Mi Amore Series#1 My Mute Maid

By jaysanj

1.9M 64.9K 17K

Putek naman si Mama! kukuha na nga lang ng maid yung pipe pa! - Left Yumi Kyo GirlxGirl story More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue

Chapter 40

32.7K 1K 438
By jaysanj


Left's POV

Kausap ko ngayon si Ate Yani, sinabi ko sa kanya na nakausap ko na ang mga magulang ko tungkol samin ni maid at sinabi ko din sa kanya na kami na. Nung una tuwang tuwa sya pero nung malaman nya ang pwedeng gawin samin ni lolo ay nanahimik sya. 

Na-meet nya na kasi si lolo nung minsan na napunta sila sa Japan ni Kuya para dalawin si lolo. Masasabi nga nyang galit na galit ang lolo sa mga gays dahil sinabihan sya ni kuya na wag babanggitin na isang Bisexual sya dahil paghihiwalayin daw sila ni Kuya kapag nalaman ni lolo. Iisipin ni lolo na mangyayari din ang nangyari sa kanila ni lola.

Nakakatakot din daw ang itsura ni lolo nung nakakausap nila ito. Parang pinagdududahan pa sya at grabe daw ang mga tanong sa kanya ni lolo, lahat inaalam. Nagpapasalamat nga daw sya na hindi nya nasabi ang pagiging Bisexual nya kundi hindi sila maikakasal. Pero kahit masagot daw ni Ate Yani ang mga tanong ni lolo ay sinabihan pa din ito na hindi nya gusto si Ate Yani para kay Kuya.

"Grabe Left! ang pranka ng lolo nyo sa totoo lang. Harap harapan ko talaga nya sinabi yon." sabi nya. Natatawa naman ako sa itsura nya dahil badtrip na badtrip sya sa lolo namin. "Mabuti na lang tatlong araw lang kami don. Ang hirap tiis ang lolo ninyo."

"Seryoso talaga si lolo kaya minsan ayaw din namin na nandito sya o pupuntahan namin sya sa Japan. Palagi na dapat na susunod ang mga gusto nya at ayaw nya ng maingay. Alam mo naman kami kapag nagkakasama na magkakapatid parang isang taong hindi nagkita sa sobrang ingay lalo na yung triplets at si Leaf kaya palagi kami napapagalitan non eh." sabi ko. Nailing sya.

"Paano yan? nasabi sakin ni History na uuwi ang lolo ninyo ngayong buwan." sabi nya na ikinagulat ko.

"Seryoso?!" mygod! hindi pa ako ready! takte kakaumpisa palang namin ni maid may problema agad yung malala pa.

"Yes. Kakasabi lang sabi ni History kanina." sabi nya at napabuntong hininga. "Masaklap lang ay nandon din ako sa oras na dumating sya. Putek, kinakabahan ako."

"Paano naman ako 'no?" sabi ko. Napapikit ako sa sobrang kaba na nararamdaman ko pagdumating na si lolo.

Oo sinabi kong pro-protektahan ko si maid kay lolo pero hindi ko naman inaasahan na ganito kabilis na mangyayari kapag dumating na sya. Ni hindi ko pa nga alam kung paanong paraan ko sya mapro-protektahan dahil hindi ko alam kung paano maglaro si lolo. Walang masyadong detalye ang sinabi sakin paano sinaktan ni lolo si Mommy Elizabeth kaya hindi ko alam kung ano gagawin ni lolo kay maid kung sakaling malaman nya. Naman oh.

"Hey girls." napatingin kami ni Ate Yani kay Mama.

"Ma, darating si lolo ngayong buwan, totoo ba yon?" tanong ko. Napalitan ang nakangiting mukha ni Mama sa pag-aalala.

"Oo kaya mag-ingat kayong dalawa ni Nissan pati na ikaw Yani. Sigurado, papanoorin ka ni Papa lalo na ikakasal na kayo ni History." sabi ni Mama kay Ate Yani.

