CH 18 "Music Fight"

3.2K 81 5
                                    

Hi readers bagal ba ni author mag UD?

Sabi ko nga oo sorry ha si author kasi nawalan ng phone tas medyo busy pa ako sa studies ko
Pero nag tinatry ko naman ang best ko para makapag update agad sadyang epal lang ang phone ko at wifi kaya di ako makapag ud sorry guys :(

Author lovesyou kaya mag UD ako ng mag UD

-------

Grabe hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano basta ang alam ko sabi ni Ma'am samin ay magaling kami at kami daw ang mananalo sa Music Fight pero bakit ganun hindi parin talaga ako makuntento.. Para bang may kulang

Hala ewan! Ano bayan nababaliw na ako

Nandito kami ngayon sa school na kakalabanin namin at ang daming tao!

Ang daming manonood kinakabahan lalo ako naiisip ko na baka magkamali ako o kaya madulas nakakahiya yun

"HOY BES! Umayos ka nga" sabi sakin ni amy at inalog alog pa ako

"Pano ako kakalma! Eh ang daming tao bes tignan mo oh ang daming tao at ibig sabihin madaming manonood! Pano kung.. Pano kung--"

"Shhhh!! Bes diba nga bawal nega! Isipin mo kami yung kinakantahan mo isipin mo walang taong nanonood sayo diba"

"Eh bes naman parang hindi ko yata kaya balik na tayo" papatalikod na sana ako ng higitin ako ni amy

"Ang OA mo bes tsaka tumigil ka nga ikaw pa! Kaya mo yan tsaka mga schoolmates natin manonood sayo kaya dapat galingan mo"

"Eh bes"

"Isa wag kang mag isip ng kung ano ano ha tsaka ano kaba manonood din sayo yung asawa mo"

"HOY! Bes ano kaba wag kang maingay" aba at ang luka kinilig pa kaloka

Dumiretso na kami sa music room nila at nandun na sina david

"You look great" salubong sakin ni david

"Bolero"

"Nagsasabi lang ng totoo, by the way ready kana ba?"

"Sa totoo lang... Hindi eh parang ayoko na backout na ako"

"You'll be fine nandito naman ako" ahhh! Pwede nang kiligin, ano ba Ricca umayos ka nga

"Ehem nakakahiya naman sa inyo parang wala ako eh" natawa nalang kami sa sinabi ni Amy

----

Ilan minutes na lang at mag start na!! Lalo akong kinakabahan

Keep it together Ricca kaya natin to FIGHTING!

"Bes muka kang ewan kinakausap mo sarili mo"

"Eh bes kinakabahan talaga ako ewan koba kahit na nakakanta na ako sa madaming tao kinakabahan padin ako"

"Kaya mo yan nandito kami, si David siya bahala sayo kaya nyo yan" supportive talaga ang bestfriend ko kaya im lucky to have her

"Oh bes labas muna ako ha hanapin ko pa yung dalawang ugok baka maligaw shunga pa naman yun" natawa ako sa sinabi niya

"Ang hard mo dun sa kambal bes ikaw ha baka nakakalimutan mo isa dun type mo" sabay pabirong kurot sa tagiliran niya

"Ano ba bes ang keme mo jan kana nga" umalis na siya sinilip ko siya hanggang makalabas na siya ng back stage

Pabalik na ako sa room ko nang may tumawag sakin

"Gail.." Hindi ako pwedeng magkamali alam ko kung kaninong boses yun

Lumingon ako at to my surprise its him manonood siya? Ano kaba Ricca malamang teacher siya sa school nyo dapat lang siya manood

"Uhm.. Umm m-manonood kapala" stupid malamang manonood yan

"Yeah lahat ng teachers manonood pati mga students susuportahan kayo" kaya pala madaming tao pero ibig sabihin madaming manonood samin lalo akong kinabahan

Pansin kong napatingin siya sa kamay ko kaya napatingin din ako sa kamay ko at nanginginig ako dahil sa kaba

Tinago ko naman ang kamay ko sa likod mukang napansin niya yun

"You're nervous" hindi ako makatingin sa mata niya dahil tuwing nakatingin siya sakin feeling ko natutunaw ako

Nanlaki ang mata ko hindi ko inaasahan na bigla niyang kinuha yung kamay ko

"Look at me gail inhale and exhale" sinunod ko ang sinabi niya medyo okay na nagiging normal na heartbeat ko

"Yan ganyan nga, sige una na ako sayo just keep in mind na everything will be okay" sabi niya at nginitian ako

Akala ko tapos na, akala ko aalis na siya pero hindi ko inaasahan na halikan niya ako sa...

Noo..

Umalis na siya pero eto ako iwan nakatulala, natauhan ako ng tumingin ako sa paligid buti walang tao nakahinga naman ako ng maluwag nun

"Ricca" lumingon ako sa tumawag sakin its Cedric kasamahan namin

"Bakit?"

"Mag ready kana malapit nang mag start ang program natin" nag nid na lang ako at nag punta ma sa naka asign na room

May tao dun at sa tingin ko siya yung mag aayos sakin

"Hi" binati niya ako at nag smile ako sa kaniya

"Let's start" nag nod ako

"Umm ate pwede light make up lang po?"

"Don't worry sa ganda mong yan kahit walang makeup okay na, tsaka may naka asign na kung anong makeup mo at sisiguraduhin ko na ikaw ang pinaka bongga dun" napa ngiti ako sa sinabi ni ate

----
Readers

Suggest kayo ng song na pang duet at pang solo

Pipili po ako sa i susugest nyo ^^

Salamat kung sino tutulong love you guys

My Husband Is A TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon