured him.

"Heto," Imbis na ibigay sa akin ang plastic bag ay kinuha niya lang ang kamay ko. Nanlaki ang aking mata at akmang babawiin ang kamay nang biglang humigpit ang kapit niya roon. "Si Hurricane ang gusto kong kausap, and yet that's her pride talking." He whispered.

I just want to curse him right now. Hawak niya lang ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa sasakyan, he just let me go when he had to put what we bought in the compartment.

"You didn't buy me chocolates, Mom." Shocked, I turned my gaze to Seriana. Ubos na ang gatas niya ngunit hawak niya pa rin ito.

"I'm not your Mom," Ani ko.

"Kuya told me to call you Mom,"

Napangiwi ako, para bang nakikipag-usap ako sa kasing edad ko na. Marahan kong isinara ang pintuan ng backseat st pumasok na sa front seat. When Hell went it, I looked at him sharply.

"Kung ano ano ang itinuturo mo sa bata," Angil ko, he started the engine and turned his gaze at me.

"At least, hindi ko siya tinuruan na tawagin akong babaero..." I laugh sarcastically, I want to punch him in the abdomen right now!

He started the engine. Lumipat ang mata ko sa kamay niyang nakahawak sa manobela, ang ganda 'non. He maneuver gracefully, walang kahirap hirap niyang ginawa iyon.

"Wala ka na bang bibilhin? Pupuntahan?" Nagising lang ako sa kanyang pagtawag. Naisip kong dumaan kami saglit kina Sari, tinignan ko si Seriana mula sa salamin at nakita pa ang paghikab nito.

Badtrip, wrong timing.

"Wala na, umuwi na tayo." Isinuot ko ang seatbelt at tumanaw na lang sa labas. Hurricane, huwag mong kakalimutan na nagsagutan kayo kanina dahil sinabi niya ma-pride ka. Totoo 'yon, pero mali pa rin siya!

It was my subconscious talking to me. Parang kinukumbinsi ako 'non na mali si Hell, si Hell ang hindi tama! Kahit na alam kong totoo rin ang sinasabi niya.

Nang makarating kami sa bahay ay nauna akong bumaba, binuksan ko ang pinto ng backseat at ibinaba si Seriana. Hinayaan ko siyang maglakad, habang ako ay nakasunod lang sa kanya.

"What do you want to eat, Seriana?" Hinawakan ko ang kanyang likod habang binubuksan ko ang pinto. "Not chocolate, you can't eat that." Ani ko nang makapasok na kami.

"Anything," Napataas ang kilay ko. Tinignan ko si Hell kaya naman nagtaas ito ng kilay sa akin. "May attitude problem yata 'tong pinsan mo." Ani ko.

"Ayaw mo 'yon, match kayo." He smirked as I rolled my eyes. Ibinaba niya ang bag ng bata sa sofa at tumuloy sa kusina.

"Can I play po? Do you have a playroom, Mom?" She crawled into the sofa while I sat beside her.

"None, but we have a library. Do you know how to read?"

"Ah, the ABC and then 123?" Napangiwi ako. Kung sungitan mo ako, akala mo alam mo nang magbasa! "Or the parts of animal and plant cell?" Hindi ko naitago ang aking pag-irap, she sound so ground. Kapag lumaki ang bata na ito, God bless na lang para kay Tita Xerxes.

That afternoon, we ate together in the dining table. Hell cooked adobong pusit, and it was hella delicious. Hindi ko alam kung saan siya natuto, I don't even want to know, but my head praises him while we're eating. Today is different, maingay ang hapag ngayon dahil sa bata. Ni hindi nga kami nagkikibuan ni Hell tuwing kumakain, at kung nag-uusap man kami, we're just arguing.

Half of an hour passes by after we ate, Seriana was sent to sleep by Hell. Ako ang naglinis ng aming pinagkainan, mas gusto ko ito kaysa magpatulog ng bata.