"Kaya po kinakabahan na ako eh." sabi nya. Niyakap sya ni Mama.

"Wag kang mag-alala nandito kami ng Papa Cyrus mo. Pro-protektahan namin kayong tatlo kay Papa." sabi ni Mama. Napangiti naman ako. "Sige na, hinahanap ka na ni History. May pupuntahan daw kayo." dagdag nya pa at kumalas sa yakap kay Ate Yani.

"Sige po. Bye Left." ngumiti ako kay Ate Yani at umalis na sya. Naiwan na lamang kami ni Mama.

"Tara, may ipapakilala ako sayo." sabi nya.

Nagtataka ako kung sino yung ipapakilala nya sakin pero sumunod na lang ako sa kanya papunta sa kotse. Mas lalo akong nagtaka dahil akala ko nandito lang sa resort, lalabas pa pala kami ng resort.

"At saan ninyo naman nahiram itong sasakyan Mama?" tanong ko. Iba kasi yung sasakyan na gamit namin sa dala nilang van.

"This car is mine baby girl." napa-pout ako nang tawagin nya na naman ako na baby girl.

"May sasakyan kayo dito?" nagtatakang tanong ko. Tumango sya. "Madalas ba kayo dito at bumili kayo ng sasakyan?"

"Once a month kung madalas na sa inyo yon."

"Weh?" nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam na napapadpad sila dito kada buwan. "Bakit hindi ninyo man lang kami sinasama?" tanong ko at sumimangot. Kahit na mayaman kami minsan lang naman kami maggala sa iba't ibang lugar.

"Busy kayo at gusto namin ng Papa mo na magkaroon kami ng time sa isa't isa." sabi nya habang nakangiti.

"Sus, kaya padami kami nang padami eh." sabi ko na ikinatawa nya.

Nanahimik kami pagkatapos non, nakatingin lang ako sa daan at dahil hindi ako familiar sa lugar ay hindi ko alam kung saan kami papunta. Ilang minuto lang tinagal namin sa byahe nang makarating kami sa isang two stories house. Bumaba si Mama kaya bumaba na din ako.

"Sinong nakatira dito?" tanong ko kay Mama habang pinagmamasdan ang bahay. Simple lang ang bahay, may garden at may terrace sa pangalawang palapag.

Hindi ako sinagot ni Mama bagkus ay pumasok sya sa loob ng bahay na pinagtaka ko kung bakit sya nakakapasok don na hindi man lang kumakatok. Siguro ine-expect na nakatira dito na darating si Mama.

Pinagmasdan ko ang buong paligid. Malinis at katulad sa labas ay simple lang ito at walang masyadong gamit. Napatingin ako sa mga picture frame na nakasabit sa pader. Nakakunot ang noo ko nung makita na puro picture ni Mama at may babae syang kasama ang nakasabit sa pader.

"Ma, kaninong bahay ito?" tanong ko.

"Bahay namin ito ni Elizabeth" sabi ni Mama na ikatingin ko sa kanya. Nakatingin sya sa isang frame na nasa sa second floor pero kita pa rin sa kinatatayuan namin. Isang napakagandang babae at nakangiti ito sa frame.

"Ang ganda nya Ma." hindi ko maiwasan mapahanga kay Mommy Elizabeth. Napatingin sakin si Mama.

"She is." nakangiting sabi nya at bumaling ulit sa frame ni Mommy Elizabeth. "Alam mo bang kung bakit weird ang mga pangalan ninyong magkakapatid?" tanong nya.

"Oo nga Ma. Bakit ba? para kasing nakuha ninyo lang mga pangalan namin kung ano unang pumasok sa isip ninyo o nakita ninyo." sabi ko. Natawa naman sya.

"Pinag-isipan yon baby girl." pinag-isipan daw. "Si Elizabeth ang nakaisip ng mga pangalan ninyo."

