Thursday
Awas na kami at ngayon ay nandito kami sa Mall sabi nga nila sabay sabay kaming mamimili ng pagkain para bukas..
Halos nakikita ko ang mga students sa school na ngayon mamimili mukang madaming pila mamaya
"Pumayag kana kasi babes na tayo ang mag katabi bukas"
"Tigilan mo nga ako martin hindi kana nakakatuwa" heto nanaman sila, napailing na lang kami ni Michael dahil sa kulit ng dalawang to
"Alam mo bes ganyan nag katuluyan ang lola at lolo ko" napatigil sila sa kulitan at tumingin sakin si michael naman natatawa
"BES! akala ko pa naman kakampi kita tsaka wait lang ha.. Ako at Yan si martin mag kakatuluyan? In his dreams " asus pakeme pa alam ko namang kinikilig yan deep inside
"Oo nga agree ako kay Ricca, kaya babes sagutin mo na kasi ako"
"Tigilan mo nga ako" ayan nanaman po nag babangayan nanaman hays
"Mauna na nga tayo Ricca ang gulo nung dalawa" sabi ni michael
"Tama tara iwan nanatin yan" iniwan namin yung dalawa
"Ang gulo nung dalawa lalo na pag magkasama sila" agree ako
"Oo sobra pero alam naman natin na parehas lang sila ng nararamdaman sa isat isa"
"Wag kang mag alala alam ko sa huli magiging sila.. Parang tayo"sabay kindat sakin
"Ewan ko sayo" siya pinakuha ko ng push cart
>>
After namin mamili ay nag siuwian na kami para mag ready bukas
Pag dating ko sa bahay nakita ko agad si manang
"Manang!" tawag ko
"Oh aga mo ata? halika na't pumasok na tayo" tutulungan na sana ako ni manang sa bitbit ko pero iniwas ko
"manang kaya ko to" binigyan ko siya ng ngiti at pumasok na kami sa loob
"Ano bang mga pinamili mo?"
"Mga snacks lang manang tas gagawa ako ng makakain ko bukas para hindi puro snacks laman ng tyan ko po"
tumango tango lang si manang at tinulungan akong ilabas ang nga binili ko
parehas kaming abala ni manang sa pag luluto ng dumating si Luiz
"Abala kayong dalawa ah" napatingin kaming dalawa ni manang at ngumiti na lamang kami
patapos na kami nakita ko si luiz sa sala at na nonood ng tv
"Tapos na ba kayo?"
"Oo tara na daw at kakain na" maglalakad na sana ako pabalik ng hawakan niya kamay ko kaya napa harap ako sa kaniya
"Bak--"
O.O
nagulat ako ng yakapin niya ako hindi ako makakilos ng maayos nanghihina ang mga tuhod ko nanlalambot ako
"L-luiz a-anong meron?"
"Ingat ka bukas"
"Kasama ka naman namin ah?"
"kahit na basta mag iingat ka" hindi ko alam pero tumango na lang ako at gumanti ng yakap
"Mga anak ta--" Hala! nahuli kami ni manang
Naitulak ko si luiz at napaupo siya sa sofa, buti na lang sa sofa masakit kapag sa sahig
"manang! ano po--"
"Kayo talaga, lambingan pa halika't kakain na maya na ang lampungan" ngiting ngiti samin si manang
Nagkatinginan kami ni luiz bigla naman akong nahiya kaya nauna na ko sa kaniya
nakita kong nakangiti sakin si manang na may pinapahiwatig sakin hays manang talaga
umupo na kami at kumain walang umiimik saming dalawa
pagkatapos ay umakyat na ko at mag hahanda na para bukas maaga pa kaming aalis
"Ricca" tawag sakin ni luiz
"B-bakit?" tuwing naaalala ko yung nangyari kanina nahihiya ako sa kaniya
"Umm mag dala ka ng extra shirt at pamunas mainit init bukas baka pag pawisan ka"pansin kong namumula tenga niya
"Sige umm g-good night" akmang papasok na ko ng kwarto ng higitin niya ko at.. hinalikan sa noo
"Good night ricca" at pumasok na siya sa kwarto at ako iwan tulala
Hays hindi nanaman ako makakatulog ng maayos nito..