"Alam mo bang... Magtimpla ng gatas?" Mabilis na lumipad ang aking tingin nang marinig ang boses ni Hell, kamot niya ang batok at nag-iwas pa ng tingin. "She can't sleep without her milk, I don't know-"

"I remember the way you insulted me for not being ready for a family, look at you now." Insulto ko, binaba ko ang hawak na plato at hinugasan ang kamay. Napangiwi pa ito at umirap lang ako. "Idala mo sa akin ang bag, mayroon bang gatas 'don?" I asked.

"Titignan ko," Tumalikod ito at lumabas. Nang makabalik ay dala na ang baunang naglalaman ng gatas at ang mamador.

Lumapit kaming dalawa sa table, kinuha ko iyon sa kanya habang ramdam pa ang titig nito. "Ganito, lagyan mo ng mainit na tubig. Hindi pupunuin, dapat ay katamtaman lang para hindi mapaso." Turo ko sa kanya, nilagyan ko ang bottle ng mainit at malamig na tubig, pinakiramdaman ko iyon at bumaling sa kanya.

"And then?" Palihim akong napangiti. Tutok na tutok siya, tila ba calculus ang inaaral namin ngayon. He's too focus that his brows are slowly meeting each other.

"And then, you put the milk. Tatlong scoop, okay na 'yan." Ani ko at ginawa iyon, nang matapos ay inalog ko na. "Nakuha mo? Madali lang, mas madali kaysa sa arranged marriage." Biro ko lang iyon ngunit nakita ko ang pag-iiba ng kanyang impresyon. From a curious boy, he became a furious man.

"Salamat," Iniabot ko na sa kanya iyon at kaagad itong tumalikod. Pinanood ko lang ang kanyang paglalakad.

Is he that sensitive about the topic? Then, he's sensitive to reality. Poor man, is he an idealist?

Nang matapos magligpit ay sumunod na rin ako sa itaas. Hindi na ako kumatok at tama naman ang aking naging desisyon, nang makapasok ako ay mabigat na ang talukap ng mata ni Seriana. She really looks like an angel now, compared to what she was earlier.

Lumapit ako sa kanila, Hell was just sitting on the edge of the table while tapping the five-year-old's back.

"Tinanggal mo sana ang sandals niya," I whispered. Dahan dahan kong tinanggal iyon, hindi na nga namin siya nabihisan bago siya matulog.

Malapit ako sa kanya, malapit kami sa isa't isa! Nang bumaling nga siya sa akin ay naramdaman kong nagtama ang aming katawan. My system can't handle it so I immediately stopped back. Buti na lang at natanggal ko na ang suot nitong pang-apak, I cleared my throat as I turned my back.

Damn this Laurette, he makes me unstable without him noticing it.

Nanguha ako ng damit at nagbihis sa banyo, iniisip ko ang kailangan kong gawin ngayong araw. Dapat ko na bang simulan ang report ko? I mean, it's just a report for our business subject which is entrepreneurship. I don't belittle the subject, but I guess I can just do it tomorrow.

Nang makalabas ako ay kaagad na naman kaming nagtinginan, Lord please! Gusto ko lang ng tahimik na buhay pero bakit ganoon ang titig ni Hell sa akin? Sobra ko ba siyang na-offend sa aking sinabi?

"May gagawin ka?" Tanong niya, nag-baba ako ng tingin at kaagad na umiling. "Can we talk?" Napaawang ang aking labi, my heart starts beating so fast that I can't keep up.

"Ah, actually no pala. May gagawin ako sa library, I'll make my report..." Pinagtiklop ko ang aking kamay sa likod at humigpit ang kapit ko sa sarili. He slowly nodded, tumalikod ako at kaagad na tumuloy sa labas.

I went inside the library, hinawakan ko ang aking dibdib at ramdam ang malakas na kabog nito. Gaga ka, Hurricane! Ni hindi mo nga alam kung ano iyon, tumiklop ka kaagad! Umupo ako at minasahe ang sentido, ayaw pang kumalma ng sistema ko!

Nagugulat ka lang at bumabait siya, Hurricane. It was my alter ego talking to me, tumango ako at sumang-ayon. He needs to be rough at me, to be harsh at me. Gusto kong uminit ang dugo niya sa akin, once I broke this concealment, kahit huwag na kami magpansinan kahit kailan!