"Po?"

"Nung nabubuhay sya, ang gusto nyang ipangalan sa magiging anak namin ay ang mga pangalan ninyo." nakunot ang noo ko.

"Ma, parehas kayong babae. Paano kayo magkakaanak." sabi ko.

"Yung Papa mo. Nag-volunteer ang Papa mo maging sperm donor namin ni Elizabeth para magkaroon kami ng anak. Mag-bestfriend silang dalawa at gustong gusto nya kaming tulungan sa abot ng makakaya nya." sabi nya. Tumango tango ako.

Nagulat ako na hinila ako ni Mama palabas ng bahay. Napadpad kami sa likod bahay kung saan nandon ang garden. Alagang alaga ang mga halaman at bulaklak dito. 

"Ma, 'di ba sabi mo sa inyo itong bahay ni Mommy Elizabeth?" tanong ko.

"Mommy Elizabeth?" nakangiting tanong ni Mama parang tuwang tuwa sya na yun ang tinawag ko sa dating kasintahan nya.

"Sabi ni Papa yun ang itawag ko sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit iyon eh." sabi ko.

"Ang bait talaga ng Papa mo." sabi nya. "Yes, bahay namin ito ni Elizabeth. Dito ang gusto ni Elizabeth tumira noon kaya nagpatayo kami ng bahay dito. Mahilig sa dagat si Elizabeth. Makita nya lang ang dagat ay nare-relax na sya."

Lumapit si Mama sa mga bulaklak. Lumapit na din ako don at laking gulat ko na may puntod doon. Nakaukit don ang pangalan ni Mommy Elizabeth at kung kailan ang birthday nya at kamatayan nya.

"Dito ko sya ipinalibing dahil yun ang kagustuhan nya. At sya din ang dahilan kung bakit buwan buwan ay pumupunta kami dito ng Papa mo." umupo sya sa harap ng puntod. "Hey love." hinawakan nya ang puntod. "Miss na miss na kita." napaiwas ako ng tingin kay Mama na garagal na ang pagsasalita nya. Iiyak na naman sya.

"Nga pala love, meet your only daughter, Left." sabi ni Mama. Tumingin sya sakin at sinenyasan na umupo din sa tabi nya kaya sumunod ako. "Left, Mommy Elizabeth mo." nakangiting sabi nya.

Ngumiti ako sa kanya at nahihiyang bumaling sa puntod ni Mommy Elizabeth.

"Hi.." eh sa wala akong masabi eh. Natawa naman si Mama sakin.

"Love, magkaugali kayo nito alam mo ba yun? pareho kayong matigas ang ulo."

"Lah, ako lang? halos lahat kami matigas ulo 'no." depensa ko sa sarili ko. Ginulo ni Mama ang buhok ko. "Ma!" inis na sabi ko at inayos ang buhok. Napa-pout na lamang ako nang tinawanan ako ni Mama.

"Magtanong ka na, baby girl. Alam kong madami kang gustong itanong." sabi ni Mama. Umayos ako ng pagkaupo.

"Umm..si Mommy Elizabeth, mahal ninyo pa din ba sya hanggang ngayon?" tanong ko kahit sinabi ni Papa na mahal pa ni Mama si Mommy Elizabeth ay gusto ko pa din malaman iyon kay Mama.

"Hindi sya nawala sa puso ko." nakangiting sabi ni Mama habang nakatingin sa puntod ni Mommy Elizabeth. "Mahal na mahal ko sya at nagsisisi ako na hindi ko man lang sya ng protektahan kay Papa." sabi nya at naluluha na naman sya.

"Ma.." pinunasan nya ang luha nya.

"Kaya ngayon, ang hindi ko nagawa para sa kanya ay gagawin ko sayo." tumingin sya sakin. "Pro-protektahan kita kay Papa kahit anong mangyari. Saktan nya man ako uli hindi ko hahayaan na saktan ka nya. Kayong dalawa ni Nissan." sabi nya. Ngumiti ako sa kanya at niyakap sya.

