Married to Unknown

By CloudMeadows

8.7M 321K 132K

12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you t... More

Married to Unknown
PROLOGUE
I.
II.
III.
IV.
V.
VI.
VII.
VIII.
IX.
XI.
XII.
XIII.
XIV.
XV.
XVI.
XVII.
XVIII.
XIX.
XX.
XXI.
XXII.
XXIII.
XXIV.
XXV.
XXVI.
XXVII.
XXVIII.
XXIX.
XXX.
XXXI.
XXXII.
XXXIII.
XXXIV.
XXXV.
XXXVI.
XXXVII.
XXXVIII.
XXXIX.
XL.
XLI.
XLII.
XLIII.
XLIV.
XLV.
XLVI.
XLVII.
XLVIII.
Bonus Chapter: "The plan and the truth about 5 years ago."
XLIX.
L.
EPILOGUE.
Final note
Special Chapter # 1
Special Chapter # 2

X.

176K 6.9K 2.6K
By CloudMeadows

"Just in case another wolf looks at you
Because my girl is too perfect
I'll hold you softly within me
I become violent just for you.' -Exo growl

Gemma

Hindi pa rin ako makatulog. Ang daming nangyari ngayong gabi at sobra na akong nalilito. Hindi ko na talaga alam kung anong tumatakbo sa isipan ni H. What kind of sick game is this? Try to find him within the span of 12 days and bring back his ring and what? Anong sunod? Isa pa 'tong mga clues na hindi nakakatulong! Lahat may connection sa asawa niya so paano ko malalaman? Seriously?

H is not stupid so malamang sa una palang alam niyang HINDI AKO ANG ASAWA niya pero bakit niya ipinagpipilitan? Dahil ba kamukha ko siya? If that's the case then he's a psycho stalker! Pero ano 'to? This necklace? Why did he gave me this? At isa pa kung psycho talaga siya then dapat matagal na niya akong kinuha but why? Ano ba talaga yang laro na gusto niya? Masyado na akong naguguluhan.

Gusto ko siyang pag isipan ng masama pero parang may bumabagabag sa isipan ko. Parang may kailangan pa akong malaman. Kaso ang tanong, bakit ba nagiging interisado ako? Ang totoo, hindi ko rin alam kung bakit.

Dahan dahan akong lumabas sa kwarto at baka magising yung iba saka dumiretso sa sala. Lalabas na sana ako kaso bigla akong napahinto at agad na nagtago sa likod ng malaking vase. Sabay na pumasok si Rose at Harold. Teka akala ko ba tulog na sila? Anong ginagawa nila sa labas?

Sa totoo lang kakaiba pa rin ang kutob ko kay Harold. Ang sabi dun sa clue blue yung kulay na mata kaso iba yung kay Harold. Itim na itim ito.

"Babe sigurado ka ba dito? Do you trust me? Do you believe in me?"

"Oo naman babe. I love you and nakita ko na. Please babe."

"Fine. I want you to keep quite."

Lumingon lingon si Harold sa paligid at tumigil yung tingin niya sa vase na pinagtataguan ko. Mas lalo akong kinabahan at mas lalo kong ipinagsiksikan yung katawan ko sa pader.

"Babe may problema ba?"

"Sa tingin ko may iba tayong kasama dito." Nanlaki ang mata ko. Paano niya nalaman?!

"Teka ano bang tinitignan-tignan mo diyan? Eh flower vase lang naman yan." Halos hindi na ako makahinga sa sobrang kaba. Bakit ba ako kinakabahan ng ganito? Isa pa patungkol saan ba yung pinag uusapan nila? May tinatago kaya sila?

Hindi ko napansin na masyadong nakadiin yung napuruhan kong paa sa pagkakasiksik ko sa gilid. Bigla nalang ito kumirot kaya napadaing ako ng mahina pero agad ko ring tinakpan yung bibig ko. Gemma naman!

"Narinig mo yun Rose?"

"Ang alin babe?"

"May kakaiba doon sa likod ng vase. Parang may dumaing."

"Sus naman babe. Guni-guni mo lang yun! Halika na sa kwarto!"

"Teka titignan ko lang saglit." Patay! Ano na gagawin ko?!