Huminga ako nang malalim. I opened my laptop, ang kanya ay nasa kabilang table. Mine is gray, and his is matte black. Gusto ko rin ng black, pero ayaw ko siyang makaparehas. I recieved an email, iyon na ang parte ko para sa report. The teacher sent the pdf to me, binasa ko iyon ngunit napagtantong mababaw lang ang eksplanasyon.

"It's just the fucking surface, there was no wider nor deeper meaning. Examples are too complex, I need to create my own so others would understand it..." I whispered to myself. Studying on Saturdays sucks, but if you study on Sunday while procrastinating, that's hella fun.

Tumayo ako at naghanap ng librong tungkol doon, hindi ako nahirapang maghanap dahil may label naman ang bawat shelves at maayos naman ang pagkakahalera ng mga libro. Bumalik ako sa inuupuan at hinanap sa libro ang aking topic, I now I'll do good in front but I don't want to sound bobo for my classmates kapag hindi ako nakasagot ng tanong. People are just... Like that.

While turning the page and reading, I felt the heaviness of my eyelid. Humikab ako at sinapo ang noo, ayaw kong bumalik sa kwarto dahil tuluyang iisipin ni Hell na iniwasan ko lang siya kanina. Now, I just want to do my work but my body can't cooperate.

Para bang inaaya ako ng katahimikan na mamahinga muna, sandali akong dumukdok at humikab ulit. The subconscious just whispered that I can just do it tomorrow, at ganoon na lang siguro ang gagawin ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakadukdok at nahulog sa kalaliman ng tulog ngunit nagising na lamang ako nang maramdaman ang daliring naglalaro sa aking buhok. Gusto ko iyon, ang pakiramdam ay kakaiba. Inaaya pa ako nitong matulog muli ngunit pinigilan ko ang kahibangan na iyon.

When I turned my gaze, nakita ko kaagad si Hell. He was looking intensely at me, when our eyes met, I know my knees trembled again.

"Hmm, you're awake." Aniya, itinigil niya ang ginagawa. Umayos ako ng upo at nakita ang kanyang kabuuan, he's just sitting beside me. Nasa harap niya ang laptop habang may hawak na ballpen sa isang kamay.

Tinignan ko ang aking mga libro, nanlaki ang aking mata nang makitang nasa tamang pahina na ako. Tinanaw ko siya nang ilapag niya sa aking gilid ang dalawang bondpaper. Binasa ko iyon, at nakita ang aking report. Sulat kamay pa... at ang linis ng penmanship niya.

"I did your report while you were asleep. Hindi pa ako natatapos mag-type, but I'm half way done." Napakagat ako sa aking labi, I can't take his fucking voice. Pabulong niyang sinabi iyon, para bang hihibangin ako ng pagiging husky nito.

"Thank you," Tumawa ito. Gusto kong sabihin na sana ay hindi niya iyon ginawa, mas gusto ko pang ako mismo dahil magagamay ko. But then again, I can't doubt Hell. He's the smartest person in their room, I'm not trying to offend anyone though.

"Kung inaantok ka, sana ay bumalik ka na lang sa kwarto." Humarap siya sa akin, nagtama ang aming tuhod at doon ko lang napagtantong sobrang lapit niya. "Now, can we talk?"

I sigh, wala na akong takas.

"What is it, Hell?" Matapang kong tanong na para bang hindi ako apektado. I looked at him too, with all my might, I stared at his eyes. "What do you want to talk about?"

"When Tita Aeryn and Tita Xerxes arrived tomorrow, can we quit talking about our arranged marriage?" Napasinghap ako, parang kilala na ako nito. Sometimes, this mouth is such a bitch.

"Do you want me to hold myself and be patient?" Ngumiti ito at marahang tumango. "What if Mom talks about it, what will I do? I'll just stay quiet too?"

"She won't talk about it," He was so sure of it. Hindi niya kilala ang Nanay ko! "But if she did, then let me defend you." Sa puntong iyon, nag-iwas na ako ng tingin. "I wish to protect your peace, I will protect your peace." He assured me, it was the most beautiful promise I've heard.