"Thank you Ma." sabi ko. Medyo napanatag ako na alam kong tutulungan ako ng mga magulang ko kay lolo. Sana lang ay walang masaktan samin ng sobra sa oras na makalaban namin si lolo.

"Lagi mo lang babantayan si Nissan, baby girl. Napaka-special na tao ni Nissan na dapat ingat." sabi nya.

"Opo Ma. Hindi ko hahayaan masaktan si maid." sabi ko. Kumalas sya sa yakap.

"Bakit ba maid ang tawag mo sa kanya? hindi ba girlfriend mo sya? teka kayo nga ba?" nakataas na kilay nyang tanong. 

"Girlfriend ko po sya Ma, kahapon nya lang ako sinagot." nakangiting sabi ko. Syempre sobrang saya ko na girlfriend ko na si maid. "Tsaka nasanay na kasi akong itawag sa kanya ng maid kaya yun." ni minsan siguro hindi ko pa natatawag sa pangalan si maid.

"Palitan mo na yung tawag mo sa kanya. Oo, maid mo pa rin sya pero girlfriend mo na sya. Ang panget naman kung maging mag-asawa kayo ay maid pa rin ang tawag mo sa kanya." sabi ni Mama.

"Ihh sa wala akong maisip eh." sabi ko. "Ma, kung mahal nyo pa din si Mommy Elizabeth eh paano si Papa?"

"Mahal ko din Papa mo ano ka ba? magkakaanak ba kami ng madami kung hindi?" natatawang sabi nya.

"Maharot kayo eh." nakatanggap ako ng paltok sa ulo. "Ma, masakit yun ah!" inirapan nya lang ako.

"Ang bibig mo ah." sabi nya.

"Totoo naman eh." bulong ko.

"Ano sabi mo?" mataray na sabi nya.

"Wala po" sabi ko. "Iniisip ko tuloy kung ganyan din kayo ni Mommy Elizabeth."

"Hah! kung alam mo lang." nakangiting pilyang sabi ni Mama. Mukhang mas malala pa sila ni Mommy Elizabeth kaysa sa kanila ni Papa. Ngiti palang eh.

"Mama, may alam ba kayo kung paano pinahirapan ni lolo si Mommy Elizabeth? I mean kasi gusto ko lang maging handa."

"Hmm..bukod sa pagbubugbog sa kanya ng mga tauhan ni Papa..ni-rape din nila si Elizabeth."

"Ni-nirape?" hindi makapaniwalang tanong ko. Napatingin ako sa puntod ni Mommy Elizabeth. "Pero hindi ninyo lang po ba sila kinasuhan? hindi tama yung ginawa nila!" kumukulo ang dugo ko dahil sa ginawa nila kay Mommy Elizabeth. Hindi nila dapat yon ginawa sa kanya.

"Gusto din namin kaso hindi namin kilala ko sino ang gumawa non kay Elizabeth. Kinasuhan din namin si Papa sa pag-uutos nya sa mga tauhan nyang saktan si Elizabeth pero masyadong matigas si Papa, sinasabi nyang hindi sya ang nag-utos non at wala kaming ebidensya na sya nga ang may utos. Malinis kung gumawa ng mali si Papa kaya wala kaming laban sa kanya non." sabi ni Mama. Napahilamos ako ng palad.

"Bakit ganon si lolo?"

"Nasaktan lang ang lolo mo dahil sa pag-iwan sa kanya ni Mama." sagot ni Mama.

"Pero hindi tama yung ginawa nya! Pinatay nya si Mommy Elizabeth!" alam kong mahirap tanggapin na iniwan sya ng taong mahal nya pero hindi yon sapat para sirain ang kasiyahan ng anak nya ng dahil sa isang gay si Mama at iniwan sya ng mahal nya at pinagpalit sa kapwa nya babae. Nakapatay sya ng tao dahil sa kasakiman nya!