Naririnig ko na yung yapak niya papalapit sa kinaroroonan ko. Napapikit ako at mas nagsumiksik at hindi ko ininda yung sumasakit kong paa.

"May tao ba diyan?" Halos malagutan na ako ng hininga.

"Oy gago! Ba't andito pa kayo ni Rose? Nag hahanap ba kayo ng lugar na mapag 'ano'han?" Bigla nalang pumasok si Oliver at ang sama ng tingin kay Harold na napahinto sa paglalakad.

Napahinga ako ng maluwag.

"Dahan dahan ka sa pananalita mo Oliver." Mapait na sabi ni Rose. Mag ex sila kaya ganyan nalang ka bitter si Oliver, muntik ko nang makalimutan.

"Oh nagbibiro lang ako! Huwag mong sabihin na sineryoso mo sinabi ko Rose? Chill!"

"Hayaan mo na nga yan Harold! Halika na!"

Hinila ni bulaklak si Harold at padabog na umalis. Mas napahinga ako ng maluwag kaso mali ata yung ginawa ko dahil bigla nalang bumulaga si Oliver sa harapan ko.

"Gemma?! Anong ginagawa mo diyan---teka sinusundan mo ba yung dalawang yun?"

Itinapat ko yung hintuturo sa labi ko. Ang ingay paano nalang kung bumalik yung dalawa? Edi buking ako.

"Sshh! Mali iniisip mo!" Pabulong na sigaw ko. Tinulungan muna niya akong tumayo mula sa posisyon ko.

"Eh bakit nandyan ka? Nasugatan ka lang sa paa ang lakas na ng trip mo." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Chill!" Itinaas niya yung dalawa niyang kamay. "Pero bakit nga?"

"W-Wala, matutulog na ako." Hinarangan niya ako bigla bago pa ako makaalis.

"Uy ano yun?"

"Wala nga!"

"Sigurado ka?"

"Oo! Bakit ba ang kulit---"

"Wala ka bang napapansin sa kanila?" Doon ako napatigil. Anong ibig niyang sabihin? Pati rin ba siya may napapansin din kina Harold?

"Gemma hindi ka ba nagtataka sa biglaang pagsulpot niyang si H?" Hindi ako nagsalita.

"Magmula nung sinabi ni Rose alam kong may mali. Gemma ikaw lang yung pinakamalapit kay Rose, baka sakaling alam mo kung kailan pa simulang mag date yung mga yun."

"T-Teka bakit ba kailangan mong malaman? Akala ko ba naka move on ka na kay Rose?" Sinubukan kong ibahin yung topic.

Napatawa siya ng mahina saka tumingin sa kanyang orasan. "Nevermind. Matulog ka na." Yun lang at umalis na siya. Naiwan akong nagtataka sa kinatatayuan ko. Mas lalo lang ako naguluhan.

Ano rin bang ginagawa niya sa labas ng ganitong oras?

Bumalik na ako sa kwarto at may nakita ako sa table na gatas. Nilapitan ko yun at mukhang kakatimpla lang. Ayokong mag assume pero iisang tao lang ang pumasok sa utak ko.

Dahil na rin sa desperada akong makatulog, ininom ko yun at humiga sa kama.

Teka alam kong effective yung gatas para makatulog pero bakit ganito? Ang bilis ata ng epekto dahil nandidilim na yung paligid ko, para bang hinihila na ako ng antok.

Bago ko pa tuluyang maipikit ang mga mata ko, bumalik ulit yung pakiramdam na hindi na ako nag iisa sa kwarto at may nanonood sa bawat kilos ko.

****

Unknown

Damn. I want to taker her, right here, right now. She looks ravishing even when she's asleep.

I grabbed her left hand and kissed her ring. I smiled, it really fits her. This ring was made specifically for her, my wife, my Gemma.

Tinanggal ko yung buhok na nakaharang sa leeg niya at nakita ko yung kwintas.

"Lovely." I smirked.

I kissed her necklace then her collar bone and then her neck--which is my favorite part. Her scent is driving me crazy-I want her now!

I licked her neck, slowly and gently.

"Baby this will sting a bit." I can feel my fangs growing. Oh this would be fun.