---------
Friday
4:20 am
Nakahanda na ang lahat at pupunta na lang ako sa school call time kasi ay 5:30 so medyo napaaga pa ko pero okay lang
Nakita kong nakahanda na ang kakainin ko
Hala! nagising din si manang naku po
pero teka parang hindi si manang nakikita ko
"Oh nanjan kana pala eto o pinag handa na kita ng makakain, hindi ko na ginising si manang eh" Si luiz.. pinag handaan ako ng pagkain
"Upo na baka malate pa tayo nan" umupo na ako at nag simulang kumain
"Oo nga pala sakin ka sasabay" napatigil ako
"Hala! baka may makakita satin"
"Ako bahala" wala na ko nagawa
paglabas namin at sumakay na ko ng sasakyan habang nasa daan pansin kong lagpas kami ng school
"T-teka lagpas na tayo" hindi niya ko pinansin hays ako bayan pag ako nalate eh
Nagulat ako at pag silip ko sa labas nakita ko si Ma'am Riah a-anong ibig sabihin nito?
bumaba sa luiz at tinulungan si Ms. Riah sa gamit niya
Ang sakit lang.. ang sakit ng nakikita ko
"Sabay natin si Riah para hindi makahalata ang mga students kami na bahala sa excuse" sabi ni luiz at nag drive ulit
Hindi ko sila pinansin at nag uusap sila kaya nag earphone na lang ako good thing nadala ko to
Pagdating sa school agad akong bumaba at pansin kong napatingin sakin ang mga co-students sumunod na bumaba si Ms.Riah
"Salamat po" medyo nilakasan ko at tumakbo papasok sa loob
nakita ko yung tatlo at agad akong lumapit sa kanila
"Hoy babaita ano yung kanina?" sabi ni Amy
"Alin?"
"Yung pag baba mo ng sasakyan ni Sir" sabi ni Michael
"Ahh ayun ba tinext kasi ni Papa si Sir na siya muna bahala sakin tutal ADVICER natin siya" diniinan ko yung word na advicer para di makahalata
"Ahh kaya pala" sabi ng kambal
lumapit si bes at bumulong
"kwento mo mamaya ha" ay ewan ko sa kaniya bahala siya nasabi ko na lang
Dumating na ang ibang teachers at pinapila na kami at syempre tabi ko su bes at dun kami sa medyo palikod pumwesto
"Kwento ka babaita anong scene yun ha"
"Ano kaba hinaan mo nga boses mo"
"oo na oh eh bilis!! make kwento na kasi" ano pa bang magagawa ko so ayun kinuwento ko kay Amy lahat
"Ay taray! pero maiba tayo anong meron ba kay sir at Ma'am?"nag bunting hininga na lang ako
"Hindi ko alam, wala din akong pakielam"
"Baliw alam kong nasasaktan ka pero let me remind you that you're his wife" Napa shhh ako bigla nag peace sign naman siya
"Sa papel oo pero sa reality hindi"
"bakit ba ayaw mong ipaglaban?"
"Ipaglalaban pa? para saan? simula pa lang talo na ko" malungkot kong sabi
"Hindi kapa talo may alas ka bes"
"Ipaglaban ko man ang tanong may patutunguhan ba?" napatahimik siya dun
"Bes look hanggang kapatid na babae lang ang tingin niya sakin at ang mga tipo niya is kagaya ni Ms Riah so wala na ko magagawa at hayaan sila" mag sasalita pa sana siya pero nag earphone ako agad at tumingin sa bintana
totoo naman sinabi ko diba? wala naman akong mapapala kung lumaban ako? Sa huli ako din ang masasaktan kaya mas mabuti kung tigilan na hangga't maaga pa hays makatulog na nga lang...