"Nangyari na ang nangyari, anak at ayoko ulit mangyari yon." niyakap ako ni Mama na mahigpit. Napayukom ang mga palad ko.


Kinahapunan ay paalis na kami pabalik sa Manila. Sila Mama ay may dalawang araw pa sa pag-stay dito kaya mauuna kaming umuwi sa kanila. At dahil wala si Ms. Dani, si Veron ang naka-assign saming lahat. Kahit loko loko yan pero responsable naman yan kaya sya napili ni Ms. Dani na magbantay samin.

"Wala na bang naiwan? aalis na tayo para hindi tayo abutin ng madaling araw." sabi nya sa unahan.

"Wala na siguro." sabi ni Lyrin.

"Okay, kuya alis na po tayo." sabi ni Veron kay Manong Driver. Bumalik sa pwesto si Veron kung saan nasa pinakadulo.

Tumingin ako kay maid na nakatingin sa labas. Hinawakan ko ang kamay nya. Napatingin sya sakin at ngumiti. Sa araw na ito hindi na din nakita ni maid yung taong kinatatakutan nya. Wala naman nangyari hindi maganda sa kanya kaya masasabi ko na hindi na sya nakita yung taong yon at mabuti na yon dahil makakaalis kami sa lugar na ito na hindi nya mahahawakan si maid.

Sumandal sa balikat ko si maid. Pinaglaruan ko ang kamay ni maid katulad na madalas kong gawin. Tahimik kaming lahat sa bus dahil sa sobrang pagod na nangyari samin sa araw na ito. Pero sa araw na ito ay hindi ko nasolo si maid dahil si Kris ang nakapagsolo sa kanya ngayong araw. Ayoko sana pumayag kaso mapilit si maid at gusto din nya makausap si Kris tungkol samin. Alam naman natin na nililigawan ni Kris si maid pero dahil sinagot na ako ni maid, kailangan nya ng tumigil pero putek alam nyo kung ano sagot nya sakin pagkabalik nila ni maid?

"Wala akong paki kung kayo na. Liligawan ko pa din si Nissan at baka sakaling magbago isip nya at hiwalayin ka nya."

Walangya hindi ba?! nakakabwisit, ayaw magpatalo, kita nyang ako na sinagot ni maid ayaw pa din tumigil. Tigas din ng bungo ng isang yon eh as if naman magbago isip ni maid.

After ng ilang oras na byahe namin pauwi sa Manila, nakarating na din kami sa bahay. Pagod na pagod akong naupo sa sofa. Si Kris dumiretso sa kwarto nya habang si maid naman pumunta sa kusina. Tumunog bigla ang cellphone ko kaya sinagot ko yung tawag. Unknown number pero baka emergency kaya sinagot ko pa din.

"Konbanwa Left". nanlaki ang mga mata ko.

"Lolo." napahigpit ang pagkahawak ko sa cellphone ko. Lahat na inis ko kay lolo ay naipon na buong katawan ko.

"Pwede mo ba akong sunduin ngayon sa airport? kanina ko pa tinatawagan ang Mama mo pero hindi nya sinagot." kalmadong sabi nya pero mahahalatang mo seryoso sya.

"Nandito na po kayo sa pilipinas?" bakit parang ang bilis nya naman dumating? kanina ko lang nalaman na darating sya ngayong buwan pero hindi ko alam na ngayon yon.

"Surprise?" lahat ata ng inis ko kay lolo bigla na lang nawala at napalitan ng takot at kaba. Ramdam ko sa boses ni lolo na nakangiti ito ng nakakatakot. Napalunok ako at napapikit para pakalmahin ang sarili ko.



-----------------

Continue Reading

You'll Also Like

52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
523K 14.1K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
583K 13.4K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...