****

Gemma

Something isn't right.

Pagkagising ko nitong umaga may pain killer ulit sa mesa kaso hindi na yung paa ko ang sumasakit kundi pati rin yung leeg ko. Mabilis ko yun na ininom at may white box doon sa tabi na ngayon ko lang napansin.

Binuksan ko yun at tumambad sa akin ang isang puting dress at sa ilalim nun ay may picture. Kinuha ko yun at halos takasan ako ng dugo sa nakita ko.

Hindi ko magawang sumigaw. Para bang naipit na yung boses ko. Nanigas rin ang katawan ko sa sobrang gulat.

Yung babae sa larawan ay yung babae na kamuka ko. Mahimbing siyang nakatulog sa isang hospital bed habang gamit gamit yung bestida na medyo kapareho ng hawak hawak ko. At doon ko lang napansin yung mga bahid ng dugo sa dress.

Tinignan ko kung may note kaso wala. Si H rin ba ang may kagagawan nito? Why is he doing this? Pinilit kong hinagilap yung note sa box kaso wala. Then what is this dress doing here?!

Pumunta ako sa salas kaso nagtaka ako kung bakit sila nakapalibot doon habang si Raven ay may kausap sa telepono.

Lumapit ako sa kanila at doon ko nakita si Rose nakahilatay sa sofa. Masyado itong namumutla na halos mukhang wala na siyang dugo.

"Faster please!" Ibinaba ni Raven yung tawag. "Pabalik na yung speed boat. Harold ano bang ginawa ng jowa mo?! Hindi naman nagkaganyan si Rose dati!"

"Raven kalma lang. Huwag tayong magsisihan dito. Malay mo nadapuan lang talaga si Rose ng sakit." Pangkakalma ni Chris.

"Sus. Baka kung saan saan nga ata dinala ng Harold na yan si Rose kagabi kaya nagkagangyan!"

"Oliver! Tama na nga yan! Kung gumagawa ka lang ulit ng panibagong kwento, pwes itigil mo na." Pang aawat ni Kylie pero napangisi lang si Oliver saka tumingin sa akin.

"Ayaw niyong maniwala? Gemma sabihin mo nga sa kanila na hindi ako nagsisinungaling! Na hindi ako gumagawa ng kwento! Diba nakita natin sila kagabi? Diba?" Lahat na sila nakatingin sa akin pati si Harold.

"Oliver...tama na yan."

"No! Sabihin mo sa kanila na hindi ako gumagawa ng kwento at nakita natin sila!" Napapitlag ako sa lakas boses niya kaya naman agad siyang inawat ni Chris.

"Tama na nga yan! Andito na yung speed boat, tara na!" Dinala nila Chris at Harold si Rose doon at kami nalang naiwan. Mamaya pa dadating yung yacht kaya naman inayos na namin yung mga gamit namin habang naghihintay.

Lahat kami hindi inaasahan na magiging ganito yung vacation namin. Kahit na madami kaming katanungan sa utak namin mas nanatili kaming tahimik.

Mas nauna akong natapos na mag impake kaya nagtambay muna ako sa ilalim ng puno.

Isa na naman ba 'to sa laro niya? Pagkatapos nung dress na yun sunod naman si Rose? Ano bang gusto niya? Alam kong hindi siya titigil hanggang sa makuha niya ang gusto niya sa pesteng laro na 'to at hangga't maaari, kailangan kong kumilos. Sa totoo lang may naisip ako kanina.

If I can't find him with his clues, I will find him with my strategy. Ayaw niyang magpakita? Then why not provoke him?

Alam kong hindi madali pero hinding hindi ito matatapos kapag hindi pa ako gumalaw.

****

Kagagaling ko lang sa hospital at pinatignan ko na rin 'tong paa ko. Okay naman na kaya pwede na akong bumalik sa trabaho.

Hindi na ako nagpahinga at nagdiretso ako dito sa club. Andito na ako sa 8th floor at nagsimulang magtrabaho. May nagpa book kasi dito na isang business man kasama yung asawa niya. They're one of the richest and successful person in the business field kaya hindi ko maiwasang kabahan.

Nakahanda na yung order nila sa tabi at kailangan kong lang gawin ay ihanda yung gusto nila.

Tumunog na yung elevator at saktong pumasok dito si Mr. & Mrs. Reagan, agad ko silang binati at hindi ko inaasahang ngumiti sa akin si Ms. Natasha, yung asawa ni Sir Ivo.

They're both gorgeous, breath taking and intimidating.

Ibinigay ko na sa kanila yung order nila at bumalik ako sa counter. They both need privacy at isa pa natatakot ako dun kay Mr. Reagan.

Nag vibrate ulit yung phone ko at may image doon na naka attached galing sa isang unknown number. Isang picture ng babae na nakatali at duguan ang leeg. Hindi ko makita yung mukha niya dahil nakaharang dito yung buhok niya pero kahit na, tumayo pa rin ang balahibo ko. Wala itong kasama na text.

"Miss?" Halos mabitawan ko yung phone nung lumapit si Ms. Natasha.

"S-Sorry. Ano po yun?"

"Ayos ka lang?"

"H-Ha? O-Oo."

"Ang ganda naman ng kwintas mo." Napakunot noo ako pero pinilit ko pa ring ngumiti. Inayos ko yung buhok ko at bigla nalang napatutok yung tingin niya sa leeg ko.

"You..."

"Natasha!" Lumapit si Mr. Reagan at tinignan niya yung tinitignan ng asawa niya which is yung leeg ko.

"Um, may problema po ba?"

"We need to go."

"P-Pero Ivo..."

Nagsisimula na akong magtaka. May problema ba? Bakit iba kung makatingin sila? Para ba silang gulat at nalilito kaso agad din nilang itinago yun.

Nagulat nalang ako nang tumingin sa akin si Mr. Reagan diretso sa mata at may sinabi siya na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Please be more careful with your surroundings, miss."

I gulp. Hindi ko mahanap yung boses ko kaya nag aalanganin akong tumango. They left after that at naiwan ako ditong naguguluhan. What does he mean? Bakit ganun nalang sila kung maka akto?

Tinignan ko yung schedule sa floor na 'to at as for now wala nang naka-book, ibig sabihin niyan pwede na akong umuwi. Yun kasi yung sabi ng guard na pinapasabi nung boss. Okay naman na sa akin yun kaysa magtambay ako dito na walang ginagawa.

Dali-dali kong kinuha yung bag ko at pinindot yung 4th floor. Nagtext kasi si Raven, may pinapakuha daw si Rose na gamit sa locker niya dito sa club at importante daw. Si Raven kasi yung nakatokang magbantay sa kanya ngayon tapos hindi ko alam kung nasaan yung iba.

Pagkarating ko sa 4th floor, dumiretso ako sa locker area for employees at hinanap ko yung locker ni Rose. Basta ang sabi #49 yung locker niya kaya agad kong hinanap yung section 40-50.

Malapit na ako kaso bigla akong huminto at nagtago sa pinakamalapit na locker. May naririnig akong boses di kalayuan dito.

"Sigurado ka bang dito dumiretso yung Gemma? Brad ang dami pala ng lockers dito, nakakalula."

"Oo sigurado ako! Pagkakataon na natin 'to! Basta ang plano, kapag nahanap natin siya kailangan natin siyang ipunta sa shower room ng mga babae dahil walang cctv doon tapos---shet brad na-eexcite ako!"

"Tagal din akong nagtitimpi sa babaeng yun!"

Napatakip ako sa bibig ko at dahan dahang lumipat ng pwesto. Nandiri ako sa pinagsasabi nila, halata ang pagnanasa sa boses nila.

"Basta nakalock yung pinto Lance! Putek lang kung may makahuli sa atin!"

"Chill! Naka lock yun!"

Mas malapit na sila at sinubukan kong huwag gumawa ng ingay. Naglakad ako sa kabilang direksyon kaso ito na pala yung end ng locker room. Sinubukan kong bumalik at lumipat ulit sa kabilang direksyon kaso napatigil ako. Nagsisimula na akong pagpawisan ng malamig.

"Pre rinig mo yun?"

"Sshh! Tumahimik ka!"

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko dahil sa takot na mahuli. Nanginginig na ang tuhod ko sa sobrang takot but I need to be brave.

