Chapter 8

5.1K 117 5
                                    

RICCA'S POV

Nandito na ako sa office pinapatawag daw kasi ako. Hala! Baka alam na nila about samin ni Luiz! Sana naman hindi pag nalaman nila patay kaming dalawa, mawawalan ng trabaho si Luiz at baka kung ano pang isipin ng mga tao sa kaniya at ako naman papaalisin sa school.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at pumasok nakita ko si Ms. Principal na may kausap na lalaki hindi ko kilala yung lalaki kasi nakatalikod siya saken.

"Ma'am pinapatawag niyo daw po ako" sabi ko pero yung lalaki hindi parin nalingon pero hindi ko na lang pinansin ang mahalaga ngayon ay malaman ko kung bakit ako nandito.

"Ah yes Ms. Reyes since matagal kana dito I just want you to tour our new student here in our school" Tour? So hindi nila alam yung samin ni Luiz, buti na lang makakahinga na ako ng maluwag.

"Po? Eh ma'am bakit po ako? Marami naman po jan, yung mga SSG po natin" sabi ko hindi naman sa ayoko pero hindi naman ako officer at hindi ko alam history ng school.

"Ms. Reyes sabi ng new student na magkakilala daw kayo, so since magkakilala kayo ikaw na lang ang mag tour sa kaniya at gusto niya din na ikaw ang mag tour, bakit ayaw mo ba?" sabi ni ma'am hindi padin nag sisink in sa isip ko yung sinabi ni Ma'am, ni hindi ko nga kilala yung lalaki.

Tinignan ko yung new student na kanina pang nakikinig samin pero hindi man lang nalingon saken, problema neto sino ba to? Parang nabasa ng new student nasa isip ko at lumingon siya.

"MARTIN?!" Pasigaw kong sabi anong ginagawa nan dito? Akala ko ba taga tagaytay to? Pano napunta yun dito?

"Hi" sabay kindat sakin feeling cute to

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa tagaytay ka nakatira?" Ang layo kaya namin sa tagaytay tapos dito pa siya papasok? Ayos ka brad.

"Nah, I need to study too so eto magaaral ako at nalaman ko din na dito ka nagaaral kaya dito na ako lumipat" Wow grabe ang lakas pala ng trip neto sa buhay porket nalaman niyang dito ako napasok dito na din siya kakaiba talaga siya.

"Excuse, sige mauna na kayo at Ms. Reyes alam na ng mga teachers na may pinapagawa ako sayo kaya excuse ka sa ilang subject pati ikaw Mr. Salvador bukas nadin pala start ng klase mo" Paalala samin ni Ma'am bago kami umalis.

Nagsimula na din akong I-tour siya sa school, ipapakita ko muna yung kadalasan pinupuntahan ng students like library, field, gym, cafeteria at mga classrooms.

Sa buong umaga namin pag totour naguusap lang kami nakasalubong ko nga si Amy pinakilala ko naman si Martin at ang luka ayun bumulong sakin gwapo daw sinapok ko nga lahat naman ata ng nakikita niya gwapo eh.

Nakasalubong din namin si Luiz nag good morning ako kasi student teacher padin kami, at si Martin naman nung una hindi pa nag good morning kung hindi ko pa siniko tsaka ko lang naalala nung nasa tagaytay kami sinabi ni Luiz na asawa niya ako. Tanda pa kaya yun ni Martin?

At ang last station namin sa cafeteria pinang huli ko na para magmeryenda muna kami 10 mins na lang din naman mag lulunch na kaya nag stay na muna kami na kwento ko din about dun sa isa ko pang kaibigan si Michael medyo nagulat siya sa pangalan binangit ko pero binawi niya din nakakapag taka nga pero hindi ko na lang pinansin.

Maya maya ay nag bell na din umalis na din kami sa canteen pinauna ko na siyang umalis para asikasuhin pa mga kailangan niya sa school at ako naman pupuntahan sina Amy pero ang kulit niya sasamahan niya daw ako sa pag aantay sa mga kaibigan kopero sabagay pwede nadin niyang makilala si Michael para madami na agad siyang kakilala.

Dumating na si Amy pero wala si Michael

"Asan si Michael?" Tanong ko kaagad kay Amy

"Ay wow, wala man lang 'Hi Amy' 'Kamusta' ganon" Reklamo ni Amy kaya napatawa ako ganun din si Martin

My Husband Is A TeacherWhere stories live. Discover now