GENTLEMAN Series 10: Jorge Fe...

By dehittaileen

1.6M 35.8K 2.8K

GENTLEMAN series 10: Jorge Felipe Dioann life is like a piece of crumpled paper. Magulo at gusot gusot. She... More

GENTLEMAN Series 10: Jorge Felipe
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Epilogue
Not an Update
Special Chapter

Chapter Nineteen

32.6K 786 50
By dehittaileen

She scooped her soup when onie asked once again. "Mommy, bakit hindi na po napunta si Mr. Jorge dito?"He innocently asked.

May lamang hotdog waffle ang bibig nito. "Onie, what i told you? Don't talk when your mouth is full. Baka mabulunan ka." Mabilis nitong nginuya ang kinakain bago humarap muli sa kanya. "Hindi niyo naman po kasi sinagot yung tanong ko."

Uminom siya ng tubig at saka hinawakan ang palad nito. "Baby.. Baka busy si Mr. Jorge kaya hindi siya nakakadalaw dito." Malumanay na sabi niya sa bata.

"But he promised me na ipapasyal niya ako dito." Napabugtong hininga nalang siya. Ang huling pagkikita nila ng binata ay noong ihatid siya nito mula sa opisina ni Attorney Rosales. Simula noon ay di na ito nagpakita sa kanya.

Well, pabor siya doon dahil hanggang ngayon ay nahihiya pa rin siya dito. "C'mon baby.. Finish your breakfast. Diba sasama ka kay mommy maggrocery? Wala si auntie today dahil pumunta siya sa mga amigas niya."

"Amigas? Di po ba may mga amigas din siya doon sa atin?" Ang tinutukoy niya ay doon sa Manitoba.

Natutuwang ginulo niya ang buhok nito. "Anak.. Yung mga amigas niya dito. Iyon yung hindi na niya nakakasama ng matagal. Like di na niya nakakabonding palagi." Paliwanag niya sa paslit

Tumango tango ito na tila nauunawaan ang lahat. Pagkatapos nitong kumain ay mabilis itong naligo. At ganun din ang ginawa niya. First time ni Onie dito sa pilipinas kaya lulubusin niya ang pagkakataong maipasyal ito.

Sa susunod na Summer ay pasukan na. Inayos niya ang pagkakahawi ng buhok nito at saka sabay silang lumabas ng Condo.

Onie seems so happy. Pagkarating nila sa Mall ay nagyaya agad itong pumunta sa arcade. Sinubukan nito ang lahat ng games na maibigan nito. Kaya naman tuwang tuwa ito na marami silang nakuhang tickets.

Isang di kalakihang Bunny Bear ang ipinagpalit nito sa tickets na nakuha. Saka iniabot sa kanya. "Mommy.. Sa inyo nalang po si Saviour." Namapamulagat siya sa sinabi ng anak.

"H-Ha? Para sayo yan. Bakit mo binibigay sakin?" Nagtatakang tanong niya.

"Para po hindi na kayo iiyak. May magtatanggol na po sa inyo kapag wala ako." For a six years old kid. Paano nito nagagawang sabihin ang mga ganoong bagay na dapat ay ang mga gaya niyang matatanda ang nakakapagisip. Mahigpit niya itong niyakap. She is never too late.

"I love you mommy... " Sabay halik nito sa pisngi niya.

"Dioann?" She is about to kiss her son when she heard her name.

Isang babaing may hanggang balikat na buhok at maputi ang nakita niya. Sopistikada at mukhang may sinabi sa buhay. Akmang kukunot ang noo niya ng makita niya ang maluwang na ngiti sa mga labi nito. "P-Patrice?"

Tumango ito at tila batang naglulundag sa tuwa. "My God! Finally nagkita na rin tayo!" Miski siya ay nagulat din. Gumanti siya sa mahigpit nitong yakap. "Kamusta kana? Ang tagal nating hindi nagkita. Bigla ka nalang nawala noong Graduation party natin."

Hindi niya alam kung ngingiti pa ba siya o ano. Sa huli ay mas pinili niyang magpanggap na okay siya. Dahil nasa harapan nila si Onie. Walang masamang pwedeng marinig ang anak niya. "Anak ko nga pala. Si Onie." Pagpapakilala niya. "Onie siya si Tita Patrice. Classmate at best friend ni mommy." Magiliw na ngumiti ito sa kaibigan niya.

"Hello po tita Patrice. vous êtes si beau." You're so beautiful .

Napatulala si Patrice. Sabay halik sa pisngi ng bata. "May accent. Foreigner?" Tanong nito.

Umiling siya. "Sa Manitoba siya lumaki kaya ganoon." Sagot niya. "Ikaw kamusta kana. Mas maganda ka yata ngayon." Tumatawang sabi niya.

Namula ang pisngi nito. "Mas maganda ka parin sakin. Lamang ka parin ng dalawang paligo." Natawa siya sa biro nito.

Inakay sila nito paupo sa bench na naroroon. "May anak na rin ako. She's five." Sagot nito.

Nakapag asawa na pala ang kaibigan niya. "Saan na siya? Bakit di mo kasama?"

Nagkibit balikat ito. "Nasa San Agustin siya." Ibig sabihin kababayan nila ang napangasawa nito. "Araw nila ngayon ng daddy niya. Kaya andun siya sa Ex husband ko." Sagot nito.

Tumango tango siya. Bumaling ito kay Onie. "I'm sure kapag nakilala mo ang anak ko. Magkakasundo kayong dalawa." Nakangiting sabi ni Patrice. Bumaling naman ito sa kanya at saka pabulong na nagtanong. "Ikaw? Nasaan ang asawa mo? Kayo lang ba ang narito sa pilipinas?"

Halos masamid siya sa sariling laway. Paano nga ba niya sasagutin ang tanong nito? Kusang bumuka ang bibig niya. "W-Wala na siya... "

Bumalatay ang lungkot sa mukha ng kaibigan niya. "Oh! I'm sorry to hear that. Anyway, may balita nga pala ako tungkol kay Neil."

Mabilis siyang napalingon dito. Si Neil ay ipinakulong niya noon matapos itong magtangkang gahasain siya. "A-Anong tungkol sa kanya?"

Ginapgap ni Patrice ang palad niya. "Patay na siya. Two years ago. Namatay siya sa rambol sa loob ng bilibib. Nasaksak ng kapwa niya preso."

Natigilan siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Nakapagbayad na pala si Neil sa ginawa nito s akanya. "Pero bago siya namatay ay nakausap ko pa siya. Ang sabi niya, mahal na mahal ka lang daw niya kaya niya nagawa iyon at sana ay patawarin mo na daw siya."

Hindi niya namalayang may luha na palang pumatak sa mga mata niya. Nakakabulag pala talaga ang sobrang pagmamahal. She blinked and look away. "Kung nasaan man siya ngayon, napatawad ko na siya." Matagal na...





To be continued...




--------

Hindi ko kayo matiis..

Jesus Christ Died for us...

#BlessedHolyGoodFriday

Continue Reading

You'll Also Like

32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
1.5M 43.2K 55
Na kay Keith Rivero na ang lahat. Bukod sa good looks at successful career, mukha rin siyang walang problema sa buhay. But the truth was he had a dar...
19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...
388K 11K 37
"I love being wed to you. Having the one person with whom you want to spend your entire life is wonderful... Nothing outside of us can change what is...