CH 11 "New"

4.9K 94 2
                                    

LUIZ POV

Nakausap ko na kanina ang mga pulis agad naman daw nilang hahanapin ang tatlong lalaki, nag iingat nadin ang village nato dalawa na ang security ngayon sa may gate nito

Si Ricca? Ayun hindi pa din nakakarecover sa nangyari nag kukulong siya ngayon sa kwarto niya

"Manang kumain na ho ba siya?"

"Hindi pa eh nasa labas padin yung pagkain na nilagay ko" nag aalala na ako kay ricca masyado pa siyang bata para maranasan ang ganto

Hindi muna ako pumasok nag bigay naman ako ng letter at kinausap ko si Riah para ipaalam na din sa ibang students

Umakyat ako at pumunta sa tapat ng kwarto ni Ricca nagdala ako ng pagkain ulit dahil simula umaga hindi pa siya kumakain

"Ricca? Kumain kana kahit konti lang" kumakatok ako pero hindi siya sumasagot

"Ricca? Ricca?" Binaba ko muna ang pagkain at pinakinggan ang nasa loob

"Tulong tulong! Ayoko na po ayoko na po" d-amn I need the keys!

"Manang! Manang! pakikuha nga po ng susi!" Sigaw ko dali dali naman na binigay sakin

Nanginginig akong ilagay ang susi

*BOOGS*

Nakita ko siyang nag wawala, agad ko siyang nilapitan at niyakap

"Ricca kalma.. Ricca ako to si Luiz" iyak lang siya ng iyak

"L-luiz *sobs* a-ayoko na *sobs* pagod n-na ako"

"Shhh.. Mag pahinga ka muna ako na bahala sayo" tumango siya at humiga ulit hind na muna ako umalis sa tabi niya bagkus tinabihan ko pa siya para nadin mabantayan ko siya

RICCA POV

Nagising ako dahil may mabigat na unan ang nasa tyan ko minulat ko ang mata ko at nagulat ako.. Nakita ko si Luiz na tulog habang naka yakap sakin

Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi buti na lang at dumating si Luiz kung hindi. Hindi ko na alam kung anong mang yayari sakin

Babangon na dapat ako pero mukang naramdaman niya na gumalaw ako kaya nagising na siya

"Hi?" Nahihiyang sabi ko dahil sa inasal ko sa kanila

"Okay kana ba?" Tumango ako at umupo siya sa tabi ko

"Nagugutom kana ba? Anong gusto mo? Ipagluluto kita" eh? Dami naman niyang tanong

"Ah eh oo gutom na ako tara sa baba" inalalayan naman niya ako at lumabas na kami nakita ako ni manang at niyakap ako

"Buti naman at okay kana iha kamusta na pakiramdam mo?"

"Okay na po ako manang" bakas sa muka ni manang na nag aalala siya sakin

"Maupo kana at nag luluto na si kristian ng kakainin mo" tumango na lang ako wala nga akong energy kailangan kong kumain.. Teka hindi siya pumasok? Bakit? Mamaya ko na lang siya tatanungin

"Eto kainin mo" at inilapag niya ang sinigang, nag ning ning naman ang mga mata ko waaa sinigang nakakamiss tong kainin

"Teka bakit hindi ka pumasok?" Tanong ko at kumain na

"Wala kasing mag aalaga sayo" eh? Nanjan naman si manang ah tsaka kaya ko sarili ko. Kaya ko nga ba? Hindi ko padin makakalimutan yun

"Nanjan naman si manang sayang naman oras mo"

"Ricca hindi sayang oras ko sa pag aalaga at pag  babantay sayo, ayoko lang maulit ang nangyari" hindi na ako nag tanong ayoko nang balikan yung kahapon natatakot pa ako

My Husband Is A TeacherWhere stories live. Discover now