"Wala--"

Napatigil ako. May kumalabog sa kabilang direksyon.

"Doon pre! Baka andun na si Gemma!"

Mas lalo lang ako nanginig. Kung may kumalabog sa kabilang direksyon, ibig sabihin hindi lang kami ang tao rito? Mukhang ayoko ng alamin kung sino. Nang makaalis sila, kinuha ko yung pagkakataon na yun at tumakbo sa papalapit sa exit kaso nakita ako nung isa. Sht.

"Yun pre! Bilis!"

"Miss huwag ka ng tumakbo! Mahahabol ka rin namin!" Saka sila tumawa na mala-demonyo. Mas lalo ko lang binilisan ang pagtakbo kaso mas mabilis sila. Sampung yapak lang ang pagitan namin nang bigla nalang namatay ang ilaw.

It's 12:00

Dahan dahan akong naglakad paatras.

"Pare naaamoy mo ba yun?"

"Teka, pabango ng lalaki--hindi naman ganito cologne mo diba?"

"Oo at isa pa, wala 'tong amoy na 'to kanina ah?"

Naaamoy ko yung tinutukoy nila. Naalala ko ulit yung gabing yun. Yung gabing nawalan ng kuryente sa 8th floor. Yung gabing naramdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin at yung gabi kung saan naamoy ko yung cologne na naamoy ko ngayon.

He's here.

"Ah! Bitawan mo ako!" May humablot nalang kasi bigla sa braso ko at buong lakas akong nagpumiglas.

"Oy gago! Andito lang pala nagtatago si miss eh! Pinahirapan pa tayo!"

"Ugok chamba mo lang yan! Teka asan ba kayo?"

"Diretso ka lang!"

"Sig---"

Natagpuan ko nalang bigla yung sarili ko dito sa labas na ng locker's room. Hindi ko alam kung papaano pero masyadong mabilis yung pangyayari.

"Aaah! A-Ack tulong! A-a...." Rinig na rinig ko sa loob yung sigaw nung dalawa, at napansin ko lang na mas lalong pinalakas nung DJ yung tugtog. Lahat ng atensyon ng mga tao nasa dance floor at wala silang kamalay-malay sa nangyayari dito.

"Tulong! Tulungan niyo kami dito ng ka--"

Sinubukan kong buksan yung pinto kaso mukhang nakalock ito mula sa loob.

Napapikit nalang ako at tinakpan ko yung tenga ko nang mas lalong lumakas yung mga sigaw nila.

He's a monster!

"Stop! Please stop!" Tumayo ako at kinalampag yung pinto!

"Please stop this! Please! H-Huwag mong gawin 'to! H please!"

Bigla nalang huminto yung iyak at pagmamakaawa doon sa loob at nakaramdam ako ng kakaibang presensya sa likuran ko. Hindi ko magawang lumingon. His familiar cologne hits my nostril once again.

Mas naramdaman ko siyang lumapit sa akin. The aura surrounding me completely change, it became so dark and intimidating.

Napahigpit yung hawak ko sa door knob nang may maramdaman akong malamig na hangin sa leeg ko.

"As you wish."

On cue, bigla nalang nagbukas yung pinto at nabigla ako sa nakita ko. Lumingon ako kaso wala na yung presensya na naramdaman ko kanina.

He's gone.

Hinanap ng mata ko yung dalawa kanina pero hindi ko rin sila makita.
They're gone.

He took them.

END OF CHAPTER X.

Not proof read. Please understand.








Continue Reading

You'll Also Like

8.4M 468K 53
Jewellana Leticia is an outcast. She has been a victim of mockery as she couldn't keep up with the other goddesses her age when it comes to power an...
2.3M 36.2K 55
A story about two antagonists, a jerk and a bitch, who have long been disillusioned by love, but in some twist of fate, they'd soon find themselves h...
10.9M 320K 62
Highest Rank in Vampire Category: Rank #1 (Bloodstone Legacy #1) "Touch her, I'll choke you to death. Smile at her, I'll suck your blood until the la...
510K 27.3K 45
Deanery Mortel was a single woman with fat pocket. But despite of wealth and success, she was secretly empty inside because of a man she let go. Her...