"Then... I think I can settle for that." I saw amusement in his eyes, he nodded as he turned his gaze into his laptop. "Nasaan si Seriana?" Pag-iiba ko ng usapan.

"On our room, still sleeping. Samahan mo kung gusto mo, ako na ang bahala dito." Hindi niya na tinanggal ang mata sa laptop habang nagtitipa.

I want to tell him not to be nice, iyon lang ang sinasabi ko sa kanya. But then, after hearing that he's being nice because he doesn't want to see me on the edge, I suddenly feel guilty about it. Huwag na lang, I'll just make the line between us visible. It means that he should stay at his bound, I should stay at my limit. And no one should cross the line.

"Aaralin ko iyan bukas," Ani ko. Natawa itong muli at ngumiti na lang. "No, really. You should be thankful, I'm acknowledging your efforts."

"The bloodline of the De Vera... are just that high." Puna nito. Tumayo ako at napangisi.

"Pride will keep us alive, Hell. Pride lang." Kibit balikat kong sabi at iniwan na siya roon. Tumuloy ako sa aming silid, it's four now and yet the child is still in a deep slumber.

Nahiga ako sa tabi nito, niyakap ko ang unan at ipinikit ang mata. Gusto kong matulog ulit kagaya nang sinabi niya ngunit kahit nakapikit na ang aking mga mata ay hindi ko maatim na matulog ulit, lalo na at alam kong ginagawa niya pa ang dapat na trabaho ko.

"Hmm, uhm..." Ramdam ko ang paggalaw ng bata kaya naman nagmulat ako, she's now stretching her arms. When she opened her eyes, nakita ko kung paano niya kinapa ang kanyang formula.

"Well-disciplined," I whispered, she didn't even cry. Lumapit ako dito, may pawis sa gilid ng kanyang ulo kaya naman kaagad kong pinunasan iyon.

Hell should turn the aircon into turbo cool para hindi nainitan ang bata. She's at peace, probably dreaming about barbies and such. I smiled, she's beautiful. Natigil ako at tinaasan ng kilay ang sarili, I am my own traitor. Parang ilang araw lang ay sinasabi ko kay Hell na ayaw ko ng bata.

Napabalikwas ako nang bumukas ang pinto, Hell saw me awake and he immediately raised his right brow. "Tapos na ang report mo, I made the presentation too. Review it while I'm cooking." He added, pumasok na ito at tumuloy sa tabi ni Seriana.

"What about the child?" I asked.

"I'll take care of her." Mabilis niyang sagot. Nakonsensya ako roon, para na rin siyang katulong dahil sa pagiging feeling señorita ko.

"I'll cook," I volunteer. Even though this child seems okay for me, mas gugustuhin ko na lang magluto. And besides, it's a thank you gesture for what Hell did. Tumayo na ako at tinignan lanh siya. "Bukas ko na lang aaralin 'yon, I told you. You're belittling me." I concluded, he laugh a little as he looked at me.

"The fact that you do not know how to plot a plan, iyon lang ang minamaliit ko sa iyo." Nag-iwas ako, naalala niya na naman iyon? I've been good to him these past few days, ni hindi nga ako nagpaplanong tumakas!

Tumalikod na ako at lumabas, baka mas lumalim pa roon ang aming pag-uusap and then we'll end up arguing. Tumuloy ako sa kusina upang magluto, I chose to cook creamy garlic shirmp. I'm glad that I somehow learned how to cook a western cuisine.

I added fresh spinach and wine, mas masarap ito kumpara sa butter at parmesan cheese lang. I cooked it for thirty minutes, sa kabilang stove naman ay sinimulan kong lutuin ang pancake na para kay Seriana. I don't know if she has an allergy, but she can eat this if she doesn't have it.

Nang matapos magluto ay isinalin ko na ang ulam sa malaking bowl at inilagay naman ang pancakes sa plato. Nilagyan ko pa iyon ng kaunting chocoate syrup sa ibabaw para naman ganahan ang bata.

