CH 16 "Feelings"

4.1K 86 14
                                    


Maaga nanaman at may pasok nanaman tinatamad ako di dahil ayoko kundi dahil excuse kami sa klase dahil mag prapractice na kami

Nakaayos na ako pag baba ko nakita ko si Luiz papaalis na teka ang aga niya ah

"Ang aga mo ata?" Tinignan niya ako at tsaka umalis problema niya? May nagawa ba ako?

"Ija oh kain kana" kumain na ako tsaka ako umalis na bahay

Iniisip ko kung may nagawa ba akong mali? O may nasabi akong hindi maganda.

Minsan talaga ang gulo ng utak ni Luiz di mo malaman kung ano iniisip niya

"Bes!!" Tumakbo papalapit sakin si Amy

"Oh makatawag ngayon lang tayo nag kita?" Sinapok naman niya ako

"Aray ha"

"Grabe ka talaga tara na nga" nag kwentuhan lang kaming dalawa, wala daw ang kambal may pinuntahan excuse naman sila at etong bruha emo wala daw kasi si Martin, ganun ba talaga pag gusto mo ang isang tao?

Pano nga ba malalaman kung gusto mo ang isang tao? Dibale dumating na si Sir. Luiz mag start na sana siya kaso may kumatok mukang mag sisimula na practice namin

Akala ko si Ms. Violet ang mag excuse laking gulat ko nang si David ang pumasok

"Sir may I excuse Ms. Reyes" sabay tingin sakin

"Why?" Huh? Diba alam niya na may practice kami

"Mag sisimula na po ang practice namin ang I need her" ngayon sila naman ang nagkatinginan at feeling ko sa bawat titig nila kulang na lang may lumabas na kuryente sa pagitan nilang dalawa

"You need her?"

"May problema po ba dun Sir" di pa din nila inaalis ang titig nila sa bawat isa

"Wala" sabi niya bago tumingin sakin " Ms. Reyes you're excuse" tumayo na ako at umalis di ako makatingin sa kaniya kinakabahan na ewan ko, tumingin naman ako kay Amy at nag sign siya na text text na lang tumango ako

Nakalabas na kami ng room

"Anong problema ni Sir?" Takang tanong niya

"Ewan eh ikaw anong problema nyo? Sama ng tingin nyo sa isa't isa ah" ngumisi lang siya at umiling

Isa pa to magulo din

Hay buong araw di ko makikita si Luiz.. T-teka ano bang iniisip ko HALA! Nahawa nadin ata ako sa kanila

"Earth to Ricca" nagulat na lang ako nang mag snap ng finger si David

"B-bakit?"

"Lumilipad yang isip mo nandito na tayo at kanina pa kitang tinatawag nakatulala ka"

"Ay sorry naman tara na"

"Great nandito na kayo" bumungad agad samin si Ms. Violet

"Okay sabi nila kahit anong kanta daw pwede kaya ang napili namin ay yung babagay sa inyo so eto yung kanta at pag-aralan nyo kung di nyo alam tono meron ako share na lang kayo ha" inabot na samin ni Ma'am yung MP3 niya at yung papel

Ano kayang kanta? Sana maganda at sana yung alam ko

* Secret Love Song (Duet)
*I Was Made For Loving You (Duet)
*PillowTalk (solo) David
*Stay (solo) Ricca

Hala! May solo papala tsaka ano yung dalawang kanta? Di ata ako familiar? Dibale may kanta naman si Ma'am papakinggan ko na lang

"Alam mo ba yung satin?" Tanong ni david sakin

"Yung duet? Hindi eh ikaw?"

"Oo at ituturo ko sayo ang tamang pagkanta kaya wag kang mag alala"

"Ahh hindi ako na nakakahiya naman tuturuan mo pa ako, kaya ko na yan"

"Partner mo nga ako diba syempre kailangan kitang turuan" ay ganun talaga dibale para mas mapadali ang pag saulo ko laking tulong madin siguro to

"Ma'am una na po muna kami sasauluhin at papakinggan namin yung kanta" sabi niya kay ma'am

"Mabuti pa nga aalis muna ako may kailangan lang akong ipasa para sa music fight natin" tumango na lang kami bilang sagot at umalis na si ma'am

"So san tayo?" Tanong ko

"Kung saan tahimik. Tara"

"Saan naman yun?"

"Basta" at hinatak na niya ako, wala na ako g nagawa kaya nag pahatak na lang ako

Napagtanto ko na sa garden ang tungo namin, oo nga no sa garden tahimik tsaka wala masyadong tao dahil mas gusto nila sa mini park nang school kung saan dun nila nilalantad ang kanilang kalandian eww

(Bitter ka teh)

(Author naman)

(Biro lang sige na balik kana)

So ngayon nandito kami sa malaking puno, maganda ang pwesto dito tahimik at walang magulo makakapag saulo nga ako nito ng mabilis.

"Maganda diba"

"Oo peaceful at walang gulo, madalas kaba dito?" Tanong ko

"Oo dito ako natambay"

"So pwede nadin ba ako makitambay dito"

"Oo naman kung ang hanap mo peaceful free to come here tsaka nandito naman ako" okay ang weird nung pahuli niyang sinabi parang may double meaning.. Ay dibale basta dito nadin ako tatambay pag ayoko ng ingay at pag gusto kong takasan sina amy dito ako pupunta

"Anong gusto mong unahin natin?"

"Kahit ano parehas ko naman hindi alam yung sa duet eh" natawa kami pareho sa sinabi ko

"Sige ako na pipili kawawa ka naman"

"Ay grabe siya oh" at natawa nanaman kami, hindi pala siya suplado sa inaakala ko mabait siya muka lang masungit kasi laging nakasimangot kung palagi bang nakangiti siya eh madaming babaeng mag kakagusto sa kaniya at lalapitan siya

"Oh" inabot niya sakin yung MP3 at nag share kami ng earphone at nagsimula na kaming makinig.

LUIZ/KRISTIAN POV

Ano kayang ginagawa niya? Dalawang period ko siyang hindi na kita mukang excuse siya sa lahat ng klase

Kasama nanaman niya yung David at alam kong may gusto siya kay Gail, pano ko nalaman? Simple lang lalaki ako at alam ko mga titig ni david kay gail ay may meaning na may nararamdaman na siya sa kaniya

Hindi naman mahirap mahalin si Gail hindi dahil sa maganda siya oh ano dahil sa ugali niya

Kahit sino atang babae ang itapat mo sakin si Gail at si Gail lang ang hahanapin ko.

Ano bang pinag sasabi ko! Kung ano ano na lang lumalabas sa bibig ko

Pagod lang ako pagod

Pero hindi padin maiiaalis sakin na nag aalala ako sa kaniya dahil... Gusto ko na ata siya

....Mali gusto ko na siya

------

Hi readers~

Mabagal po akong mag update kasi yung iba pang real life yung ibang linya 😂 chos~ pero minsan talaga nakakalimutan ko lang mag update so sana maintindihan nyo :)

Thanks sa mga nag babasa love you guys!! muah :*

My Husband Is A TeacherWhere stories live. Discover now