Bago ko pa man matapos ang pag-aayos ay dumating na ang dalawa, Seriana is still in her dress as Hell carry her in his arms.

"Dapat pala ay binihisan muna si Seriana," Bungad ko habang inilalagay ang kutsara at tinidor sa dalawang plato.

"Maybe later, after eating..." It's an early dinner, mag-aalas sais pa lang naman kaya ayos lang na pagkatapos na lang kumain paliguan ang bata.

"I cooked pancakes for her, hindi ko alam kung may allergy ba siya sa shrimp."

Umupo si Hell sa dulo ng table, naupo ako sa tabi niya habang katapat ko naman si Seriana.

"Can she feed herself? Is she five or six?" I asked Hell.

"Five," Tama ang hinala ko. "Can you eat, Seriana?" Hell asked, she nodded instantly. "Hindi ko alam kung may allergy siya, Tita didn't tell me. Pancakes will be fine..."

I agreed to what he said. Sabay sabay nga kaming kumain, I ate silently while staring at Seriana. She's good, she can really do it. Iba siya, ang mga batang nakikita ko ay kailangan pang amuhin bago mapakain.

"You obviously like her," Natigil ako at tumingin kay Hell nang marinig iyon.

Kibit balikat na lang akong sumubo at nakita ko naman ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi. Sa gilid ng aking mata ay pinanood ko pa siyang sumubo, I want to ask if it's good, pero nahihiya lang ako.

"Nakakagulat na alam mong magluto," It was sarcastic. Matutuwa na sana ako ngunit iba ang tono nito, matalim ko siyang tinignan at nagtaas ng kilay. This guy can change my mood in a millisecond. "It's good, Hurricane. That is what I'm trying to imply." Bawi niya.

"Of course, it should be good. Gawa ko 'yan." Ah, my pride's talking again.

Nagpatuloy kami sa pagkain, nang matapos ay nag-boluntaryo si Hell na mag-aayos ng pinagkainan at pumayag naman ako. Idinala ko na si Seriana sa aming kwarto upang mapaliguan, she was just humming a children's song while I'm cleaning her. Nakangiti lang din naman ako habang ginagawa iyon.

"Who's your favorite Disney princess?" I asked her.

"Princess Merida, from Brave. I like her hair..." I giggled.

Habang ginagawa ko iyon ay sumungad si Hell, nahagip kaagad ng mga mata ko.

"It's Tita Aeryn," Aniya.

Tumaas ang kilay ko at sandali pang hinugasan ang kamay. Kinuha ko iyon habang siya ang nagtuloy sa aking ginagawa. Lumabas ako saglit upang hindi marinig ni Hell ang aming pag-uusapan.

"Mom, it's Hurricane..." I mumbled.

[Ah, yes! I just landed here in Cebu, I talked to Xerxes, bukas ng hapon ay nandyan na rin kami.] She shared. [Ang Daddy mo ay sa susunod na araw pa uuwi, so I think I'll just stay in our house.]

"That's okay, Mom. Hindi naman kami aalis, be safe."

[And by the way, please be good tomorrow. I'm with Paul's sister, huwag kang gagawa ng bagay na... Ayaw ko.] Alam ko na ang ibig niyang sabihin. I rolled my eyes, dapat ang sarili niya ang paalalahanan niya.

"I know, I'm doing something... call me again tomorrow." I bid my goodbye first, ayaw ko nang humaba pa ang aming usapan.

[Hmm, alright. Bye...] And then she hung up the call.

The thoughts of Mom's visit for tomorrow is just creeping on me. I know, I should be happy that finally, a family member is here but at the same time, I know that she might say something that will make me, or even Hell, uncomfortable.

Continue Reading

You'll Also Like

7.7K 382 34
Patty Delos Santos: the girl who sees the beauty of life despite the struggles she faced when growing up. Caleb Salazar: the guy who hated life after...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
3.5K 413 44
Status: Complete and Revised One Last Series Book # 1 Subtitle: One Last Night Amox Vestrella, who comes from a prominent medical family in Boston, t...
230K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...